La Decadanse - Paul Mauriat (iNstrumentaL)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 23. 08. 2024
  • DZRH Radio Mr Romantico Theme Song , 102.7 Star FM 12 midnight song , 90.7 DZMB Love Radio
    La Decadance - Paul Mauriat (1972) Godfather Album
    Paul Mauriat (Marseille, 4 March 1925 -- 3 November 2006 in Perpignan) was a French orchestra leader, specializing in light music. He is best known in the United States for his million selling remake of André Popp's "Love is Blue", which was #1 for 5 weeks in 1968. Other recordings for which he is known include El Bimbo, "Toccata" and "Penelope."

Komentáře • 2,7K

  • @PatringsKusina
    @PatringsKusina Před 4 lety +348

    2020 anyone?
    Umiiyak ngayon huhuhu 😭💔
    Naalala ko kabataan ko
    Yung luma naming bahay
    Yung lumang radyo kung
    Saan lagi pinapatugtog yan ng
    Papa ko....... nakakamiss 😭💔😰
    NAKAKAIYAKK..... 😭😭😭

    • @lizkentbustamante6873
      @lizkentbustamante6873 Před 4 lety +7

      Huhuhu sarap pakingan Lalo na kasama mo mahal mo ngayon

    • @jesussinangpascuaalicuman6598
      @jesussinangpascuaalicuman6598 Před 4 lety +6

      😭😭😭 same po naalala ko ang tatay ko at ang mga nakaraang bata pa ako 😭😭😭

    • @jaylardpanizales2703
      @jaylardpanizales2703 Před 4 lety +5

      Nakakaiyak nga pag naaalala nalang lahat 😭

    • @fernandy2764
      @fernandy2764 Před 4 lety +9

      Ako din ng nasa palayan pa kami nkatira ng highschool ako..radyo lang dn libangan nun ksi wala p kmi kryente..sobrang nakkamiss buhay sa probinsya.😢

    • @normalombarez8899
      @normalombarez8899 Před 4 lety +1

      😢😢😢

  • @jeyonavales7401
    @jeyonavales7401 Před 4 lety +293

    Like mo to kung nkikinig kpa ngaun April 7 2020

  • @ninogasis4912
    @ninogasis4912 Před 6 měsíci +13

    2024 here still listening
    Yong tipong habang pinakinggan mo yong song tapos pikit mo yong mga mata mo sabay balikan yong kabataan mo noong 90's super nakakaiyak tutulo nlang mga luha mo habang pinakingan mo namnamin mo yong kanta super nakakaiyak😭😭😭😭😭😭

  • @gideondaquila
    @gideondaquila Před 3 lety +40

    Nakikinig ngayung 2021? Nakaka iyak naman to..😢💖
    👇

  • @snahonab5867
    @snahonab5867 Před 4 lety +524

    Akala ko ako lang naghanap nito marami pala tayo😊
    October 17, 2019
    👇

  • @bryanmacalawi7576
    @bryanmacalawi7576 Před 4 lety +322

    Kaway kaway sa mga nakikinig pa nito ngayon 2019 na, bigla nyo naalala nung mga bata pa tayo at ngayon malapit nasa life begins
    #mabuhaytayongmgabatang90's
    #fromcamarinesnorte
    #🇸🇦🇵🇭🙂

    • @renoaczhary1232
      @renoaczhary1232 Před 4 lety +2

      Hahaha tama ka dyan

    • @jamesmcdonav1296
      @jamesmcdonav1296 Před 4 lety +5

      naalaala ko tuloy ang kapanahunan ko sa ngayon medyo matanda na.

    • @lonalife669
      @lonalife669 Před 4 lety +3

      Myghad.. Miss ko talaga to as in

    • @kakambal-tv2660
      @kakambal-tv2660 Před 4 lety +2

      Nkakamiss Ang kabataan ko.from marikina city original from Zamboaguita, Negros Oriental

    • @mee-iw5oo
      @mee-iw5oo Před 4 lety +1

      The Lonely Shepherd too and Adeline

  • @renzzo0518
    @renzzo0518 Před 4 lety +11

    Pa like po nito kung isa ka sa mga napaiyak ng music nato🥺🥺🥺😭

  • @aizhang2737
    @aizhang2737 Před 3 lety +6

    Grabeng iyak ko... Miss ko n tatay at nanay ko... Parehas n sila patay... Mother ko kkamatay lang ilang days plang... Ngayon ako nlang magisa... Salamat sa memories... Sobrang favorite nila tong music n to.. Naalala ko lang ung buhay naten dati sa bukid walang khit anong problema at masaya lng... Love u nay tay... Miz ko n kau... Rest in peace sa inyo

  • @troydezzeus5327
    @troydezzeus5327 Před 4 lety +119

    To the one reading this today. May you receive more blessings and may all your heart's desire come true. God bless you and your family circle.

  • @robertservando3272
    @robertservando3272 Před 4 lety +116

    PA LIKE NMAN NKKINIG NETO NGYON MARCH 23/2020

  • @alexperocho9376
    @alexperocho9376 Před 3 lety +2

    2021.. Sino panandidito. Ang naluluha. Sa manga alala ng kabataan nating 80s at 90s kids.. Nung wala pa tayong problema at alam lang natin magsaya maglaro at mabuhay ng malaya..

  • @jing-jingmanuel7270
    @jing-jingmanuel7270 Před 8 dny

    Hi I'm listening from Philippines🇵🇭.. I really love this music..I just missed my grandfather he pasaway months ago,, I remembered him the way I heard this music😢,,I'm still listening this time August 15,2024❤

  • @calijanramongeraldc.2
    @calijanramongeraldc.2 Před 4 lety +55

    Yung feeling na noong mga bata pa , tamang kain lang ng tanghalian tapos sabayan pa ng ganitong kanta sa radyo, Haysss , sarap balikan 😔

    • @sonwi2740
      @sonwi2740 Před 3 lety +2

      Ito yung papatulogin ka muna ng nanay mo bago lalabas ng bahay sa hapon

    • @gerardvalle9332
      @gerardvalle9332 Před 3 lety

      @@sonwi2740 same po Hahaha, nakakamiss talaga 😭

    • @richardcarpenteros5314
      @richardcarpenteros5314 Před 2 měsíci

      Sarap balikan talaga ang nakaraan. Iba ang buhay noon eee. 🇵🇭📻🥹

  • @jesusacomplido3786
    @jesusacomplido3786 Před 5 lety +197

    And finally I got this music ....it brings back my memories when I was young ... with a simple life no gadgets ....maglaro lang kasama mga kaibigan....Taguan,piķo,maligo sa ilog.umakyat sa puno ng bayabas...hindi katulad ngayon ang gulo gulo na.

    • @gelmardeguzman7159
      @gelmardeguzman7159 Před 5 lety

      jesusa complido 😭😭😭😫

    • @Highway541
      @Highway541 Před 5 lety +1

      Oo nga,, alam ko isa sa funeral song ito but i realized nakaka heal talaga ito. I am stressed at time na na search ko ito medyo nakahinga ako sa pressure

    • @kheenmarkdiatening6866
      @kheenmarkdiatening6866 Před 5 lety +3

      Sarap balikan ang nakaraang panahon,

    • @kheenmarkdiatening6866
      @kheenmarkdiatening6866 Před 5 lety

      😥😥😥😥

    • @queserasera8582
      @queserasera8582 Před 5 lety +1

      @@kheenmarkdiatening6866 tama hayzz.sana d na tayo tumanda

  • @richardcarpenteros5314
    @richardcarpenteros5314 Před 2 měsíci

    Salamat sa radio dramas ng DZRH sa paggamit ng musikang ito. Ito yung mga panahon na hindi pa toxic ang mga problema ng buhay. Ito yung mga panahon na malayang maglaro at magsaya kasama ang mga bata na para bang walang problema sa life. Batang 90s ako from the Philippines. 🇵🇭📻❤️

  • @unodelgrande9183
    @unodelgrande9183 Před 12 dny

    2024 na pero napapaiyak parin ako neto. Thumbs up sa mga nagre-reminiscing sa mga childhood days nila gaya ko! 😢

  • @reypresno9703
    @reypresno9703 Před 5 lety +296

    Like naman jan cno nakikinig 2019 na

    • @rjjr.1071
      @rjjr.1071 Před 4 lety +4

      Ang ganda ng melody.........malungkot......pero masaya akong nakikinig.......

    • @robloxandtocaboca1540
      @robloxandtocaboca1540 Před 4 lety +2

      My program c armando mislang tuwing tanghali "lapud pinabley taka" ito ung instrumental habang nagbbsa ng mga letters ng public.

    • @dandolido1097
      @dandolido1097 Před 4 lety +2

      I'm here on 2020

    • @pladventureandmotovlog5513
      @pladventureandmotovlog5513 Před 4 lety +1

      Michael Balilo apaka swabe sa tinga

    • @floraodell5765
      @floraodell5765 Před 4 lety +1

      Salamat sa pagbogay mo da title ng song na ito!

  • @kimlammy1276
    @kimlammy1276 Před 4 lety +491

    How many years il been looking for this song😭😭😭i finnaly found it

    • @jamkev4353
      @jamkev4353 Před 4 lety +65

      Kim Lammy snah Bano I was looking for this kasi noong bata pa ako my mama used to listen mga drama sa radyo like mr. Romantiko ito yung pina kikinggan nya pag pinapatulog nya ako. I was 4 years old then she was still healthy that time.. when I was 8 years old she passed away. There are times when I heard this song it made me cry because it makes me miss my mom.. I search for this music pero hindi ko alam yung title.. right now I am 26 y/o turning 27 next month just this day nahanap ko na talaga ang music na to ☺️. Everytime pinakikinggan ko to it brings back memories of my mom yung pinaparulog nya ako mga 1 pm ng hapon hayysss nkaka miss

    • @jamkev4353
      @jamkev4353 Před 4 lety +11

      Ngayon ko lang to nahanap 😭😭

    • @lonalife669
      @lonalife669 Před 4 lety +11

      Ako ngayon ko lang tu nahanap..ngayon 2020 na Sobrang tagal nato na song guys

    • @mee-iw5oo
      @mee-iw5oo Před 4 lety +7

      Same as myself. Tagal ko hinanap music na to. Mahilig din ako sa mga old classic Instrumental. It's very nostalgic.

    • @mariacrisostomaexconde7564
      @mariacrisostomaexconde7564 Před 4 lety +11

      Guys, try SOLEADO.......another one worth listening to

  • @JacquelineBev
    @JacquelineBev Před 4 dny

    😢😢 am here love this. Love this kahit na ipapanganak p lng ako. O nakalabas n ako. I heard it 17 yrs. Ago

  • @alejandromabunga1554
    @alejandromabunga1554 Před 3 lety +4

    Mabuhay ang batang 90s cno nakakarelate d2 sarap balikan mga nong kabataan pa wla pang problema sa buhay

    • @sherwinchica9792
      @sherwinchica9792 Před 3 lety

      AnG bigat sa Dibdib NkakamiS Ang kabataan at BuOng pamiLya..😢

  • @princecharlesarceo174
    @princecharlesarceo174 Před 4 lety +14

    ako ay 60 y o na sa august 2020... nauso ang mga instrumental na ito nung dekada '70..1975 lagi na namin pinapatutog yan naka plaka pa at single lng...ulit ulit...kasama ang song for anna ,,,ballade pour adelline ,,,romance de amour,,,etc,,,marami pa yan kaya sikat c paul mauriat at richard clayderman nung time nayan...si john barry na namatay na last year ay 1980's dahil sa " somewhere in time"... kaya natutuwa ako na naaappreciate ito ng mga batang milenyal at batang 90's...itong la decadance una naming narinig sa teleserye na ang bida ay si eddie rodriguez ang dramatic king noon...like nyo ito kung kayo ay mga batang '50s,,60's at 70's....daming alaala nito sa inyo

    • @motivationalmusicandwords
      @motivationalmusicandwords Před 2 lety

      Salamat sa magandang ala ala shinare mu sa amin

    • @4g63_Everything
      @4g63_Everything Před 6 měsíci

      Sa AM Radio DZRH ata ko lang po ito naririnig noon wayback 2003, tumatak na sa core memory ko.. For me catchy siya pakinggan

    • @damez90
      @damez90 Před 6 měsíci

      may plaka din kami ni paul mauriat at cassette ni clayderman paborito kc ng father ko mahilig sa instrumental

    • @bjaygadin4291
      @bjaygadin4291 Před 6 měsíci

      Ganda po ng mga music nuon😊

  • @romeojrveloso9256
    @romeojrveloso9256 Před 4 lety +221

    It brings back the memories of my childhood hehe. Is there someone still listening to this song 😉 thumbs up if yes

  • @IreneLadanga
    @IreneLadanga Před 12 dny

    Sarap pakinggan,mappaimagine kna lng nung noon na mga bata pa kayo..lalo na after lunch mkikinig ka ng radio armando mislang ksama ko tatay at nanay ko ang saya tas dmo nmalayan tulog kna pla

  • @missmo6394
    @missmo6394 Před 2 lety +1

    Nung bata oa ako favorite ng mother ko ang instrumental song na ito dahil maganda naman talaga sya kaya naging paborito ko nanrin.pero pareho namin di alam ang title ngaun alam ko na,pero wala na si mother ko.now I'm turning 53 gusto ko oa rin sya.thank YT

  • @christinebumanlag3989
    @christinebumanlag3989 Před 5 lety +37

    Iba talaga ang panahon noon, payak man ang buhay pero masaya naman, may respeto pa ang mga bata noon sa mga matatanda. ❤️

    • @jhirodanni4059
      @jhirodanni4059 Před 4 lety

      Tama 😊 sarap balikan. 90's

    • @stormkarding228
      @stormkarding228 Před 3 lety

      @@jhirodanni4059 ilan taon ka nung early 90s. Panahon di pa traffic at Bihira kuryente sa Cebu City.

  • @virginiaampo4921
    @virginiaampo4921 Před 5 lety +92

    ang sarap balikan ng panahon 70 80 at 90..napaka swirti natin lht na pinangako tayo sa ganon taon...ang pinakamasang taon sa lht..king pwd lang balikan mas gsto ko ang ganon buhay napaka semple ng buhay kisa ngayon
    .ang sarap balikan ng lht nakakamis

    • @cherryloubarrientos1271
      @cherryloubarrientos1271 Před 4 lety

      Tayo yata ang pinakamasayang bata noon.

    • @zianwapo1298
      @zianwapo1298 Před 4 lety

      sarap balikan ang dati na ang problima dmu pa .naiisip

    • @user-ps2cw9jf4n
      @user-ps2cw9jf4n Před 4 lety

      Prang gusto ko umiyak pg naririnig ko tong music nto miss my mother so much😭

    • @stormkarding228
      @stormkarding228 Před 4 lety

      kung pinananganak ng 1999 papano makakarelate?

  • @enlevsoya8563
    @enlevsoya8563 Před 2 lety +1

    36 years naghahanap ng title ng kanta now kita ko na sarap balikan ung bata kapa

  • @johainaariman8218
    @johainaariman8218 Před 3 lety +3

    Nakakaiyak Ito subraa😭 parang gustong gusto ko ibalik nung Bata pa ako na Wala pa iniisip na problema tapos kapag pinapatulog aku ng ate ko Ito pinapakinggan namin😭😭❤️

  • @prettyair8668
    @prettyair8668 Před 7 lety +283

    Mas masarap buhay dati..noon simple lang ang buhay.. halos lahat dati.. radyo lang pinagkakaabalahan.. di pa natetempt sa mga msasamang bisyo kasi magagandang aral lang napupulot sa radyo. Walang malalaswang pg-iisip kc wala naman malalaswang maririnig sa radyo. Mas masaya dati kesa ngayon..yung saya dati hindi panandalian lang. Nkakamiss nung panahong yon bata pa ako.

    • @haroldsayson8606
      @haroldsayson8606 Před 6 lety +6

      pretty air tama po kayo ..naalala ko nuon ala singko palang ng hapon nakatutuk n kmi sa radyo..habang naglalaro ng sungka...nkaka miss

    • @ritchiellhermosa819
      @ritchiellhermosa819 Před 6 lety +6

      pretty air yes tama ka...ibang iba na ang panahon ngayon....kung pwede lang bumalik sa pagiging simple 😢

    • @ferdinandsayo3089
      @ferdinandsayo3089 Před 6 lety +5

      Maganda pa talaga nung araw

    • @abnerioabueva
      @abnerioabueva Před 5 lety +7

      kung maibabalik lng ang dati, babalik ako...♡.

    • @monicamuzar8721
      @monicamuzar8721 Před 5 lety +5

      tama ka

  • @pinkstrawberry5537
    @pinkstrawberry5537 Před 5 lety +83

    Sarap pakinggan sa tanghali habang natutulog sa duyan sa ilalim ng manga hahaha alaala ng nakalipas🇵🇭😘

  • @dennisdelossantos4604
    @dennisdelossantos4604 Před 2 lety +1

    Naalala ko ung kabataan ko pagnaririnig ko to...hindi pa semento ang mga kalsada..uso pa ang patintero na binabasa lng ng tubig ang linya..yung tipong nasa ilalim ka ng bayabas at nagkakakain kasama mga kalaro mo..tapos maliligo sa ilog.. yung pagsapit ng gabi nakaupo kayu sa labas ng bahay ngkkwentuhan habang nakatingin sa kalangitan..ang sarap maging batang 90s..nakakaiyak naman

  • @cherryanncanoneo5882
    @cherryanncanoneo5882 Před 3 lety +106

    2021 and still listening to this song it brings back my childhood memories. When I was young I always heard this on a radio in the afternoon with my family

    • @jhunmercurio4125
      @jhunmercurio4125 Před 3 lety +1

      Background music of the drama Mr. Romantic on DZRH..one of my favorite drama

    • @junjuntenebro3778
      @junjuntenebro3778 Před 3 lety

      Hello

    • @rawnet5333
      @rawnet5333 Před 2 lety

      Ay totoo po.

    • @rawnet5333
      @rawnet5333 Před 2 lety

      Mga panahong siesta, wala pang pasok

    • @SantiAgo-hv4xx
      @SantiAgo-hv4xx Před rokem

      Same po always kuto naririnig sa radio ng lolo ko na may butterfly pa nadesign with matching pailaw pa❤

  • @orangecreatives9713
    @orangecreatives9713 Před 7 lety +564

    Ang tagal ko nang hinanap tong instrumental na to, Di ko malaman anung hiwaga ang nasa likod ng music na ito, kasi it really struck your heart. it makes you cry, and it brings back your old memories..

    • @archiedelatorre819
      @archiedelatorre819 Před 7 lety +18

      Dj Kemmy Alia naiyak ako sayo kuya..parehas tayo ng naramdaman sa song na ito kahit daming magagandang song iba ito hindi ko makalimutan simula pagka bata hinanap ko na ang title..ngayon lagi ko soya pakikinggan

    • @maritesmiceli1157
      @maritesmiceli1157 Před 6 lety +4

      Right!!!

    • @ritchiellhermosa819
      @ritchiellhermosa819 Před 6 lety +10

      Dj Kemmy Alia ako din ilang beses q tinype lahat ng instrumental songs kung ano ano title sa wakas.......

    • @katyakynep
      @katyakynep Před 6 lety +5

      Ako rin. But I nakita ko rin sa wakes! 😊

    • @leonardpilar8598
      @leonardpilar8598 Před 5 lety +8

      Oo mahiwaga nga ang music na to

  • @marybethnava3676
    @marybethnava3676 Před 4 lety +81

    2020?? kaway kaway like like like...

  • @teejay08473
    @teejay08473 Před 2 lety +1

    Childhood memories.. Bigla kong naalala mga kapatid at magulang ko. Kaso wala na yung tatlong kapatid at nanay ko.
    Para akong biglang bumalik sa umpisa😭😭😭

  • @elprofessor3397
    @elprofessor3397 Před 3 lety +4

    Oct 2020. Anyone? 😑 Nakakamiss yung simply lang buhay. Dati laru lang sa labas, tulog pag hapon patugtog ito sa radio. Simple life.

  • @jasonsarabia09
    @jasonsarabia09 Před 4 lety +5

    Hello 2020. Tanda na natin parang kelan lng. #childhood days 😭😭😭. Pa like nmn sa mga nakikinig habang nag babasa ng comments. 😚

  • @eemp
    @eemp Před 4 lety +43

    Grabe 2020 na..... ngayon ko lang nalaman ang title nito at since 90’s ko pa hinahanap. Hindi ko alam if anong meron sa kanya kasi everytime madinig ko ito ay parang gusto ko malungkot or matuwa.

    • @verdeluna4626
      @verdeluna4626 Před 3 lety +1

      try also listening: Couldn't We Be Friends by Biddu Orchestra

    • @cherrycortez3378
      @cherrycortez3378 Před 3 lety +1

      same po tayo sa tu ing naririnig ko ito bigla nalang tumutulo ang aking mga luha

    • @stormkarding228
      @stormkarding228 Před 3 lety +2

      @@cherrycortez3378 sarap Bumalik sa 70s80s90s

  • @junrymalinge9223
    @junrymalinge9223 Před 3 lety +5

    Kaway kaway sa nakikinig ngayong 2020 COVID19 (October 3, 2020). Naalala ko lang yong kabataan ko kasama pamilya ko nanood kami ng "Kagahapon Palang by Tito Dan at Tita Mai" matag ala una ng hapon. Ang galing ng dalawa magbasa ng liham. Nakakaantig puso madadala ka talaga sa kanilang mga tinig kung paano bigkasin at may damdamin ang bawat salita nila. Nakakamis lang. Musta na kaya sila "Tita Mai at tito Dan".

  • @mamaylyn
    @mamaylyn Před 11 měsíci +1

    26 years nako bago ko nalaman title nito😅 hanap ako ng hanap talaga kasi ang ganda at sarap pakinggan maaalala mo talaga ang mga nakaraan. Mapapatulala ka na lang habang binabalikan ang kabataan days, nakakamiss yung tipong ang sarap bumalik kasi wala kang ibang problema kundi puro laro lang akyat sa puno tapos nasasaktan ka lang pag nadadapa or napapalo ni mama😅 haystt.. kakamiss

  • @anchetastamptv6661
    @anchetastamptv6661 Před 4 lety +54

    This song reminds us when we were young ❤️❤️
    Bago mag close yung programa sa radyo sa gabe dati pina pa tugtug ito at hudyat na ng pag tulog ..
    Nakaka miss yung mga galawan nung wala pang mga gadgets ..

  • @lmUnderYourSheets
    @lmUnderYourSheets Před 4 lety +16

    April 13, 2020
    30th day of Enhanced Community Quarantine due to Covid-19 pandemic.
    Di q naman hinahanap 'tong song na 'to pro pag napapakinggan q 'to, brings back childhood memories. Nakakamiss ang buhay nun, ang simple lang. Kung i-aannalyze mo cya ngayon, ang hirap ng buhay nun compare sa ngayon pro di mo ramdam 'yung hirap na 'yun kc masaya kayong namumuhay. Batang 80's here.

    • @anthonylosadio626
      @anthonylosadio626 Před 3 lety

      same

    • @encomiendero
      @encomiendero Před 3 lety

      first time ko narinig to as theme song sa isang tv drama series nung mga late 70’s to early 80’s yata yon starring Mr. Eddie Rodriguez. Loved this music so much because it really touches your heart and soul. I’ve been looking for this song in Amazon Music but could not find it. Dito ko pala sa youtube makikita. It brings back lots of good memories!

  • @anthonybastareche
    @anthonybastareche Před 3 lety

    I remember my mom while she was still living, sa Surallah South Cotabato kami nakatira dati at marami nang nagbago ngayon. Sarap balikan Ang dati na walang problema kundi puro laro2 Lang sa daan. Yung time na d mo pa mabibili lahat pero kuntento ka na. I miss you ma. Magkaapo ka na Rin Sana. Kung buhay kalang makikita mo Sana Ang pag akyat ko sa stage sa graduation kaso kinuha ka na ni Father. Depressed ako nun at ayaw ko nang mabuhay pero Alam ko darating din Ang araw, makakabawi ako sayo.😇

  • @mayhoosangco3416
    @mayhoosangco3416 Před 3 lety +2

    So relaxing music sarap pakinggan habang natutulog

  • @soratakeda9355
    @soratakeda9355 Před 8 lety +145

    DZRH Radio
    Mr Romantico Theme Song.
    huhuhu nakakaiyak naaalala ko toloy nong mga bata pa kami madalas nmin ito inaabangan kasama c mama 😢😢😢😢

    • @soratakeda9355
      @soratakeda9355 Před 8 lety +1

      +Clinton Madarcos 😢😢😢😢😢😢

    • @janmarohom7218
      @janmarohom7218 Před 7 lety +1

      maka'remember ka tlga pag narinig mu2

    • @ansanomamacona7225
      @ansanomamacona7225 Před 7 lety +10

      Alex Isoueh Jeagerjaques nakikinig din aku nito, dala dala ko pa ang transistor or radio am namin sa palayan para lang mka pakinig ng mga drama sa dzrh.😀

    • @ansanomamacona7225
      @ansanomamacona7225 Před 7 lety +2

      😅😅😅😅😅😅😅😅

    • @donatoarellano6202
      @donatoarellano6202 Před 7 lety +1

      Alex Isoueh Jeagerjaq

  • @cristeolimpangog3685
    @cristeolimpangog3685 Před 11 lety +35

    grabe talaga no ang dami pala may gustong makinig nito hindi lang pala ako pasalamat tayu kay poul muriat and let us try to play it

    • @beltranreynaldo9580
      @beltranreynaldo9580 Před 4 lety

      Marami talaga ang may gusto ng awit na ito,lalo na yung mga classical pianist at mga musician,aristokrata ang kantang ito,maririnig mo itong pinapatugtug sa mga bahay ng mga oligarchs,ang ganda talaga, punong puno ng emosyon

  • @musicavenue2363
    @musicavenue2363 Před 3 lety +1

    ang srap bumalik sa pag ka bata
    lalo na kapag nasa sitwasyon ka na prang hndi muna kayang harapin ang mga problema sa buhay
    kung maibabalik lang ung mga panahong wla pa tayong muwang sa mundo at ang alam lang natin eh mag laro mag hapon
    kung pwdeng hndi nalang tau tumatanda at habang buhay na bata gugustuhin nlang ntin ..
    pero ganun ang buhay
    lahat tau pansamantla lang sa mundong ito . lahat tau mwawala kapag dumating na ung tmang oras pra tau ay lumisan haistt nkaka lungkot un kse hndi na tau mbbuhay ulit 😭😭😭😭

  • @stormkarding228
    @stormkarding228 Před 4 lety +8

    HINDI TALAGA MAKAKARELATE ANG 2000s UNLIKE SA NAKAABOT SA 70s80s to middle 90s.tOTAL PACKAGE ANG PANAHON NAYUN DI USO KALANDIAN SA TV.RADYO DI BATERIA BIHIRA MAY KURYENTE GANUN PAMAN ANG SAYA HINDI TOXIC.

  • @geraldineembac6972
    @geraldineembac6972 Před 5 lety +56

    Parang dinuduyan ako sa hangin at dinadala sa panahon ng akng kabataan.

  • @jamkev4353
    @jamkev4353 Před 4 lety +114

    I was looking for this music for 19 years and now I found it! ☺️

  • @rockswintv7049
    @rockswintv7049 Před rokem

    Pag naririnig ko tong kanta ko nalulungkot ako naalala ko mga panahon dati, kung papipiliin mn ako ay gusto ko kabuhay sa panahon dati kesa sa panahon ngayon kahit simple lng noon pero masaya hndi karangyaan at kayaman sa mundo ang mag papasaya saatin, nakakamiss lnh panahon dati na di na maibabalik pa kasi habang tumatagal nag iiba ang mundo mas pumapangit kahit mn sa panahon ngayon na advance na tayo sà technology, gumawa lng po tayo ng kabutihan saatig kapwa an sumunod sa kalooban nh Diyos kasi dun natin matatagpuan amg tunay na kagalakan lalo na pag andun na tayo sa lugar na kung saan sya naroroon ngayon. 19yrs old but ilove the good old days.

  • @tanyacolacion4414
    @tanyacolacion4414 Před 4 lety +8

    Kaway kaway sa nakikinig padin until now july 2020 ❤️❤️❤️

  • @eloisareyes9261
    @eloisareyes9261 Před 4 lety +41

    With the current situation April 9,2020, gusto mo lang makinig ng ganitong musika, mag eembrace sa tahimik na paligid ngunit nababalot pa rin ng takot at kaba...sana malagpasan natin ang Pandemic na ito. Ang musika na ito ay pagbabalik tanaw sa isang magaling na mananayaw noong panahon namin noong High School, lumikha sia ng isang magandang pantomime number gamit ang musika na ito sia ay walang iba kundi si Mr. David Jaro ...inaabangan namin noon ang kanyang mga gawa na lubos na nakakapukaw ng damdamin....napakasarap balikan....

    • @hyperboytkl1077
      @hyperboytkl1077 Před 4 lety +2

      Sorry to say, but for me I wouldn’t recommend hearing this song when feeling depressed, fearful, hopeless, lonely, mouning for the loss of someone or something, or problematic. It is a song that triggers the conscience making us recognise our failures, mistakes, shortcomings, and what could have been had we done better.

    • @lindacatipon6830
      @lindacatipon6830 Před 3 lety +1

      Napakatagal ko dn hinanap ang title ng song naito ngyon ko lng nakita i like this music

    • @shanelee1935
      @shanelee1935 Před 2 lety

      Saan ka nag highschool ate?jaro high school ba?

    • @shanelee1935
      @shanelee1935 Před 2 lety

      Saan kna nag high school ate?

  • @Mr.Palibot
    @Mr.Palibot Před 7 lety +69

    YES NAMAN ISA AKO SA MGA DRAMATISTA SA RADIO MY NAME IS EDU MANDRIQUE

  • @godsdisciple2904
    @godsdisciple2904 Před 4 lety +4

    _Napaka Angelique tlga ng Musika na to hnd nakakasawa sarap ng buhay noon sa radyo😊🙏🇵🇭_

  • @johnroyazucena9361
    @johnroyazucena9361 Před rokem +2

    Nakita din kita sa wakas... This masterpiece was played every 1pm at Love Radio Iloilo.

  • @cherylalmeda6222
    @cherylalmeda6222 Před 5 lety +6

    Naalala ko si tito Boy Robles sa kanyang programa s Radio ito yung background isa ako s kanyang masugid na tagapakinig😍😭😭😭

  • @rodeltalisayan8903
    @rodeltalisayan8903 Před 4 lety +97

    LIKE nyo 2k19 ngayon ko lang to nakita sa CZcams

  • @lloydnagal8382
    @lloydnagal8382 Před 3 lety +1

    2021 and still listening. Nakakamiss nakaka iyak alalalahanin ang kabataan.. ang sarap maging bata uli. Buhay probinsya, walang ingay, walang gadgets, laro lang ang alam at maligo sa ilog huhuhu

  • @mackycortez6080
    @mackycortez6080 Před 3 lety

    Nakakamiss ang kabataan... Mr Romantiko ng DZRH. 😔😔😔 namiss ko tuloy nanang (lola) ko habang kumakain ng tanghalian nakikinig kame ng dula hangang 2pm gang sa makatulog kame nakakamiss ala ala na lanh

  • @cassymidwinter6786
    @cassymidwinter6786 Před 4 lety +123

    April 24, 2020 still listening
    First heard this song when I was a kid, I think I was 6 years old that time and now I'm 25.
    Listening this music makes me remember my childhood at the province, no electricity, no cellphone, no computer, no television only radio, my parents used to listen this music. It is almost two decades since I heard this music. Can't stop reminiscing my childhood days. Who can relate me.

    • @stormkarding228
      @stormkarding228 Před 4 lety

      kadire pala isa kang 2000s kid

    • @MrYuso-tr5vi
      @MrYuso-tr5vi Před 3 lety

      @@stormkarding228 ha tapos anong meron kung 2000 kid sya ? Mongoloid kaba

    • @tonyrebeiro
      @tonyrebeiro Před 3 lety +2

      First heard this from the original LP vinyl disc, by Philips in 1975. I was 15 then.

    • @loidrama4721
      @loidrama4721 Před 3 lety +1

      I wont forgot this song when I was elementary we only have radio and this is the themesong for MR. ROMANTICO in the radio..

    • @anjkahambing6014
      @anjkahambing6014 Před 2 lety

      Uiiy

  • @hersheyssweetie2366
    @hersheyssweetie2366 Před 5 lety +31

    S wakas natagpuan din kta..
    A music dat makes me relax..

  • @Cutiecats789
    @Cutiecats789 Před 2 lety +1

    Sarap pakinggan it brings back childhood memories yung tipong wala ka pang problema, when yo get older puro problem na at palungkot ng palungkot ang mabuhay 😢

  • @eyyhan9675
    @eyyhan9675 Před 2 lety

    40 na edad.ko dati 7 years old ako ito na naririnig ko tuwing hapon. Lalo na kay tiyay evelyn.. haysst sarap balik balikan. Mga alalang nakalipas na hindi makakalimutan. Huhuhu 😭🥺

  • @grimoraph
    @grimoraph Před 4 lety +4

    Umiiyak ako ngayon. Naalala ko yung panahong buo pa ang pamilya ko andyan mga lolat lolo. Amoy ng usok ng dayami sa hapon. Elementary.. Simpleng buhay..

  • @jenilyngacasan1142
    @jenilyngacasan1142 Před 4 lety +18

    😢😢😢nakahilak ko pgkadungog ane twon kron graveh emotion nghalo nga mkahenomdom ko nga kauban pah nko akong Family sa probensya😢😢Hirap mg isa sa ibang lugar 😞😥Lalo na Ang Musicang ito..tutulo tlga mga luha ko..cause I remember my LolaNanay Eva😢😢💔💔nasa Heaven na cya😭😭😭miss u so much nay😢😢😢

  • @katherineentoma7429
    @katherineentoma7429 Před 4 lety +20

    25 yrs of existence and i finally found this song. Brings back my childhood memories with my grandpa in heaven :( he's the one who raised me when my parents left me when i was a baby 😭

  • @regzseyer1421
    @regzseyer1421 Před 4 lety

    Bata pa ako ng marinig ko ang music nato ngayon 53 years old nko nakakalungkot habang nakikinig😥😥

  • @vasquezmariaemmie8492
    @vasquezmariaemmie8492 Před 4 lety +7

    Mr. Romantico pasok..😅
    Pero npkgnda pknggan.. sarap sa tenga😍😍

  • @briannaclark798
    @briannaclark798 Před 4 lety +13

    kamamatay lng ng sis ko nitong oct 1,2019 noong marinig ko tong kantang to natulo luha ko everytime pinapakinggan ko😭😭😭😭

    • @danielconcepcion2982
      @danielconcepcion2982 Před 4 lety

      Parehas Po Tau bro. Last Aug 30 nawala . Iyak ako Ng iyak KC na miss kina cya Ng sobra ..

    • @danielconcepcion2982
      @danielconcepcion2982 Před 4 lety

      At masakit mamatayan ngbisangbkapatid KC nag iisa lng Yan magka dugtong kau Ng buhay

  • @thetraveler9047
    @thetraveler9047 Před rokem

    Sa wakas,nahanap ko rin ang song na to..sa tuwing naririnig ko ang kantang to,naaalala ko ang Mama ko..ito kasi ang theme song ng favorite radio station niya..namiss ko tuloy siya 😔😭

  • @mandukie7735
    @mandukie7735 Před 3 lety

    hays i miss the good old days.
    masaya pa ang loob ng bahay
    lahat completo
    wala masyadong problema
    lahat katuwaan
    yung may inaantay kapang pelikula sa tv na parang box pa ang shape
    every alas tres merienda
    every alas 3 drama ni lola at gantong musika
    walang masyadong issue
    laging pumapasyal sa park
    masaya yung bonding
    kulitan sa mall
    kakain sa mga fast food chain
    mga cartoon sa channel 2, 5, and 4
    keypad pa ang mga cp

  • @cecileleytedelacruz6480
    @cecileleytedelacruz6480 Před 9 lety +58

    napupuyat ako kakahintay nito every 12 midnight sa 102.7 star fm ito pala title nya plus eto un background music every sunday noong high school pa ako sa dxms Cotabato alaala ng lumipas ni kuya dan Francisco maririnig namin sa bundok na tinirhan ko sa Zamboanga del Sur

    • @larryberthe4614
      @larryberthe4614 Před 5 lety +1

      Yes me too, i Heard at thé first Time when i was on cagayan de Oro city , at my 17 yrs was Amazing music sound it's depply keeping into m'y Heart, until now it's seems first Time i Heard even à thousands Times, want to listening more n more 😆 again n again pa, walay sum-ol ,,

    • @rexnovisteros2652
      @rexnovisteros2652 Před 5 lety +2

      hahaha same tau, ngaun ko lng nalaman ang title neto.

    • @adelagomez6840
      @adelagomez6840 Před 5 lety

      So many many long years now ko lng nalaman titlle nito my favorite instrumental song..

    • @dariellajanecabrera6994
      @dariellajanecabrera6994 Před 5 lety

      ..hehe DXMY twing sunday inaabangan ko to noon..nalala ko tuloy lola ko favorait nya to inaabangan twing sunday..

  • @regzparagas6977
    @regzparagas6977 Před 5 lety +20

    It brings back an old memories.... wondering why it touches my heart so much...na parang gusto Kong bumalik sa nakaraan. Anong hiwaga meron ka?!!

    • @ondabaykblogs
      @ondabaykblogs Před 4 lety +1

      complicado n kc ang mundo ngaun di gaya nung panahon na sikat ang kusikang to.. nkkrelax alalahanin ang nakaraan

    • @jonbaldago8819
      @jonbaldago8819 Před 3 lety

      Nakaka miss bohay Ang papa ko Yan Ang Pina dogdog ko😭😭😭😭😭

  • @youdryeid1119
    @youdryeid1119 Před 3 lety

    Nun pa man 6yrs old palng ako naririnig ko na itong tugtog... Sarap balikan ang simpleng buhay nun.. May radio lang s bahay sapat na...

  • @gaminggamerRavenom
    @gaminggamerRavenom Před 2 lety

    Noong Bata pa Ako siguro mga 7 taong gulang grade 2 yr2000 palagi akong NASA Bahay Ng Lola ko at nakkinig Ng mga drama sa dzrh at bombo radyo kapag narinig ko ito Ngayon magkahalong emosyon Ang nararamdaman ko na parang Masaya Ako at parang naiiyak Ako..Kasi andun Yung parang gusto mo Silang makasama ulit at maging Bata ka pati narin Yung kailangan nating tanggapin na lahat nang bagay o buhay ay lumilipas din..♥️♥️♥️

  • @jhamvlogs1911
    @jhamvlogs1911 Před 4 lety +7

    2020 na. Sino pa nakaalala nito☺️☺️
    hearth this👇👇

  • @litotadeo6092
    @litotadeo6092 Před 4 lety +7

    It is nice to remember those were the days. Ang sarap maging bata. Naririnig ko every 2 in the afternoon sa radio..nakakalungkot till now 2019..

  • @froilanllapitan3169
    @froilanllapitan3169 Před 3 lety

    18 yrs old pa lang ako ng marinig ko to.59 na ako ngayun.ang sarap balik balikan ang mga magagandang alaala.

  • @carlocarlo6315
    @carlocarlo6315 Před 2 lety +1

    Napaka nostalgic naman nito naririnig ko lang ito sa Radyo noon
    Natagpuan ko na din

  • @arielbaguio7469
    @arielbaguio7469 Před 5 lety +7

    naalala ko itong tutuging ito noong bata pa ako, sa aming bukirin nakadungaw sa bintana, habang nikikinig ng radio, ,
    isang programa sa radyo na ito ang knyanng backround, , ,..

  • @kimpot_7724
    @kimpot_7724 Před 5 lety +41

    bakit aq naiiyak sa kantang 2?
    parang dinurog ang puso q.. 😢😢😢

  • @mushroomyum426
    @mushroomyum426 Před 2 lety

    25 years old na ako ngaun , grabe sobrang daming ala ala nung kabataan ko pag naririnig ko to. Eto ung theme song sa Mr. Romantiko na afternoon drama sa radyo. 🥺😢😞 Sobrang nakaka miss 💔

  • @ryanjamesondos10
    @ryanjamesondos10 Před 3 lety

    I've been looking for this music, naalala ko nung bata pa ako dinadala ako ni lolo sa munting kubo namin sa farm, tapos eto yung pinapatugtug, habang nakikinig sa mga awit ng mga ibon na napapaligiran ng mga halaman. Hays namimiss kona yung wala pang cellphone, at ang lolo ko 🥺😪

  • @danilodelacruz5949
    @danilodelacruz5949 Před 4 lety +3

    Yung sounds na mga ganyan, gusto ko pinakikinggan.. sarap sa damdamin..
    Parang mukha ng aking buhay. Malunkot, masaya, punong puno ng mga pangarap. At maiisip ko nalang salamat binigyan ako ng buhay ng Dakilang diyos na nasa itaas, nakita ko kung papanong mabuhay sa mundong ibabaw. Kahit gaano kahirap mabuhay dito, pero masarap parin.
    Maiisip ko kapag wala nako, tulad ako ng awting Ito, instruments Lang ngunit napakasarap pakinggan.
    Una Salamat sa Diyos. Pangalawa sa aking mga magulang

  • @floraleigh8146
    @floraleigh8146 Před 5 lety +11

    Oh my! For so many years now ko lng napakinggan ulit ang music na ito. Bata pa ko noong huli kong mapakinggan ito. Ngayon matanda na ako aguy...😟😢Na sad ako bigla 😕😔 good old days ... ito yong mga panahon na uso pa ang drama sa radyo. Pinapakinggan namin lagi ito ng ate ko, Mr Romantiko at lahat ng mga drama sa DZRH. Sarap kc makinig ng mga drama buhay na buhay. Pag malungkot ang drama umiiyak din kmi ng ate ko. Sobrang nakakamis mga panahong lumipas 😔😔. Sobrang fanatic ako ng DZRH noon. Sumulat pa ako sa kanila para lang makahingi ng kalendaryo kc gusto ko silang makita sa picture binigyan nman nila ako. Nandoon ang mga pictures ng mga Anchor men sina Rey Langit, Rick Radam, Joe Taruc at mga drama talents sina Luz Fernandez, Mike Perez, Nick De Gusman, Augusto Victa, Dante Castro, Pacholo Gonzales, Vilma Borromeo, Betty Roxas, Chiquit Del Carmen Amor at marami pang iba.

    • @rinhashimoto8042
      @rinhashimoto8042 Před 5 lety +1

      Flora Leigh and

    • @emmanemman6826
      @emmanemman6826 Před 5 lety +1

      Mga batang 90s, makahinomdom ko ani sounds kadahapon adtos payag maminaw og drama.. Lami balikon ang nakaraan..

    • @miletteroman2376
      @miletteroman2376 Před 5 lety +1

      Flora Leigh ang galing nyo naman po at natatandaan nyo papo silang lahat. Ako din po fan ng DZRH naiiyak po ako at naalala ko ang nakaraan...

    • @jojovenus2304
      @jojovenus2304 Před 4 lety +1

      Nice,,

    • @floraleigh8146
      @floraleigh8146 Před 4 lety

      @@rinhashimoto8042 And marami pang iba hehe.

  • @baimarrisdalandag5017
    @baimarrisdalandag5017 Před 3 lety

    Nung bata pa ako, tanghaling tapat pinapatulog kami tapos ito ang background music sa radyo. Nakakaiyak! Sarap balikan 🥺💖😭

  • @alonajanedomingo8133
    @alonajanedomingo8133 Před 4 lety +1

    Parang bumabalik ako sa aking kabataan pag naririnig koto😍 walang problema iniisip

  • @imjustakidvillafranca5569

    July 2019 namiss ko buhay namin sa bukid noon kasama sila lola at lolo...

  • @tyrhonicerus
    @tyrhonicerus Před 4 lety +16

    Finally, found the title. Nostalgic!
    Brings back childhood memories.
    Mga drama series sa DZRH.

  • @jasminanah3469
    @jasminanah3469 Před 3 lety

    Na alala ko ang buhay namin sa probinsiya tanging radio lang ang gamit na meron kami pero subrang saya kc buo pa kami kasama pa namin ang aming tatay omg bakit ang sakit subrang naiiyak ako hindi k alam kung bakit pero bumabalik lahat ng alaala k noong childhood ko 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

  • @joeyferrer8934
    @joeyferrer8934 Před 3 lety

    Namimis ko yung tatay ko, palagi namin pinakikingan sa radyo to, naalala ko tuwing hapon 😢😢

  • @philipmanguiatmusicvlogs1738

    pag naririnig ko to gumagaan ang pakiramdam ko,naaalala ko tuloy yun nakaraan ko,.hehe

  • @normakondo4448
    @normakondo4448 Před rokem +13

    Best instrumental song that strikes my heart. Beautiful memories to remember sincechildhood, d maiwasan ang mapaluha
    There's a magic about this song that u can feel inside you, good or sad memories❤

  • @MarSumogod
    @MarSumogod Před 3 lety

    La decadanse at faithful love, wala talaga silang pinagkaiba pag dating sa music instrument. Hindi nakakasawang pakinggan habang nag re relax ka at habang tumotulo ang luha mo.😭 2021 na. May nakikinig pa kaya nitong mga old legendary music noon, na hinding hindi mawawala sa puso natin kahit hanggang ngayun.👇👇👇

  • @gnth6533
    @gnth6533 Před 2 lety +2

    Naalala ko dati nung 3 years old ako, ito yung music sa radio ng mga dramas.. And that time, i lived with my lola😊 She died 9 years ago and this instrumental music reminds me of her.

  • @yuimeisaki2365
    @yuimeisaki2365 Před 3 lety +5

    Namimis ko Yung araw na buo pa kami Ng pamilya ko

    • @MC_Elie
      @MC_Elie Před 2 lety

      I'm sorry that you've had turmoil in your family. If ever you need to talk, do keep in touch. We have all gone through hardships in life. Some may just need a listening ear or support. May God bless you

  • @928daniel1023
    @928daniel1023 Před 4 lety +5

    I played this song at 3:45am,
    My neighbors called📞 the police. The police arrested them. Salute 👮 Thanks Sir, what a great accomplishment
    🇵🇭

  • @gierodlakwatsero6759
    @gierodlakwatsero6759 Před 4 lety

    Para akong bumalik sa pagkabata..
    Nakakaiyak ang music na ito.
    Batang 80's at 90's kaway.

  • @skylantern5077
    @skylantern5077 Před 3 lety

    nabubwisit ako kasi may kirot sa puso ang kantang ito. Kapag naririnig ko ito, naalala ko ang sorbrang saya ng kabataan ko. Sobrang payak na pamumuhay sa aming maliit na barangay. Parang sobrang payapa ng mundo dati. Ibang iba ngayon. Napaka komplikado na. Nalilimutan ko na minsan kung ano ang pakiramdam ng meron kang peace of mind pero pag naririnig ko itong kantang to, naalala ko ang nakalipas, parang bumabagal ang mga sandali at nakakagaan sya sa pakiramdam. Parang may kasamang mahika ang tugtog na ito.