PAGDURUSA DAHIL SA PAGGAWA NG MABUTI / SPOKEN BIBLE VERSE 1 PEDRO 3:8-22

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 8. 07. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE
    1 PEDRO 3:8-22
    Marami tayong mga bagay na hinaharap sa mundo at nararapat nating harapin ito ng may pananampalataya na ang Dios ang Makapangyarihan sa lahat at ang nagtalaga ng lahat ng mga bagay sa mulat mula pa. At dahil dito, ang ating mga kalooban ay mayroong kapayapaan sa Kanya na di natin kailaman maipapaliwanag. Sapagkat ating nalalaman, na ang “Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.” (Romans 8:28)
    Roma 8:28
    28 At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.
    Kayat tayo man ay dumadanas ng Kasaganaan o Pagdurusa, ay alam natin ang mabuting layunin ng Dios ang siyang mangingibabaw.
    Sa ating talatang pagbubulay bulayan ngayon, ay ipinapaliwanag ni Apostol Pedro na sa panahon na tayo ay humarap ng pagdurusa sa kamay ng masasama sa mundong ito, ay panatiliin natin ang ating pananampalatayang iginawad sa ating ng Dios Ama at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. “Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin.” At “ mas mabuting magdusa dahil sa paggawa ng mabuti kung iyon ay kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama.”
    Kayat “Lagi tayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa atin ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa atin, ngunit gawin natin ito ng may kaamuan at paggalang.”
    Nawa ang talatang ito ay magbigay sa atin ng kapayapaan at ang ating pag-asa ay manatili sa ating Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo.
    1 Pedro 3:8-22
    PAGDURUSA DAHIL SA PAGGAWA NG MABUTI
    8 Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip.
    9 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta, kundi ng pagpapala; sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, upang kayo'y magmana ng pagpapala.
    10 Sapagkat,
    “Ang nagmamahal sa buhay,
    at nais makakita ng mabubuting araw,
    ay magpigil ng kanyang dila sa masama,
    at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya,
    11 lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan;
    hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y lakaran.
    12 Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
    at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin.
    Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.”
    13 At sino ang gagawa ng masama sa inyo kung kayo'y masigasig sa paggawa ng mabuti?
    14 Subalit magdusa man kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pananakot, ni mabahala,
    15 kundi sa inyong mga puso ay pakabanalin ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handa na ipagtanggol sa bawat taong humihingi sa inyo ng katuwiran ang tungkol sa pag-asang nasa inyo,
    16 ngunit gawin ito nang may kaamuan at paggalang.[a] Ingatan ninyong malinis ang budhi, upang kapag kayo ay inalipusta, ang mga nagsasalita ng laban sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo ay mapahiya.
    17 Sapagkat mas mabuting magdusa dahil sa paggawa ng mabuti kung iyon ay kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama.
    18 Sapagkat si Cristo man ay minsang nagdusa[b] dahil sa mga kasalanan, ang isang matuwid dahil sa mga di-matuwid, upang kayo[c] ay madala Niya sa Diyos. Siya ay pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu;
    19 sa gayundin, Siya ay pumunta at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,
    20 na noon ay mga suwail, nang ang Diyos ay matiyagang naghintay noong mga araw ni Noe, habang ginagawa ang daong, na noon ay kakaunti, samakatuwid ay walong kaluluwa, ang naligtas sa pamamagitan ng tubig.
    21 At ang bautismo, na siyang kalarawan nito, ang nagliligtas sa inyo ngayon, hindi sa pag-aalis ng karumihan ng laman, kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo,
    22 na umakyat sa langit at nasa kanan ng Diyos, na ipinasakop sa Kanya ang mga anghel, ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.
    ANG DIOS ANG MAGPAPALA SA PAGKARINIG AT PAGKABASA NG KANYANG BANAL NA SALITA.
    PURIHIN ANG DIOS!
    SA DIOS ANG LAHAT NG PAPURI!

Komentáře • 11

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 5 měsíci

    Amen, To God be all the Glory🙏❤️🙏

  • @cloudztongson1159
    @cloudztongson1159 Před 2 lety

    ang sarap sa pandinig ng boses sabrong nakakan blessed salmat
    patnubayan ka nawa ng panginoon at palagi sumaiyo ang banal na espirito santo.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Sa Dios Ang lahat ng papuri Kaibigan.
      Samahan nyo kaming ipalaganap Ang Banal Na Salita Ng Dios sa buong mundo.
      Nawa ay patuloy tayong gabayan ng Banal Na Espiritu patungo kay Hesu Kristo sa pamamagitan ng Biblia.
      God bless

  • @catherinekilario2981
    @catherinekilario2981 Před 2 lety

    Praise god halleluya sa diyos ang lahat ng papuri♥️♥️♥️♥️♥️

  • @pilgrimageofgrace
    @pilgrimageofgrace Před 2 lety

    Amen.

  • @markjourneytv981
    @markjourneytv981 Před 2 lety

    Sa Dios po ang lahat ng kapurihan.. Through Jesus Christ👆🙌🙏

  • @marivicmarivic8065
    @marivicmarivic8065 Před 11 měsíci

    Kailan po uli kyo mg gawa ng video

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 11 měsíci

      Purihin ang Dios sa kaitaasan.
      Salamat po Kapatid sa pagtangkilik.
      Patuloy nyo po akong isama sa inyong mga panalangin na maipagpatuloy ang gawaing ito.
      Hopefully po ay makapagupload po kami ito ng August na ito.
      Nawa ang paggabay ng Espiritu Santo ay sumaatin.
      God bless