ANG PAGHAHARI NG KASAMAAN SA MUNDO / SPOKEN BIBLE VERSE :MGA AWIT 73

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 27. 05. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 73
    Sa ating mundo ngayon, ang isang mananampalatayang patuloy na lumalakad sa liwanag ni Hesu Kristo at nagsusumikap maging matuwid, ay nakakaranas ng Kapighatiang at kahirapan sa mga masasamang tao ng mundong ito. At ito ay dahil sa ating pagnanais na sundin sundin ang halimbawa at utos ni Hesu Kristo na maging mapag mahal sa ating kapwa gaya ng ating pagmamahal sa ating sarili. At sa pamamagitan nito ay ating maihayag sa kanila ang kaligtasang nagmumula lamang sa Kanya.
    Pero, sigurado po ako, sa ating pagmamasid sa ating kapaligiran, ay iyong itinatanong, BAKIT MAS SUMASAGANA ANG MGA MASASAMANG TAO SA MUNDO? Na tila ant mga taong ito ay paunlad ng paunlad Ang kanilang mga buhay, kahit na puro sa kasamaan nagmumula ang kanilang tinatamasa.
    Ano Ang isinasaad ng Biblia Ukol dito? Meron bang katapusan ang kanilang masasamang gawa? At ano ang kahihinatnan nila ayon sa Biblia?
    Ang atin pong talatang pagbubulay bulayan ay tatalakayin ang mga katanungang ito at ihahayag ang katotohang ang Dios Ama Ang Siyang maghuhusga sa lahat ng mga gawa ng tao. Ito may masama o mabuti, Ang Kanyang hustisya ay makatarungan.
    Nawa ang patnubay ng Banal Na Espiritu ang Siyang sumaatin, sa ating pakikinig at pag basa ng Kanyang Banal Na Salita.
    Mga Awit 73
    Ang Biblia, 2001
    IKATLONG AKLAT
    Awit ni Asaf.
    1 Tunay na ang Diyos ay mabuti sa Israel,
    sa mga taong ang puso'y malilinis.
    2 Ngunit tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos natisod,
    ang mga hakbang ko'y muntik nang nadulas.
    3 Sapagkat ako'y nainggit sa palalo;
    aking nakita ang kaginhawahan ng masama.
    4 Sapagkat walang mga hapdi ang kanilang kamatayan,
    at ang kanilang katawan ay matataba.
    5 Sila'y wala sa kaguluhan na gaya ng ibang mga tao;
    hindi sila nagdurusa na gaya ng ibang mga tao.
    6 Kaya't ang kanilang kuwintas ay kapalaluan,
    ang kara hasan ay tumatakip sa kanila bilang bihisan.
    7 Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan,
    ang kanilang mga puso ay umaapaw sa kahangalan.
    8 Sila'y nanlilibak at nagsasalita na may kasamaan,
    sila'y nagsasalita mula sa kaitaasan.
    9 Kanilang inilagay ang kanilang mga bibig sa mga langit,
    at ang kanilang dila ay nagpapagala-gala sa ibabaw ng lupa.
    10 Kaya't bumabalik dito ang kanyang bayan,
    at tubig ng kasaganaan ay iniinom nila.
    11 At kanilang sinasabi, “Paanong nalalaman ng Diyos?
    May kaalaman ba sa Kataas-taasan?”
    12 Narito, ang mga ito ang masasama;
    laging tiwasay, sa kayamanan ay sumasagana.
    13 Sa walang kabuluhan ay pinanatili kong malinis ang aking puso,
    at ang aking mga kamay sa kawalang-sala ay hinuhugasan ko.
    14 Sapagkat buong araw ako ay pinahihirapan,
    at tuwing umaga ay napaparusahan.
    15 Kung aking sinabi, “Ako'y magsasalita ng ganito;”
    ako'y hindi magiging tapat sa salinlahi ng mga anak mo.
    16 Ngunit nang aking isipin kung paano ito uunawain,
    sa akin ay parang napakahirap na gawain,
    17 hanggang sa ako'y pumasok sa santuwaryo ng Diyos,
    saka ko naunawaan ang kanilang katapusan.
    18 Tunay na sa madudulas na dako sila'y iyong inilalagay,
    iyong ibinabagsak sila sa kapahamakan.
    19 Gaya na lamang ang pagkawasak nila sa isang iglap,
    tinatangay na lubusan ng mga sindak!
    20 Sila'y gaya ng panaginip kapag nagigising ang isang tao,
    sa pagkagising ang kanilang larawan ay hinahamak mo.
    21 Nang ang aking kaluluwa ay nagdamdam,
    nang ang kalooban ko'y nasaktan,
    22 ako'y naging hangal at mangmang;
    ako'y naging gaya ng hayop sa harapan mo.
    23 Gayunman ako'y kasama mong palagian,
    inaalalayan mo ang aking kanang kamay.
    24 Sa iyong payo ako'y iyong pinapatnubayan,
    at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
    25 Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw?
    at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa.
    26 Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina,
    ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman.
    27 Sapagkat narito, malilipol silang malayo sa iyo;
    ang lahat na hindi tapat sa iyo ay winakasan mo.
    28 Ngunit para sa akin, ang pagiging malapit ng Diyos ay aking kabutihan;
    ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Diyos,
    upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

Komentáře • 75

  • @noblebernardo8501
    @noblebernardo8501 Před 2 lety +1

    Maging mapaghanap tayo ng kabutihan hindi maging makasarili sa pag unawa

  • @noblebernardo8501
    @noblebernardo8501 Před 2 lety +1

    Wag tayo maging mapaghanap ng masama sa iba dahil lahat meron kabutihan at nagsusumikap mapabuti ang lahat.kung meron man nagkamali ipaunawa ang pagkaka mali nya pero kahit sya ay nahihirapan unawain ang kabutihan kaya ituru nalang sa taong nagkamali kung ano ang dapat at wag nalang pagmukain masama ito bagamat mali dios lang ang magpapatunay ng lahat ng mga bagay tukol sa isang tao.wag natin husgahan nalang o toldukan ang isang tao sa pagiging masama konde unawain ito ng meron kabutihan ito nagawa kahit sa sarili nya lang.pero kung mapag hanap tayo ng mali tayo lang ang magiging makasalanan.pero hanapin natin ang kabutihan itinuturu sa atin at wag masamain at kilalanin natin ang kabutihan natin lahat tayo meron non totoo yon godbless po sating lahat...

  • @noblebernardo8501
    @noblebernardo8501 Před 2 lety

    Maging mubuti sa tayo at mapagkumbaba at maunawain at walang imasama.lalo na sa mga kabataan.

  • @noblebernardo8501
    @noblebernardo8501 Před 2 lety +1

    Godbless po sating lahat♥️🙏♥️🙏

  • @williambernido338
    @williambernido338 Před 2 lety

    Amen

  • @mhaevinbunion4268
    @mhaevinbunion4268 Před 2 lety

    Amen po

  • @jimmanib3868
    @jimmanib3868 Před 2 lety

    first viewer

  • @eiddearevir3560
    @eiddearevir3560 Před 2 lety

    Kayong mga humanista magsisi na kayo. Tama ang aral ng kasulatan na pupuksain ang masasama.

  • @noblebernardo8501
    @noblebernardo8501 Před 2 lety +1

    Wag mo silang husgahan na masama sila.dahil sa kakahusga natin na masama sila pansinin nyo ng mabuti diba tayo lang ang nagiging masama.umaangat sila kase umpisa palang meron na sila o pamana ng pamilya nila maging mapaghanap sana tayo ng mabuti sa iba.

  • @noblebernardo8501
    @noblebernardo8501 Před 2 lety +1

    Tayo ang masusunod sa buhay natin kung magiging ano tayo sa dios.kaya sana maging mapaghanap tayo ng kabutihan at tayo rin naman ang aani non at ang mga susunod satin lalo na ang mga kabataan.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      God is Sovereign over all His creations. Tanging Ang sovereign will ng Dios Ang masusunod.
      God bless

    • @noblebernardo8501
      @noblebernardo8501 Před 2 lety

      Hindi naman ang tao ang masama may mga bagay na mali pero nagkamali mansila meron parin mabuting kahulugan yon nagawa nilang mali pero ang tao hindi masama kaya sana huwag natin silang husgahan sa pamamagitan ng pagiging masama kunden hanapin ang mabuti kung bakit nila nagawa yon.at kung tayo man nagkamali humingi ng tawad na walang minamasama.alam ko mabuti tayong lahat.lalo na ang mga kabataan hehe godbless ulit sating lahat🙏♥️🙏.

    • @noblebernardo8501
      @noblebernardo8501 Před 2 lety

      Kaya gumawa tayo ng mabuti na walang ibang minamasama.diba maganda yon tapos.tayo manghuhusga sa tao kung ano sya basta maging mapaghanap tayo ng mabuti yung naman ang gusto ng dios maging malawak ang kaalamanan natin sa mabuting pag unawa at hindi ito maging makasarili at wala dapat itong imasama na iba at maging bukas ang loob natin sa mga magagandang bagay at mabuting para ang kaluluwa natin ay mas maging kaaya aya sa kanya at ganon din naman sa mga taong wala mas naiintindihan nya ang mga pagkaka mali neto pero hindi sa pinangungu nahan ko ang dios pero ganon din naman sa mga nakakaangat sa buhay kase nagawa nilang makaangat dahil sa mga mabuting at naging pagtiya tiyaga nila o kaya pamana ng pamilya nila kaya walang masama sa mundong to yun ang pagkakaalam ko para saken.kung meron man para maspatibayin lang ang mananampalataya natin sakanya♥️😁🙏.godbless ulit sating lahat🙏♥️🙏

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Salamat Noble sa iyong mga pahayag.
      Nais ko lamang maunawaan Ang iyong mga kapahayagan. Nais ko lang malaman, sa iyong pananaw maliligtas ba ng mabubuting mga gawa Ang tao mula sa galit at kaparusahan ng Dios? Ano Ang Biblical basis ng iyong kasagutan?
      God bless

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Salamat muli Noble.
      Ano po Ang Biblical basis mo upang sabihin na hindi masama Ang tao?
      Salamat

  • @alexandersampaga6092
    @alexandersampaga6092 Před rokem

    Un lang