Paano ba mag bid sa pagibig foreclose properties?
Vložit
- čas přidán 24. 07. 2024
- In this video, tinalakay po namin kung paano ba bumili ng foreclosed property sa Pagibig under new normal procedure.
Kung may nakalimutan po ako or may katanungan kayo, comment lang po at itry ko po sagutin sa abot ng aking makakaya. Maraming salamat sa panunuod!
Chapter:
00:00 Introduction
00:40 Ano ba ang foreclosed properties?
1:18 San mo makikita ang listahan ng foreclosed properties?
2:42 Pagkakaiba ng 1st, 2nd public bidding at negotiated sale
4:53 Mga detalyeng makikita sa listahan
11:51 Magkano ang ilalabas na pera?
13:44 Requirements
15:06 Paano sagutan ang mga forms?
20:59 Dropbox
22:12 San makikita sa website ni pagibig ang listahan ng winner
23:24 Winner ka na, ano na ang gagawin mo?
Due to MECQ in NCR and NCR+ new dropbox procedure:
www.pagibigfund.gov.ph/docume...
Imus playlist
• Imus foreclosed proper...
Dasmarinas playlist
• Dasmarinas foreclosed ...
Gen Tri playlist
• Gen Tri foreclosed pro...
music by: bensound.com/
------------------------------
Happy by MusicbyAden / musicbyaden
Creative Commons - Attribution-ShareAlike 3.0 Unported - CC BY-SA 3.0
Free Download / Stream: bit.ly/happy-musicbyaden
Music promoted by Audio Library
• Happy - MusicbyAden (No Copyright Music)
------------------------------
#SaanMeron #MurangBahay #BahaySaCavite
Hi guys, update lang. For second public bidding. May additional 10% discount na po. Bali yung minimum bid offer nya from 1st public bidding minus 10% yun po magiging minimum nya for 2nd public bidding.
Thank you sir very informative
Very informative sending support ma 😊
Maraming salamat po!
Hi po, maraming salamat po dito 😊 san po sa website makikita po yung list of properties foreclosed? Thanks po
Hi sir may plan ako kukuha negoniated n bahay sa pag ibig
May latest blog po b kayo sa ilng properties sa imus esp simpleng house lng
baka may alam po kayong nagvvlog ng mga close properties sa laguna. salamat
Under negotiated ang napili ko sir ha salamat uli
Good luck po! :)
Hello sir paano kun need co borrower San ko kukunin Yun form? Pwde po ba ako mag apply kun ang income ko lang po ang nag kokolekta ng paupahan?no po requirements? Thanks po sa sagot
Just asking lang po sir .. halos lahat po ng remarks ay" occupied- occupant undisclosed for title consideration " ano po ibig sabhin nun ? May nakarita pa po ba ?
Hello po if na released na po yung deed of sale at titulo po ng nabili na acquired assets ng pag ibig kase yung title hindi pa nakapangalan sa pangalan mo so dapat i transfer pa po yan magkano kaya ang magagastos sa pag process sana po matulongan nyo po alo kasi isa rin ako sa mga aspiring ofw na gusto makabili ng asset po salamat
Thanks sa video sir! If ikaw ang winner, baka lang po aware kayo sa processing ng CI? May nababasa kasi ako na forfeited na ang 5% bid bond in case hindi macontact ni pagibig si employer for CI within 24 hrs.
Nabasa ko nga rin po yun, pasensya na po at hindi ko na experience yun.
Sir tanung once po naka receive ng txt na nanalo kana ilang araw po ang palugit para magbayad ng 5% .ty po
Sir good morning. sir ask ko lng kung ako ang mananalo sa pag bid 1.2m long term. nasa magkano dp ko neto at magkano po monthly amortization. salamat
pano p ung amilyar na hindi nabayadan? at umabot sakali ng lampas ng 100k kasi matagal ng hindi nagbayad ung previous owner o matagal ng hindi natirahan ???
Hi! Ok lang ba if hand written ang pagsulat?
Gus2 q po mgkabahay kso nahirapan po aq makakuha bka maasis nyo aq...salamat po
Sir ask lang po pwede ba mkakuha ng foreclosed kung sakali may loan kapa na housing loan sa pagibig
Paano po makikita yung property?
Paano nman kung nk lagay sa list nila foreclosed then ng puntahan mo may nktira pa rin. Paano iyon makuha mo.
mayroon akong ino-ocupied na foreclosed property na gustoko bilhin.....may email po ba kayo?
hi sir. salamat ang galing nyo mag explain. Question po: pwede po magbid sa multiple properties same tranche po?
Sabi po ng iba pwede daw po, pero hindi ko pa po personally na experience yung ganun. Thanks po sa panunuod.
pwde po bsta kapag nanalo po kyo preho dun sa mga properties ay kukunin nyo po lahat ksi kung hndi po maba banned po kyo at hndi na mkakapag bid ulit
Meron bang sa Laguna
Sa 2nd public auction, pwede po bang i-drop box yung bid sa volets dasma pag-ibig branch?
Base sa current procedure, pwede po sa volets mag drop box
Sir may Cavite po kayo😊
Hi, if ever na magsite visit, paano malalaman kung may mga pending na utang yung properties especially kapag unoccupied? Saan pwede itanong yun? If ever naman na occupied, pwede ba yun itanong sa nakatira dun? Baka kasi hindi sila magentertain. Thank you.
HOA lang para sa monthly dues
sir kung ang start ng bid e 602k ilng percent po ang maiaadvise nyo na idagdag sa 602k para po may chance manalo. tip lng po sir. thnk you po
Hi Madam, mag survey po muna kayo sa lugar kung magkano po ang bentahan ng bahay. Dun po kayo mag base kasi kung lalagpas po ang value na iseset nyo dun. Lugi na po kayo.
hello po, every kailan po lumalabas ang vidding result? nagbid po ako nung sa tranched 191 open ng bidding po ay sept 15 pero till today wala pa result
Wala pong timetable na binibigay si pagibig, pero usually po after 2 weeks. Pwede po kayo tumawag directly kay pagibig para mag inquire. Sa Monday po kayo tumawag
@@BahayCavite salamat po sa reply. more power po sa inyo. salamat sa help sa pag iikot. nakasubscribe na din po ako
Hi! Pwede pa ho bang makita kung nakabid pa yung mga area o unit na napuntahan nyo last mionth?
Hi, puro mga di na po naulit sa second public bidding yung mga napuntahan namin. This week itry ko po mag hanap ng mga property po ulit.
What if nasa abroad po yung bidder and wala xa pirma. Ok lang kaya na spa lang tlaga ang ppirma.
SPA po, sa embassy sya mag papagawa.
Hello po...ask ko lang po kung Meron Ganon sa pag ibig na hinugot lang daw yong Bahay kaya di na sya dumaaan sa bidding process...at hinihingian sya Ng 250k para sa transfer ng names...Kasi hati daw Po an sa loob? Nagbigay Kasi sya Ng cash. Di ba dapat may discount yon Kasi cash?
Wala pong ganon sa pagibig, scam po yan. Huwag po makipag transaction sa iba bukod sa pagibig mismo.
Sir question lang po, kung manalo ka sa bidding at ang balak mo ay ibenta yung bahay after mo ipagawa or pagandahin kailangan mo ba ilipat muna sa pangalan mo? or pwede nang derecho sa bibili? Thanks po in advance!
Pwede po ilakad sa pagibig para sa transfer pero matrabaho po, karaniwang ginagawa po ay nag pipirmahan lang ng deed of absolute sale at quit claim. Maganda pag gantong transaction ang gagawin nyo kumunsulta po ng professional para sigurado po tayo.
Sa pagkakaalam ko bawal ibinta ang forecloaed house hanggat di pa bayad ng fullpayment sabi ng pagibig
ask q lang po kung sakaling nd ka nanalo dun sa first bid balewala na po ba ung offer mo..need po bang magdrop ulit ng panibagong mga form?
May pagkakataon na yung mga 1st place sa bidding eh hindi tumutuloy, pwede mo tawagan ang pag-ibig kung pang ilan ka sa pila. Kapag hindi kinuha or May findings yung 1st place, inaalok nila ito sa mga sumunod na bidders kaya wag pa rin mawalan ng pagasa :) pag sayo pinagkaloob, sayo talaga. Good luck sa bid!
Paano
May bahay na ako nakuha sa pag ibig 1year ko na binabayaran at updated ang bayad ko. Gusto ko kumuha ng isa pa. Pwede po kaya ako kumuha ng forclosed?
Pwede po, upto 6 million ang pwede iloan ng isang member basta pasok sa kanyang capacity to pay.
Hi po ask ko Lang po paano po mag bid under negotiated
sale properties
Same process din po katulad dyan sa video. Ang pag kakaiba lang eh hindi ka na mag banayad ng 5% Bid Bond. 1k reservation fee na lang po
sir, i want to pay the property through short term installment. may interes parin po kaya ito na kasama monthly kahit short term installment? maraming salamat po.
Short term loan wala pong interest.
Question po’ ung 5% na bidbond none refundable po ba pag hindi nanalo sa bid?
Pag hindi po kayo nanalo, hindi po kayo mag babayad sir, wala po kayo lalabas na pera. Once nanalo po kayo dun lang po kayo mag babayad ng 5% bid bond. Kelangan nyo lang po siguraduhin na kompleto ang requirements nyo dahil once mag pa problema at ma disapprove sa housing loan, non-refundable na po yung 5%.
Pwed po b magdirect sa pagibig...?pra mag enquire?
Opo, lahat po ito direct kay pagibig.. Hindi po kayo familyar sa pagibig acquired assets? Check nyo po ito.. www.pagibigfund.gov.ph/acquiredassets.html
Hi sir kung ako ang nanalo sa pagbid. 950,000 long term ang pagbayad ko 30yrs may ipatong pa ba ang pag ibig sa 950,000.? Salamat
Interest po, mag mahabang term, mas malaki interest. Pero wag po kayo mag alala, dahil yung interest na kinakaltas sa mga members binabalik din sa members thru dividend. So win win pa din po.
Panu po Sir,,,my nakatira na sa bahay na nkuha ko? Tnx God Bless..
Kausapin po ang nakatira ng maayos para umalis, pag di po umalis humanap ng tulong sa Home owners association, pag hindi pa din po, Barangay na, pag ayaw pa din hingi kayo sa barangay ng certificate to file action para sa Korte na kayo maguusap. Pag nanalo po kayo dun, Sheriff na po ang mag papaalis sa occupant.
Hello Sir panu po pag wala sa list ni pag ibig yung bahay na gusto Ibid? pero acquired asset na po sya. panu po process nun?
Nasa list po dapat, pag may nakita po kayong bahay na may paskil pero wala sa listahan, possible pong natapos na po sa bidding ito or ibibid pa lang. Minsan po matagal bago ilagay sa listahan pag kaka visit pa lang ni pagibig.
@@BahayCavite AHH okay po salamat po ng marami.
Sir ang bid selling price b yun na din ba Nabataean pag nag cash
Pwede ba sumali sa bidding kahit may housing loan ka pa sa pagibig pero di pa updated ang payment
Pwede pero mababa chance na ma approve pa ulit kayo sa long term loan.
Ser first time po Sana namen mag load sa pag ibig ano po requirements
Nandiyan po, nilagay ko na po yung requirements. Kung masyado po mahaba ang video, pwede nyo po skip sa chapter na gusto nyo. :)
Yung proof of latest income....pwede po ba jan pay slip? Ano po ba....ah...yung certificate of employment po ba....? Ano po kaya...?
Pwede po, ITR pwede rin po.
@@BahayCavite salamat po....tinatapos ko pa po video....
Pinanood ko na to kahapon ei...
Kaso...hindi ko natandaan...
May gusto kasi sana ako e bid na bahsy for this week...
Kaso...
Hindi pa nae ready mga requirements....
Thanks po sa reply...
Paano po ang process kung courier service?
Eto po, www.pagibigfund.gov.ph/document/pdf/acquiredassets/uploads/publicnodiscount/NCR_Tranche191_082721(ND)-ANN.pdf
Item number 6 and 7. Hindi ko pa po personal na experience mag pa courier ngayun ecq/mecq.
Nakasobre rin po ba dapat yung registration form?
Opo bali dalawang sobre po yan.
Sir tanong ko lang nalilito po kasi ako sa puting sobre. Bale po yung registration form po ba na ihuhulog sa first box no need na ilagay sa sobre?
Bali dalawang sobre po, yung unang sobre registration form lang ang laman. Lalagyan nyo po ng label na "registration". Pangalawang sobre yung mga requirements na po at offer to bid forms. Lalagyan nyo ng label na "Bid offer".
@@BahayCavite noted po sir. if dalwang property po ibbid ok lang po ba na magkasama sila o need ng individual na sobre? pasensya na po if maraming tanong hehe
Yan ang hindi ko pa po na experience. Pasensya na po, pwede po kayo mag email sa pagibig, nasa description box po. Mabilis po sila mag reply.
sge po sir. thank you po
@@ednaesperida6477 good luck!
sir kapag po ba nanalo sa bid pupuntahan pa ni pag ibig yung employer ? for CI ???
Usually tawag lang po. Hindi pa po ako nakakarinig na actual na pumunta si pagibig sa employer.
@@BahayCavite MARAMING SALAMAT PO SANA SIR YUNG NEXT VID. PAANO MAKAKUHA NG PROPERTY KAPAG PRIVATE EMPLOYED / NA KAYA NAMANG MAG BAYAD KAGAYA KO NA CAREGIVER PO USUALLY WALA PO KASI KAMING PAYSLIP MARAMING SALAMAT PO
@@Msamierecos regular po ba na natransfer sa bank nyo yung sahod nyo po? Baka pwede po yun. Or Income tax returns sa BIR, mas maganda po itawag or email nyo muna sa pagibig bago po kayo mag bid.
Ano ang SPA? Dapat po ba may attorney ka pang kasama?
Ay hindi po, need nyo lang po fill upan yung form at ipanotaryo. May notaryo usually malapit sa pagibig.
@@BahayCavite OK thank you very much.
sir Anu pong proceso qng wala pong trabaho pero may sarisari store po, pwede po bang sumali sa bid po or pwede po ng makakuha ng acquired assets po?
Business permit po pwede as proof of income
@@BahayCavite baranggay permit lng po ang meron aq sir.
@@sherilyngape980 mayors permit po pwede. Hindi po pwede kung barangay permit lang po. Check nyo po ito. www.pagibigfund.gov.ph/acquiredassets_checklist.html
Hanggang kelan po pwede magbid?
Depende po sa iaannounce ni pagibig, usually 1 week po binibigay nilang time.
@@BahayCavite thanks. Ito po ba yung date na nakalagay sa "Duration of Acceptance of Offers"?
@@wayfinder1899 tama po kayo.
Mga1year na yan pinopost nakuha nayan sa ngayon
Tama po kayo, hindi lang makapag update at busy na po sa trabaho
Sorry po medyo Hindi ko po talga ma gets Yung bidding at paano gawin Ang bidding?
Ano po ang hindi nyo makuha? Baka makatulong po
@@BahayCavite pano po malalaman Kung nanalo sa bidding? At need po ba I check Ang house before mag bidding? First time po Kasi kukuha Ng house
At ano pong pag ka iba Ng principle borrower and co-borrower?
@@bethfuenteblanca7528 either mag text po si pagibig sa inyo or pwede nyo po direct matawag para malaman kung nanalo kayo.
@@bethfuenteblanca7528 hindi requirement na icheck yung bahay bago mag bid pero syempre, malaking halaga po ang iuutang naten kaya mas maganda puntahan muna ang property.
sir for example po 300k Ang bid ko. so 5% po SA 300k Ang babayran ko? or 5% sa whole price NG Bahay nalikito po Kasi ako.
5% ng bid mo, sa sample mong yan kung 300K ang bid mo, 15k ang down.
@@BahayCavite salamat po🥰
Good luck!