ANG BIBLIA AY TOTOO! DAHIL SINABI ITO NG BIBLIA!

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 22. 10. 2021
  • ANG BIBLIA AY TOTOO! DAHIL SINABI ITO NG BIBLIA!
    Paano natin malalaman na ang Biblia ay ang Salita ng Dios at ang lahat ng sinasabi nito ay totoo?
    Well una sa lahat, dahil ito ay sinabi ng Biblia..
    Teka teka parang me mali… Ang Biblia ay totoo dahil sinasabi ng Biblia na ito ay totoo? Isang argumentong pinaikot ikot lang..
    Ganito yan Kapatid, kapag kasi sinabi natin ang isang bagay na di nanggaling mismo sa Biblia, di ba magiging problema ito. Kaya ito ay reasonable
    Kayat kahit sa kanyang sarili, ang Biblia ay “Self-affirming”.
    Ating sinuri ang Kasaysayan sa pamamagitan ng kasaysayan di ba?
    Kayat Katulad ng mga taga Berea sa Mga Gawa 17:10-12, sinuri nila ang
    kasulatan sa pamamagitan ng kasulatan.
    Mga Gawa 17:10-12
    Ang Biblia, 2001
    Sa Berea
    10 Nang gabing iyon ay agad na pinaalis ng mga kapatid sina Pablo at Silas patungo sa Berea. Nang dumating sila roon, pumasok sila sa sinagoga ng mga Judio.
    11 Ngayon ang mga ito ay higit na mararangal kaysa mga taga-Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita ng buong pananabik na sinisiyasat araw-araw ang mga kasulatan kung tunay nga ang mga bagay na ito.
    12 Kaya marami sa kanila ang nanampalataya, kasama ang maraming babaing Griyego at mga pangunahing lalaki.
    Ang Biblia ay
    • Mayroong 66 na aklat
    • Isinulat ng mahihigit 1500 taon sa nakaraan
    • isinulat ng mahigit na 40 na manunulat
    • mula sa ibat ibang background
    • mula sa 3 continente
    • at sa 3 ibat ibang lenguahe
    Pero pare pareho silang nag hahayag ng iisang istorya kahit hindi sila magkakakilala, at ang Dios Ama ang may akda.
    Ang mga manunulat nito ay hindi naghahangad na magsulat ng isang batas Kanoniko, sila ay sumulat ng mga kapahayagang mula sa Dios
    Ang Biblia ay naghahayag ng Ganap na pagkamakasalanan ng tao at ang pangangailan natin ng paglilitas.
    At ang kabanalan ng Dios Ama at ang Kanyang plano ng pagliligtas.
    At Yan ang mga tipo ng libro na alam nating isusulat ng isang Dios na makapangyarihan sa lahat.
    Alam nating totoo ang Biblia dahil:
    1. ito ay sinabi ng Biblia
    2. sinabi ito ni Hesu Kristo
    3. ito ay pinatunayan ng kasaysayan
    4. ang mga propesiya ay nagkatotoo
    5. hindi ito pabago-bago
    6. ang mga sinabi nitong ating dadanasin ay ating dinadanas
    7. at ito ay naging matatag sa mahabang panahon
    1 Juan 5:6-12
    Ang mga Patotoo sa Anak ng Diyos
    6 Ito ang siyang naparito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo, si Jesu-Cristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo. At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
    7 Sapagkat may tatlong nagpapatotoo:[a]
    8 ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo; at ang tatlo ay nagkakaisa.
    9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay higit na dakila ang patotoo ng Diyos, sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na siya'y nagpapatotoo tungkol sa kanyang Anak.
    10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may patotoo sa kanyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos ay ginagawa siyang sinungaling, sapagkat hindi siya sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Diyos tungkol sa kanyang Anak.
    11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak.
    12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.
    Alam kong merong mga ibang mga bagay na nagpapatotoo sa Biblia, sa labas ng Biblia
    Pero ang Biblia ay may kakayanang pagtibayin o patotohanan ang kanyang sarili,
    Kayat sa katanungang bakit ko pinananampalatayanan ang Biblia?
    Sapakat Ang Biblia ay MAPAGKAKATIWALAANG KOLEKSIYON ng mga dokumento ng KASAYSAYAN, isinulat ng mga SAKSI sa panahong buhay pa ang iba pang SAKSI, na naghahayag ng mga SUPERNATURAL na mga PANGYAYARI ng mga particular na PROPESIYA, at kanilang hinahayag na ang pinagmulan ng mga kasulatang ito ay sa Dios at hindi sa tao.
    Sama sama nating balikan. Ang Kontexto. Intindihing Totoo
    -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
    CREDITS:
    THIS VIDEO WAS INSPIRED FROM:
    WWHUTT’s
    THE BIBLE IS TRUE BECAUSE THE BIBLE SAYS IT’S TRUE
    REFERENCES:
    WHY YOU CAN BELIEVE THE BIBLE- BY VODDIE BAUCHAM
    PHOTO SOURCE
    BY UNSPLASH
    BY PEXEL
    GOOGLE
    MUSIC CREDIT
    CZcams AUDIO LIBRARY

Komentáře • 18

  • @tristanhabulin6571
    @tristanhabulin6571 Před 2 lety +1

    Maraming salamat sa diyos dahil sakanyang mga salita nanagtuturo ng mga mabubuting bagay at itinuturo ang mga kaibig ibig nagawain maraming salamat sakaniyang pagmamahal sa atin amen😊😊

  • @markdelliro5571
    @markdelliro5571 Před rokem

    Tama,dahil dito nakasulat ang aklat ng kautusan,

  • @markjoelrios8121
    @markjoelrios8121 Před 2 lety +1

    Nakita konarin tong channel NATO dati kopato hinahanap

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 2 lety +1

      Salamat sa muling pagtangkilik Mark.
      Nawa ay patuloy tayong gabayan ng Banal Na Espiritu patungo kay Hesu Kristo sa pamamagitan ng Biblia.
      God bless

  • @jeffreybersabal7769
    @jeffreybersabal7769 Před 2 lety

    PRAISE LORD JESUS CHRIST!🙏🙏🙏
    MY KING AND MY SAVIOR!💖.
    AMEN.....

  • @marivicmarivic8065
    @marivicmarivic8065 Před 11 měsíci

    Saan po ang location nyo? Saan po kayo nag church

    • @Ben.Filio.Production
      @Ben.Filio.Production  Před 11 měsíci

      Salamat sa pagtangkilik Kapatid.
      Ako po ay isang mananampalatayang patuloy na nagausumikap na lumakad sa liwanag ng pag ibig ng Dios.
      Ako po ay nananambahan sa Tipas Unida Church sa Taguig.
      Pagpalain po kayo ng Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo.

  • @charmainehatol
    @charmainehatol Před 2 lety

    Yes po the bible is real... Most of all God is Real and the most powerful in the whole universe. Praise God for his word is true...

  • @dewantaurias2272
    @dewantaurias2272 Před 2 lety

    Bibliya ang haligu ng katotohanan

  • @anthonyalilano5827
    @anthonyalilano5827 Před 7 měsíci

    nagugulohan poh ako sa bible kasi sinabi sa GENESIS 6:3 120 lamang haba ng buhay ng tao bakit may nabuhay ng 122 years old na babae.

  • @thewitnessesoath1858
    @thewitnessesoath1858 Před 2 lety

    Purihin Ang DIOS!!Ang BIBLE Ay Totoo Dahil Sinabi Ito Ng BIBLE!!