ANG KATANGIAN NG TUNAY NA MATUWID

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • MAYROON TAYONG APAT NA DAPAT MALAMAN KUNG ANO ANG MGA KATANGIAN NG TUNAY NA MATUWID?
    1. ANG KANYANG DILA AY PUNO NG KABUTIHAN..vv. 10
    1 Peter 3:10 "Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
    ✓ Pagsinabing puno ng kabutihan ang kanyang dila: (Ginagamit ito sa pagpupuri sa Diyos, Sa pag encourage, sa pag comfort, sa pag care sa buhay, sa pag preach sa salita ng Diyos...
    ✓ Ang mga anak ng Diyos, ay alam at kabisado kung paano gamitin ang dila...
    Mga Kawikaan 10:19 "Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala, ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.
    Mga Kawikaan 10:20
    [20]Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga, ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kagaya.
    Mga Kawikaan 21:23
    [23]Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.
    ✓ Ang dila pag naghasik o nagbuga ng kabutihan, walang masasaktan, walang mapapahiya, walang panghihinaan ng loob, walang gulo, walang away, walang tampuhan.... Maasahan...sapagkat ito ang tunay na katangian ng tunay na matuwid...
    ✓ Sabi sa 1 Peter 3:12, But the face of the Lord is against them that do evil...... Ang katangian ng taong masama, masama din ang dila.....
    Mga Kawikaan 12:19
    [19]Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal.
    Mga Kawikaan 24:1-2
    [1]Huwag mong kainggitan ang mga makasalanan ni sa kanila'y makipagkaibigan.
    [2]Ang nasa isip nila'y laging kaguluhan, at ang dila nila'y puno ng kasinungalingan.
    ✓ Kaya ang gamit ng dila, dipindi kung anong klasing tao siya.....
    Santiago 3:9-11
    [9]Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos.
    [10]Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid.
    [11]Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat.
    1. ANG KANYANG DILA AY PUNO NG KABUTIHAN..vv. 10

Komentáře • 43