PAGDURUSA BILANG CRISTIANO! / SPOKEN BIBLE VERSE: 1 PEDRO 4

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 22. 07. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE:
    I PEDRO 4
    Marami ang mga katuruan ngayon sa mundo ang masasabi nating malayo sa katotohanang isinasaad ng Biblia. Na ang mga ito ay nagpapanggap lamang na isang “Christian Teaching”, pero in reality ay inililigaw tayo mula sa tunay na ipinahahayag ni Hesu Kristo.
    Katulad na lamang ng lumalaganap ng “HEALTH AND WEALTH TEACHING” o ang tinatawag ng “PROSPERITY GOSPEL”. Na kanilang hinahayag na ang “Kayamanan, Karangyaan, at Kasaganaan” ay kaya nating makamit dito sa lupa sapagkat ito ang nais ng Dios para sa iyo.
    Ngunit para sa isang TUNAY NA MANANAMPALATAYA na may BINAGONG BUHAY mula sa Dios, ay nalalaman na ang kanyang masaganang buhay ay hindi dito sa lupa. Sapagkat bilang Kristiano, tayo ay hindi taga-sanlibutan tulad ni Hesu Kristo (Juan 17:16), at ang tagubilin sa atin ay huwag nating iibigin ang sanlibutan at ang mga bagay dito (1 Juan 2:15). Bagkus ating ituon ang ating pag iisip sa mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Hesu Kristo. (Colosas 3:2). At hangarin ang isang mas mabuting lugar at itoʼy walang iba kundi ang lungsod na nasa langit. (Hebreo 11:16)
    Ang talatang ating pagbubulay bulayan ay mula sa kapahayagan ni Apostol Pedro sa 1 Pedro talatang 4. At dito ay kanyang hinahayag na dahil sa ating mga binagong buhay kay Hesu Kristo, ay hindi na tayo nararapat mamuhay sa laman kundi sa kalooban ng Dios. At dahil dito, ang mundo ay lalaitin tayo at bibigyan ng mga kapighatian.
    Ipinatagubilin ni Apostol Pedro, na huwag tayong magtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok na dumarating sa atin upang tayo'y subukin, Kundi tayo'y magalak, yamang tayo'y nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Cristo, upang tayo man ay matuwa at sumigaw sa galak kapag ang kaluwalhatian Niya ay nahayag.
    Kaya't ating ipagkatiwala ang ating mga pagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos, sa tapat na lumikha sa paggawa ng mabuti.
    Nawa ang pagpapala ng Dios Ama, Dios Anak, at Dios Espiritu Santo ang sumaatin.
    1 Pedro 4
    MGA BINAGONG BUHAY
    1 Kung paanong si Cristo ay nagdusa sa laman ay sandatahan din naman ninyo ang inyong sarili ng gayong pag-iisip, sapagkat ang nagdusa sa laman ay tapos na sa kasalanan,
    2 upang hindi na kayo mamuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa masasamang pagnanasa ng mga tao, kundi sa kalooban ng Diyos.
    3 Sapat na ang nakaraang panahon sa paggawa ninyo ng mga gustong gawin ng mga Hentil, na namumuhay sa kahalayan, masasamang pita, paglalasing, kalayawan, pag-iinuman, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan.
    4 Sila ay nagtataka na kayo ay hindi na nakikisama sa gayong labis na kaguluhan, kaya't kayo'y nilalait nila.
    5 Ngunit sila'y magbibigay-sulit sa kanya na handang humatol sa mga buháy at sa mga patay.
    6 Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay, upang bagaman sila'y nahatulan sa laman na gaya ng mga tao, ay mabubuhay sila sa espiritu tulad ng Diyos.
    MGA KATIWALA NG MGA KALOOB NG DIYOS
    7 Ngunit ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na, kaya kayo'y magpakatino at magpigil sa sarili alang-alang sa inyong mga panalangin.
    8 Higit sa lahat, magkaroon kayo ng maningas na pag-ibig sa isa't isa, sapagkat ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.
    9 Maging mapagpatulóy kayo sa isa't isa nang walang bulung-bulungan.
    10 Kung paanong ang bawat isa ay tumanggap ng kaloob, ipaglingkod ito sa isa't isa bilang mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Diyos.
    11 Sinumang nagsasalita ay gawin iyon nang tulad sa nagsasalita ng mga aral ng Diyos; sinumang naglilingkod ay tulad sa naglilingkod mula sa kalakasang ibinibigay ng Diyos, upang ang Diyos ay maluwalhati sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailanman. Amen.
    PAGDURUSA BILANG CRISTIANO
    12 Mga minamahal, huwag kayong magtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring may isang kataka-takang bagay na nangyayari sa inyo.
    13 Kundi kayo'y magalak, yamang kayo'y nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Cristo, upang kayo man ay matuwa at sumigaw sa galak kapag ang kaluwalhatian niya ay nahayag.
    14 Kung kayo'y inaalipusta dahil sa pangalan ni Cristo ay mapapalad kayo; sapagkat ang espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo.
    15 Ngunit huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang isang mamamatay-tao, o magnanakaw, o gumagawa ng masama, o bilang isang mapanghimasok.
    16 Ngunit kung ang isang tao ay nagdurusa bilang Cristiano, huwag niyang ikahiya ito, kundi luwalhatiin niya ang Diyos sa pangalang ito.
    17 Sapagkat ito'y panahon upang simulan ang paghuhukom sa sambahayan ng Diyos; at kung magsimula sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng Diyos?
    18 At kung ang matuwid ay bahagya nang makaligtas, ano kaya ang mangyayari sa masasama at makasalanan?
    19 Kaya't ang mga nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos ay ipagkatiwala ang kanilang mga kaluluwa sa tapat na lumikha sa paggawa ng mabuti.

Komentáře • 13

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 5 měsíci

    Amen ,Thanks be to God and to God be all the Glory🙏❤️🙏

  • @tiic-marvintagocon3369

    Purihin ang Dios at sa kanya ang papuri..

  • @markjourneytv981
    @markjourneytv981 Před 2 lety

    Salamat po sa panibagong upload.. Naway Loobin ng Lord na makapag upload pa po kayo ng marami pa.. Nakakapag palakas po ng pananampalataya rin po mga vids nyo.. Godbless po.. Sa Dios po ang kapurihan.. Through Jesus Christ👆🙌🙏

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Salamat sa patuloy mong pagtangkilik Mark.
      Tanging sa Dios lamang Ang lahat ng papuri.
      God bless

  • @aileenmendoza8387
    @aileenmendoza8387 Před rokem

    God bless us po. To God be the Glory. Amen.

  • @mariosarmiento7048
    @mariosarmiento7048 Před 2 lety

    THANKS BE TO GOD

  • @markjourneytv981
    @markjourneytv981 Před 2 lety

    Evangelical Assemblies of God po kami..

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Pagpalain nawa po kayo ng Dios.
      Sama sama po nating ipalaganap Ang Banal Na Salita Ng Dios!

    • @markjourneytv981
      @markjourneytv981 Před 2 lety

      @@Ben.Filio.Production at sumainyo rin po ang pagpapala at kagandahang loob ng ating Panginoon na si Hesus po🙂🙏

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      @@markjourneytv981 Amen Kapatid. God bless

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      @@markjourneytv981 Isama po nyo sa panalangin Ang pagpapatuloy ng gawaing ito at maging kapuri puri nawa sa ating Panginoong Hesu Kristo.
      God bless