BABALA: MGA KAHIRAPAN AT PAG-UUSIG NA DARATING: MATEO 24:3-51

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 18. 03. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE:
    MATEO 24:3-51
    Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
    Kung ating pagmamasdan ang mga kaganapan sa mundo ngayon, ay maraming mga pangyayari ang nagdudulot ng matinding takot sa atin. Mga pangyayaring tila sunod sunod na nagaganap at tila hind na matapos tapos.
    Katulad ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagdudulot ng matinding impact sa ekonomiya ng mundo at nagreresulta sa pagtaas ng produktong petrolyo at mga bilihin. mga karamdaman tulad ng pandemic na Covid 19 na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang dudulot ng sakit at kamatayan. At ang pagkagutom sa ibat ibang bahagi ng mundo.
    Wala na bang katapusan ang mga paghihirap na ito? Ito ba ay hudyat na ng mga mas malalang kahirapan at mga pag uusig na darating? Nasa panahon na ba tayo ng huling mga sandali na sinasaad sa Biblia?
    Bilang mga mananampalataya ni Hesu Kristo, tayo ay binalaan na ang panahon ng kahirapan at pag uusig ay darating na. At tayo ay dapat maging handa at maging mapagbantay upang ang ating pananampalataya ay maging matatag sa darating na panahon na ito.
    Sa videong ito ay hayaan nating ang Banal Na Salita ng Dios ang maghayag sa atin ng mga bagay na darating. Upang tayo ay maging handa.
    Makinig ang mayroong pakinig.
    Nawa ang Banal na Espiritu ang Siyang sumaatin.
    Mateo 24:3-51
    Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
    3 Samantalang siya'y nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya nang sarilinan ang mga alagad, na nagsasabi, “Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang tanda ng iyong pagdating, at ng katapusan ng panahon?
    4 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ng sinuman.
    5 Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako ang Cristo’ at ililigaw nila ang marami.
    6 At makakarinig kayo ng mga digmaan at ng mga bali-balita ng mga digmaan. Mag-ingat kayo na huwag kayong mangamba, sapagkat kailangang mangyari ito, subalit hindi pa ito ang wakas.
    7 Sapagkat maglalaban ang bansa sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian. Magkakaroon ng taggutom at mga lindol sa iba't ibang dako.
    8 Ngunit ang lahat ng mga ito ay pasimula lamang ng matinding paghihirap.[a]
    9 “Pagkatapos ay ibibigay kayo sa kapighatian at kayo'y papatayin; at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
    10 Maraming tatalikod,[b] magtataksil at mapopoot sa isa't isa.
    11 Maraming bulaang propeta ang lilitaw at ililigaw nila ang marami.
    12 Dahil sa paglaganap ng kasamaan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig.
    13 Subalit ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
    14 At ang magandang balitang ito ng kaharian ay ipahahayag sa buong daigdig bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas.
    15 “Kaya, kapag nakita ninyo ang karumaldumal na paglapastangan na sinabi sa pamamagitan ni propeta Daniel, na nakatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
    16 ang mga nasa Judea ay tumakas na patungo sa mga bundok.
    17 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang mga bagay sa loob ng kanyang bahay.
    18 At ang nasa bukid ay huwag nang bumalik upang kunin ang kanyang balabal.
    19 Ngunit kahabag-habag ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon!
    20 Kaya't idalangin ninyo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa taglamig o sa Sabbath.
    21 Sapagkat sa panahong iyon ay magkakaroon ng matinding paghihirap na hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, at hindi na mangyayari kailanman.
    22 At kung hindi paiikliin ang mga araw na iyon, ay walang makakaligtas na laman, subalit alang-alang sa mga hinirang ay paiikliin ang mga araw na iyon.
    23 At kung may sinumang magsabi sa inyo, ‘Masdan ninyo, narito ang Cristo!’ o, ‘Nariyan siya!’ huwag ninyong paniwalaan.
    24 Sapagkat lilitaw ang mga bulaang Cristo at ang mga bulaang propeta, at magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan, anupa't ililigaw, kung maaari, pati ang mga hinirang.
    25 Tingnan ninyo, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
    26 Kaya, kung sasabihin nila sa inyo, ‘Tingnan ninyo, siya'y nasa ilang,’ huwag kayong lumabas. ‘Tingnan ninyo, siya'y nasa mga silid,’ huwag ninyong paniwalaan.
    27 Sapagkat gaya ng kidlat na nanggagaling sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.
    28 Kung saan naroon ang bangkay, ay doon magkakatipon ang mga buwitre.[c]
    29 “At pagkatapos ng paghihirap sa mga panahong iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit, at yayanigin ang mga kapangyarihan sa langit.
    30 Pagkatapos ay lilitaw ang tanda ng Anak ng Tao sa langit, at tatangis ang lahat ng mga lipi sa lupa, at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
    31 Isusugo niya ang kanyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta at kanilang titipunin ang kanyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.

Komentáře • 16