HUWAG KANG HUMATOL?

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 29. 07. 2022
  • Marami ang mga nagtatanong, na sa mundo natin ngayon, bilang mga mananampalataya ni Hesu Kristo, paano natin ipapahayag o sasabihin ang mga maling gawa o pagkakasala ng ating mga kapatid kung sinabi ni Hesu Kristo na “Huwag humatol upang hindi kayo mahatulan.”?. Well isang magandang katanungan.
    Ngayon, ang tanong, SA BIBLIA BA AY SINABI TALAGA ITO NI HESU KRISTO?
    OPO Kanya itong sinabi sa Mateo 7:1
    Mateo 7:1
    7 “Huwag humatol upang hindi kayo mahatulan.
    Pero huwag nating kakaligtaan ang contexto ng mga salitang ito.
    Hindi sinasabi dito na hindi tayo dapat humusga ng nararapat.
    Ang sinasaad po dito ay huwag tayo maging ipokrito sa ating paghuhusga.
    Sapagkat kung ating babasahin ang mga sumusunod na bersikulo ng talatang ito, ay ating mababasa…
    Mateo 7:4-5
    4 O paano mong nasasabi sa iyong kapatid, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’ samantalang mayroong troso sa iyong sariling mata?
    5 Ikaw na mapagkunwari, alisin mo muna ang troso sa iyong sariling mata at nang magkagayon, makakakita ka nang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid.
    Nakuha po ba natin?
    Kailangan muna nating alisin ang troso sa sariling mata, upang makakita tayo ng malinaw upang maalis natin ang puwing sa mata ng ating kapatid.
    Kayat ang katotohanan, ang Biblia ay naghahayag na nararapat tayong humusga…
    Tulad ng hinahayag sa mga sumusunod na mga talata…
    Mga Kawikaan 27:5
    5 Mas mabuti ang hayag na pagsaway,
    kaysa nakatagong pagmamahal.
    Mga Kawikaan 31:9
    9 Buksan mo ang iyong bibig, humatol ka nang may katuwiran,
    at ipagtanggol mo ang karapatan ng dukha at nangangailangan.
    Mateo 18:15
    15 “Kung magkasala laban sa iyo ang iyong kapatid, pumaroon ka at sabihin mo sa kanya ang kanyang pagkakamali kapag kayong dalawa lamang. Kung pakinggan ka niya, ay napanumbalik mo ang iyong kapatid.
    Juan 7:24
    24 Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo nang matuwid na paghatol.”
    1 Corinto 2:15
    15 Ngunit nauunawaan ng taong espirituwal ang lahat ng mga bagay, subalit hindi siya nauunawaan ng sinuman.
    1 Corinto 5:12
    Ang Biblia, 2001
    12 Sapagkat anong kinalaman ko sa paghatol sa nasa labas? Hindi ba yaong mga nasa loob ang inyong hahatulan?
    2 Timoteo 3:16
    Ang Biblia, 2001
    16 Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran,
    Tama naman mga Kapatid, na hindi tayo dapat maging hambog o mapagmataas pagdating sa paghuhusga sa iba.
    Katulad ng sinasabi sa 2 Timoteo 2:24-25
    24 Ang alipin ng Panginoon ay hindi dapat makipag-away, kundi maamo sa lahat, mahusay magturo, matiyaga,
    25 tinuturuan nang may kaamuan ang mga sumasalungat, baka sakaling pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi tungo sa pagkakilala sa katotohanan,
    Tito 3:2
    Ang Biblia, 2001
    2 huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, huwag makipag-away, maging maamo, at magpakita ng hinahon sa lahat ng mga tao.
    Ang layunin dito mga kapatid ay hindi ang ituro o ihayag ang kamalian ng iba upang sila ay ipahiya at ipakita ang ating pagiging tama o tuwid.
    Ang layunin ay ituro sila sa katuwiran ni Hesu Kristo. Na Siyang nagpapatawad at nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
    Ating alamin ang mga Banal na Salita ng Dios, upang ating magabayan at matulungan ang isa’t isa ng naaayon sa Biblia.
    Magauunawaan natin ito kung BABALIKAN NATIN ANG KONTEXTO, INTINDIHING TOTOO!
    ------------------------------------------------------------------------------------------------
    CREDITS:
    THIS VIDEO WAS INSPIRED FROM:
    WWHUTT’s
    THOU SHALT NOT JUDGE
    PHOTO/VIDEO SOURCE
    BY UNSPLASH
    BY PEXEL
    PIXABAY
    GOOGLE
    MUSIC CREDIT
    CZcams AUDIO LIBRARY

Komentáře • 8