ANG DIOS ANG AKING TANGGULAN SA PANAHON NG KAPIGHATIAN ! / SPOKEN BIBLE VERSE: MGA AWIT 56

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 15. 07. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE:
    MGA AWIT 56
    Naranasan mo na ba, na habang ikaw ay lumalakad sa liwanag at katuwiran ni Hesu Kristo, ay marami ang mga taong kumalaban sa yo? Na patuloy ka nilang inaapi at niyuyurakan. At ang kanilang galit sa yo ay hindi mo maunawaan.
    Na sa pagsusumikap mong sundin ang mga kautusan at tagubilin ni Hesu Kristo na mamumuhay sa katuwiran, ay mas lalong sumisidhi ang kanilang galit at nagbibigay sila yo ng mga kapighatian.
    At kapag tayo ay dumadanas ng mga ibat ibang paghihirap at kapighatian, bilang mananampalataya ni Hesu Kristo, saan mo kukunin ang iyong lakas upang manatili sa pananampalataya?
    Ang ating talatang pagbubulay bulayan ay magmumula muli sa aklat ng Mga Awit talatang 56. Ito ay isa sa mga awit ni David sa panahong siya ay huhulihin ng mga Filisteo sa Gat. Sa panahong siya humaharap sa pang-aapi, pang aaway at pagyurak ng kanyang mga kaaway.
    Pinapakita ang patuloy na pagtitiwala niya sa Dios at kanyang pagsusumamo sa Kanyang pagliligtas. Na sa kanyang pagharap sa persekusyon ng kanyang mga kaaway, ay nananatiling ang Dios ang kanyang tanggulan at kalakasan. Patuloy niyang pinupuri ang Dios sa gitna ng kanyang paghihirap at walang takot siyang nadarama sapagkat sa Kanya lang siya nagtitiwala. “Ano ang magagawa ng tao kung ang Dios ang iyong sandigan!
    Nawa ang mga talatang ito ay magbigay sa atin ng kalasang harapin ang mga kapighatian. At ating ihayag sa sangkatauhan na ang Dios ang ating tanggulan at sa Kanya mananatili ang ating pagtitiwala.
    Ang pagpapala nawa ng Dios Ama, Dios Anak, at Dios Espiritu Santo ang Siyang sumaatin.
    Mga Awit 56
    1 Maawa ka sa akin, O Diyos ko, sapagkat niyuyurakan ako ng mga tao; buong araw na pag-aaway, inaapi niya ako,
    2 sa buong araw ay niyuyurakan ako ng mga kaaway, sapagkat marami ang may kapalaluang sa akin ay lumalaban.
    3 Kapag natatakot ako, aking inilalagak ang tiwala ko sa iyo.
    4 Sa Diyos na pinupuri ko ang Salita, sa Diyos ay inilagay ko ang aking tiwala, ang laman sa akin ay ano ang magagawa?
    5 Buong araw ay sinisikap nilang saktan ang aking kalagayan, lahat ng kanilang mga pag-iisip ay laban sa aking ikasasama.
    6 Sila'y nagsama-sama, sila'y nagsisipagkubli, binabantayan nila ang aking mga hakbang, gaya ng kanilang pag-aabang sa aking buhay.
    7 Kaya't gantihan mo sila sa kanilang kasamaan;
    sa galit ay ilugmok mo, O Diyos, ang mga bayan!
    8 Iyong ibinilang ang aking mga paglalakbay, ilagay mo ang aking mga luha sa botelya mo! Wala ba sila sa aklat mo?
    9 Kung magkagayo'y tatalikod ang aking mga kaaway sa araw na ako'y tumawag. Ito'y nalalaman ko, sapagkat ang Diyos ay kakampi ko.
    10 Sa Diyos, na ang mga salita ay aking pinupuri, sa Panginoon, na ang mga salita ay aking pinupuri,
    11 sa Diyos ay walang takot na nagtitiwala ako. Anong magagawa sa akin ng tao?
    12 Ang iyong mga panata ay sa akin, O Diyos,
    ako'y mag-aalay ng mga handog ng pasasalamat sa iyo.
    13 Sapagkat iniligtas mo sa kamatayan ang aking kaluluwa,
    at sa pagkahulog ang aking mga paa,
    upang ako'y makalakad sa harapan ng Diyos
    sa liwanag ng buhay.

Komentáře • 12

  • @catherinekilario2981
    @catherinekilario2981 Před 2 lety

    Praise god halleluya kay paninoong jesus lamang matatagpuan ang dalisay at tapat na pagmamahal amen👏👏👏👏👏👏😍😍😍😍

  • @lilly6278
    @lilly6278 Před 2 lety

    Purihin ang Diyos ❤️Sa Diyos ang Lahat ng Papuri. Maraming Salamat po Panginoong Jesus❤️😊

  • @kenperez3380
    @kenperez3380 Před 2 lety

    Amen.

  • @edelentera8585
    @edelentera8585 Před rokem

    Praise the Lord God almighty.

  • @fashionthread807
    @fashionthread807 Před 2 lety

    Ang Diyos lang ang Tangi kong Kalakasan😔😊 Bawat Araw ang Diyos ang aking pag asa at Buhay. Salamat sa Diyos.

  • @marivicmarivic8065
    @marivicmarivic8065 Před rokem

    Humihingi po ako ng tulong sayo kapatid tulungan nyo po ako manalangin sa hirap ng kalooban na nararamdaman ko. Gayun pa man patuloy akong magpupuri sa Diyossa Diyos ang lahat ng Papuri at pasasalamat❤️ In Jesus Name. amen