PANGINOON NG SABBATH / ARAW NG PAMAMAHINGA

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 25. 02. 2022
  • PANGINOON NG ARAW NG PAMAMAHINGA
    Sa Marcos 2, si Hesu Kristo at ang Kanyang mga alagad ay naglalakad sa triguhan sa Araw ng Pamamahinga o Sabbath.
    Ayon sa ika Apat na utos ng Dios, na lagi nating tandaan at ilaan para sa Dios ang Araw Ng Pamamahinga. At di tayo nararapat magtrabaho at gumawa.
    Exodo 20:8-10
    Magandang Balita Biblia
    8 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. 9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. 10 Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo.
    Ngayon habang naglalakad ang mga disipolo sa triguhan ay pumitas sila ng trigo. Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
    Marcos 2:23-27
    Magandang Balita Biblia
    Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga
    23 Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus at ang kanyang mga alagad sa triguhan. Habang sila'y naglalakad, ang mga alagad ay pumipitas ng trigo. 24 Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”
    At sinagot sila ni Hesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
    Marcos 2:27-28
    Magandang Balita Biblia
    27 Sinabi rin ni Jesus, “Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Ang Anak ng Tao ay Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”
    Sa ating panahon ngayon, tayo po ay nabubuhay sa mundo sa panahong tinatawag na “Age Of Fulfilment”. Sa Mateo 5:17 ay sinabi ni Hesus “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a] Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin. At sa Kanyang kamatayan sa Krus ng Kalbaryo ay Kanyang natupad ang lahat ng kautusan sa Lumang Tipan ukol sa Sabbath.
    Mateo 5:17
    Magandang Balita Biblia
    Katuruan tungkol sa Kautusan
    17 “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang mga Propeta.[a] Naparito ako hindi upang ipawalang-bisa ang mga iyon kundi upang tuparin.
    Di na natin kailangang magpasakit upang sundin ang mga gawang ito upang tayo ay maligtas, sapagkat di natin din ito kayang gawin at walang sinuman ang nakatupad nito. Tanging si Hesu Kristo lamang. At tayo ay mayroon ng KAPAHINGAHAN sa “FINISHED WORK” ni Hesu Kristo na maliwanag na sinasaad sa Mateo 11:28 ng Kanyang sabihin, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
    Mateo 11:28
    Magandang Balita Biblia
    28 “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
    At pinatotohanan ni Apostol Pablo sa Mga Taga Colosas 2:16-17 Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito.
    Colosas 2:16
    Magandang Balita Biblia
    16 Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga.
    17 Ang mga ito'y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito.
    Sa ating panahon ngayon ay ating inaalala at binibigyang galang ang ika Apat na Utos, sa pamamagitan ng madalas na pagkikita kita ng mga Kristiano sa Iglesiya at ipinagdidiwang ang pakiki isa natin sa Kanyang Katawan para sa ating kaligtasan.
    Mahalaga pa din ang pagkakaroon ng Araw ng Pamamahinga, pero katulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa Mga Taga Roma 14 Tanggapin ninyo ang mahihina sa kanilang paniniwala, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang kuru-kuro.
    Roma 14
    Magandang Balita Biblia
    Huwag Hatulan ang Inyong Kapatid
    1 Tanggapin ninyo ang mahihina sa kanilang paniniwala, at huwag makipagtalo sa kanya tungkol sa kanyang kuru-kuro.
    Maiintindihan natin ang mga bagay na ito kung Babalikan natin Ang Kontexto at Intindihing Totoo,
    -------------------------------------------------------------------------------------------------------------
    CREDITS:
    THIS VIDEO WAS INSPIRED FROM
    WWHUT'S VIDEO - REMEMBER THE SABBATH?
    VIDEOS:
    LUMO - LUKE (LORD OF SABBATH)
    PICTURES:
    GOOGLE
    MUSIC:
    CZcams AUDIO LIBRARY

Komentáře • 36

  • @markjoelrios8121
    @markjoelrios8121 Před 2 lety +1

    Amen po

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Sa Dios Ang lahat ng papuri Mark. Salamat sa patuloy mong pagtangkilik. God bless

  • @glenayavanderheyden2846

    Amen🙏🙏🙏

  • @MarizTangaranyourShiningStar

    Yes amen.. God bless you ganda content mo.

  • @user-fb7lc8yo8r
    @user-fb7lc8yo8r Před 5 měsíci

    Amen, Thanks be to God and to God be all the Glory🙏❤️🙏

  • @ronielmelendres5517
    @ronielmelendres5517 Před 2 lety

    Amen🙏

  • @joarembstaples4837
    @joarembstaples4837 Před 2 lety

    Salamat sa pagpapaliwanag brother. God bless.

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Purihin ang Dios sa kaitaasan Joaremb. Salamat sa pagtangkilik. God bless

  • @VeGen292
    @VeGen292 Před 2 lety

    Amen, Hindi kasalanan Ang pagsamba SA iBang araw.. mapa Saturday mn o Sunday❤️

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety

      Sa Dios Ang lahat ng papuri Vem. Salamat sa pagbisita. God bless

    • @VeGen292
      @VeGen292 Před 2 lety

      @@Ben.Filio.Production Amen🙏🙏

  • @makeitbig1291
    @makeitbig1291 Před rokem

    Sa jerusalem may 3 na sabbath, friday para sa mga muslim, sabado sa mga judio, at sunday sa mga Kristyano.

  • @user-ek1xt3zu8n
    @user-ek1xt3zu8n Před rokem

    Remember the sabbathday to keep it holy

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před rokem

      Si Hesu Kristo ang ating "True Sabbath". God bless

    • @user-ek1xt3zu8n
      @user-ek1xt3zu8n Před rokem

      @@Ben.Filio.Production bigyan ntin ng kpahingahan at pagsamba ang araw n binigay sa atin ni jesus. N nung xay nagkatawan tao dito sa lupa ay kanyang sinunod para ,sundin din natin ito.n xang araw ng sabbath

    • @user-ek1xt3zu8n
      @user-ek1xt3zu8n Před rokem

      Ang diyos ng israel at natin ay iisa hnd xa nagbabago ng utos. Dahil jesus never failed... Wala xang binago c satanas tlaga ngawa ng paraan para hnd ito masunod kaya madame hnd nasunod katulad mo sir. Sorry

    • @user-ek1xt3zu8n
      @user-ek1xt3zu8n Před rokem

      Ipapangaral mo p n wala n ang utos . N dapat hnd n tayu sumimba ng araw ng sabbath,.sa ikapito araw C satanas natutuwa jan

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před rokem

      @@user-ek1xt3zu8n Salamat sa maginoong pakikipagtalastasan Kaibigan.
      Si Hesu Kristo ang ating "Eternal Rest" O "Eternal Sabbath". Siya ay nagtamo ng ministeryong higit na marangal at tagapamagitan ng higit na mabuting tipan na pinagtibay ng higit na mabuting pangako. Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa. Sa pagsasalita tungkol sa “bagong tipan,” ginawa Niyang LIPAS NA ANG UNA. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit nang maglaho.
      Mga Hebreo 8:6-13
      6 Subalit ngayo'y nagtamo si Cristo[a] ng ministeryong higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan sa isang higit na mabuting tipan na pinagtibay sa higit na mabubuting pangako.
      7 Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa.
      8 Sapagkat nang makakita ang Diyos[b] ng kapintasan sa kanila, ay sinabi niya,
      maglaho
      “Ang mga araw ay tiyak na darating, sabi ng Panginoon,
      na ako'y gagawa ng isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel
      at sa sambahayan ni Juda,
      9 hindi ayon sa tipang aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
      nang araw na hawakan ko sila sa kamay, upang sila'y ihatid papalabas sa lupain ng Ehipto,
      sapagkat sila'y hindi nagpatuloy sa aking tipan,
      kaya't ako'y hindi nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
      10 Ito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel
      pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
      ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip,
      at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso,
      at ako'y magiging Diyos nila,
      at sila'y magiging bayan ko.
      11 At hindi magtuturo ang bawat isa sa kanila sa kanyang kababayan,
      o magsasabi ang bawat isa sa kanyang kapatid, ‘Kilalanin mo ang Panginoon,’
      sapagkat ako'y makikilala nilang lahat,
      mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila sa kanila.
      12 Sapagkat ako'y magiging mahabagin sa kanilang mga kasamaan,
      at ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.”
      13 Sa pagsasalita tungkol sa “bagong tipan,” ginawa niyang LIPAS NA ANG UNA. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit nang maglaho.

  • @tristanhabulin6571
    @tristanhabulin6571 Před 2 lety

    Ano poba ang relehiyon nyo po

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Ako po ay isang walang kabuluhang alipin ng ating Panginoong Hesu Kristo na nagsusumikap lumakad sa gabay ng Banal Na Espiritu sa pamamagitan ng Biblia.

    • @tristanhabulin6571
      @tristanhabulin6571 Před 2 lety

      Parang nyo pung sinasabi sa inyung sarili na subrang makasalanan nyo po dahil lang sa salita at banal na spirito kaya kayo ginagabayan at ginawang banal ng banal na spirito

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      @@tristanhabulin6571 Tama po Kapatid. Yan Ang ibig Kong sabihin. God bless

    • @tristanhabulin6571
      @tristanhabulin6571 Před 2 lety

      Maraming salamat po