Magulang Binenta ang Lupa pero hindi nakapirma ang mga Anak - Valid ba ang Deed of Sale?

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 13. 09. 2024
  • Kailan ba kailangan ang pirma ng mga anak sa Deed of Sale or Deed of Donation kapag magbebenta ng lupa ang magulang? Kailan naman hindi?

Komentáře • 116

  • @jeffersongalin9983
    @jeffersongalin9983 Před 20 dny +1

    Ang sipag ni atty. Mag reply...bibihira po ang katulad nyo..my passion sa pagsagot sa mga tanong...maraming salamat po sa inyo..may natutunan akong madaming bagay...godbless po atty!!!sanay palaging maganda ang inyong pangangatawan

  • @lorenzoescobido5900
    @lorenzoescobido5900 Před 8 dny

    Atty.good am po tatanong lang po kung yon po bang lupa na binogay ng agrario at buhay pa ang nanay ay pinagbili ng lola sa kanyang apo ngayon po hinabol ng mga anak na buhay un po ay pueding habulin ng mga anak sa pagkakabinta ng lola sa apo na di sila nakapirma

  • @bratstyler
    @bratstyler Před 16 dny

    Good eve po Atty. Mababawi pa po ba ng mga kapatid ng tito(single in status) ko ang lupa nya na nabenta nya sa iba ng sobrang mura habang malala na sakit ng mga panahong iyon, namatay na siya Last January 2024. Ang lupa ay more or less 2 hectares tapos binili lang ng 300k na walang ka bali-balita ang mga kapatid ng tito ko bagu siya namatay.

  • @VirgiePablo-pu9wr
    @VirgiePablo-pu9wr Před 2 měsíci +1

    Gandang hapon Po atty may nabinta Po akong lupa Po n 60 k pag kabili Ng pamangkin ko Po pero Wala pong linaw hind Po kmi nag bintahan s personal Po at yong anak kopo aywalang Perma pati Asawa ko pero nalaman ko n Malaki pla yong lupa ko hind nag sasabi Ng totoo at binili lang Po Ng mura Wala pong perma Ng anak ko at Asawa ko pwidi ko Po bang mabawi salamat po sana mapansin Po ito

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      Sino po ang nakatira or in possession ng.property ngaun na binenta mo po? yung pamangkin na po ba?

  • @abscbnmovie1602
    @abscbnmovie1602 Před dnem

    atty.ask ko lang kung pwede pa po mabawi ang lupa n binenta ng nanay ko s panganay namin yong lupa po n binenta nila ay para po sa kapatid kong isa.nakuha n po ng panganay nmin ang kalahati ng lupa ng magulang dahil ang sinasabi nia rin po ay nabili nia s tatay namin pero wala siya maipakita papel at ngayon po ulit yong maliit n lupa n para sana s kapatid kong isa binenta naman ng nanay nmin skanya without our consent.hindi po sinabi ng nanay n binenta nia po nia yong lupa.at ngayon po ay gustong bawiin nong isa kong kapatid yong lupa pero ayaw po nong panganay . ano po ang dapat gawin mababawi p po b nia yong lupa ?sana po matulungan nio po kami atty.maraming salamat po

  • @ZhairaZaneCornel
    @ZhairaZaneCornel Před 11 dny

    Atty, ito ang sitwasyon may binenta n bahay at lupa, ang titulo ay conjugal ngunit patay na ang asawa at ang pagbenta ay walang consent ng anak? Pwde bang macancel ng anak ang deed of sale sa bentahan?

  • @carlopatricio9276
    @carlopatricio9276 Před 15 dny

    Atty, may bibilin po kami lupa 1hectare lang binebenta nila pero 2.5 hectare sya sa titulo, ano po ba maganda, buhay papo ung may ari at asawa, need papo ba ng pirma ng mga anak? Nasa abroad nman po kasi mga anak

  • @anabelmendoza8514
    @anabelmendoza8514 Před 12 dny

    Paano nman po kung may isang anak lang ang hindi nakapirma pero 18years na po ang nakaraan after nung bentahan?

  • @jeffersongalin9983
    @jeffersongalin9983 Před 20 dny

    Atty, matanong ko po,,yung mama ko may lupa po na minana sa magulang nya..bale devided n s magkakapatid, ang parti ng mama ko ay binenta nya s kapatid nya verval palang nman..di po namen alam na nauto n pala ang mama ko s halaga ng lupa..mura po masyado ang pagkabili...pwede pa bo ba namen mahabol yun atty.?since may usapan kasi sila na wag ibenta sa iba..ei ngayon po kasi binibenta nila ng mahal sa iba...as a child, kung exclusive property ni mama namen yun, di na po pala need ng consent namen...?yung mama ko po kasi walang pinagaralan..nauto po ata..ngayon lang po namen nalaman na binenta nya na pala..sa murang halaga

  • @60th1cy4
    @60th1cy4 Před 24 dny

    Atty. may nabili po akong residential lot, yung owner (parents) patay na po, mga anak lang po ang nagbenta. Hawak po namin ang land title and deed of sale at nagbabayad po ako nang yearly tax sa munisipyo namin. Gusto ko po sana mailipat na po sa akin yung titulo ng lote. Pumunta po kami sa Land Registration Authority, at pinayuhan po kami na magpagawa ng EJS. May Extra Judicial Settlement na po kami? Ano po yung next na gagawin? Need po ba magpagawa nang geodetic map bago pumunta sa BIR? Sino po yung nagpra process ng transfer of title? BIR or ROD? Thank you.

  • @mrs.p1127
    @mrs.p1127 Před 2 měsíci +1

    Hello po magtatanong lang po, kailangan pa po ba pirma ng mga kapatid kapag ibebenta ng magulang ang lupa nila sa isang anak nila? Salamat po.

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@mrs.p1127 if buhay pa po ang parehong magulang, then no need po ang pirma ng ibang mga anak.

  • @parkseoyong7524
    @parkseoyong7524 Před 9 dny

    Atty.panu naman po kung ang nanay ko my anak sa una tas kami po ay anak sa pangalawa tas ang tatay at nanay ko po ang ngbayad para ma fullpaid yong lupa,ang tanung ko po pwedi po bang malipat sa unang anak ang titulo nglupa or sa kanya ipangalan ng titulo kasi nakuha na nong anak ng nanay ko sa una ang mga resibo at entry pass po,sana po masagot salamat po atty

  • @baste143
    @baste143 Před 2 měsíci +1

    Good day po Atty. May share ang namayapa kong ama sa lupa ng namayapa kong lolo at lola so kami na po yung successor ng ama ko. Ibebenta na po namin yung lupa ng ama ko hahatiin namin ng kapatid ko. Tanong ko po. Pwede bang hindi na pipirma ang isang kapatid ng ama ko sa ibebenta share na lupa ng namayapa kong ama. Salamat po. God bless

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      Pwede naman po basta hindi sa kabuuang area yung ibebenta. Ilalagay lang sa Deed of Sale na ung undivided share lang ng father mo ang binibenta, so kahit hindi na papirmahin ang ibang kapatid ng namatay niyong tatay.

  • @marielmariel294
    @marielmariel294 Před měsícem

    Hello po atty. Tanong ko Lang po pwdi ba bawiin Ng Tatay ko ang lupa na bininta nya dahil Yong Pinag bintahan nya lumag pas Napo Yong sukat nila Hindi Sila nag paalam na dinag Dagan Yong sukat Ng lupa napakalawak Napo kinuha nila Kaya nakapag disisyon kaming lahat na mag kapatid at Tatay Namin na paalisin Yong Naka bili at ibalik Yong pira nila Kasi Sa kasulatan po Hindi Naka pirma nanay ko at kami lahat na mag kapatid HND Naka perma. Sinabihan Ng Tatay ko Yong Naka bili Ng lupa na ituwid Yong bakod nila Sila pa nagalit Sa Tatay Namin at binantaan na Kung may humawak Sa bakod basagin ko utak nya grabi Yong banta nya Sa Amin Kaya gusto namin silang paalisin. Sana mapansin nyo po thank you and God bless

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@marielmariel294 Since sila po ang in possession or ang nakatira na sa property, kayo po ang mag fifile ng kaso sa korte para bawiin yung area na lumagpas or para pakanselahin ang deed of sale based on your claim na hindi nakapirma ang mother. Take note po na kapag buhay pa ang both parents, wala pa pong karapatan ang mga anak sa property kung kaya't hindi required na pumirma sila sa Sale.
      Subukan niyo po munang idaan sa barangay or padalhan ng demand letter. If negative ang result, need niyo na po mag file ng kaso sa korte.

  • @darrelNebreja-l5x
    @darrelNebreja-l5x Před 2 měsíci +1

    Afternoon po sna mapansin nyo po
    May lupa po ang mgulang ko rights lng rin po
    Ako po ngpatambak at ngpagawa halos s bhay namin tiniis ko po lahat ng hirap mapaayos lng unti unti ung bhay hanggang 3rd floor buong sahod ko mula ngtrabaho po ako inubos ko s bhay ngkautang utang p po ako
    Pero ngaun po maayos n ung bhay at ng asawa po ako pinalayas po ako ng mgulang ko at pinaupahan ung 2nd floor po na tinutulyan ko ayaw din po nila ako bigyan ng pera dhilan nila tulong ko n dw po sa knila at tumira nmn dw ako s bhay ng 1 taon ..
    Samantalang nangungupahan po ako noon pero pinapagawa ko ung bhay khit nangungupahan po ako nakwento ko po kasi s mama ko na ayaw ko n mgupa at kukuha ako sna s pg ibig ng hulugan habang may malakas p ako at kaya pa mgtrabaho pero khit wala po ako s bhay napagawa ko na ung 1st floor po pra maging komportable mgulang ko
    Kaso ngaun wala n po ako trabaho pinalayas n po nila kung kailan naayos n ko n po ung 2nd floor at 3rd floor titirahan n lng po ..

  • @lorenzoescobido5900

    Tanong ko lang po may bigay ang ang agrarian program sa sang tao tapos binita don sa sang anak puede po may

  • @johnhendrickpapa
    @johnhendrickpapa Před 3 měsíci +1

    Good evening atty help naman po may binili po ang lola ko na lupa at nakapirma po ang nanay ang nag benta at patay napo ang asawa lahat po nang kapatid ay nakapirma maliban lang po sa isa na nag hahabol po sa lupa na walang titulo ano po ba ang habol nya po dun atty ?
    At ready to tittle napo ang lupa

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      isang Nanay po ang nagbenta sa Lola niyo? Tapos ang pumirma as Sellers ay yung Nanay at mga anak nito maliban sa isang anak niya? Kanino po pala nakapangalan ng titulo or tax dec ng lupa? Sa namatay na asawa ng Seller po ba?

    • @johnhendrickpapa
      @johnhendrickpapa Před 2 měsíci

      @@pinoybataschannel Doon Po sa tatay na pumanaw po asawa Po Ang nag benta

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      @@johnhendrickpapa ahh, since nakapangalan po sa namatay na asawa, legally, if wala pong naiwang last will and testament ang namatay, kalahati po nito ay paghahatian pa dapat ng lahat ng mga legal heirs (nanay at mga anak)
      So may right po talaga ang isang anak na maghabol regardless kung titulado or hindi po ung lupa.
      If ever nagpagawa po kayo ng sale na walang pirma ng isang anak, pwede niya po ma.question later on ang validity nito.

  • @magiededace9148
    @magiededace9148 Před 4 měsíci

    good evening atty.pa help po.may nabili kasi kami na lupa 11 by 14 ang sukat ang nagbenta ay isang 88 yrs old by the time na nabili namin ang lupa.ngayon po umuwi ang mga anak galing maynila.pwede ba nila bawiin ang lupa na nabili namin sa nanay nila?kelangan ba may consent ng mga anak bago e benta ang lupa?btw portion lng po ang nabili namin.not the whole lot.ngayon po 90yrs old na c nanay.sabi ng isang anak...di daw yon e acknowledge ng husgado kasi matanda na yong nagbenta.e hindi nman ulyanin c nanay.maayos nman kausap.tsaka nandun ang isang anak nung nabili namin ang lupa. ang anak pa nga ang nagsukat e sa lupa e.

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 4 měsíci +1

      So may notarized deed of sale po kayong hawak ngayun from the 88-year old wife na nagbenta?
      If yes, even granted na conjugal property po ito, as long as hindi lagpas sa designated share ng wife ang ibenentang portion, then valid po ang sale kahit walang consent ng mga anak.
      So if ever iquestion ng mga anak ung validity ng sale, need na nila mag file ng case sa korte.
      Pero if wala po kayong notarized deed of sale na hawak, then kayo naman po ang need mag file ng case sa korte to prove yung existence ng Sale if ayaw po kayo gawan ng deed of sale.

  • @rexencarguez
    @rexencarguez Před měsícem

    Hello Atty. Nilalakad ko po ngayon ang Transfer of Title thru Deed of Sale ng nabili kong lupa. Magsusubmit na sana ako ng mga docs sa BIR kaso hinanapan ako ng Deed of Extra-Judicial Settlement of the Estate. Ang nakapangalan sa titulo na hawak ko ay buhay pa naman(yung misis), yung mister lang nya ang patay. Tama po ba eto Atty?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@rexencarguez yes po, kasi based on assessment po cguro nila, nakita nila na conjugal.property po ng mag-asawa yung property, so need po ng Extra judicial Settlement para ma settle po ung estate ng asawang namatay since 1/2 po nito is part pa po ng estate ng asawa niya.
      Pwede niyo po ibalik sa abogado na gumawa ng deed of sale at sabihin na di tinangap ng BIR dahil gusto nila is dapat Deed of Extrajudicial Settlement with Sale since patay na po yung asawa.
      Kahit buhay po kasi ang nakapangalan sa titulo it does not mean na hindi na kelangan ng extrajudicial settlement like in your case na conjugal property po ang lupa at namatay ang asawa.

    • @rexencarguez
      @rexencarguez Před měsícem

      @@pinoybataschannel maraming salamat po sa pagsagot. Malinaw po eto. 🙏🏼

  • @mikemoreno4995
    @mikemoreno4995 Před měsícem

    Good day po atty..pwede po ba ibenta ng lola ko yung house and lot nya na nakapangalan sa kanya na walang consent ng mga anak?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@mikemoreno4995 if exclusive property niya po ito, example, namana lang din lng lola sa mga relative niya, then yes po, pwede niyang ibenta kahit walang consent ng mga anak.
      Pero if conjugal property po ito ng lola at lolo mo, example nabili nilang mag-asawa, then this time required na po ang consent ng mga Anak if ibebenta ng lola sa kabuuan ang Lupa.

  • @user-tz4lm3iw6i
    @user-tz4lm3iw6i Před měsícem

    Hello po atty.yung lupa po nabili ko sa tito ko .my kasulatan po nka state na nabili ko ngayon po wlang pirma ng mga anak pero my mfa witness na pumirma .pg po ba namatay ang tito ko pwedi po bang bawiin ng mga anak ang lupang nabili ko sa papa nla?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@user-tz4lm3iw6i patay na po ba asawa ng Tito/Seller? if patay na po, at if conjugal property nila ang lupa, then yes required po ang mga pirma ng mga anak,, at kung mamatay ang tito, pwede nila ma question ang validity ng sale.
      Pero if exclusive property po ito ng tito mo, ibig sabihin namana or dinoate lang sa kanya yung lupa, then no need po ang mga pirma ng mga anak. So if ever mamatay ung tito, walang right ang mga anak nito na iquestion ang sale on the ground na hindi sila pinapirma.
      Pero mahirap po yan if kasulatan lang ang pinanghahawakan mo, dapat i-formalize po ninyo ang Sale by having it executed and notarized sa abogado

  • @jenifercabzvlogg5049
    @jenifercabzvlogg5049 Před 2 měsíci

    Atty. Ano po pwd namin gawin kasi yung may ari ng Lupa binigay na sa amin yung lupa kasi matagal napo kaming caretaker ng lupa simula pa sa Lola ko .. kaso yung may ari lang ang pumirma wala permi nang anak , ano po gagawin namin para maging Valid po yung Kasundoan ng may ari at parents ko po, may mga Tanim po na kami napo ang nag tanim

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      @@jenifercabzvlogg5049 Need po magpagawa ng Donation or Waiver at dapat notaryado po ng lawyer. Ipa check niyo po muna sa abogado yung hawak na papeles ng may-ari like titulo or tax declaration para malaman po nito kung sino ang mga required pumirma.

  • @tonengtinio2599
    @tonengtinio2599 Před měsícem

    hello po tanong kulang po ang aking ama at mga kapatid nya ay may minana po sa kanilang yumaong ama at ito po ay may isang titulo at ngayon po ay pinarte po ng magkakapatid sa anim ang aking pong tanong ee pwede po ba ibenta ng ama ko ang kanyang parte sa anim na hinati eto po ay may isang titulo lamang po sana po masagot slamat

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@tonengtinio2599 yes po. Mas maganda na magpagawa muna ng formal partition sa abogado ang anim na magkakapatid before ibenta.
      Once may formal partition na, pwede ng ibenta ng father mo ang share niya sa lupa kahit nakapangalan pa sa namatay nilang magulang ang titulo, at no need na rin papirmahin pa ang ibang kapatid ng papa mo since meron ng formal.partition.
      Pero if ayaw pa magpagawa ng formal.partition ng magkakapatid sa abogado, hanggang Plano lang sa Geodetic Engineer ang pinagawa nila, then this time, required po silang pumirma lahat sa Deed of Sale kahit share lang ni papa mo ang ibebenta

  • @Bibs-gt9gf
    @Bibs-gt9gf Před měsícem

    Sir paano po kapag may separation of properties and kasal sila 1960s? Need paden po ba ang pirma ng mga anak at asawa?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 26 dny

      @@Bibs-gt9gf judicial separation of property po ba ang na mean mo?

    • @Bibs-gt9gf
      @Bibs-gt9gf Před 26 dny

      @@pinoybataschannel binigay samin ng seller un xerox copy ng dissolution of conjugal property of gains, hndi napo ba kailangan marital consent?

  • @AffectionateAnteater-gb1zi
    @AffectionateAnteater-gb1zi Před 5 měsíci

    Atty good day. Ganito po sitwasyon 3rd owner kami ng lupa. Yung lupa naka pangalan pa rin sa 1st owner kasi hindi naasikaso ng 2nd owner. Ngayon tanong ko po paano namin ma tratransfer sa pangalan namin ang lupa?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 5 měsíci

      Naka mother title pa po ba? or buong area naman binili? Dapat may notarized deed of sale po kayo na hawak either from the 1st owner or from the 2nd owner (if may deed of sale naman sila ng 1st owner) para ma process po ninyo ang pagpatransfer.

    • @jaharagildore8070
      @jaharagildore8070 Před 3 měsíci

      Sa Amin atty. Po pamana Po Ng Lolo ko sa mama ko tapos bininta Ng nanay ko my right Po ba kaming maghabol sa lupa Ng nanay ko?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      @@jaharagildore8070 buhay pa po ang nanay niyo? kasi if buhay pa po ang nanay niyo at galing sa mana po ang property, considered as exclusive property niya naman po ito kung saan meron syang free disposal. Hanggat buhay pa po ang mga parents, wala pa pong right ang mga anak sa mga property po ng mga magulang nila.

  • @marclaurenceorbase8668
    @marclaurenceorbase8668 Před měsícem

    Sir ask po ako during pandemic benenta sa akin lupa ng lolo ng ex ko pero patay na asawa ng lolo niya pero nakapag deed of sale po kami ng lolo niya after po nun benenta ko na lang sa iba tao yung benenta sa akin na lupa ano po dapat ko gawin may bisa pa po ba yung deed of sale kahit patay na ang asawa ng lolo nung ex ko salamat po

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      if exclusive property naman po mg lolo yung lupa example namana niya lang ito, then valid po ang sale kahit walang pirma ng mga anak nila.
      Pero if na acquire po ni lolo at lola ung lupa by way of deed of sale, then this time, may right po ang mga anak nila na i question yung sale dahil 1/2 po nito is part po ng estate ng lola na namatay.

  • @theskyeunboxingoui6489
    @theskyeunboxingoui6489 Před 4 měsíci

    Atty ask ko Lang po pag binili po ang lipa para sakin and sa kapatid ko ang lupa naka pangalan sa Anak pwede po ba benta ng tatay ko ? Bakit po Ano legality gawin para Di mabenta ang lupa na walang pirma at kung gayahin po pirma ng Anak Ano pong action pwede gawin in legalities

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      Verifiy ko lang po.
      1. Kayo po ang Buyer?
      2. Yung anak ng kapatid mo ang Seller dahil sa anak nito nakapangalan ang titulo or tax dec?
      3. Pero yung father mo ang magbebenta sana on behalf sa anak ng kapatid mo?

  • @PelynMaepresidente
    @PelynMaepresidente Před 5 měsíci

    Atty.please help me po..yong magulang po kase namin parehong buhay pa.may 600sqm po kami na home lot,benenta po ni tatay yong 100sqm sa mababang halaga lang dahil nd po sya nakapag aral at walang consent naming mga anak.sa brgy. lang po sila nagpagawa ng deed of sale.may pag asa papo kayang mabawi namin yong 100sqm po sa bumili?sana po matulungan nyopo ako😢

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 5 měsíci

      if buhay pa po ang parents at the time na ginawa yung sale, wala pong rights ang mga anak so hindi po kailangan ang consent ng mga anak before nila mabenta ang lupa.
      So ang mga parents niyo lang po ang may right na iquestion or ipa cancel yun Sale if ever.

  • @JomarDelosReyes-kh5hw
    @JomarDelosReyes-kh5hw Před 2 měsíci

    Good evening po.. tanong ko lng po . Kung sakali po ibebenta ng legitimate na anak ang lupa ng namatay na mgulang .. kailangan pa po ba ang pirma ng illegitimate na anak or mga apo ..

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      Yes po, need pa po ang pirma ng illegitimate na anak if buong area po ang ibinebenta since considered as legal heir pa rin po siya. Yung pirma naman po ng apo is required lang if namatay na po ang magulang nito.

  • @MharizPamplona
    @MharizPamplona Před měsícem

    good afternoon po atty paano po kapag ung nanay po yung nagbenta at ngayon naghahabol po mga anak at paano din po kung hndi po naka pirma yung seller sa dead of sale

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@MharizPamplona sino po ang na mean ninyong Seller na hindi nakapirma? Yung nanay po ba?

  • @diegoorlina6050
    @diegoorlina6050 Před 3 měsíci

    Good day po atty.tanong kolang po atty.kasi po ang mga magulang kopo bininta yong sakahan namin ng hnd namin alam at wala kaming mga perma na magkakapatid.ngayon po pwedi po ba nmin bawiin ibalik kong magkano ang pagkakabenta nto.salamat po

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      If buhay pa po both parents, wala pa pong any right ang mga anak sa mga property ng magulang nila. So kahit ibenta po nila ito kahit kanino, hindi po required ang consent ng mga anak. If namatay lang po ang parents, then saka lang po magkakaroon ng right ang mga anak sa property nila by virtue of Succession.

  • @aidenrillera1017
    @aidenrillera1017 Před 2 měsíci

    Naka bili po ako ng property.
    Pero nasa abroad po ako di po ako makaka pirma sa deed of sale. Pwede ko po ba ipangalan sa nanay ko ung deed of sale?pag uwi ko po papa transfer nalang po sa name ko. Maari po ba?
    Ano po ba ang mainam na gawin. Salamat

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      If may trust naman po kayo sa mother ninyo then allowed naman po ito. Para sa peace of mind po ninyo din po, pwede niyo rin ipa execute ang mother niyo ng Affidavit na yung pag execute niya ng deed of sale as buyer is for convenience purposes only at inaako nito na kayo talaga ang totoong may-ari.
      Or pwede din po magpagawa kayo dyan sa abroad ng SPA at i-authorize lang ung mother, para sa Deed of Sale kayo po talaga ang nakalagay as buyer.

  • @jeykeeboi
    @jeykeeboi Před 3 měsíci

    Sana po masagot Atty. Medyo tricky po sa part na Conjugal at exclusive ang scenario po kase minor ang papa ko nung na acquire nya ang lupa pera nya ang ibinili sa lupa na naka transfer na sa lolo at lola ko. Kumbaga naging conjugal na lang sya na property dahil minor ang papa ko pero pera ni papa ang naging paraan para malit sa lolo at lola ko dahil kasal na sila. Fast forward lola ko na lang po ang meron ako. Gusto ko pong bilhin sa lola ko ang lupa deed of sale kahit walang pirma ng mga tita ko valid po ba yon? Sana po masagot pleasee

    • @jeykeeboi
      @jeykeeboi Před 3 měsíci

      Or atty pwede po bang bilhin ko yung 50% ni lola as surviving spouse saka ko po i execute yung rights ko to claim my percentage sa other 50% as compulsory heirs in behalf ng namatay kong tatay and bilhin ko na rin yung share ng dalawa ko pang tita kahit buhay pa si lola?

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      Nakapangalan po ba both sa lolo at lola ung lupa? At ano po ang document na pinagawa ng father mo para malipat sa kanila ang registration? Deed of sale? Deed of Donation?
      Kasi if deed of donation po at si lola lang ang donee na nilagay, considered as exclusive property ito ni lola.
      Magiging conjugal lang ito if:
      1. acquired by virtue of deed of sale, kahit either or both nakapangalan sa lola or lolo ang sale.
      2. acquired by donation pero BOTH dapat si lolo at lola ang donees.
      So if ever exclusive, no need na ang mga pirma ng mga tita.
      Pero if conjugal po, then yes need po ang pirma ng mga tita.
      Pwede naman pong sabay na ibenta ni Lola at dalawang tita mo yung property sa iisang deed of sale lang if payag naman lahat na ibenta ung mga shares nila. Pwedeng internal agreement nalang yung sharing sa proceeds ng sale, or pagawan ng side document sa abogado.

  • @cirilaapaguio4644
    @cirilaapaguio4644 Před 2 měsíci

    Ang deed of sale Po ba a uh kailangan n
    Acknowledgement ng seller o buyer

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      ung acknowledgement po is executed or pirmado dapat ng Seller, with or without the conformity of the Buyer. Hinahanap po ito sa BIR kapag for processing na yung papers sa name ng Buyer.

  • @aprilrosevicencio9173
    @aprilrosevicencio9173 Před 3 měsíci

    Good morning po ! Sa Amin po bali sa Lolo po namin namatay na and naiwan po yon sa papa namin kaso wla na samon Ang papa namin Ang nang yari po samin ay beninta po nang mama namin pero may ASAWA na po syang iba tpos inabandona nya LG tpos niloko po kmi n mama sabi nya Dalawa LG kmi anak nya pero 6 po kmi puro babae po bali nka perma po Ako kpatid ko na babae minor po sya noon

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      May titulo or tax declaration po ba? Kanino po nakapangalan? Nung binenta po ng mother niyo, meron bang notarized deed of sale na pinagawa?
      At ano po ang issue? Balak niyo po ipacancel yung Sale na pinagawa ng mother niyo po?

  • @aceski4
    @aceski4 Před 5 měsíci

    Atty. paano po at paano ko ma ibenta ang lupa na may titulo ng magulang ko na ipinamana sakin, ng magulang ko solo anak po ako sir, at paano kung sakale po mawala ang magulang ko.. at kinuha sakin ng mga titas ko at ayaw ibigay sakin, ang pinamana sakin titulo lupa ng magulang ko, at ano po ang gagawin ko? pwede ko po ba kasuhan ang tita ko kapatid ng magulang ko, Please respond po asap notice, Maraming salamat.🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 5 měsíci

      Dapat po may notarized deed of conveyance na pinagawa yung mga magulang mo in favor sayo like deed of donation, waiver or sale habang buhay pa sila before niyo po mabenta yung property sa ibang tao.
      If ever mawala po sila, since ikaw naman ang solong anak, sayo po mapupunta lahat ng property nila. Wala pong share ang mga tito or tita mo sa estate ng mga magulang mo.
      Pero i-check mo muna sa mga tito or tita mo at sa mga magulang mo baka may pinagawa pala silang donation or waiver or sale kaya nag claclaim din sila ng ownership.
      If ever may dispute po regarding sa ownership or possession ng lupa, need na po idaan sa korte.

  • @josieconstantino
    @josieconstantino Před 2 měsíci

    Hello po atty. Nakabili po kami nang lupa na nakapangalan sa nanay nila pero pagbili po namin wala pong nakaperma ni isa sa mga anak ..pwede po ba mababawi nila

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      Sino po ang pumirma as Seller? Yung mother po ba mismo? Notaryado po ba ang Deed of Sale?

  • @johzmovilla3097
    @johzmovilla3097 Před 6 měsíci

    Sir good afternoon sana po mapansin nyo po ..my bibilhin po kami na lupa peru patay na po yung may ari at sa kapatid po ibingay ang papers na naka panganlan parin po sa namatay..paano po at ano dapat po kung gawin para clear po yung bibilhin namin baka kasi po marami mag habul.

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 6 měsíci

      I-make sure niyo po kung sino yung mga legal heirs na naiwan ng namatay na may-ari kasi sila po yung pipirma lahat as Sellers. So confirm niyo po muna If may asawa at mga anak ba ito. Or if single at walang anak, ilan lahat silang magkakapatid. Kasi kapag may legal heir na hindi nakapirma, pwede niya pong ipawalang bisa yung deed of sale.
      Recommended din po na ipa settle muna ung estate tax ng property before ito bilhin pero depende na po yan sa inyo as buyers.

  • @user-nm5hp8he2w
    @user-nm5hp8he2w Před 7 měsíci

    Good day po Atty.
    Salamat po sa kaalaman
    My tatanong rin po ako
    Tungkol sa nabili kong lupa na mana ng isang heir. Kasulatan lang po sa brgy ang hawak ko
    5yrs ago po
    Nhayon po gusto namang bawiing ng anak ng heir
    My ryt po ba silang bawiin ang nabili ko na mana ng father nya

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 7 měsíci

      nag full payment na po ba kayo? at sino po yung may hawak ng lupa or yung nakatira ngaun sa biniling lupa?

    • @user-nm5hp8he2w
      @user-nm5hp8he2w Před 7 měsíci

      @@pinoybataschannelopo Atty. Fully paid na po at kami po ang nakatura sa lupang nabili ko
      Mula nong binili ko po

    • @user-nm5hp8he2w
      @user-nm5hp8he2w Před 7 měsíci

      @@pinoybataschannel na subdivide na rin po ang lupa at myron narin po akong tanim na nyog at saka saging Atty

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 7 měsíci

      @@user-nm5hp8he2w since kayo naman po ang nakitira, medyo mahihirapan pong bawiin ng mga anak ng namatay yung property. Kasi po need po muna nila mag file ng kaso sa korte before nila mabawi sa inyo yung lupa at need po nila mag present ng proof bakit hindi dapat i-honor yung Sale na hawak ninyo. Take note po na valid pa rin po ang sale between the contracting parties kahit sa barangay lang po ang kasulatan. So may legal basis naman po ang pag occupy ninyo sa lupa. If ever i question man nila yung sale or bawiin yung lupa, need na muna nila magfile ng case sa korte.

    • @user-nm5hp8he2w
      @user-nm5hp8he2w Před 7 měsíci +1

      @@pinoybataschannel maraming salamat po Atty.
      Sa payo nyo at dagdag kaalaman
      God bless po Atty.

  • @c.t.villamero9469
    @c.t.villamero9469 Před 2 měsíci

    Sana po MApansin nyo po ang tanong ko po

  • @c.t.villamero9469
    @c.t.villamero9469 Před 2 měsíci

    Paano po ang mismong may ari ng titulo ang nag benta sa lupa. Tapos isang anak Lang ang nakaoirma ng totoo at Yung 6 na anak PA piniki or fake ang pirma
    Benenta sa ibang Tao ang lupa
    Tapos ang may ari ng lupa, patay

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      If forgery or peneke po ang issue, need na po idaan sa korte. Kung sino po ang naghahabol sa lupa, siya po ang magfifile sa korte.

  • @chloethegameryt205
    @chloethegameryt205 Před měsícem

    Good morning po atty ano po ba magandang gawin ko kasi po yung mother ko may iniwang last will and testament na ipamamana nila sa anak ko property pero po yung father ko gusto nga po ibenta ang property namin ano po ba ang magagawa ko para po hindi po mabenta ang property salamat po.

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      if conjugal property nilang mag asawa yung binebenta, half po nito is pag aari ng father mo, the other half is paghahatian pa ng mga legal heirs, so may right siyang ibenta to the extent ng designated share niya sa property. Pwede mo lang i-question yung Sale if sa kabuuang area ng lupa ang binebenta.
      For the meantime, pwede po kayong magpagawa ng precautionary notice sa abogado at ipa annotate ito sa Registry of Deeds to serve as a warning sa mga prospective buyers na hindi pa formally na settle yung property na iniwan ng mother niyo po.

    • @chloethegameryt205
      @chloethegameryt205 Před měsícem

      @@pinoybataschannelnagiisang anak lang Po ako gusto Kasi ibenta ng father ko Yung buong property

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 26 dny

      @@chloethegameryt205 wait, buhay pa po ba ang mother na nag execute ng last will and testament?

    • @chloethegameryt205
      @chloethegameryt205 Před 4 dny

      @@pinoybataschannel patay na po

    • @chloethegameryt205
      @chloethegameryt205 Před 4 dny

      Ano Po ba mga hakbang na gagawin ko Po atty.yung sa.legal na pamamaraan salamat po

  • @LoveZerep
    @LoveZerep Před měsícem

    Paano namn ho ,kung sa anak nakapangalan yun certificate ng lupa??tas namatay na un nanay,my karapatan po ba un anak na palayasin un half brother at stef father nia kasal sa nanay nia dun sa bahay

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před měsícem

      @@LoveZerep if sa anak po nakapangalan ang Lupa, then technically yes, siya po ang may karapatan sa lupa since siya po ang Registered Owner.
      Kung sa nanay sana nakapangalan ang lupa, then this time, hindi niya pwedeng paalisin ang half-brother niya kasi pareho silang co-owners

    • @LoveZerep
      @LoveZerep Před měsícem

      @@pinoybataschannel certificate of full payment lang po hawak niya attorny,pero wala pa po title, and pede niya po ba palisin basta basta ang half brother nia ng walang tamang proseso, like court order?

    • @LoveZerep
      @LoveZerep Před měsícem

      @@pinoybataschannel tapos po sa USDO Department of city hall ,sa system ang nakapangalan parin ay un mother nila namatay ,peeo sa certificate un anak...

    • @LoveZerep
      @LoveZerep Před měsícem

      @@pinoybataschannel and tapos po, lupa lang ang binayaran niya pero yung pagpapatayo ng bahay hati hati un mga tunay na mgkakapatid...

  • @user-sd4yo6vx3r
    @user-sd4yo6vx3r Před 7 měsíci

    Good afternoon po Atty., paano po gagawin ko kung fully paid na po ang property sa Pag Ibig.
    Ang real owner po ng property, ung isang kapatid ko, ung isang kapatid ko lang ang pumapel dahil nasa abroad ung totoong mayari.
    Iniintay na lang po namin ang CAR galing sa BIR.
    Kapag lumabas na po ang CAR, paano po gagawin namin na instead sa pumapel na kapatid ko ipangalan ang TITLE (nakapangalan kasi ito sa Pag Ibig) ng lupa ay maipangalan ito sa kapatid ko na gumastos, kapag pumunta ako sa ROD.
    Ako kasi ang mag paprases sa ROD.
    May deadline po ba ang pagpapa rehistro sa ROD ng property kapah na issue na ang CAR
    Please help.
    Ty
    Elmer Gomez

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 7 měsíci

      need po ng pumapel na kapatid na i-waive infavor sa actual owner na kapatid ang property para ma transfer directly sa kanya yung title. Magpapagawa po sila ng waiver sa abogado at need ulit dumaan sa BIR para iprocess yung Waiver. This time donor's tax naman ang babayaran para maissuehan ulit ng CAR para sa waiver.

    • @user-sd4yo6vx3r
      @user-sd4yo6vx3r Před 7 měsíci

      @@pinoybataschannel TY po.
      Magkano po ang donor' tax na babayaran.

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 7 měsíci

      @@user-sd4yo6vx3r 6% po ang donors tax based sa value ng property at 1.5% naman as documentary stamp tax

  • @brendadumdum
    @brendadumdum Před 7 měsíci

    helow po atty sana mapansin nyu po ung concern ko po ..
    may naipatayu po kaming bahay ng bf ko sa lugar po nila ngayun po ang problema ung lupa po pla ay nakapangalan pa sa tatay ng lola nya yung tatay oo ng lola ng bf ko ay patay na pati din po ang mga kapatid ng lola ng bf ko patay na po lahat si lola nalang ng bf ko ang natirang buhay .pero sabe po ng bf ko may kasulatan daw sa munisipyo nila na hawak ng lola nya na un daw ay hinahati na sa kanila mag kakapatid ng lola ng bf ko ..ngayun po atty willing naman silang ibenta samin ung part ng lupa na tinirikan namin ng bahay po .anu po ba ang mga dapat kung gawin para dipo ako maluko bigyan nyu po ako nawa ng advice po salamat po ..Godbless you po ..ung lola po ng bf ko ay byuda na po pero may mga anak sya anim po kailangan pa po ba nila pumirma .malinaw pa po at matino ang pag iisip ni lola ng bf ko po at nakakapirma pa po sha

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 7 měsíci

      Medyo mahirap po iprocess if ever since nkapangalan pa pala sa great grandfather ng BF mo. Kasi aside sa lola ng BF mo, yung mga namatay na kapatid ng Lola, if may mga naiwang anak or apo din, ay may share din po sa lupa at kailangan yung pirma nila if buong area ng lupa yung kukunin ninyo. Although yung mga ibang anak ng lola ng BF mo ay no need na pumirma since buhay pa naman si lola mo at exclusive property niya naman ito.
      Mahirap po on my part kasi hindi ko po nakikita yung kasulatan ng paghatihati at yung tax declaration or titulo ng lupa.
      Mas mabuti po na ipa check niyo personally sa lawyer yung hawak ninyong documents para ma assess po ng lawyer yung status ng lupa at para ma determine niya din po ang mga taong dapat pumirma. Mas maganda din po na magprepare agad kayo ng family tree or ilista niyo agad sa papel yung lahat ng mga anak ng nakapangalan sa lupa.

    • @brendadumdum
      @brendadumdum Před 7 měsíci +1

      @@pinoybataschannel thank you po atty God bless po

  • @tontonpaninsoro
    @tontonpaninsoro Před 4 měsíci

    Paano po sir f naka pirma tapos nag expect ang isang anak na mabibigyan ng equal share d pala...kasi sinasabi ng nanay ko nakapangalan daw yung lupa sa mga 2 kong kapatid ..kaya yun d nabigyan hirap pag may ganid

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      kanino pa naka pangalan ang titulo or tax dec? sa nanay po ba? at paano po na acquire ng nanay ung lupa? ksi need po natin muna i determine lung conjugal or exclusive property ito.
      In case na exclusive property niya nman ksi ito, hanggat buhay siya meron itong free disposal na pwede nyang ma donate or mabenta kahit kanino ang lupa. Kaya kahit hindi nabigyan ng share ang ibang anak, valid pa rin po dahil right niya naman idispose ang property nito.

    • @tontonpaninsoro
      @tontonpaninsoro Před 3 měsíci

      @@pinoybataschannel naka pangalan po sa magulang ko...nanay ko po kasi nagbubuwis nyan every year kasi tatay ko isang ofw ..conjugal po ata yon kasi nabili po nila yung lupa na yan year 2003 po...nakapirma po kasi ako dun ng EJS akala ko po after ko pirmahan yun ibibigay na rin sakin yung share ko sa pinagbintahan kaso d po pala..

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 3 měsíci

      @@tontonpaninsoro ahh, dapat po makita muna ng laywer yung extrajudicial settlement or ung EJS at kung may right po kayong maghabol.

  • @user-nb2xh7qf2t
    @user-nb2xh7qf2t Před 6 měsíci

    Atty pasinsya na po dipo ito related s content ninyo ngayon pro need ko po kasi sagot s mga katanongan ko at ikaw lang po ang pg asa ko🙏pinreshistro ko po ang anak ko non isang taon ashly aquino casyao ngayon po nag pa late regstrd din po ako ngayong taon 2024 pero po instead n marjorie resare aquino inapelyedo po ako s mama ko ksi hindi sila kasal ng papa ko at patay n din siya kaya marjorie resare ako paano po kaya iyon s anak ko ang middle name niya po ay Aquino paano po kaya iyon gawing resare pls sna po msagot mababLiw n po ako kakaisip😭😭😭😭

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 6 měsíci

      Yung sa birth certificate niyo po mismo is correct naman po ang ginawa ng LCR, wala po talaga kayong middle name since hindi kasal ang parents mo so tama na Marjorie Resare lang ang full name mo.
      Pero pagdating po sa anak niyo po, hindi na po ito pwedeng ipa correct sa local civil registrar kasi po hindi na considered as clerical error yung pag change ng middle name niya from Aquino to Resare. Need na po itong idaan sa korte at maghire ng lawyer. Pwede po kayo humingi ng tulong sa PAO lawyer for free legal services nila if hindi po ninyo kayang mag hire ng private lawyer.

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 6 měsíci

      Usually may mga same cases na din po kayo. Yung iba na wala pang timr magpa correct, nagpapagawa nalang muna ng Affidavit of Discrepancy sa mga abogado if ever may mag question sa birth certificate nila like SSS, Pag-ibig PhilHealth, Hospital, Etc.

  • @johnlariba3511
    @johnlariba3511 Před 2 měsíci

    Gud evening po atty.ano po dapat gawin ko yung tatay ko namatay na po pero sa buhay pa xa nakuha daw po yung lupa namin sa ibang tao dahil sa utang nya,pero verbal lang daw yun 30yrs na lumipas..nagyon nalaman namin na yung lupa nang tatay ko nakapangalan pa sa kanya..kaso ibibinta nang nang nakakuha nang lupa,qt kailangan peperma kaming lahat nang magkapatid,sa dead of seal na 600k kaso ayaw kung pomerma at yung talong kapatid ko pero yung apat naka perma na valid kaya yun kasi may naka perma nang 4...pero take note utang nang tatay ko 20k lang daw pero nabayad nyan lupa is 2hectares..pwd po ba namin ha habolin yung lupa kasi until now naka pangalan padin sa papa ko

    • @pinoybataschannel
      @pinoybataschannel  Před 2 měsíci

      If binenta po sa kabuuan, dapat lahat po ng anak ay pipirma, if may hindi po nakapirma, pwede po itong ipawalang bisa ng mga anak na hindi pumirma. Since yung utang is verbal lang, depende na po ito kung paaano i settle ng creditor sa mga legal heirs (anak), if makikipagnegotiate outside of court or idadaan sa korte just in case hindi magkasundo.