PARA SA AKIN BA ITO?: JEREMIAH

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 17. 11. 2021
  • Sinasabi sa Jeremiah 29:11 sa English Standard Version,
    Jeremiah 29:11
    English Standard Version
    11 For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare[a] and not for evil, to give you a future and a hope
    Isang napakagandang pangakong nagmula sa salita ng Dios, Tama po ba?
    At ito ay madalas mo makikita mong nakasulat sa ibat ibang souvenir items. Tulad ng mug, unan, bumper sticker at kung anu ano pa. Gustong gusto natin ang verse na ito. Sa katunayan, ito ay pangalawa sa pinaka sinisearch na verse sa internet ayon sa Biblegateway.com. Kasunod sa John 3:16 ang number 1)
    Pero me mali sa kung paano ginagamit ang verse na ito.Sapagkat hindi para sa atin ang verse na ito.
    Upang ating maunawaan Ang Mga kapahayagan sa Biblia, ay kina kailangang alamin mo ang buong kontexto nito at hindi lamang Ang isang verse Ang pagtutuunan mo ng pansin. Kailangan mong alamin Ang dalawang bagay na ito. Para kangino ito sinulat at ano Ang sitwasyon noong nasulat ito.
    Ang verse na ito ay kasama sa sulat ni Propeta Jeremiah para sa mga “Exile” na mga Israelita, nung sila ay nasa ilalim pa ng pagkakabihag sa Babilonia, dahil sa kanilang pagsuway sa Dios,
    At sa verse 11 ay binibigyang kasiguraduhan ng Dios Ama na hindi sila malilipol ng tulayan ng Babilonia at kinakailangan lamang silang manalangin, manalig at bumalik sa Kanya at Kanyang muling pagbubuklurin ang kanilang nagkalat na Bayan. At ito ay isang pangakong nagkaroon ng katuparan ng 150 taon sa hinaharap. Kung saan ang mga nakarinig ng pangakong ito ay wala na at ang bagong generasyon na ang nakasaksi.
    Kayat kung ating susumahin, ang verse na ito ay parte ng
    Isang PROKLAMASYON
    Na ibinigay sa isang partikular na NASYON
    Sa isang partikular na SITWASYON
    Na naghayag ng RESTORASYON
    Ng isang darating ng GENERASYON
    At hindi ito isinulat para sa mga taong nangangako ng “HEALTH AND WEALTH” sa mundong ito (PROSPERITY GOSPEL). Kanilang binabaluktot Ang kahulugan ng verse na ito, para sa kanilang personal na layunin.
    Pero totoo naman na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
    Roma 8:28
    Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
    28 Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
    Yan nga pala ay ang Romans 8:28. Ang pangatlong “Most Searched Verse” sa internet.
    Kayat dapat nating tingnan ang mga pangakong ito kung paanong ang mga mananampalataya nuon ay tinitingnan ito. Katulad ng sinasabi sa Hebreo 11:16, hindi nila hinahangad Ang isang masaganang Lugar dito sa lupa, kundi hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.
    Hebreo 11:16
    Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
    16 Ngunit hinahangad nila ang mas mabuting lugar, at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. Kaya hindi ikinakahiya ng Dios na siyaʼy tawagin nilang Dios, dahil ipinaghanda niya sila ng isang lungsod.
    At iyan dapat ang ating hinahangad sa ating mga buhay ngayon. Ang isang walang hanggang buhay kasama Ang Dios at ienjoy Ang Kanyang presensiya Habang panahon.
    Maiintindihan natin ito maigi, Kung babalikan natin ang Kontexto. Intindihing Totoo.
    _____________________________________________________________________
    CREDITS:
    THIS VIDEO WAS INSPIRED FROM:
    WWHUTT’s
    JEREMIAH 29:11
    A PLAN TO PROSPER YOU?
    PHOTO SOURCE
    BY UNSPLASH
    BY PEXEL
    GOOGLE
    MUSIC CREDIT
    CZcams AUDIO LIBRARY

Komentáře • 24

  • @eiddearevir3560
    @eiddearevir3560 Před 2 lety

    Tama ka bro., Very well taught. Hindi kagaya ni ian acda vlog. Mali mali ang sinasabi .

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 5 měsíci

    Amen,God is Great 🙏❤️🙏

  • @arielarro5726
    @arielarro5726 Před rokem

    Tama po yn..pra s isang tunay n anak ng Diyos pwede claim ang mga pangako Niya s lht ng panahon s pamamagitan ng pananampalataya d lumilipas ang Salita ng Diyos.🙏♥️

  • @aggienunez8017
    @aggienunez8017 Před 2 lety +1

    God has a good plan for you as in Jeremiah 29:11 God loves you...there's always reason for everything and everything for a reason. God bless Yorme. and stay humble.

  • @jjtv562
    @jjtv562 Před 2 lety

    Amen lord salamat s Lahat lahat poe

  • @ranierarellano1136
    @ranierarellano1136 Před 2 lety

    Salamat po ..sa mensahe thanks God .amen..

  • @MarkNel21
    @MarkNel21 Před rokem

    tama ... base konteksto...pero naniniwala ako na sinulat ang bibliya para sa atin bilang ating manual sa buhay... at naniniwala ako na pag inalam natin ang plano ng diyos sa ating buhay ay hindi tau mapapahamak..kaya hanapin natin ang kanyang salita at kalooban, at manalangin at basahin ang bibliya araw araw

  • @mr.tabangerovlogs4172
    @mr.tabangerovlogs4172 Před 2 lety +1

    ❤️👍🙏🙏🙏

  • @jayrced965
    @jayrced965 Před 2 lety

    Amen

  • @mr.tabangerovlogs4172
    @mr.tabangerovlogs4172 Před 2 lety

    "SUBSCRIBED" NA PO AKO KAPATID! "FULL-SUPPORT" PO AKO SA INYO AT SA PAG-SPREAD NG SALITA NG DIYOS AT NG MABUTING BALITA NG KALIGTASAN! HALLELUJAH! NOW &FOREVER! AMEN PO!!!...., ❤️👍🙏🙏🙏

  • @marivicmarivic8065
    @marivicmarivic8065 Před 11 měsíci

    Ituloy nyo po ang pag gawa nyo ng video tungkol sa Mabuting balita

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 11 měsíci

      Salamat Kapatid.
      Sa biyaya ng Dios at inyong mga panalangin, ay maipagpapatuloy po namin ang gawaing ito.
      God bless

  • @user-jl8mu1pj2v
    @user-jl8mu1pj2v Před 10 měsíci

    Application parin niyang Verse is Gospel