Video není dostupné.
Omlouváme se.

ANO ANG PANANAMPALATAYA?

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 30. 10. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE: HEBREO 11
    Sa ating huling video, ANO ANG MAKAPAGLILIGTAS SA TAO: PANANAMPALATAYA O GAWA?, ay ating nalaman na ang Pananampalataya na biyaya ng Dios ang siyang makakapagligtas sa tao mula sa Kanyang galit, at hindi ang kanyang mga gawa. At ito po ay maliwanag na naihiyag sa mga Taga Efeso 2:8-9
    Efeso 2:8-9
    8 Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos;
    9 hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.
    At ang tunay na pananampalatayang nakakapagligtas ay BUHAY at nagbubunga ng pagsunod sa mga katuruan at halimbawa ni Hesu Kristo at ang resulta ay ang mabubuting gawa. Kayat ang nagsasabing siya ay may pananampalataya ngunit walang bunga ng pagsunod at paggawa ng naaayon sa katuruan ni Hesu Kristo ay hindi tunay ang pananampalataya at siya ay nagsisinungaling. Dahil maliwanag naman sa Santiago 2:14-17
    Santiago 2:14-17
    Ang Biblia, 2001
    Pananampalataya at Gawa
    14 Ano ang pakinabang mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinuman na siya'y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Maililigtas ba siya ng kanyang pananampalataya?
    15 Kung ang isang kapatid na lalaki o babae ay namumuhay nang hubad at kinukulang sa pagkain sa araw-araw,
    16 at ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, “Humayo kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,” subalit hindi ninyo sila binibigyan ng mga bagay na kailangan ng katawan; anong pakinabang niyon?
    17 Kaya't ang pananampalataya na nag-iisa, kung ito ay walang mga gawa ay patay.
    Tunay nga na ang mga kapahayagang ito nina Apostol Pablo at Apostol Santiago ay magkaugnay at nagkakaisa.
    Ang pasunod at paggawa ng mabuti ng isang mananampalataya ay hindi niya ginagawa upang MALIGTAS, bagkus ito ay resulta ng tunay na Pananampalatayang naggliligtas, kayat ang kanyang paggawa ng katuwiran ay kanyang ginagawa DAHIL siya ay NALIGTAS na.
    Ating tatandaan mga kapatid, na ang Biblia ay hindi kailanman nagkakamali. It is the INFALLABLE word of God! Kayat sa ating pagbabasa ng Biblia, Let us interpret Scripture with Scripture. Hayaan nating ang mga kapahayagan sa Biblia ang siyang maghayag ng tamang interpretation.
    Ang talatang ating pagbubulay bulayan ngayon mula sa Hebreo 11, ay maghahayag sa ating ng katunayan na ang Pananampalataya ang siyang bigay ganapan sa tao sa mata ng Dios. At ito ay ipinakita ng sumulat ng aklat ng Hebreo sa pamamagitan ng mga mananampalatayang nakahayag sa Banal na Kasulatan.
    Nawa ang mga kapahayagang ito ay mas lalong magbigay linaw sa atin upang ang ating pang unawa sa bagay na ito ay maging ganap.
    Ang Banal Na Espiritu nawa ang Siyang magpatotoo sa atin sa pamamagitan ng talatang ito.

Komentáře • 3