Ben Filio
Ben Filio
  • 91
  • 1 537 850
JEREMIAH 29:11 / PARA SA ATIN BA ITO?
JEREMIAH 29:11
Sinasabi sa Jeremiah 29:11 sa English Standard Version,
Jeremiah 29:11
English Standard Version
11 For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare[a] and not for evil, to give you a future and a hope
Isang napakagandang pangakong nagmula sa salita ng Dios, Tama po ba?
At ito ay madalas mo makikita mong nakasulat sa ibat ibang souvenir items. Tulad ng mug, unan, bumper sticker at kung anu ano pa. Gustong gusto natin ang verse na ito. Sa katunayan, ito ay pangalawa sa pinaka sinisearch na verse sa internet ayon sa Biblegateway.com. Kasunod sa John 3:16 ang number 1)
Pero me mali sa kung paano ginagamit ang verse na ito.Sapagkat hindi para sa atin ang verse na ito.
Upang ating maunawaan Ang Mga kapahayagan sa Biblia, ay kina kailangang alamin mo ang buong kontexto nito at hindi lamang Ang isang verse Ang pagtutuunan mo ng pansin. Kailangan mong alamin Ang dalawang bagay na ito. Para kangino ito sinulat at ano Ang sitwasyon noong nasulat ito.
Ang verse na ito ay kasama sa sulat ni Propeta Jeremiah para sa mga “Exile” na mga Israelita, nung sila ay nasa ilalim pa ng pagkakabihag sa Babilonia, dahil sa kanilang pagsuway sa Dios,
At sa verse 11 ay binibigyang kasiguraduhan ng Dios Ama na hindi sila malilipol ng tulayan ng Babilonia at kinakailangan lamang silang manalangin, manalig at bumalik sa Kanya at Kanyang muling pagbubuklurin ang kanilang nagkalat na Bayan. At ito ay isang pangakong nagkaroon ng katuparan ng 150 taon sa hinaharap. Kung saan ang mga nakarinig ng pangakong ito ay wala na at ang bagong generasyon na ang nakasaksi.
Kayat kung ating susumahin, ang verse na ito ay parte ng
Isang PROKLAMASYON
Na ibinigay sa isang partikular na NASYON
Sa isang partikular na SITWASYON
Na naghayag ng RESTORASYON
Ng isang darating ng GENERASYON
At hindi ito isinulat para sa mga taong nangangako ng “HEALTH AND WEALTH” sa mundong ito (PROSPERITY GOSPEL). Kanilang binabaluktot Ang kahulugan ng verse na ito, para sa kanilang personal na layunin.
Pero totoo naman na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
Roma 8:28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
28 Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
Yan nga pala ay ang Romans 8:28. Ang pangatlong “Most Searched Verse” sa internet.
Kayat dapat nating tingnan ang mga pangakong ito kung paanong ang mga mananampalataya nuon ay tinitingnan ito. Katulad ng sinasabi sa Hebreo 11:16, hindi nila hinahangad Ang isang masaganang Lugar dito sa lupa, kundi hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.
Hebreo 11:16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Ngunit hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.
At iyan dapat ang ating hinahangad sa ating mga buhay ngayon. Ang isang walang hanggang buhay kasama Ang Dios at ienjoy Ang Kanyang presensiya Habang panahon.
Maiintindihan natin ito maigi, Kung babalikan natin ang Kontexto. Intindihing Totoo.
#AlaminAngKontexto, #Jeremiah2911, #prosperitygospel, #solascriptura, #promisetoisrael, #learnthecontext
@Ben.Filio.Production
zhlédnutí: 210

Video

ANG TAO BA AY LIKAS NA MABUTI? / ROMA 1
zhlédnutí 617Před rokem
ANG TAO BA AY LIKAS NA MABUTI? / ROMA 1 Sa ating mundo ngayon, tunay nga na ang pamumuhay ng tao ay masyadong mabilis. Katulad ng paghahanap ng information ukol sa maraming bagay ay madali mo ng makukuha dahil sa internet. Ika nga nila na ang mga information ay readily available at the tip of your fingers. Ngunit kung hindi tayo mag iingat, ay maaring ang iyong makuhang information ay mali na n...
ANO ANG PANANAMPALATAYA?
zhlédnutí 1KPřed rokem
SPOKEN BIBLE VERSE: HEBREO 11 Sa ating huling video, ANO ANG MAKAPAGLILIGTAS SA TAO: PANANAMPALATAYA O GAWA?, ay ating nalaman na ang Pananampalataya na biyaya ng Dios ang siyang makakapagligtas sa tao mula sa Kanyang galit, at hindi ang kanyang mga gawa. At ito po ay maliwanag na naihiyag sa mga Taga Efeso 2:8-9 Efeso 2:8-9 8 Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya...
ANO ANG MAKAPAGLILIGTAS SA TAO? / PANANAMPALATAYA O MABUBUTING GAWA?
zhlédnutí 5KPřed rokem
Naitanong mo na ba sa iyong sarili, ano ba talaga ang makapagliligtas sa tao ayon sa biblia? Sa pamamagitan ba ng pananampalataya lamang? O sa mabubuting gawa lamang? O kaya ay sa magkasamang pananampalataya at mabubuting gawa? Ito po ang mga katanungang madalas nating naririnig mula sa mga nagsasabing mananampalataya ni hesu kristo, na nagbibigay ng kalituhan sa kanila na kailangan mabigyan ng...
HUWAG KANG HUMATOL?
zhlédnutí 1,2KPřed rokem
Marami ang mga nagtatanong, na sa mundo natin ngayon, bilang mga mananampalataya ni Hesu Kristo, paano natin ipapahayag o sasabihin ang mga maling gawa o pagkakasala ng ating mga kapatid kung sinabi ni Hesu Kristo na “Huwag humatol upang hindi kayo mahatulan.”?. Well isang magandang katanungan. Ngayon, ang tanong, SA BIBLIA BA AY SINABI TALAGA ITO NI HESU KRISTO? OPO Kanya itong sinabi sa Mateo...
PAGDURUSA BILANG CRISTIANO! / SPOKEN BIBLE VERSE: 1 PEDRO 4
zhlédnutí 1,6KPřed rokem
SPOKEN BIBLE VERSE: I PEDRO 4 Marami ang mga katuruan ngayon sa mundo ang masasabi nating malayo sa katotohanang isinasaad ng Biblia. Na ang mga ito ay nagpapanggap lamang na isang “Christian Teaching”, pero in reality ay inililigaw tayo mula sa tunay na ipinahahayag ni Hesu Kristo. Katulad na lamang ng lumalaganap ng “HEALTH AND WEALTH TEACHING” o ang tinatawag ng “PROSPERITY GOSPEL”. Na kanil...
ANG DIOS ANG AKING TANGGULAN SA PANAHON NG KAPIGHATIAN ! / SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 56
zhlédnutí 1,4KPřed rokem
SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 56 Naranasan mo na ba, na habang ikaw ay lumalakad sa liwanag at katuwiran ni Hesu Kristo, ay marami ang mga taong kumalaban sa yo? Na patuloy ka nilang inaapi at niyuyurakan. At ang kanilang galit sa yo ay hindi mo maunawaan. Na sa pagsusumikap mong sundin ang mga kautusan at tagubilin ni Hesu Kristo na mamumuhay sa katuwiran, ay mas lalong sumisidhi ang kanilang g...
PAGDURUSA DAHIL SA PAGGAWA NG MABUTI / SPOKEN BIBLE VERSE 1 PEDRO 3:8-22
zhlédnutí 2,8KPřed 2 lety
SPOKEN BIBLE VERSE 1 PEDRO 3:8-22 Marami tayong mga bagay na hinaharap sa mundo at nararapat nating harapin ito ng may pananampalataya na ang Dios ang Makapangyarihan sa lahat at ang nagtalaga ng lahat ng mga bagay sa mulat mula pa. At dahil dito, ang ating mga kalooban ay mayroong kapayapaan sa Kanya na di natin kailaman maipapaliwanag. Sapagkat ating nalalaman, na ang “Diyos ay gumagawa sa ik...
PAANO HAHARAPIN ANG PAGKABALISA? / SPOKEN BIBLE VERSE : MGA AWIT 37
zhlédnutí 2,7KPřed 2 lety
SPOKE BIBLE VERSE: MGA AWIT 37 Sa ating panahon ngayon, napakadaling mabalisa dahil sa masasamang nangyayari sa ating kapaligiran. Dumadating pa nga ang panahon na tayo ay naiinggit at nananaghili sa mga masasama ang gawa. Kapag ang ganitong mga panahon ay dumadating sa ating mga buhay, pinanghihinaan tayo ng loob. At madalas ay nagmumukmok tayo sa isang sulok at sinusubukang umahon sa sarili n...
ANO ANG FREE WILL? / ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA AKING KALIGTASAN?
zhlédnutí 2,5KPřed 2 lety
ANO ANG FREE WILL? / ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA ATING KALIGTASAN? Ano ang free will? Ano ang tunay na kahulugan nito? At ano ang kaugnayan nito sa aking kaligtasan? Ang mga katunungang ito ay tunay na malalim. At ito ay isa sa mga mabigat na pinag uusapan ng mga Theological Scholars sa buong mundo. Lalong lalo na sa usapin ng kaligtasan ng tao. Sa videong ito ay ating tatalakayin ang mga iba’t i...
SA PANAHON NGAYON: KINAKAUSAP BA TAYO NG DIOS SA PANAGINIP AT PANGITAIN?
zhlédnutí 1,6KPřed 2 lety
SA PANAHON NGAYON: KINAKAUSAP BA TAYO NG DIOS SA PANAGINIP AT PANGITAIN? Sa ating panahon ngayon, ay napakarami mong maririnig na mga kahayagan mula sa ibat ibang tao na ayon sa kanila ay “Sinabi daw sa kanila ng Dios mismo ang ganito at ganyang mga bagay.” At ito ay kadalasang dumadating sa kanila sa isang panaginip, pangitain, o kaya “spiritual inspiration” na kanilang nadarama. Na ang mga re...
ANG PAGHAHARI NG KASAMAAN SA MUNDO / SPOKEN BIBLE VERSE :MGA AWIT 73
zhlédnutí 3,9KPřed 2 lety
SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 73 Sa ating mundo ngayon, ang isang mananampalatayang patuloy na lumalakad sa liwanag ni Hesu Kristo at nagsusumikap maging matuwid, ay nakakaranas ng Kapighatiang at kahirapan sa mga masasamang tao ng mundong ito. At ito ay dahil sa ating pagnanais na sundin sundin ang halimbawa at utos ni Hesu Kristo na maging mapag mahal sa ating kapwa gaya ng ating pagmamahal sa...
KASAMAAN SA MGA HULING ARAW / SPOKEN BIBLE VERSE: 2 TIMOTEO 3
zhlédnutí 5KPřed 2 lety
KASAMAAN SA MGA HULING ARAW / SPOKEN BIBLE VERSE: 2 TIMOTEO 3
SI HESU KRISTO: DIOS O TAO? / SAAN HINAYAG NI HESU KRISTO NA SIYA AY DIOS?
zhlédnutí 2,2KPřed 2 lety
SI HESU KRISTO: DIOS O TAO? / SAAN HINAYAG NI HESU KRISTO NA SIYA AY DIOS?
ANO ANG SABBATH ? / BAKIT LINGGO NAGTITIPON ANG MGA KRISTIYANO?
zhlédnutí 9KPřed 2 lety
ANO ANG SABBATH ? / BAKIT LINGGO NAGTITIPON ANG MGA KRISTIYANO?
BABALA: MGA KAHIRAPAN AT PAG-UUSIG NA DARATING: MATEO 24:3-51
zhlédnutí 2,4KPřed 2 lety
BABALA: MGA KAHIRAPAN AT PAG-UUSIG NA DARATING: MATEO 24:3-51
PANGINOON NG SABBATH / ARAW NG PAMAMAHINGA
zhlédnutí 1,8KPřed 2 lety
PANGINOON NG SABBATH / ARAW NG PAMAMAHINGA
BABALA PARA SA MGA HULING ARAW MULA SA BIBLIA: SPOKEN BIBLE VERSE - 2TESALONICA 2
zhlédnutí 7KPřed 2 lety
BABALA PARA SA MGA HULING ARAW MULA SA BIBLIA: SPOKEN BIBLE VERSE - 2TESALONICA 2
God Of All My Days (Casting Crowns) - A Cover Version by Ben Filio
zhlédnutí 1,4KPřed 2 lety
God Of All My Days (Casting Crowns) - A Cover Version by Ben Filio
ANG PAG-AARING GANAP NG TAO AYON SA BIBLIA: SPOKEN BIBLE VERSE ROMANS 5
zhlédnutí 1,2KPřed 2 lety
ANG PAG-AARING GANAP NG TAO AYON SA BIBLIA: SPOKEN BIBLE VERSE ROMANS 5
NEW YEARS RESOLUTION: DAPAT BANG GUMAWA NITO ANG MGA KRISTIANO?
zhlédnutí 1,3KPřed 2 lety
NEW YEARS RESOLUTION: DAPAT BANG GUMAWA NITO ANG MGA KRISTIANO?
ANG KAPANGANAKAN NI HESU KRISTO: 5 BAGAY NA DAPAT MONG MAUNAWAAN
zhlédnutí 3KPřed 2 lety
ANG KAPANGANAKAN NI HESU KRISTO: 5 BAGAY NA DAPAT MONG MAUNAWAAN
KAUTUSAN O PANANAMPALATAYA / PAGPAPAWALANG BISA NG SUMPA NG KAUTUSAN SA BAGONG TIPAN : GALACIA 2 - 3
zhlédnutí 4KPřed 2 lety
KAUTUSAN O PANANAMPALATAYA / PAGPAPAWALANG BISA NG SUMPA NG KAUTUSAN SA BAGONG TIPAN : GALACIA 2 - 3
PARA SA AKIN BA ITO?: JEREMIAH 29:11
zhlédnutí 12KPřed 2 lety
PARA SA AKIN BA ITO?: JEREMIAH 29:11
ANG GANAP NA PAMUMUHAY KAY KRISTO AYON SA BIBLIA: COLOSAS 2
zhlédnutí 1,9KPřed 2 lety
ANG GANAP NA PAMUMUHAY KAY KRISTO AYON SA BIBLIA: COLOSAS 2
SOLA SCRIPTURA: BAKIT KO PINANANALIGAN ANG BIBLIA
zhlédnutí 2,1KPřed 2 lety
SOLA SCRIPTURA: BAKIT KO PINANANALIGAN ANG BIBLIA
ANG BIBLIA AY TOTOO! DAHIL SINABI ITO NG BIBLIA!
zhlédnutí 2,6KPřed 2 lety
ANG BIBLIA AY TOTOO! DAHIL SINABI ITO NG BIBLIA!
MGA BUHAY NA SAKSI SA KALUWALHATIAN NI HESU KRISTO: 2 PETER 1
zhlédnutí 1,5KPřed 2 lety
MGA BUHAY NA SAKSI SA KALUWALHATIAN NI HESU KRISTO: 2 PETER 1
ANG PANGANGALAGA SA MGA HIRANG NG DIOS AMA / PRESERVATION OF THE SAINTS
zhlédnutí 3,4KPřed 2 lety
ANG PANGANGALAGA SA MGA HIRANG NG DIOS AMA / PRESERVATION OF THE SAINTS
ANG KATIYAKAN NG ATING KALIGTASAN AYON SA BIBLIA: JUAN 17
zhlédnutí 4,3KPřed 2 lety
ANG KATIYAKAN NG ATING KALIGTASAN AYON SA BIBLIA: JUAN 17

Komentáře

  • @yolandocarreon7156
    @yolandocarreon7156 Před 12 hodinami

    si moises kinausap sya ng Diyos sa tinig, asawa ni Poncio Pilato kinausap sya sa panaginip na'wag daw paki alaman si Jesus ksi natatakot sya sa kanyang panaginip.

  • @user-xc2pq9mu6r
    @user-xc2pq9mu6r Před 21 hodinou

    Ang tunay na pananampalataya ung ramdam mo ung pagsisisi mo na ikaw ay nagbago at nagising sa katotohanang sarap pla Gumawa ng Tama saya mong naramdaman PanginoungJesus na Ang iyong sinusundan,Amen♥️🙏

  • @teresitaortega4183
    @teresitaortega4183 Před 15 dny

    Tunay na ang Banal n espiritu ay nasa iyo nararamdaman mo iyun .sapag kusang kang iiiwas n makagawa ng kasalanan .katunayan n nasa iyo ang Banal n esiritu Purihin ang Diyos sa kanyang kabutihan Amen ❤❤❤

  • @carlestocado5818
    @carlestocado5818 Před 17 dny

    To God be the Highest Glory. In Jesus Name Amen.

  • @jundybatasin7096
    @jundybatasin7096 Před 19 dny

    Kaya maraming naliligaw s katotohanan. Mapapalad ang umaalam ng katotohanan mga kapatid.Unawain pong mabuti kung anong kautusan yung tinutukoy. Salamat po and God bless.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 19 dny

      Salamat sa pagbisita kaibigan. Si Hesu Kristo ang Katotohanan. Siya lamang ang Daan tungo sa ating Kaligtasan. He is our ETERNAL REST sa ating pagpapagal para sa kaligtasan. Our One True Sabbath. God bless

  • @Gversion2023
    @Gversion2023 Před 19 dny

    Sana mapuspos ako ng Banal na Spiritu upang magawa ko Ang kalooban ng Dios.. I want to serve God and be an instrument to share the Gospel

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 19 dny

      Purihin ang Dios sa kaitaasan. Nawa ang pagpapatnubay, paggabay at pagpapatotoo ng Banal na Espiritu ang gumabay sa iyong paglakad sa liwanag ng pag ibig ni Hesu Kristo. God bless

  • @user-kk9bo8tr8u
    @user-kk9bo8tr8u Před 20 dny

    Maraming salamat Po

  • @analynjomadiao2908
    @analynjomadiao2908 Před 22 dny

    Amen Lord!❤❤❤

  • @analynjomadiao2908
    @analynjomadiao2908 Před 22 dny

    Amen Panginoon!

  • @lisalovejapan3688
    @lisalovejapan3688 Před 27 dny

    salamat sa videona ito ❤

  • @francisaranzasu2493
    @francisaranzasu2493 Před 27 dny

    Makikiraan po, Salamat po! Nawawala nga ba ang kaligtasan? Ang gusto ng Diyos at ayaw ng diablo: Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa "Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak" kundi magkaroon ng buhay na "walang hanggan." Ang tao ay makasalanan at nakatakdang parusahan ng Diyos sa dagat-dagatang apoy magpakailan- kailanman. Parurusahan Niya ang mga tao sa kanilang kasalanan dahil Siya ay makatarungang Diyos. At bilang makasalanan, walang kakayahan ang tao para iligtas ang kanyang sarili sa poot ng Diyos, kahit ano pang kabutihan ang kanyang gawin dahil ang hahatulan at parurusahan ng Diyos sa tao ay hindi ang mabuting ginawa nila kundi ang kanilang pagiging makasalanan. Hindi rin maaalis, ni malilinis ng kabutihan ang kasalanan ng tao. Dahil dyan, alam ng Diyos na hindi kayang linisin ng tao ang kanyang puso sa karumihan ng kasalanan, anumang kabutihan ang kanyang gawin, kaya't isinugo Niya dito sa mundo ang Kanyang Anak dahil sa Kanyang pag-ibig sa mga tao upang ipaako (pinakuha, pinatubos) sa Kanyang Anak ang ang ating mga kasalanan at Siya ang pinarusahan para sa atin upang tayo'y maging matuwid sa harapan ng Diyos at maligtas. 2 Corinto 5:21; Roma 5:8-10 Dito nahayag ang Kanyang pagiging makatarungang Diyos- pinarusahan Niya ang Kanyang Anak para sa ating mga kasalanan at naipadama Niya ang Kanyang pag-ibig sa mga tao, nang isugo Niya ang Kanyang Anak upang mamatay para sa ating kasalanan, sa gayon, ang sinumang sasampalataya sa ginawang pagtubos ng Panginoong Jesus sa ating mga kasalanan ay nakabayad na sa Diyos dahil sa pambayad na ibinigay Niya sa mga tao, (Ang katawan at dugo ni Cristo) kaya't hindi na sila mapapahamak kundi nagkaroon ng buhay na walang hanggan sa kaharian ng Diyos. Juan 3:16-18 2 Corinto 5:21; Isaias 53:1-12; Roma 5:8-10 (Ang pagliligtas na ito ay hindi ang kabutihang gawa ng tao, kundi ito ay gawa ng Diyos na hindi mapaniwalaan ng iba. Isaias 53:1-12; Juan 6:28-29 kaya't bumabaling sila sa kanilang mga gawa, Mateo 7:21-23 pero balewala lang sa Diyos. Isaias 64:6) Iyan ay malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus mismo sa aklat ng Juan 3:16-18 ngunit ayaw ng diablo na ang tao'y maligtas, kundi mapahamak na kasama niya sa impiyerno, kayat marami siyang pandarayang ginagawa sa mga tao upang hindi sila sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo at maligtas. Ang unang ginagawa niya ay pinag-aalinlangan ang tao sa kakayahang magligtas ng Panginoong Jesus. Ikalawa, sa pagsasabing walang impiyerno o kaya'y sa kaisipan na kapag maliit lang ang kasalanan ng isang tao ay ilalagay sila sa pansamantalang pagdurusa sa kabilang buhay bago ilipat sa langit, ngunit sa Diyos, ang kasalanan ay kasalanan, malaki man o maliit, kaya't isa lang ang kahahantungan nilang kaparusahan at iyon ay sa dagat-dagatang apoy. Pahayag 21:8 sapagkat ang totoo, anumang kasalanan ng tao ay hindi niya kayang linisin kahit ano pa ang gawin niya. Ang ikatlo, ay pinadagdagan niya ng gawa ang pananampalataya para daw makasigurado sa kaligtasan, sang-ayon daw sa Santiago 2:17, 19-20 ngunit ang hindi nila alam ay nakakansela ang biyaya ng Diyos dahil sa kanilang gawa, kaya't hindi nila makakamtan ang kaligtasan. Roma 11:6; Roma 9:16, 30-32 Bakit hindi sila maliligtas? Kasi, sa halip na gawin nila ang gawa ng Diyos para sa kanila upang magkaroon ng buhay na walang hanggan Juan 6:28-29 ay umasa sila sa kanilang gawa para sa Diyos sa pag-aakalang papasukin sila sa kaharian ng Diyos, Mateo 7;21-23 gayung ang kaligtasan ay hindi makakamtan sa gawa Roma 11:6; Roma 9:16, 30-32; 10:1-3 kundi ito ay biyaya ng Diyos na ibinibigay Niya ng walang bayad sa mga taong makasalanan na sumampalataya sa Kanyang bugtong na Anak na si Cristo Jesus kahit siya pa ang pinakamasamang tao. Efeso 2:8-9; Roma 6:23; Pahayag 22:17; 2 Timoteo 1:7-9; Tito 3:5; Juan 3:15-16; 1 Timoteo 1:15-16 Ito ang inilalagay niya sa isipan ng mga taong ayaw sumampalataya ng buong puso sa Panginoong Jesus dahil gusto niyang makasama sila sa kaparusahang walang hanggan sa impiyerno, 'Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pag-iisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.' 2 Corinto 4:4 Ang ikaapat namang ginagawang pandaraya ng diablo ay sa mga taong nakatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Pinag-aalinlangan din niya sila sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang isipan na mawawala daw ang kanilang kaligtasang taglay kapag sila'y nagkasala, tumalikod, namusong sa Banal na Espiriru, hindi iningatan, hindi nagtiis at hindi nagpatuloy hanggang wakas. Hebreo 6:1-4; 10:38; 2 Pedro 2:20-22 Basahin ang konteksto ng 2 Pedro 2:1-22 kung: 1. Sino ang tinutukoy dito na Tagapagturo? v.1 (Bulaang guro ba o tunay na guro?) 2. May nahikayat ba silang mga tao? v.2-3 3. May pangako ba silang kalayaan sa mga tao? v. 19 4. Ano ang nangyari sa mga nahikayat nila sa bandang huli. v. 20-21; 1 Juan 2:19 5. Bakit sila nagbalik sa dati? (Sila ba'y tupa o aso't baboy?) Ngayon, sa mga nag-iisip na nawawala ang kaligtasan ay yaong mga taong nag-aakalang sila'y naligtas dahil sa gawa, kaya't kailangan nilang ingatan ito, ngunit ang totoo'y hindi nawawala ang kaligtasan sa mga taong nakatanggap nito dahil sa biyaya ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus, Efeso 2:8-9; 2 Timoteo 1:9; sapagkat hindi naman sila ang nag-iingat nito, kundi ang Diyos din mismo ang nagpapatibay at nag-iingat sa kanila hanggang wakas upang sila'y masumpungang walang kapintasan (blameless) sa araw ng Panginoon at hindi sila matisod, sa halip ay madala sa sila sa kaluwalhatian. 1 Corinto 1:8; Judas 1:24 dahil Siya ang nagsimula sa kanila ng mabuting bagay at iyon ay lulubusin Niya. Filipos 1:6 Alam naman ng mga unang kristiano, na ang biyaya ng Diyos na may dalang kaligtasan Efeso 2:8 ay nagtuturo din sa kanila na mamuhay na may pagpipigil, matuwid at banal, Tito 2:11, 12 At alam din nila na ang biyaya ay hindi lisensya para gumawa ng masama kundi sila'y lumalayo sa paggawa ng kasamaan at gumagawa ng kabutihan, 2 Timoteo 2:19 sapagkat sila'y may bago nang pagkatao dahil kay Cristo 2 Corinto 5:17 may bagong puso at may Banal na Espiritu na mananatili magpakailanman, kayat gumagawa sila ng kabutihan, hindi para maligtas, kundi dahil sila'y ligtas na. Efeso 2:8-10 Iyan ang katotohanan na kinalulugdan ng Diyos na iligtas ang mga nagsisisampalataya I Corinto 1:21 pero kung inaakala ng iba na babawiin ng Diyos ang Kanyang biyayang kaligtasan sa mga taong sumampalataya ngunit hindi nagpatuloy, hindi nagtiis hanggang wakas at nahulog sa kasalanan ay bahala sila sa kanilang paniniwala. Ngunit sa iyo na nanampalataya sa Panginoong Jesus ng buong puso ay nais kong sabihin sa 'yo na ligtas ka na sa kaparusahan ng Diyos sa iyong kasalanan dahil sa ginawang katubusan ni Cristo sa iyong kasalanan at ang kaligtasang iyon ay hindi mula sa iyo kundi mula sa biyaya (regalo, habag, awa, kaloob na walang kondisyon) ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na galing din sa Diyos. kaya't huwag ka nang mag-alinlangan pa, kundi manampalataya ka't iukol mo na ang iyong buhay sa paggawa ng kabutihan sa habang buhay, pero tulad ng sabi ko, hindi para maligtas kundi dahil ligtas ka na dahil sa biyaya ng Diyos sa iyo. Efeso 2:8-10; Tito 3:5-8 At kung magkasala ka man ay huwag kang mag-alinlangan at mag-isip na baka hindi ka maligtas sa araw ng paghuhukom dahil hindi ka iniligtas ni Cristo sa pamamagitan ng iyong mga gawa kundi sa pananampalataya mo sa Kanya, kaya't hindi ka mapapahamak dahil ang Panginoong Jesus na sinampalatayanan mo ay Siya ring tagapamagitan mo (Go between, Mediator, attorney) kapag nagkasala ka, 1 Juan 2:1-2; Hebreo 7:25 ngunit kapag namuhay ka pa rin sa kasalanan ay may consequence sa iyong katawang panlupa pero ligtas pa rin ang iyong espiritu. 1 Corinto 5:1-5; 10:32; 3:14-15 Sa aklat ng Hebreo 6:1-6 ay patungkol sa mga hindi tunay na kristiano na naliwanagan ngunit naranasan ang katotohanan ngunit sa mga tunay na kristiano ay hindi gayon ang sinabi ng may akda kundi alam niya na sila'y nasa maayos na kalagayang espiritwal. v. 9. Sa Hebreo 8:12 ay ganito naman ang mababasa: Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa. Ito ang pahayag ng Diyos sa mga tunay na kristiano dahil ang pinagbatayan Niya dito ay ang ginawang paghahandog ng Panginoong Jesus ng Kanyang sarili para sa ating mga kasalanan. Ito ang Bagong Tipan ng Diyos sa Israel, Hebreo 10:10-18 samantalang yaong tinutukoy namang sinasabing nakatanggap ng katotohanan pero nagpatuloy pa rin sa masamang gawain ay mga Judiong hindi matanggap ang ginawang pagtubos ni Cristo sa kasalanan ng tao doon sa krus ng kalbaryo at sa Kanyang banal na dugo na makapaglilinis sa kanila, kundi bumabalik sila sa Lumang Tipan ng Diyos sa kautusan ni Moises na paghahandog ng mga hayup at dugo nito para sa kanilang kasalanan. Hebreo 10:26-29 ngunit sa ating mga nanampalataya sa Panginoong Jesus ay hindi tayo kabilang sa kanila na tumatalikod kundi sa nananampalataya at sa gayon ay naliligtas. Hebreo 10:38-39 Purihin ang Diyos! Ngayon, sa mga ayaw pa ring maniwala, at iniisip nilang maaring mawala ang inaakala nilang taglay na kaligtasan ay nasa kanila na 'yon, hindi naman sila pinipilit maniwala.

  • @MarkMerculio-pu3jg
    @MarkMerculio-pu3jg Před měsícem

    Akoy napag iwana ng banal na ispirito dhil nawalan ako ng Pananampalataya 😢 nung napanood ko nag video nato nagkaroon ulit ako ng lakas at Pag asa na Bumalik ulit ang spirito ng Diyos Sakin 😇🙏❤️ At sana sa pagbabalik niya HIND kona siya masasaktan ulit 😢😢😢😇😇😇😇🙏🙏🙏🙏 Dahil siya lamang nagpapalakas Sakin 😇🙏 nung nawala siya natuyo narin ang mundo ko😢😢😢 gusto ko siyang bumalik para lumakas ako at makapagpatuloy sa Buhay 😢😇😇😇🙏🙏🙏🙏 AMEN 🙏🙏🙏🙏 Mahal na mahal po kita panginoon Tulungan mopo ako please 🙏🙏🙏🙏🙏😇😇😇😇😇😇😇

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před měsícem

      Purihin ang Dios sa kaitaasan. Ang isang mananampalatayang mayroong tunay at totoong Pananamapalatayang mula sa biyaya ng Dios ay kailanman ay di mawawalay sa kanya ang Banal na Espiritu. Sapagkat ang Banal na Espiritu ay ang ating Tatak ng biyaya ng kaligtasan ng Dios. Kung tayo man ay mawaglit at nalugmok, di sya mawawala sa atin at patuloy na magpapatotoo ng kadakilaan ng pag ibig ng Dios. Na magdadala muli sa atin sa paanan ni Hesu Kristo sa pag hingi ng kapatawaran. Sapagkat ito ay pangako ni Hesu Kristo na ang lahat ng mga ibinigay ng Dios Ama sa Kanya, ni isa ay Hindi mawawalay. Purihin ang Dios! God bless

  • @MarkMerculio-pu3jg
    @MarkMerculio-pu3jg Před měsícem

    AMEN 🙏🙏🙏 Salamat sa Makapangyarihang Diyos 😇🙏❤️

  • @bernadethvillegas5299
    @bernadethvillegas5299 Před měsícem

    Thank YOU so much father,son and Holy spirit Amen 🙏🙏🙏❤️❤️❤️

  • @user-kp1du8jy9d
    @user-kp1du8jy9d Před měsícem

    Thank you Lord amen 🙏.

  • @JuanitoS.Medina
    @JuanitoS.Medina Před měsícem

    Ang hirap sa sinasabi mong "Linggo" ay hindi sinasangayunan ng "Lumang Tipan" at wala kang mababasang ang "linggo" ay dapat na ipagpahinga ng tao, imbento ng "RCC" ang "Linggo" Sa Deut.12:32 "What thing soever I command you, observe to do it, thou shalt not add thereto, nor deminish from it."

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před měsícem

      Salamat sa pagbisita kaibigan. Si Hesu Kristo ay ang ating "Eternal Sabbath". At ang mga kapahayagan ng Lumang Tipan "points to the finished work" ni Hesu Kristo. Siya ang ating tunay na kapahingahan mula sa ating mga pagpapagal tungo sa kaligatasan. At ito ay nahayag sa buhay, kamatayan at pagkabuhay muli ni Hesu Kristo. Na nagkaroon ng kaganapan ng mabuhay Siya sa unang araw ng isang linggo na tumapos sa sumpa ng kamatayan tungo sa buhay na walang hanggan. God bless

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před měsícem

      Ang Deut 12:32 na iyong inihayag ay ang pagtatapos ng talata 12. Ang mga naunang mga bersikulo nito ay ang mga tagubilin ng Dios sa mga ISRAELITA bago nila pasukin at sakupin ang lugar na pangako sa kanila. Maliwanag na ito ay inigahayag para sa ISRAEL upang gabayan sila sa paggawa ng tagubilin ng Dios. Kayat ang tamang kontexto ng talatang ito ay: Una, ito ay mahigpit na tagubilin sa mga ISRAELITA. Pangalawa, inisa isa ang mga dapat at di dapat gawin sa pagsakop nila sa lugar ng pangako (ang Sabbath po ay Hindi nabanggit dito, at pangatlo, sa lahat ng mga tagubilin na ito na hinayag mula bersikulo 1-31para sa ISRAEL, ay na conclude sa bersikulo 32 “Anumang bagay na ipinag-uutos ko sa iyo ay siya mong gagawin; huwag mong daragdagan, ni babawasan." Ito po ang tamang kontexto at di nararapat bigyan ng ibang pangangahulugan. God bless

  • @arielgenon6839
    @arielgenon6839 Před měsícem

    Amen,god knws gods plan

  • @darmostyle
    @darmostyle Před měsícem

    Hindi totoo ang sinasabi ninyo na ang sabath ay ipinag utos sa lahat ng panahon..si adan at eva kahit sina abel at cain hanggang kay noe ay hindi sila nangilin ng sabath.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před měsícem

      Salamat sa pagbisita kaibigan. God bless

    • @theapic_ediz
      @theapic_ediz Před 7 dny

      Hindi nga Po. Pero ang Punto Po dito ay ipinag utos na ipangilin ang ika 7 araw bilang araw ng pamamahinga, Hindi ang unang araw ng sanlinggo

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 7 dny

      @theapic_ediz Salamat sa pagbisita Kaibigan. Ang Sabbath po "points us to Christ". Our "Eternal Rest" mula sa ating mga pagpapagal para sa ating kaligtasan mula sa galit ng Dios. Tayo ay may kapahingahan dahil sa finished work of Christ. Dahil sa Kanyang buhay, kamatayan at pagkabuhay na muli mula sa kamatayan, ay naisakatuparan Niya ang kaligtasan ng Kanyang mga Hirang. Si Hesu Kristo po ang kapahingahan para sa kaligtasan at hindi ang araw. Purihin ang Kanyang pangalan. God bless

    • @darmostyle
      @darmostyle Před 6 dny

      @@theapic_ediz sa panahong cristiano po ay Hindi na ipinag utos Ang sabbath..Yan ay sa panahong lang ng bayang Israel.

  • @darmostyle
    @darmostyle Před měsícem

    Ang pangingilin ng sabath ay sa israel lang ipinag utos..sa panahong kristisno ay wala na itong bisa .colosas.2:16...ang nagpapatay sa ating panginoong jesus ay mga taong nagtataguyud inng sabath.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před měsícem

      Ano po ang inyong pagkakaunawa sa Sabbath?

    • @darmostyle
      @darmostyle Před měsícem

      @@Ben.Filio.Production kung banal na kasulatan Ang magbibigay ng kahulugan ng sabbath ito ay pamamaginga o pangingilin..ipinag utos ito sa bayang Israel para alalahanin na sila ay minsang naalipin sa ehipto.

  • @user-lv1jw1rz8f
    @user-lv1jw1rz8f Před měsícem

    Amen, Praise God❤

  • @fygx8609
    @fygx8609 Před měsícem

    Salamat sa Pangioon sa kanyang message

  • @johnhechanova7584
    @johnhechanova7584 Před měsícem

    Salamat po sa Dios

  • @MarkvinPausBalangue
    @MarkvinPausBalangue Před měsícem

    Purihin ang DIOS AMA.❤️💯

  • @Joevanie-ds8wk
    @Joevanie-ds8wk Před 2 měsíci

    Ipaliwanag po ninyo yong 1tesalonica 4:16-17?

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 2 měsíci

      Salamat po sa pagbisita. Ano po nais nyong malaman sa verse na ito? God bless

  • @user-qm1zi1mh9d
    @user-qm1zi1mh9d Před 2 měsíci

    Wg nyo lng po mamasamain.., Peru parang naniniwla ako na pg patay na ang tao wla Ng kamalayan.. Prang nahimatay ka tpus pg gising mo wla kang matandaan... Ksi noon sumakit ulo ko subrang sakit natutulog tpus prang pumotok utak ko gumaan katawan ko at utak prang high blood wla na Ako natatandaan pg gising ko kala ko nga patay na ako... Atska kung my kamalayan ang tao makakagwa ka parin ng masama wg nyo lng po masamain gya Ng ex gf Ng yari sa Inyo maiisip mo cguro un parang sa tingin ko restart tyo theorya ko lng dba pg my usapan kyo Ng magka ibigan Minsan napapamura ka ng wlang dahilan s0 maiisip mo rin un ksi expiration na ksi Peru sana nga Mali theorya ko ksi ayw ko ksi d maalala mga pamilya ko😅 Cguro nga kung pg bibigyan ako ni lord Ng time to travel 1day in heaven cguro Ang gusto ko makta hnd nmn sa dko gusto mkta mga minamahal natin nag past na.,. Kundi Ang kasalukoyan Buhay pa kung mkkta ba na maliligtas ba sila or Ako para nmn masabihan ko sila or Ang sarile ko mgwa lahat Ng paraan para maligtas🙏🙏🙏

  • @peterbangahon8828
    @peterbangahon8828 Před 2 měsíci

    Ang sabadista kasi nakapaka judgemental parang sila na ang hawak sa kaligtasan

  • @user-wj5yp4fq2s
    @user-wj5yp4fq2s Před 2 měsíci

    bakit nang gamut c Cristo nung Araw ng sabbath

  • @goodday29994
    @goodday29994 Před 2 měsíci

    True God allah /*)*)*/*

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 2 měsíci

      Salamat sa pagbisita kaibigan. Isaias 43:3 3 Sapagkat ako ang Panginoon mong Diyos, ang Banal ng Israel, ang iyong Tagapagligtas... God bless

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 2 měsíci

    Amen and to God be all the Glory🙏❤️🙏

  • @SilvestreBronosa-zp8bl
    @SilvestreBronosa-zp8bl Před 2 měsíci

    Amen po lord

  • @Musikahanatbp.
    @Musikahanatbp. Před 3 měsíci

    Ako ay may panaginip Sq langit at impeyerno. Nais ko rin ibahagi..kaso nagsasalawahan ako

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 3 měsíci

    Amen and to God be all the Glory🙏❤️🙏

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 3 měsíci

      Salamat po sa patuloy na pagtangkilik. Sa Dios ang lahat ng papuri! God bless

    • @user-fb7lc8yo8r
      @user-fb7lc8yo8r Před 2 měsíci

      @@Ben.Filio.Production Hello!po ulit sa inyo Bro.may ibabahagi lng po sana ako sa inyo palagian ko po kasi naririnig ung tinig at salita po ng Diyos na ito ang pinakakamahal kong anak na kinalulugdan ko,kumbaga palagian pong nagpapaalala po sa akin na wari'y natanim po sa puso at isipan ko po .Hindi ko po alam kung ano po ang pakahulugan po ng Diyos kaya hindi ko po naiwasang mapaiyak po sabi ko po kay Lord kung ano pong ibig sabihin nun at ng kasalukuyang nagbabasa at nagbubuklat po ako ng bible may biglaan pong nabasa sa 2 Samuel 23:2 po sabi po nangungusap sa pamamagitan ko ang Espirito ni Yahweh ang salita niya'y nasa aking labi. Ano po ba ibig sabihin ng ganitong naranasan ko po...maraming salamat po sa inyong pagtugon at nawa'y patuloy pa po kayong pagpalain ng Diyos po.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 2 měsíci

      @@user-fb7lc8yo8r Magandang araw po Kapatid. Salamat sa muling pagbisita. Ukol sa iyong binahagi, nais ko lamang maunawaan ang ibig mong sabihin at malaman mula sa iyo ang mga sumusunod upang ating mapag usapan ng mas malinaw at naayon sa sinasabi ng Biblia. 1) Ano po ang iyong ibig sabihin na naririnig mo ang mga salitang iyong sinambit? Mula saan mo ito naririnig? 2) Para sa iyo, para kangino itong sinasambit na "anak kong kinalulugdan"? Salamat muli Kapatid at hihintayin ko ang iyong tugon. At kung iyong nais sa susunod nating pagtatalajayan, ay pwede kang pumunta sa Community Tab ng aking Channel . God bless

    • @user-fb7lc8yo8r
      @user-fb7lc8yo8r Před 2 měsíci

      @@Ben.Filio.Production magandang araw din po bro,sa araw-araw po biglaan na lng nagpapaalala sa akin po na nagbigay buhay po sa puso at isipan ko po taz sabi ko na po kay Lord ano pong ibig niyang pakahulugan po sa akin at hindi ko nga po naiwasang umiyak po taz nung nagbabasa na po ako ng bible at sa aking pagbubuklat po biglaan pong nabasa po ung sa 2 Samuel po 23:2 po na wari po na pinabasa po sa akin ang salita po nito sa 2 Samuel 23:2 po ,thanks po ulit sa inyong pagtugon po and God bless po

    • @user-fb7lc8yo8r
      @user-fb7lc8yo8r Před 2 měsíci

      @@Ben.Filio.Production di ba sa bible ang salitang ito ang pinakamamahal kong anak na kinalulugdan para po kay Jesus po iyon.

  • @LFGTV777
    @LFGTV777 Před 3 měsíci

    LEARN FULL GRACE ,,, SALAMAT SA DIYOS NA BUHAY AT SA ATING PANGINOON HESU CRISTO NA ATING TAGAPAGLIGTAS... MAGPAKAILANMAN AMEN.

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 3 měsíci

    Amen,To God be all the Glory🙏❤️🙏

  • @user-ex1jf2mw4y
    @user-ex1jf2mw4y Před 3 měsíci

    Ng dahil sa mga vedio mo idol.nagbago ang takbo ng buhay ko... Salamat sa mga vedio mo idol.. Idol puede ba mag request.. Gawan mo ng vedio patungkol sa freewill part 2

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 3 měsíci

      Purihin ang Dios sa kaitaasan. Brother Ben na lang itawag mo sa akin Kapatid. Sa Dios ang lahat ng papuri. God bless

    • @user-ex1jf2mw4y
      @user-ex1jf2mw4y Před 3 měsíci

      @@Ben.Filio.Production Salamat sa brother felio..lahat ng vedio ay dinawnload ko..... Masaya ako kagabi brother felio nakikinig ako sa ..mensahi mo patungkol sa prophetic lens (parallel gawan mo pa ng Ibang prophetic brother felio. Salamat sa iyo brother..god bless sa iyo brother. Isa ka talagang profeta para sa akin. Binago mo ang buhay ko...naway samaiyo ang spirito ng Diyos.. palagi

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 3 měsíci

      @@user-ex1jf2mw4y Tanging sa Dios ang lahat ng papuri! Salamat sa patuloy mong pagtangkilik. Ako po ay nagpupuri sa Dios sa paggamit ng mga mensahe sa mga video ng ito upang kumilos ang Banal Na Espiritu sa iyong buhay. Maaring nakatulong ang mga videong ito sa iyo, ngunit ang mga pagbabagong naganap sa iyong buhay ay bunga ng paggawa at pagpapatotoo ng Banal Na Espiritu sa iyong buhay sa pamamagitan ng Kanyang Banal Na Salita, Ang Biblia. Aking panalangin na patuloy mong basahin ang mga katotohanang nagmumula sa Biblia at hayaang ang Banal na Espiritu ang gumawa sa buhay mo patungo kay Kristo. Salamat Kapatid pero ako po ay Hindi propeta. Ako ay isang makasalanang katulad ng lahat ng tao na sa biyaya ng kaligtasang mula sa Dios, ay namulat katotohanang ako ay isang makasalanang nangangailangan ng tagapagligtas. Salamat muli Kapatid at nawa ay patuloy na magpatotoo sa buhay mo ang Banal na Espiritu. God bless

    • @user-ex1jf2mw4y
      @user-ex1jf2mw4y Před 3 měsíci

      @@Ben.Filio.Productionmagandang Gabi brother felio. hihintayin ko ang Iba pang vedio mo brother felio. Aabangan ko sa notification ko. Sinasabayan ko Rin sa pagbabasa ng biblyia . Minsan naiiyak ako brother habang nakikinig ako sa mga vedio mo ..nakikita ko sa ang sarili ko na lugmok na pala ako ng kasalanan.. Nakikinig ako sa mensahi diko namalayan tumolo na ang luha ko.. Sana brother magpatuloy ka sa Pag gawa ng vedio mo. Ngayun brother sa gabing ito ..makikinig namn ako sa mga vedio mo.. Salamat ulit brother.. maraming salamat talaga .. God bless.....Sana NASA maganda kang kalagayan ...ngayun brother .

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production Před 3 měsíci

      @@user-ex1jf2mw4y Sa Dios ang lahat ng papuri. Nawa ay patuloy magpatotoo sa iyo ang Banal na Espiritu sa buhay mo. God bless

  • @AlbertoTavarra-kx1yq
    @AlbertoTavarra-kx1yq Před 3 měsíci

    Amen pls save my family❤

  • @JoulesSmith-fc1sl
    @JoulesSmith-fc1sl Před 3 měsíci

    Amen jesys name

  • @user-be9de3yl8r
    @user-be9de3yl8r Před 4 měsíci

    Bakit galing knb dun?

  • @WalaNangSenseAngAtingMundo
    @WalaNangSenseAngAtingMundo Před 4 měsíci

    Pinakamalapit na senyales ng Araw ng Panginoon at pagtitipon sa mga hinirang ay ang paglitaw ng Suwail(Halimaw/Anti-cristo/false messiah) at Huling paghihimagsik laban sa Diyos ayon sa 2 Tesalonica 2/Mateo 24/Daniel 12

  • @jeffreyabatas1817
    @jeffreyabatas1817 Před 4 měsíci

    Sa dyos, lahat Ng papuri at pag samba, sa ispirito at katutuhanan,🙏🙏🙏❤️

  • @adeltabuyan4709
    @adeltabuyan4709 Před 4 měsíci

    Exodus 20:8-11 8 “Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. 9 Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain; 10 ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; 11 sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal. Deuteronomy 5:12-14 12 “‘Ipangilin mo ang araw ng Sabbath, at ingatan mo itong banal, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos. 13 Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain, 14 ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki o anak na babae, ni ang iyong aliping lalaki o aliping babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anuman sa iyong hayop, ni ang mga dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan, upang ang iyong aliping lalaki at aliping babae ay makapagpahingang gaya mo. Promise ng Diyos: Matthew 21:22 At anumang bagay na inyong hingin sa panalangin na may pananampalataya ay inyong tatanggapin.” James 2:26 Sapagkat kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayundin naman ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.❤📖📚

  • @YTMark2000
    @YTMark2000 Před 4 měsíci

    Amen 🙏

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 4 měsíci

    Amen and to God be all the Glory🙏❤️🙏

  • @Johnrhay1015
    @Johnrhay1015 Před 4 měsíci

    Pinapanood palang kita napupuspos nako❤

  • @user-mh9wo3yf4l
    @user-mh9wo3yf4l Před 4 měsíci

    Amen,purihin ang Dios

  • @antoniojr.carreon160
    @antoniojr.carreon160 Před 4 měsíci

    Purihin ang Diyos Amen

  • @user-fu5oo5dc4r
    @user-fu5oo5dc4r Před 4 měsíci

    JOHN 14:6 SABI NI HESUS AKO ANG DAAN AT ANG BUHAY AT ANG ILAW AT ANG KATOTOHANAN.WALANG MAKARATING SA AMA KONG HINDI SA PAMAMAGITAN KO.HALIM BAWA IKAW AY NAMATAY KONG MABAIT KA KI HESUS KA PUPUNTA AT KONG MASAMA KA AT MARAMOT SA KAPWA IKAW AY KI SATANAS SA DAGAT DAGATAN APOY.AT WALANG HANGANG PARUSA.AT PAULIT ULIT ANG PARUSA.KAYA MAGPATAWAD KA AT MAGSISI AT MAGBAGO.AT MAGBIGAY TITHS SA SIMBAHAN.SAMBONG PISO BAWAT SAHUD MO .TUWING MAG SIMBA KA HANDA MO NA ANG 10 PERSINT SA SAHUD MO.GOD IS GOOD

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 4 měsíci

    Amen ,Glory to your Name Lord Jesus Christ ,Halleluja Jesus🙏❤️🙏

  • @user-xo1kv5mt7m
    @user-xo1kv5mt7m Před 4 měsíci

    kahit maliitna kasalanan d tayo maka pasok sa langit napakataas ng standardsmg ating ama😊😢