Video není dostupné.
Omlouváme se.

'Ang Pagbabalik sa Biñan,' dokumentaryo ni Howie Severino | I-Witness

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 12. 07. 2024
  • Aired (July 13, 2024): 13 taon na ang nakalilipas mula nang huling bumisita si Howie Severino sa Biñan, Laguna. Dito matatagpuan ang mansyon ng mga Alberto na kamag-anak ng ina ni Dr. Jose Rizal na si Teodora Alonso. Mansyon ito na naging saksi ng mga lihim ng pamilya ni Rizal.
    Makalipas ang mahigit isang dekada, muli itong babalikan ni Howie Severino. Ano-ano na nga ba ang pinagbago ng mansyon? Panoorin ang dokumentaryo ni Howie Severino para sa #IWitness, ang #AngPagbabalikSaBiñan.
    #iBenteSingko
    ‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists- Howie Severino, Kara David, Atom Araullo, Mav Gonzales, and John Consulta. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
    Subscribe to / gmapublicaffairs for our full episodes.
    #GMAPublicAffairs #GMANetwork
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Komentáře • 205

  • @MacaulayVR-br9qj
    @MacaulayVR-br9qj Před 27 dny +74

    "pumanaw na ang mga lumaban, ngunit nkatayo paring ang ipinaglaban." Hits different.

  • @MacaulayVR-br9qj
    @MacaulayVR-br9qj Před 27 dny +14

    "pwde plang maging city na umuunlad, without abandoning our national heritage."

  • @SimplyJessy041782
    @SimplyJessy041782 Před 8 dny +2

    Naging bahagi ng kabataan ko ang bayan ng biñan dahil jan kami namimili ng aming paninda para sa munti naming negosyo noon.. mura kasi ang mga bilihan jan sabi pa nga little divisoria ang pamilihan bayan noon ang binan..masaya kasi mamili jan lalo na sa gabi kasi talagang bagsak presyo jan lalo na mga gulay..kapag masama naman ang pakiramdam ng aking ina ako ang kanyang inuutusan para mamimili ng kailangan namin sa pagtitinda..sa totoo lang kahit di ako ipinanganak sa lugar na yan para syang malapit sa puso ko diko😂alam kung bakit marahil siguro nun wla pang mga sinehan sa aming bayan sa santa rosa ay jan ang puntahan namin para manuod ng pelikula noong 90s specially kung may mga okasyon gaya ng pasko grabe punong puno talaga ang binan lagi noon..imagine san ka makakakita ng lugar na may apat na sinehan na makikita sa isang area lamang
    Naaalala kopa dati ang mga sinehan jan. AC cinema, zenith 😅 pero dipoko nakapasok ng zenith ksi bata pa po ako noon, ligaya theater,at Meron pa dlawa o isa eh diko na tanda eh basta naaalala ko noon nanuod kmi ng ate ko ng Pardina at ang mga dwende ehehe basta 3 or 4 ata un sinehan jan noon..
    About naman sa Alberto mansion after ito maere ulit agad ako nagpunta at binalikan ko ang mga nakaraan ang sarap sa pakiramdam pag na anjan ako feel na feel mo un parang nasa ibang panahon ka..kaya salamat sa mayor ng binan 😊
    Trivia: jan po makikita un pwesto ng nag viral na Juana's halo halo as in tabi lang ng Alberto mansion kaya kapag nakapasyal po kayo ng binan makikita nyo sila jan tabi ng Alberto

  • @darwingonzales7171
    @darwingonzales7171 Před 28 dny +25

    Howie Severino did a very good job here. Goosebump watching this Episode. You're one of the Best Documentarist in the Philippines. You're in the TOP 2 at least. Way to go Binan. We hope to visit your place very soon. OFW here.😍

  • @feng9549
    @feng9549 Před 27 dny +22

    After talaga ng "MARIA CLARA AT IBARRA" naging interesting talaga ngayon ang history. Halos lahat binabalikan at pinapanood na din mga ganitong palabas na may touch of Filipino Pride, Culture, History and the Resilience of the Filipino people. Mabuhay!!! 💯✨💖🥳💐🌺✨

  • @kennethkimj
    @kennethkimj Před 27 dny +21

    Ito yung mga palabas ng gma na deserve na maipalabas kahit paulit ulit....

    • @tonyodizz1504
      @tonyodizz1504 Před 20 dny

      Umay po pg paulit ulit🤣🤣🤣

    • @kennethkimj
      @kennethkimj Před 20 dny

      @@tonyodizz1504 mag atsara ka... Pampatanggal umay...

  • @kevinmuse6743
    @kevinmuse6743 Před 27 dny +7

    Sana nman lahat ng local govt suportahan ang mga kailangan irenovate na mga heritage house...kaya gusto namin si kayoutubero kasi ang content nya puro old houses..ang gandang panoorin ang mga ganun content kesa yung mga walang kwentang prank..at payabangan lang house tour / ref tour.

  • @rameljorge5783
    @rameljorge5783 Před 28 dny +22

    Saludo sa mayor,sa suporta para manatili at maayos uli ang mansion.GOODJOB❤❤❤

  • @markmaniego3083
    @markmaniego3083 Před 28 dny +8

    Napakagandang Dokumentaryo💯😍 Sobrang Galing Ng Mayor Ng Biñan Salute Atty. Arman!! And Sir BJ Doc Bimbo!! Saludo!!! 🫡

  • @patrickandersonvlog3257
    @patrickandersonvlog3257 Před 28 dny +5

    First time kong makapunta sa biñan, super ganda way back 2018 nagpunta kami dito. Under renovation talaga siya that time. Super Ganda na ngayon thank you sa LGU and sa Mayor para sa suporta na mapaayos ulit.

  • @anginyongibongpipit
    @anginyongibongpipit Před 28 dny +24

    Ang ganda ng nagawa ng LGU nila, paboritong kong puntahan ang Biñan😊..ang bayan saan nagsimula ang Maglalatik Folk Dance, ang ganda ng mga cultural shows nila at winner ang kanilang Puto Latik Festival!❤

  • @dhedzfonacier7365
    @dhedzfonacier7365 Před 28 dny +8

    Proud biñanense here,watching from muscat oman ,nkakamis n hometown q❤

  • @moisesjr.baulamm.3600
    @moisesjr.baulamm.3600 Před 28 dny +14

    As an advocate of Culture and heritage preservation. 100% to para sa akin. :) God bless and more power. sana more content pa kagaya nito po :) dito sa amin sa Sta.Cruz Dava del Sur. iba din ang style ng mga lumang bahay namin, kasi more on woods ang structure kaunti lng ang my half semento. sana ma feature ang sa amin kasi halos napag-iwanan na ng panahon.

  • @kashmir0702
    @kashmir0702 Před 28 dny +9

    napakaswerte ko at nakapag almusal pa ako sa orginal alberto mansion noong 2003-2006, panahon nirerenovate ang kumbento ng simbahan, pagkatapos magmisa ng 6am dito kaming mga sakristan nag aalmusal kasama ang pari, nakaupo pa ako sa malaking bintanang nakaharap sa lumang munisipyo at palengke, nakita ko din ang mga santo pag akyat mo sa malaking hagdan...
    goosebumps ako nung akyatin ang kampanaryo, lalo na naitanong ko dati kung bakit may crack yung isang kampana at hindi na ginagamit sabi tinamaan daw ng kidlat, kasi ang ginagamit namin dati yung malaki sa gitna pag misa, yung dalawang magkaharap sa pag repeke sa patay, at yung isa sa harap minsan sa prusisyon

  • @lalolajo5603
    @lalolajo5603 Před 27 dny +2

    salamat Howie sa docu na ito...kahit naman indi na sya ang orihinal, ang mahalaga indi namatay ang ating kasarinlan...gusto ko tuloy marating ang Biñan Plaza dahil sa documentaryo mong ito...Salute sa mgannakipaglaban dito upang di tuluyang mabura ang bahagi ng ating kasaysayan...God bless always!🙏🏼

  • @joenakyut
    @joenakyut Před 28 dny +3

    Sobrang galing!!! Napanood ko dati yung docu nung 2011. Malaking factor din yun na nagkaroon ng docu noon para maligtas yung bahay. Kasama ang iwitness kung bakit naligtas tong bahay na to ❤❤❤❤

  • @maryqueenmacatuno7985
    @maryqueenmacatuno7985 Před 14 dny

    Isa ako sa mga sumubaybay sa dokumentaryong ito. Nakakatuwa na naisalba at naisaayos ang Alberto Mansion. Mission accomplished para mga taong nanindigan at lumaban(Dr. Bimbo and team). Salamat Sir Howie sa isang nakapagandang dokumentaryong ito. 🇵🇭

  • @onadmangulovenan7986
    @onadmangulovenan7986 Před 24 dny +1

    Mabuhay po kayo Ginoong Howie.
    More documentary like this.
    Napakaganda.
    Thank you.

  • @philcruz4063
    @philcruz4063 Před 28 dny +1

    The first time na makapunta ako sa Biñan namangha ako sa plaza sabi ko napakasarap pumunta sa isang bayan na may makikita ka pa ng bakas ng nakaraan. Congratulations 👏🎉 sa laban nyo para ma isalba ang historical site ng inyung bayan.

  • @tnhblmrtv
    @tnhblmrtv Před 26 dny +1

    Sir howie , sana magawan mo rin ng document ang history ng Sta.rosa laguna 👍👌

  • @bebotescol926
    @bebotescol926 Před 25 dny +1

    I should say, kulang parin tayo sa pagpapahalaga sa ating kasaysayan, pero sa katulad na palabas na'to, umaasa akong unti-unti natin maintindihan at mamulat ang ating kaisipan na dapat natin pahalagahan ang ating nakaraan. Habang ang mga bansa ng Europa mamangha ka sa ang daming mga turista, million2 kada taon ang bumibisita upang silayan ang kanilang nakaraan upang nabubuhay sila sa kita ng turismo.

  • @manangmjtv1115
    @manangmjtv1115 Před 20 dny

    Wow! Sana lahat ng nakaupo po sa pwesto ay kagaya niyo Mayor mag-isip 👏👏👏 Pinapahalagahan ang mga pamana ng ating mga ninuno at mga Bayani 💛

  • @lala102085
    @lala102085 Před 22 dny

    Kudos to Howie and I-witness Team! Eto ang nagagawa ng journalism! They hold the line, not only to provide accurate news but to help us keep our heritage and identity. Maraming Salamat!

  • @yanoriaangenica1259
    @yanoriaangenica1259 Před 28 dny

    Isang pagpupugay sa lahat ng tao na lumaban upang isalba ang kultura at kasaysayan ng Biñan. Maraming salamat po sa inyo!
    Nais ko rin bigyan-pansin ang mahusay na paglalahad ng impormasyon na ibinahagi mo G. Howie Severino. Mabuhay po kayo! ❤

  • @giorgioacevb5030
    @giorgioacevb5030 Před 28 dny +5

    Mabuhay ang mga Pilipinong nagpapahaga at nagmamahal sa mga naiwang bagay sa ating kasaysayang mahalaga sa ating Inang Bayan 🎉thank Binńan lgu ..

  • @jesterquiambao2570
    @jesterquiambao2570 Před 28 dny +2

    ganyan kagaling at ganyan pinaunlad ng mayor arman dimaguila nmin ang bayan ng binan !

  • @user-ob1kd6qj5k
    @user-ob1kd6qj5k Před 27 dny +1

    Amazing documentary! I had goosebumps. Kudos to GMA and Howie Severino.

  • @SimplyJessy041782
    @SimplyJessy041782 Před 8 dny

    Thanks sir Howie sa 2nd documentary mo sa Alberto Mansion

  • @silvergold5740
    @silvergold5740 Před 27 dny +3

    Salute to the Mayor of Binan! Marunong lumingon sa pinanggalingan-ang kasaysayan

    • @gambitgambino1560
      @gambitgambino1560 Před 22 dny

      Ano kaya ang history after 500 years. Si rizal pa din kaya ang national hero?

  • @mdswjdcastillo6572
    @mdswjdcastillo6572 Před 25 dny +1

    Nakakalungkot ang pagpanaw ni Dr. Sta. Maria pero sa isang banda alam nating masaya sya sa kinahinatnan ng pinaglaban nila. Kudos din sa mga hakbang ng ginawa ng Gobyerno na namagitan upang ipaglaban ang magandang kayamanan ng kanilang bayan. Salamat at Hindi sila pumayag na maconvert ang bahay sa ibang establishment.

  • @ricoalmarez
    @ricoalmarez Před 28 dny +7

    Malaki tlga ang ginagampanan ng mga city local government sa desisyon pagdating sa ikakaunlad ng bayan

  • @MultiArniel
    @MultiArniel Před 26 dny +1

    Gusto ko tong puntahan soon🙏🙏🙏🙏

  • @UnworthyServant01
    @UnworthyServant01 Před 15 dny

    Sana lahat ng alkade sa Pilipinas katulad ng sa biñan.

  • @onykszchannel181
    @onykszchannel181 Před 27 dny

    As a proud BIÑANENSE! Nakaka proud na makita ang pagkilala sa progreso ng Biñan at kudos sa effort ng LGU at ng mga opisyal sa pagpapanatili ng Alberto Mansion although hindi ko pa sya napapasok but when I was a kid every time na napapadaan kami sa Alberto Mansion I was still curious about sa interior at kung ano ang kwento ng bahay noon!

  • @user-kg1um2ts1j
    @user-kg1um2ts1j Před 24 dny

    I love the statement….”May mga pumanaw na ipinaglaban ngunit nakatayo pa din ang pinaglaban” well said 🙂👍🏽

  • @jimderoxas3902
    @jimderoxas3902 Před 26 dny

    Ang galing naman,sanay mapanatili at huwag mawala ang mga historical place,dahil silay nagpapahiwatig ng alaala ng lumipas at naging parte ng nakaraan na kung saan eh bahagi na ng ating kasaysayan kung san tayo naroroon ngayon

  • @manoletarteta4676
    @manoletarteta4676 Před 21 dnem

    Congrats to the city of biñan laguna specially to those local people who give their very best to save the alberto’ s mansion. To the local government and to Sir Howie severino to document this episode on the i witness to open up our thoughts, minds, and to appreciate how we are today because of our yesterday.

  • @felixcesarc.arobel6682

    DATI NABABASA KO LANG SA LIBRO ANG BINAN LAGUNA PERO NGAYON LAGI LAGI NA AKONG NAPAPADAAN JAN ❤ ANG GANDA TALAGANG BUMALIK SA NAKARAAN ❤

  • @rustumaparejado1822
    @rustumaparejado1822 Před 28 dny +12

    Kapag namimili kaming mag asawa sa Binan lagi kong sinasabi sa asawa a ko na alam mo ba ang kwento ng bahay na iyan.. iyan ang bahay na ina ni Jose Rizal... sasabihin niya sa akin... "talaga hindi nga".. at natutuwa ako na nabuo muli ang bahay.. hindi naman nasusukat ang restoration ng bahay dahil sa orginal ng mga gamit nito.. ngunit kung ano ang naging impluwensiya at mga aral na itinuro sa ating mga pilipino... Mabuhay ang mga tiga Binan..

  • @SaintIsidoreph
    @SaintIsidoreph Před 28 dny +9

    Gusto ko dokumentaryo mo Sir Howie

    • @MariaLuzBuenaventura-fs9xc
      @MariaLuzBuenaventura-fs9xc Před 27 dny

      Nuon Bata p Ako nkita nkPasyal sa LAGUNA at nuon p Ang Mga balita tungkol sa mga Bahay o Lugar Ng mga Prominent at Important n TAO sa Phil. History ay pinaAlam Hindi lang s Schools kundi m ACTUAL mKITA Rin

  • @user-qc7nb2qf9d
    @user-qc7nb2qf9d Před dnem

    Historical Facts about these Houses MUST be written in books for future historians and Phil. History..

  • @jockosantos9678
    @jockosantos9678 Před 22 dny

    Ito ang kapangyarihan ng Media. Maraming Salamat GMA 7, iWitness team, Local LGU at sa mga private individuals na nakipag laban para mai preserve yung Mansion. Ang ganda tignan at nakakaiyak pag masdan. Sana yung ibang historical sites at ma preserve rin tulad nito. Sabi nga sa dokumentaryo "Kayang umunlad ng isang lugar nang hindi tinatalikuran ang nakaraan."👏👏👏

  • @Ivy-js2tu
    @Ivy-js2tu Před 27 dny

    Salamat po sa pag-restore ng alberto mansion.ramdam ko po ang pagmamahal nio sa bayan ng Biñan.

  • @ash_and_ruth
    @ash_and_ruth Před 20 dny

    We were there during this year’s Puto Latik Festival pero di kami nakapasok sa Alberto Mansion dahil sarado coz of the festival. But we’re able to witness & enjoy the festival’s first day of activities- drum beating competition, afternoon parade and the evening’s street dance competition. Hopefully makapasok kami sa Alberto paguwi ulit namin. Nice docu.

  • @onadmangulovenan7986
    @onadmangulovenan7986 Před 24 dny

    Salamat sa mga namumuno ngayon.
    Mabuhay po kayo.
    Gumanda ang bayan ng Binan.

  • @carmeltomimbang4996
    @carmeltomimbang4996 Před 22 dny

    Nalungkot tlg ako nung unang docu nyo n pangit n kondisyon nyan, salamat s Diyos at naipatayo p rin s tulong ng mga taong gustong ipakita p rin ang historical place n ktulad nyan. God bless s kanilang lahat at s inyo rin po, Sir Howie Severino. I'm always amazed s mga heritage houses at natutuwa ako n marami p rin ang nasaved at preserved lalo n s bandang Malolos, Bulacan n napanood ko rin s isang vlogger 🥰

  • @corazondelica1867
    @corazondelica1867 Před 25 dny

    Nakakatuwa ang ganda ng segment na ito ang galing nv Binan ang galing ng mga lumaban para mapanatili ang sim bolo ng nakaraan congrats sa kanila ng lahat

  • @crisvillanueva8112
    @crisvillanueva8112 Před 27 dny

    Wow😮proud taga Binan po, fan of Mr. Howie Severino, nice documentory❤

  • @nikkypaulbaclagan6400
    @nikkypaulbaclagan6400 Před 27 dny

    inaabangan ko talaga itong episode na ito. kahanga-hangang si sir Howie ang bubuo ng dokumentaryong ito.

  • @lovemusicnatureartsfoods...

    Tuwing nakakapanood ako ng ganito nasasad ako parang may kurot sa puso ko naalala ko kasi old house ng Lola ko na ganyan ang design kaso nong naging ulyanin na Lola ko benenta na yong bahay ng mga tita ko pero nagsisi rin sila Kasi kong di nila yon benenta baka napamana pa nila yon samin lalo now na ang mahal ng lupa at bahay...

  • @winonayap2137
    @winonayap2137 Před 27 dny

    thank you I-Witness!...

  • @airajoysison
    @airajoysison Před 25 dny

    Thanks Sir Howie for this update and documentary ❤

  • @michaelmendoza1640
    @michaelmendoza1640 Před 23 dny

    Salamat.. sa docu... Howie...

  • @ryannombrado8094
    @ryannombrado8094 Před 22 dny

    sabe nga mayor ng binan "pwede tayong umunlad ng hindi kinakailangan talikuran ang ating nakaraan" salute to the Mayor and Doc Bimbo Sta Maria (RIP) for the job well done in restoring the heritage house.. isa itong tagumpay na pakikipag laban pra sa ating kasaysayan..

  • @florencemaephelps4682
    @florencemaephelps4682 Před 26 dny

    Dapat ung gov't ayusin ung ganito kc historic place ito. Tsaka pwede din ito pagkakakitaan as tourist spot.

  • @yippietrips9700
    @yippietrips9700 Před 22 hodinami

    Sana lahat ng mayor e may pakialam sa mga historical na bagay at lugar sa nasasakupan nila, yung bang marunong magrestore hindi demolisyon ang laging solusyon

  • @KarenGayle-s1e
    @KarenGayle-s1e Před 10 dny

    Kudos Sir.

  • @eugenecampos1195
    @eugenecampos1195 Před 27 dny

    Thanks to Howie Severino's eye opening for this historical place

  • @franz-jy9yz
    @franz-jy9yz Před 8 dny +1

    Putek , naiyak ako sa huling mensahe
    “Nawala na ang ibang lumaban , ngunit nakatayo padin ang pinaglaban” deym .

  • @jeanettealvarez7098
    @jeanettealvarez7098 Před 18 dny

    Saludo po kay Mayor Arman, Doc BJ Borja at Dr. Bimbo ng Biñan.. Salamat po!

  • @mariesamson5320
    @mariesamson5320 Před 9 dny

    Dapat preserve nila yan. Dahol sa mga bayani nagbuhos ng buhay .. Kaya Malaya tayo ngayon..❤❤❤

  • @lhynnrubi3174
    @lhynnrubi3174 Před 28 dny

    Kudos Mr Howie Sev

  • @crisdelfashionandbeautynee2209

    Salamat sir Howie.

  • @cherish6972
    @cherish6972 Před 27 dny

    Sa pagsisikap nyo na ma preserved ang mga mkasaysayang gusali, tunay nga na kayo ang henerasyon na pinangarap ni Rizal. 🇵🇭❤️

  • @briendynagera5946
    @briendynagera5946 Před 27 dny

    Salamat sa pag share nang storical mansion

  • @ryghly
    @ryghly Před 27 dny

    sana ganito ang mayor at susunod na mayor.kapakanan ng mga tao at kapakanan ng bansa

  • @Descentperson4213
    @Descentperson4213 Před 28 dny

    natatandaan ko pag namamalakengke kami sa binan dati napaka dumi, napaka sikip parang divisoria ngayon ang ganda na.

  • @genspear3930
    @genspear3930 Před 27 dny

    At least dyan prin nka tayo ang bahay. Khit hnde n sya ang original... good job and god bless sa mga taong tumulong pra mapatayo ulit ang bahay...

  • @celsobautista3735
    @celsobautista3735 Před 10 dny

    Thanks Howie 😊

  • @EsteloPizarro
    @EsteloPizarro Před 28 dny +1

    salamat sa istorya sa lihim ng pamilya ni Jose Rizal

  • @rohmchannel971
    @rohmchannel971 Před 21 dnem

    1997 nagtrabaho ako sa Carmona. Malimit ako pumunta dyan sa biñan. Nagsimbang gabi din kami dyan. Di pa uso non cp kaya wala ako mga souvenir na picture.

  • @mhelbrioso2926
    @mhelbrioso2926 Před 26 dny

    Saludo sa Biñan Laguna

  • @jstark6118
    @jstark6118 Před 28 dny

    Maganda ang ginawa nila na open to public ang mga parte ng kasaysayan lalo sa mga kabataan para hindi mawala sa kanila ang importansiya ng kasaysayan at kanilang mga pinaglaba n para makuha ang kalayaan.

  • @ma.cristinalunaoliveros3468

    GMA=DOCUMENTS❤❤❤

  • @ronelonepangan7329
    @ronelonepangan7329 Před 2 dny

    Marami kasi wala ng pagpapahalaga sa heritage kahit pa mismo nakapagmana ng property. Dapat meron basta kapag heritage na di na puwedeng ibenta kahit pa mismo ng ngmamaya-ari ng property

  • @Michaelfranks6969
    @Michaelfranks6969 Před 24 dny

    Eto ang meyor nagtrabaho sa bayan at maylasakit sa history ... sana ganito ang mga politico sa bansa

  • @MarkJustinLaurente
    @MarkJustinLaurente Před 8 dny

    Nakalulungkot kase ang LGU mismo ng Sta. Rosa, Laguna ay hinayaan lang na ipagiba yung ancestral house sa kanila para sa ipatatayong McDonald's ni Alden. Sana all katulad ng LGU ng Biñan 👏🏻👏🏻
    8/3/2024 Sat 2:26 pm

  • @manaralih3931
    @manaralih3931 Před 27 dny

    Sir Howie ❤❤❤

  • @halfblood_394
    @halfblood_394 Před 27 dny

    Thank you may follow up din ung documentary sa "lihim ng pamilya ni rizal"...

  • @mother_ever8625
    @mother_ever8625 Před 27 dny

    Sana magawa din Yan s iBang bayan sa Pilipinas ..salute sa mga nagmalasakit...!

  • @JudithReyes-mf6om
    @JudithReyes-mf6om Před 26 dny

    Sana po ma preserve prin ang mga bhagi ng ating ksaysayan lalo n mga ancestral house pra mapanatili Ang knilang alaala..😢😢

  • @bertolucio1760
    @bertolucio1760 Před 26 dny

    Grabe 11yrs ago pala nung napanuod ko 1st episode nato !!!! Tas wala na pala ung 2 na nainterview

  • @ricaorlanda8329
    @ricaorlanda8329 Před 27 dny

    ❤❤❤

  • @Threerulesoflove
    @Threerulesoflove Před 28 dny

    eto masarap sa pilipino, proud ka san ka galing kahit di ka dun pinanganak.

  • @paulchristianrivera4785
    @paulchristianrivera4785 Před 28 dny +4

    Kakaiba talaga ang pilipinas hindi pinahalagahan ang historical ng kasaysayan kahit yung mga naging tahanan ng mga bayani giniba.. perpect talaga ang pinas

    • @cholo1598
      @cholo1598 Před 28 dny

      sa mga naniniwala n bayani😂

    • @pepitoincomio8218
      @pepitoincomio8218 Před 27 dny

      Perapera labanan ngayon wala n kung ano halaga ng nakaraan

  • @felixcesarc.arobel6682

    DITO'Y BUHAY ANG NAKARAAN, SUMASALUBONG SA MAGANSANG BUKAS KAYA HALINA SA BINAN AND EXPERIENCE THE CITY OF LIFE ❤

  • @chrisalmazan7051
    @chrisalmazan7051 Před 28 dny +1

    Nuon npagandan ng loob Nyan npakaraming gamit sa loob pra ka tlgang bumalik sa nakaraan pag nsa loob ka .npakaraming antik n gamit at painting .Ang mga hagdan gawa sa Nara .. Bata pa aq nun pero sariwa prin sa isipan ko.. ngaun ibang iba na Ang itsura ng mansion malayong malayo n sa itsura nuon .. sna nuon pa priniserba Ang mansion pra npa ngalagaan Ang laman Ng Bahay at itsura nito..

    • @gracemara3
      @gracemara3 Před 21 dnem

      Privately owned kasi yan kaya hindi pwede makialam ang lgu jan kasi hindi pa naman iyan declared noon na heritage site. Yung may-ari nyan which is mga Alberto sila ang may legal na may karapatan dyan.

  • @nadjacecilianatividad9875

    I’m glad na hindi natuloy ang paggiba. Sana mas lalo pa ito pahalagahan ng mga susunod na henerasyon.

  • @mosz_duff
    @mosz_duff Před 14 dny

    sana sir howie sa susunod po .. Las Pinas Bamboo organ.. naman historical din po satin mga pilipino po un naaalala kopa nung elem tinuturo po ewan ko lang po ngaun if me ganun mga history pang tinuturo po

  • @alvinagusa-hh3wc
    @alvinagusa-hh3wc Před 26 dny

    Super Ganda grabi

  • @neilsacayanan1439
    @neilsacayanan1439 Před 26 dny

    Mabuhay ka Mayor Dunaguila.

  • @RANDOMSTOPS417
    @RANDOMSTOPS417 Před 27 dny

    The city of my childhood. Mapalad ako dahil nakita ko ang istraktura bago gibain. Nagtinda kami sa palibot nyan naglalaro pero hindi kami nakapasok sa loob. Wala akong kamalay Malay na ancestral house pala Yun ng nanay ni Rizal malapit Lang din diyan ang school nya.

  • @julianwhite4914
    @julianwhite4914 Před 28 dny +1

    Imagine ang bahay na itinayo ng panahon ng mga kastila. Itinayo ng mga panahon na hindi pa ipinanganak si Jose Rizal at pinagiba ng nagmana ng bahay? Sadt. Ngayon restored nalang at wala ang original na laman ng bahay at bahagi nito.

  • @kuyaweng9134
    @kuyaweng9134 Před 24 dny

    Kudos sa lahat na ipinaglaban ang Alberto house 🫡

  • @tropical.Manila
    @tropical.Manila Před 28 dny +43

    Giniba na ang mansion kasi naubos na din naman ang laman, even ang mga hagdan ay kinuha na ng buyer at dinala sa Bataan sa Las Casas Filipinas de Acuzar

    • @jellajuco8740
      @jellajuco8740 Před 27 dny +6

      Kaya pala may kamukhang lugar sa las casas yung bahay lalo na yung pinagpe perform-an na open area kamukhang kamukha, yun pala talaga original nasa Las Casas

    • @papstv29
      @papstv29 Před 27 dny +7

      Ogirinal daw ung hagdang..panoodin mo po😊😊😊

    • @jomansitjar2832
      @jomansitjar2832 Před 27 dny +2

      Nabili napala yan

    • @pepealas425
      @pepealas425 Před 25 dny +2

      Noód muna bago comento.

    • @tropical.Manila
      @tropical.Manila Před 25 dny

      @@pepealas425 amusing of you to assume that comment came first before watching. Kaya nga dami kong komento dito dahil napanood ko and obviously hindi kumpleto ang information na pinakita sa documentary.

  • @onadmangulovenan7986
    @onadmangulovenan7986 Před 24 dny

    Mas nakakabilib pa ang mga arabo sa Middle East countries, mapagmahal sila sa kanilang heritage at culture. Nakakainggit sila dahil patuloy nilang pinahahalagahan ang mga pinagmulan nila at patuloy na binibigyang importansiya hanggang ngayon. Sana'y mapasyal man lang sa UAE, Saudi, Oman, Bahrain, Qatar, Iraq at maging sa Iran, iniingatan nila ang mga bakas ng mga ninuno. Sa Pilipinas, madami nang mahahalagang gusali ang giniba at hindi man lang binigyang importansiya ang halaga at husay ng arkitekto nito.
    Sana'y maagkaroon tayo ng isang lider na magbibigay ng pagpapahalaga sa cultural heritage ng Pilipinas. Ang ating bansang minamahal.

  • @JolInSaudiArabia
    @JolInSaudiArabia Před 28 dny

    Maka miss bumabalik alla ko nung high school ako

  • @janusbartolome4878
    @janusbartolome4878 Před 23 dny

    Mahusay talaga ang Mayor ng Biñan may pag hahalaga sya sa naka raan! Pinaganda nya ng husto ang bayan para maka hikayat ng turista! Kaya saludo ako kay Mayor Arman!

  • @jhonlouiechua971
    @jhonlouiechua971 Před 27 dny

    sayang sir d mam ln kita nakita dtu sa lugat namin sa biñan idol p nmm kita

  • @wencybacorta7369
    @wencybacorta7369 Před 26 dny

    korek idoll howie seberino