ANG PANGANGALAGA SA MGA HIRANG NG DIOS AMA / PRESERVATION OF THE SAINTS

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 29. 09. 2021
  • ANG PANGANGALAGA SA MGA HIRANG NG DIOS / PRESERVATION OF THE SAINTS / PERSEVERANCE OF THE SAINTS / ETERNAL SECURITY
    Ang bawat mananampalatayang tunay ang pananalig sa ating Panginoong Hesu Kristo ay mayroong pananampalatayang nagmula sa kanyang kapanganakang muli sa pamamagitan ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu. At dahil dito, ay ating tinanggap ang buhay na walang hanggan at nagkaroon ng karapatang tawaging mga anak ng Dios.
    Ito ang Biyaya ng kaligtasang iginawad ng Dios Ama sa lahat ng Kanyang mga Hirang bago pa ginawa ang lahat ng mga bagay. Sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na muli ni Hesu Kristo, ang plano ng kaligtasan ng sangkatauhan ay matagumpay na naisakatuparan. At ang pagtawag sa mga Hirang ay walang paghumpay na ginawa ng Banal na Espiritu upang tayo ay makatugon ng buong puso at manikluhod na lumapit kay Hesu Kristo.
    Ang kaganapan ng ating kapanganakang muli, ay makikita sa pagbabago ng iyong buhay. Kung dati ay puro pagnanasa ng laman ang ating inuuna, ngayon ay ang paggawa ng mabuti na naaayon sa espiritu ang ating ninanais. At ang ating pagnanasa ngayon, ay patuloy nating hanapin ang kaluwalhatian ni Hesu Kristo upang tayo ay pabanalin sa pamamagitan ng Kanyang kabanalan. At atin itong pagsisikapang mapanatili hanggang wakas.
    Ngunit bilang isang tao, kaya mo bang mapanatili ang maging tapat sa Kanya? May pagkakataon bang ikaw ay mahulog ng lubusan sa kasalanan at mawala ang buhay na walang hanggan? May pagkaaktaon bang mawala ang ating kaligtasan? Ano ang ating katiyakang mapanghahawakan upang mapanatili ang pagiging ganap sa mata ng Dios Ama?
    Iyan ang mga katanungang ating sasagutin mula sa Biblia at ito ay magbibigay sa iyo ng kapayapaang hindi mo maipapaliwanag, At mas lalo mong mauunawaan na ang kabuuan ng pagliligtas sa atin ng Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo.
    Nawa ang Banal na Espiritu ng Dios ang Syang magbigay ng kaunawaan at paghahayag sa lahat ng makakarinig ng mensaheng ito.
    Maraming Salamat po sa inyong pakikinig.
    Sa Dios ang lahat ng papuri!
    ----------------------------------------------------------------------------------------------------
    CREDITS:
    REFERENCE
    TRUTHS WE CONFESS - BY R.C. SPROUL
    ETERNAL SECURITY - BY STEVEN LAWSON
    PRESERVATION OF THE SAINTS - BY JOHN MC ARTHUR
    PHOTO SOURCE
    BY UNSPLASH
    BY PEXEL
    GOOGLE
    FILMS FEATURED
    THE STORY OF LAZARUS - LUMO
    THE SHEPHERD AND HIS SHEEP - LUMO
    THE MINISTRY OF JESUS - LUMO
    AOC NETWORK VIDEOS
    Disclaimer:
    All Film Featured are not my own. No copyright infringement intended.
    BIBLE SOFTWARE
    blueletterbible.org
    MUSIC CREDIT
    CZcams AUDIO LIBRARY
    AOC NETWORK VIDEO

Komentáře • 73

  • @moratarey1472
    @moratarey1472 Před 2 lety +3

    Amen lord 💖💖💖🙏🙏🙏

  • @ligayaalngog2799
    @ligayaalngog2799 Před 2 lety +1

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

  • @emmanuelrosas1562
    @emmanuelrosas1562 Před 2 lety +1

    Salamat sa diyos.amen

  • @ligayaalngog2799
    @ligayaalngog2799 Před 2 lety +1

    salamat kapatid salamat sakaliwa nagang dalamo sa video na ito Ang lahat ng papuri at kabanalan ay si DIYOS AMEN

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Sa Dios Ang lahat ng papuri Ligaya. Nawa ay patuloy tayong gabayan ng Banal Na Espiritu patungo kay Hesu Kristo sa pamamagitan ng Biblia.
      God bless

  • @crisantoarizapa9962
    @crisantoarizapa9962 Před 2 lety +1

    Purihin Ang Diyos ! amen!!¡

  • @flower2242
    @flower2242 Před 2 lety +1

    Thank u Lord

  • @thanbuyon5414
    @thanbuyon5414 Před 2 lety

    Amen

  • @joselitocumawas7320
    @joselitocumawas7320 Před 2 lety

    Salamat sa diyos at sa iyo Kapatid

  • @julmarglomar9724
    @julmarglomar9724 Před 2 lety

    Naway bumalik na ang taga pag ligtas nasi Jesus cristo

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Sa Dios Ang lahat ng papuri Julmar. Manatili nawa tayo sa ating pananampalataya hanggang sa wakas. God bless

  • @ronaldarancel5864
    @ronaldarancel5864 Před 2 lety

    Praise God

  • @mdaschannelreadthebible617

    God bless po

  • @leonponce7923
    @leonponce7923 Před 2 lety +4

    Amen, purihin ang Ama na kay Panginoong Hesus Cristo.
    God bless you bro.

  • @thewitnessesoath1858
    @thewitnessesoath1858 Před 2 lety

    Ephesians 1:13

  • @markjoelrios8121
    @markjoelrios8121 Před 2 lety +2

    Jesus is coming soon are you ready

  • @williambernido338
    @williambernido338 Před 2 lety +1

    Salamat po sa mga makabuluhang mensahe na iyong ipinahayag,ngunit sa totoo lang palagi pa rin akong may nagawang hindi mabuti sa ating Poong Maykapal....

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Sa Dios Ang lahat ng papuri William. Nawa ay patuloy tayong gabayan ng Banal Na Espiritu patungo kay Hesu Kristo sa pamamagitan ng Biblia.
      God bless

  • @lamontemar172
    @lamontemar172 Před 2 lety +1

    Purihin ang DIYOS❤️ sa DIYOS ANG LAHAT NG PAPURI😇 AMEN🙏🏻

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Salamat sa pagbisita Kaibigan. Sa Dios Ang lahat ng papuri. God bless

    • @lamontemar172
      @lamontemar172 Před 2 lety

      @@Ben.Filio.Production GODBLESS PO SIR😇❤️

  • @Danish-fd7zm
    @Danish-fd7zm Před 2 lety +1

    Nagugulohan po ako. Ipinag-uutos ng Diyos na wag sumamba kundi sa kanya lamang na nag iisa at pinakamakapangyarihan sa lahat. Bakit po hindi natin sundin ang utos nya na yan at sa pinakamataas at pinaka makapangyarihang Diyos lang tayo sumamba? Si Hesus man ay sumasamba sa Diyos at kapag sya'y nagdadasal, sya'y nagpapatirapa (Mateo 26:39) pero bakit di natin sya sinusunod at ginagaya na sa pinakamakapangyarihang Diyos tayo magdasal hindi sa kahit kanino? At sinabi din ni Hesus kay satanas sa Lucas 4:8 nong tintukso sya nito na sa kanya sumamba sa halip na sa Panginoong Diyos na "Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at sya lang ang dapat mong paglingkuran" Kung ang sinasabing mga "Hirang" ay dapat sumusunod kay Hesukristo, dapat natin syang gayahin diba?

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Salamat sa pagbisita Danish.
      Ang pinag uutos po NG ating Dios Ama ay huwag tayong sumamba sa diyos diyosan gawa ng tao mula sa imahe ng mga nilalang sa lupa, sapagkat Siya Ang nag iisang Dios na makapangyarihan sa lahat. Ang Dios nina Abraham, Isaac at Jacob.
      Si Hesu Kristo ay ang only begotten Son ng ating Dios Ama. At sa Kanya ay ibinigay Ang Authority sa lahat ng mga bagay. At walang bagay Ang nagawa Ang hindi nagmula sa Kanya. At nasusulat sa Biblia na Ang nananamlalataya sa Anak ay nananamlalataya sa Ama. Kayat Ang sumasambssa Anak ay sumasamba sa Ama. Sapagkat Ang Ama at ang Anak ay iisa.
      God bless

    • @Danish-fd7zm
      @Danish-fd7zm Před 2 lety

      @@Ben.Filio.Production
      Salamat sa paglaan ng sagot Ben. Pero sorry, kelangan kong sumagot uli. Wala po akong intensyon na kung anong ikakasama nyo o ng channel nyo at hangad ko lang na maliwanagan tayong lahat dahil nakasalalay dito ang destinasyon natin sa kabilang buhay.
      Kung iisa ang Diyos Ama at Diyos anak, bakit po nagdadasal si Hesukristo nong habang nandito sya? Kanino po sya nagdasal? May mas makapangyarihan pa ba sa Panginoon? Bakit nya rin nasabi na "Aking ama, kung maaari, lumampas sa akin ang kopang ito. Gayunma'y hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod" (Mateo 26:39). Sa Lucas 4:5-8 nong tinutukso si Hesus ng Demonyo na sya ay sambahin ay sinagot sya ni Hesus na " Nasusulat, ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin at sya lamang ang dapat mong paglingkuran" ang kompetesyon po kung sino ang dapat na sambahin na ipinahihiwatig dito ay sa pagitan ng Diyos na pinakamakapangyarihan at ng demonyo, hindi po kay Hesus at sa Demonyo. At sa Mateo 7:21 sinabi ni Hesus na "Hindi lahat ng tumatawag sa akin, "Panginoon, Panginoon" ay papasok sa kaharian ng langit kundi ang mga tao na sumusunod sa kalooban ng aking Ama (ang isang konsepto ng Islam ay pagsunod sa kalooban ng Ama). At nong namatay "daw" si Hesus (AS), kung sya din ang Diyos, nag collapse ba o may katiting na nangyari sa kahit anong nilikha nya dahil wala nang nagko kontrol diba? Kung sasabihin nating dahil sa kapangyarihan ng Diyos dahil hindi nangyari yon,Totoo po na sya ang pinakamakapangyarihan sa lahat. So kahit ilang beses pang mangyari ang pagkamatay at pagkabuhay ng Diyos ay balewala po yan. Pero wala naman namang atraso ang Diyos sa atin upang isakripisyo nya ang sarili nyang buhay at dumaan sya humiliation ng mga likha nya lang. Kahit po walang sumamba sa panginoon at kahit makasalanan pa ang lahat, hindi po mababawasan ang kapangyarihan nya. Tayo ang nangangailangan sa Kanya (Diyos) hindi ang Diyos ang nangangailangan satin. At madami pa rin syang nilalang na sumasamba sa kanya tulad ng mga Anghel o di kayay simpleng papalitan nya lang tayo.
      Maliwanag po na hindi sila iisa kasi hindi hawak o kontrolado ni Hesus (AS) ang kalooban ng Diyos (swt). At bene-verify po ng Islam at Quran yan na iisa lang ang Diyos.
      Hanapin po natin ang katotohanan dahil nakasalalay dito ang destinasyon natin sa kabilang buhay. Madami pong mga nakaka alam sa Bibliya (pari, ministro, preacher o kung ano pa) ang yumakap sa Islam.
      Oo may mga banal na aklat ng mga Kristyano at Hudyo na dapat kilalanin ng mga Muslim at ito ang Gospel na ipinadala kay Hesus (AS), Psalms kay David, Torah kay Moses at Qur'an kay Mohammad (peace be upon all of them and may Allah bless them). Pero yong original lang na mga kasulatan hindi yong mga isinalin na maraming nabago at may mga contradictions at madaming nabago ang kahulugan at binigyan ng mga maling interpretasyon.
      Dito na po tayo sa totoong relihiyon na ang sinasamba ay Panginoon ni Hesukristo, ni Abraham, ni Moses, ni Jacob, ni Adam at lahat ng mga propeta (peace be upon all of them). At totoong nagpapaubaya (to submit to the will of the Almighty) na syang kahulugan ng salitang "Islam". Kundi man ay alamin po natin ang katotohana at ang Islam.
      Naway sa halip na magalit tayo ay pagla-anan natin ng oras ang pananaliksik paras mas makasiguro tayo sa magandang kahihinatnan natin sa kabilang-buhay.
      Naway gabayan tayo ng Panginoon patungo sa tamang landas at huwag nating hayaan na matalo tayo sa sul-sol ng demonyo sa kanya-kanyang mga sarili natin upang iligaw tayo sa pagsamba sa totoong dapat sambahin at purihin.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +2

      @@Danish-fd7zm Salamat po sa iyong maginoong pakikipagtalastasan. Huwag ka mag alala Kapatid Ako na ay Di sumasama Ang loob sa iyong mga pinapahayag. Sapagkat tulad mo ay nais ko lamang sagutin Ang Mga katanungan sa ating mga buhay.
      Bago po ako tumugon, ay nais ko munang maunawaan kung saan nagmumula Ang iyong mga kapahayagan. Kung iyong mamarapatin Kapatid, ano po Ang iyong relihiyon? At para sa iyo, ano po Ang Daan ng isang makasalanang tao tungo sa kaligtasan?
      God bless

    • @Danish-fd7zm
      @Danish-fd7zm Před 2 lety +1

      @@Ben.Filio.Production Salamat at walang anuman Ben.
      Dati po akong Kristiyano (Roman Catholic) na ngayon ay nagsusumikap na sumunod sa mga utos ng ating Panginoon sa pamamagitan ng Islam, Qur'an at sa Kanyang mga propeta lalo na si Propeta Mohammad ( peace be upon all the prophets).
      Para sa Islam ang daan para sa kaligtasan ay pagbabalik-loob sa Kanya kasabay ng paghingi ng tawad. Wag tayong mawalan ng pag asa na hindi Nya tayo mapapatawad. Kahit gaano pa ka-laki kasalanan natin ay mapapatawad Nya tayo kung babaguhin natin at iiwasan ang mga nakaugaliang gawain at paniniwala na labag sa ipinag uutos Nya.
      czcams.com/video/C5ACV4EpcZU/video.html czcams.com/video/eiMWODq6wjA/video.html
      Suggest ko po na ikaw mismo magsaliksik at hindi lang po yong ipinapahayag ko ang tingnan nyo.
      Diyos ang nakakaalam at may alam ng lahat.
      Sumaiyo ang kapayapaan at patnubay ng ating Diyos na makapangyarihan sa lahat.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      @Danish Salamat muli sa iyong pagtugon. Nawa ay iyong pahintulutan na ihayag ko ang aking sarili at ang aking pinanampalatayanan. At nawa ang Banal Na Espiritu mula sa Dios Ama at Dios Anak Ang sumaatin.
      Sa iyong na unang mga pahayag ay naghayag ka ng mga talata sa Biblia. Ngunit wala po ito sa kontexto ng talata at sa katunayan ay mas lalo pa po itong nagpapa tunay ng kaisahan ng Dios Ama, ng Dios Anak. at ng Dios Espiritu Santo. At ito ay napakahalaga sa pagliligtas ng sangkatauhan.
      Kapatid pinanuod nyo po ba Ang kabuuan ng videong ito? Sapagkat dito ay naipaliwanag ng maigi ayon sa Banal Na Aklat Ang Biblia. Ito ay bahagi ng isang serye Ukol sa pagliligtas ng Dios sa atin. Kunn ikaw ay interesado, ay Inaanyayahan kitang panuorin ito.
      Di ko na PO kailangang hanapin Ang katotohanan sapagkat akin na po itong natagpuan sa persona at katuwiran ni Hesu Kristo sa pamamagitan ng Banal Na Espiritu. Si Hesu Kristo Ang Daan, Ang Katotohanan at ang Kaligtasan. Juan 14:6
      6 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
      At Ang lahat ng Autoridad sa langit at sa lupa ay ibinigay na sa Kanya ng Dios Ama.
      Ako ay umayon sa yo Kapatid na Ang mga tao ay ganap na makasalanan at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios Ama. Tayo ay spiritually dead at wala tayong kakayanang piliin Ang Mga bagay na ukol at para sa Dios. Sapagkat tayo ay nabubuhay sa laman at ang kaisipan ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos; sapagkat hindi ito napapasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga Maaari. Roma 8:7-8.
      Kayat papaano magagawa ng tao na iligtas ang Kanyang sarili sa kaparuhang Darating, kung cya ay patay at walang kakayanang pilitin Ang Dios dahil sya ay napopoot sa kanya. Kung Ang ating kaligtasan ay nakabase sa ting mga sarili at sa ating mga Gawa, ay wala sa atin Ang maliligtas at nararapat tayong lahat maparusahan sa impiyerno.
      Ngunit dahil sa biyaya at habag NG Dios Ama, ay hindi Niya pinabayaang Ang lahat ay mapahamak. Kayat Ang plano ng Kaligtasan na na ayon sa Kanyang Sovereign Will, ay Kanyang itinalaga sa mulat mula pa. At sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo na bumaba sa lupa upang mamuhay ng walang kasalanan at mamatay sa Krus dahil Siya Ang sumalo ng lahat ng kaparusahan dapat sa atin. Ibinuhos ng Dios ang lahat ng Kanyang galit sa sangkatauhan kay Hesu Kristo upang Ang kamatayan ay mawala sa atin. At Ang Kanyang kamatayan ay naging sapat na pambayad upang tayo ay mapa walang Sala at maging ganap sa mata ng Dios Ama. At sa pagkabuhay na muli ni Hesu Kristo at pag akyat at pag upo sa kanan ng Dios Ama, tayo ngayon ay mayroon ng Punong Pari na namamagitan sa atin. Kayat Paano tayo naligtas sa kaparuhang Darating? Hindi dahil sa ating mga Gawa, kundi dahil sa kabanalan ni Hesu Kristo na bumabalot sa atin. Kayat kapag Ang Dios Ama ay tumingin sa atin, hindi Ang ating karumihan at kalapastanganan Ang Kanyang nakikita, kundi Ang Kabanalan ni Hesu Kristo. At ito ay dahil sa biyaya NG pananampalataya sa Kanyang Anak. Tayo ay manikluhod na humingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at manalig sa Kanya. At mula sa kamatayan, tayo ay inihatid sa pagkabuhay. At ito po Ang aking pinapananampalatayanan. Ito po Ang ebangelyo ni Hesu Kristo.
      Ang Banal Na Espiritu nawa ang gumawa sa ating mga buhay upang ating marinig Ang Pagtawag Niya sa ating mga pangalan.
      Purihin ang Dios.
      Sa Dios Ang lahat ng papuri.

  • @arnelhubilla8918
    @arnelhubilla8918 Před 2 lety

    Amen

  • @alexanderpanta7641
    @alexanderpanta7641 Před 2 lety

    Amen