PAANO HAHARAPIN ANG PAGKABALISA? / SPOKEN BIBLE VERSE : MGA AWIT 37

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 1. 07. 2022
  • SPOKE BIBLE VERSE: MGA AWIT 37
    Sa ating panahon ngayon, napakadaling mabalisa dahil sa masasamang nangyayari sa ating kapaligiran. Dumadating pa nga ang panahon na tayo ay naiinggit at nananaghili sa mga masasama ang gawa.
    Kapag ang ganitong mga panahon ay dumadating sa ating mga buhay, pinanghihinaan tayo ng loob. At madalas ay nagmumukmok tayo sa isang sulok at sinusubukang umahon sa sarili nating kakayanan sa kabalisaang ito. Ngunit kadalasan, tayo ay nabibigo.
    Ang talatang ating pagbubulaybulayan ngayon ay matatagpuan sa Mga Awit 37. Ito po ang isa sa mga talatang aking binabalik balikan, kapag ako ay dumadanas ng pagkabalisa sa aking puso.
    Ang awit na ito ni Haring David ay nagpapahayag ng kanyang pag-asa sa nag iisang Dios. At ang kanyang pagdepende sa pagpapatnubay ng Dios sa lahat ng mga bagay at pagkakataon. Na maliwanag niyang hinahayag “God’s Sovereignity over all His creation”.
    Na sa piling ng ating Dios ay mayroon tayong kapayapaan at kagalakan na hindi natin kailanman maipapaliwanag.
    Kapatid kung ikaw ay nakakadama ngayon ng pagkabalisa sa iyong buhay at naghahanap ka ng kasagutan, nawa ang pagkabasa at pagkarinig ng talatang ito ay magbigay sa iyo ng kaliwanagan.
    Aking panalangin na iyong matagpuan ang Dios Ama, Dios Anak, at Dios Espiritu Santo sa iyong buhay. At iyong ipagkatiwala sa Kanya ang iyong buhay at lumakad sa liwanag ng Kanyang pag-ibig.

Komentáře • 11

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 5 měsíci

    Amen🙏❤️🙏

  • @user-uu6ds3xg3p
    @user-uu6ds3xg3p Před rokem

    Slmat sa dios Amen...Godbless,

  • @williambernido338
    @williambernido338 Před 2 lety

    Amen!

  • @markjourneytv981
    @markjourneytv981 Před 2 lety

    Salamat sa Dios dahil meron na ulit kasunod na upload nyo po.. Kakablessed po at kaka inspire po.. Godbless.. Through Jesus Christ👆🙌🙏

  • @marivicmarivic8065
    @marivicmarivic8065 Před 8 měsíci

    Ipagpatuloy nyo po ang pag post at pangangaral.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 8 měsíci

      Salamat sa iyong pagtangkilik Kapatid.
      Inyo pong ipagpaumanhin kung di po ako nakakapag upload sa kadahilanan po na may hinaharap lang pong mga balakid technically.
      Ngunit sa biyaya ng Dios ay alam kong malalagpasan po ito at ibibigay Niya ang nararapat upang magampanan ang ministeryong ito.
      Patuloy nyo po kami isama sa inyong mga panalangin.
      God bless

  • @hizodgemacp5090
    @hizodgemacp5090 Před 2 lety

    Salamat po sa Dios 🙏🏼💖😇🙌🏼🙇‍♂️