ANG PAG-AARING GANAP NG TAO AYON SA BIBLIA: SPOKEN BIBLE VERSE ROMANS 5

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 20. 01. 2022
  • SPOKEN BIBLE VERSE
    Roma 5
    Ang Biblia, 2001
    Mga Bunga ng Pag-aaring-ganap
    1 Kaya't yamang tayo'y inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong[a] kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
    2 Sa pamamagitan niya'y nakalapit tayo[b] sa biyayang ito na ating pinaninindigan, at nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos.
    3 At hindi lamang gayon, kundi nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian sa pagkaalam na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis,
    4 at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa.
    5 At hindi tayo binibigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.
    6 Sapagkat noong tayo ay mahihina pa, sa tamang panahon si Cristo ay namatay para sa masasama.
    7 Sapagkat bihirang mangyari na ang isang tao'y mamatay alang-alang sa isang taong matuwid; bagama't alang-alang sa isang mabuting tao marahil ay may mangangahas mamatay.
    8 Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.
    9 Lalo pa nga, ngayong itinuturing tayong ganap sa pamamagitan ng kanyang dugo, ay maliligtas tayo sa galit ng Diyos sa pamamagitan niya.
    10 Sapagkat kung noon ngang tayo'y mga kaaway, ay pinakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang Anak, lalo ngayong ipinagkasundo na, ay maliligtas tayo sa pamamagitan ng kanyang buhay.
    11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nagagalak rin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pakikipagkasundo.
    12 Kaya't kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan, kaya't dumating sa lahat ng mga tao ang kamatayan, sapagkat ang lahat ay nagkasala;
    13 tunay na ang kasalanan ay nasa sanlibutan bago pa dumating ang kautusan, ngunit hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.
    14 Gayunman, ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa kanila na hindi nagkasala ng tulad sa paglabag ni Adan, na siyang anyo ng isa na darating.
    15 Subalit ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagsuway ng isa ang marami ay namatay, lalo pang sumagana para sa marami ang biyaya ng Diyos, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang tao, na si Jesu-Cristo.
    16 At ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng ibinunga ng pagkakasala ng isang tao; sapagkat ang kahatulan na dumating na kasunod ng pagkakasala ng isa ay nagbunga ng paghatol, subalit ang kaloob na walang bayad na kasunod ng maraming pagsuway ay nagbunga ng pag-aaring-ganap.
    17 Sapagkat kung paanong sa pagsuway ng isa ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; ang tumatanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng pagiging matuwid ay lalo pang maghahari sa buhay sa pamamagitan ng isa, si Jesu-Cristo.
    18 Kaya't kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang kahatulan sa lahat ng mga tao; gayundin naman sa pamamagitan ng isang matuwid na gawa ay dumating sa lahat ng mga tao ang pag-aaring-ganap at buhay.
    19 Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayundin sa pamamagitan ng pagsunod ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
    20 Subalit dumating ang kautusan na nagbunga ng pagdami ng pagsuway, ngunit kung saan marami ang kasalanan, ay lalong dumarami ang biyaya;
    21 upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa kamatayan, ay gayundin naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng pagiging matuwid tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin.

Komentáře • 17

  • @charmainehatol
    @charmainehatol Před 2 lety

    Lord isa po akong makasalanan pero dahil sa kabutihan mo ibinigay mo ang buhay mo para sa kaligtasan ko

  • @jayrced965
    @jayrced965 Před 2 lety

    Amen

  • @elshielaniejanethcenita6912

    Thanks for sharing

  • @marilyngoto3334
    @marilyngoto3334 Před 2 lety

    Amen 💕

  • @kuyajonjon13
    @kuyajonjon13 Před 2 lety +1

    pagdasal po natin na sana maging maayus na ang lahat at maging ligtas ang lahat. 🙏

  • @frankstv8488
    @frankstv8488 Před 2 lety

    Sir gd pm po sir pwd po ba makahinge mg bible sa inyo yung tagalog po para may mabasa naman po q sa duty q isa po qng security salamat po

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Sa Dios Ang lahat ng papuri Frank. Salamat sa pagbisita.
      Isa po sa mabuting baga na naibibigay ng tecknolohiya ay ang pagkakaroon po natin ng access sa Internet. Ang Biblia po ay maari po nating maaccess saan man tayo naroroon.
      Kapatid Eto po Ang link ng Bible site na aking ginagamit sa aking pang Araw Araw na pagbubulay bulay. Nawa ay makatulong ito sa iyong pagsasaliksik ng katuwiran ni Hesu Kristo.
      www.biblegateway.com/passage/?search=Filipos%203&version=ABTAG2001
      God bless

  • @nemelynemaraasin2918
    @nemelynemaraasin2918 Před 2 lety

    Amen

  • @marvillstv.2343
    @marvillstv.2343 Před 2 lety

    Amen