NEW YEARS RESOLUTION: DAPAT BANG GUMAWA NITO ANG MGA KRISTIANO?

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 30. 12. 2021
  • NEW YEARS RESOLUTION: DAPAT BANG GUMAWA NITO
    ANG MGA KRISTIANO?
    Hay ang Bagong Taon ay nandito na naman. Panahon ng panibagong simulain. A “Fresh Start” ika nga. At sigurado, nag uumpisa ka ng isulat ang iyong New Year’s Resolution sa pagbubukas ng Bagong Taon.
    Maaring ito ay gusto mong pumayat, o kaya ay iwanan na ang mga masasamang bagay sa buhay mo, o di kaya ay matuto ng mga bagong kaalaman! At pagkatapos ng dalawang linggo ng bagong tao na ito, ay hindi mo na ito magawa o masimulan. Kayat sasabihin mo na lang sa iyong sarili, “Meron pa namang next year!”
    Ngayon tama po bang ang mga Kristiano ay gumawa ng New Years Resolution. Well Oo naman. Wala namang masama kung ikawa ay nagseset ng mga personal goals. Pero lagi lang nating pakakatandaan mga Kapatid, na kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
    1 Corinto 10:31
    Ang Biblia, 2001
    31 Kaya kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
    Atin din isaalang-alang din ang sinabi ni Santiago
    Santiago 4:13-16
    Ang Biblia, 2001
    Babala Laban sa Kapalaluan
    13 Halikayo ngayon, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito o sa ganoong bayan, at kami ay mangangalakal doon ng isang taon at kikita.”
    14 Gayunman ay hindi ninyo nalalaman kung ano ang magaganap bukas. Ano ba ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sandaling panahon ay lumilitaw, at pagkatapos ay naglalaho.
    15 Sa halip ay dapat ninyong sabihin, “Kung loloobin ng Panginoon kami ay mabubuhay at gagawin namin ito o iyon.”
    16 Subalit ngayon ay nagmamalaki kayo sa inyong mga kayabangan. Ang lahat ng gayong pagmamalaki ay masama.
    Oo Kapatid, tunay na masama kung iyong iisipin na kontrolado mo ang lahat ng mangyayari sa buhay mo. Alam mo si Job ay nauunawaan na kanyang mga araw ay itinakda na, at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo, at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
    Job 14:1-6
    5 Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na,
    at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo,
    at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
    6 ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto,
    upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.
    Sinabi ni Hesu Kristo, na huwag kayong mabalisa, na magsasabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’ Sapagkat ito ay batid ng inyong Ama sa langit. Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian[a] at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
    Mateo 6:31-34
    Ang Biblia, 2001
    31 Kaya huwag kayong mabalisa, na magsasabing, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming isusuot?’
    32 Sapagkat hinahanap ng mga Hentil ang lahat ng mga bagay na ito; at batid ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.
    33 Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian[a] at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
    34 “Kaya't huwag ninyong alalahanin ang bukas, sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa kanyang sarili. Sapat na para ngayon ang kabalisahan sa araw na ito.
    Maiintidigan natin ang mga bagay Kung babalikan natin ang Kontexto, at intindihing totoo.
    ------------------------------------------------------------------------------------------------------------
    CREDITS:
    THIS VIDEO WAS INSPIRED FROM:
    WWHUTT’s
    SHOULD CHRISTIANS MAKE NEW YEARS RESOLUTION?
    PHOTO SOURCE
    BY UNSPLASH
    BY PEXEL
    PIXABAY - BY HANS BRAXMEIER
    GOOGLE
    MUSIC CREDIT
    CZcams AUDIO LIBRARY

Komentáře • 6