PAUBAYA - Moira Dela Torre (Halfway Point) | Lyric Video

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 20. 10. 2021
  • Performed by: Moira Dela Torre
    Written by: Moira Dela Torre, Jason Hernandez
    Produced by: Moira Dela Torre, Jason Hernandez
    Engineered, Mixed & Mastered by: James Narvaez
    Keyboard: Chris Rosales
    Stems: James Narvaez
    Video by: Jason Max
    L Y R I C S:
    I. Saan nagsimulang magbago ang lahat
    Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
    Ba't di mo sinabi nung una pa lang
    Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal
    II. Saan nag kulang ang aking pagmamahal
    Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
    Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
    Ako ang kasama, pero hanap mo siya
    CHORUS:
    At kung masaya ka sa piling niya
    Hindi ko na pipilit pa
    Ang tanging hiling ko lang sakanya
    'Wag kang paluhain
    At alagaan ka niya
    III. Saan natigil ang pagiging totoo
    Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
    Ba't 'di mo inamin na merong iba
    Ako ang kayakap, pero isip mo siya
    CHORUS:
    At kung masaya ka sa piling niya
    Hindi ko na pipilit pa
    Ang tanging hiling ko lang sakanya
    'Wag kang paluhain, at alagaan ka niya
    BRIDGE:
    Ba't 'di ko naisip na merong hanggan
    Ako yung nauna, pero siya ang wakas
    CHORUS:
    At kita naman sa 'yong mga mata
    Kung bakit pinili mo siya
    Mahirap labanan ang tinadhana
    Pinapatawad
    Nagpapasalamat
    Pinapaubaya ko na sa Kanya
  • Hudba

Komentáře • 209

  • @mhindycastrojeres
    @mhindycastrojeres Před rokem +24

    like niyo to guys kung andito kayo para pakinggan ulit tong mga kanta ni Moira :(((((

  • @mariaregis2408
    @mariaregis2408 Před 2 lety +299

    When you first released this song, I was crying the whole time... everytime I listen to it. Kaya alam kong naka move on na ako e. Kasi kahit pakinggan ko ito ng paulit ulit ngayon hindi na ako malungkot. Saya yung nararamdaman ko kasi nafo-focus yung yung puso ko sa ganda ng kanta. Salamat sa musika mo, Moira. Kasama ko ang mga kanta mo sa healing process ko. 💖 Keep on inspiring and motivating people like me. God bless you more!

    • @donmikael6677
      @donmikael6677 Před 2 lety

      dito lang po ako @donmikael TV😊

    • @michaelvillegas3857
      @michaelvillegas3857 Před 2 lety

      Baka tayo forever

    • @jamiemaysantos4642
      @jamiemaysantos4642 Před rokem +1

      Same po. Dati naiiyak ako sa song, ngayon naka focus nalang sa ganda ng song. 💕💕

    • @stephaniemdemo5957
      @stephaniemdemo5957 Před 11 měsíci

      Buti kapa nga eh naka move on na. Ako eto dko alam pano ko mag momove on sa lahat. Sa lahat ng sakit na binigay ng taong mahal ko.

  • @lucelleostia1518
    @lucelleostia1518 Před 2 lety +41

    Made me realize na kahit ako ang sumalo, ako ang nag alaga, ako ang bumuo, ako yung lumaban to make him stay pero parang sinsampal ako araw-araw sa katotohanan na kahit gaano pa kahigpit yung kapit mo sa kaniya kung hindi Naman ikaw yung gusto mapapabitaw ka talaga. Thats reality parang ang sakit Naman non pero mapapaisip Karin na mas ok palang Wala siyay or nawala siya it's because nakita mo yung mga bagay na hindi mo man Lang nakita noon nandyan pa siya, natoto ka na pag sobrang sakit na u should stop and learn about it mapapangiti ka nalang been here ka na pala ang layo muna pala so thankful parin

  • @catierintobias528
    @catierintobias528 Před 2 lety +83

    when my partner was dying in the emergency room, I let go and let God.
    and said to the Lord "You love him more than me"
    what I only prayed for to God, let His will be done.
    "Not mines but Yours Lord God. if you need him up there, if it is much better for him to be there with You. I'll let him go."

  • @johnezekielbaloloy6767
    @johnezekielbaloloy6767 Před 2 lety +101

    These two albums, it really hit me hard. I'm still in my Winter season. Disappoinments, Rejections, Abandonment, Anxieties and Self-Condemnation. These songs especially those songs in this album, the Patawad Album, it made me all realize na may mga tao talagang dadaan sa buhay natin para mahalin tayo at mayroong din naman na aalis para mag-iwan ng leksyon. Grabe ka ate Moira! Hehez. Pero salamat sa mga kantang ito, nagagamit at naaawit namin to para maipahayag ang nararamdaman namin.
    The last part of Paubaya, mas na-emphasize ung lyrics and message ng whole album na ito.
    "Pinapatawad, Nagpapasalamat, Pinapaubaya ko na sa Kanya"
    May we all receive our full healing for all the hurts that we've gone through.

  • @jessalbertlopez2933
    @jessalbertlopez2933 Před rokem +45

    This song will be more painful that ever. Can't imagine the sorrow that Moira will have to go through when she plays this song. I really do hope that she will be able to channel such negative energy to tell a raw story thru this song.. get well moi. *powerhug*

  • @kategarcia6690
    @kategarcia6690 Před 2 lety +42

    When this song was released I immediately thought of The Sun’s Heartbeat. Sabi ko pa tugmang tugma sa story nila. I thought of Achilles’ decisions and questioned how his feelings for Marem came to an end that quickly and fell for another woman.
    But now that the story progressed and we were finally given the answers we wanted from the beginning… I realized I was wrong. Achilles’ love for Maria Emilia never died. It stayed. Maybe he did love Alana but what he and Marem shared was different. That’s why he could never forget her hanggang ngayon. It was the kind of love that everybody would ask for.
    So, no, I was mistaken.
    Hindi katulad ng lyrics… Para kay Achi, si Marem ang lahat. Si Marem ang kinailangan at minahal niya ng buong buo.
    But he just had to let go and hurt her in order to protect her. Ironic haha. :(
    Because even if it was the kind of love that was strong and indestructible, Achilles thought, at that time, that it wasn’t something they should have. And something they should definitely not feel for each other.
    Anyway huhu endgame man sila or closure, masaya na ako. 🥺

  • @jmdmeer
    @jmdmeer Před rokem +13

    Now this hits different dahil sa balita ng separation niyo. Mahal ka namin, Moi.

  • @jasminrivera2560
    @jasminrivera2560 Před rokem +12

    Sabi nga nila:
    We can choose gratitude over bitterness. We can choose joy over pain. We can choose freedom over guilt. And we can choose love, always...

  • @samsadventure7441
    @samsadventure7441 Před rokem +2

    Kaway sa mga bumalik Dito dahil sa hiwalayan nila.

  • @noemigrace5922
    @noemigrace5922 Před 2 lety +55

    "pinapatawad, nagpapasalamat, pinapaubaya." so full of emotions in this song. at the end of the day, we win when we choose to forgive and surrender everything to God.

  • @mitzimujeres9766
    @mitzimujeres9766 Před rokem +18

    When she released this song, I felt that she's just a songwriter, writing for all those who experienced this. Now that this happened to her, I feel sad for her. Kaya mo yan, Ate Moi. We love you. *Hugs*

  • @shendeleon2387
    @shendeleon2387 Před 2 lety +9

    Nung nareleased yung kanta na to, in a relationship pa ako pero sobrang sakit na para sakin nung kanta. Ngayon na wala na kami nung almost 4 years partner ko. Grabe yung epekto sakin nung kanta. Wala akong balak na isuko ka noon, pero kung sa iba kana sasaya. Wala naman na akong laban don. Ipapaubaya ko nalang sakanya ☺ Oo ako yung nauna, pero wala naman na akong magagawa kung hindi na ako ang wakas. Totoo na "mahirap labanan ang tinadhana". Mahal kita, pero di na sapat yon para habulin at pabalikin kapa. Paalam at Salamat sa pagsuko mo. Dahil mas nakita ko kung anong halaga ko 🤍✨

  • @jadelouielaluz2933
    @jadelouielaluz2933 Před rokem +3

    The 4P's of moira's playlist
    paubaya
    paalam
    patawad
    patawad,paalam

  • @crystaljoyce4881
    @crystaljoyce4881 Před 2 lety +19

    PAUBAYA HITS DIFFERENT TALAGA FOR ME. Everytine I heard this song I'd always remember what happen to me last year. Grabe ang sakit talaga ng kantang 'to. But I can't help but smile. Finally, I can say that I'm finally happy.

  • @klara8003
    @klara8003 Před 2 lety +8

    I once loved someone deeply. First time kong mag invest ng ganung feelings sa isang tao. Napaka close namin, alam namin ang lahat tungkol sa isa't isa, we do things together, but we never ended up as a couple. Di ko kasi masabi yung nararamdaman ko kasi natatakot akong mawala lahat ng yon. Hanggang sa may dumating na iba, at dun siya naging mas masaya. Pinaubaya ko naman, and only after 2 years ko lang natanggap lahat. But somehow I regret it, kasi around that time, sinaktan lang siya and parang we're still each other's refuge in the end. Around that time ko na ring nalaman na mutual pala kami dati.
    Imagine all the wasted time, thinking na it was just one-sided. Parang ang sayang di ba?
    Pero, it's too late to change anything. I learned to let go na and ngayon, wala na akong nararamdaman for him. It took me a long time to accept it, and through the healing process, I learned to love my self. It's just a case of wrong-place-wrong-time and minsan napapaisip lang ako, kung sinabi ko ba, would it turn out different? Pero kahit ano man ang sagot dyan, it doesn't matter anymore. Basta ngayon, I let God take control. Siya na ang bahala sa future ko. I trust His plan. Pinapaubaya ko na sa Kanya.

  • @nicolebechachino7372
    @nicolebechachino7372 Před 2 lety +5

    THE MOST STREAMED MV AND LV

  • @JashienelleMhae
    @JashienelleMhae Před 2 lety +4

    SABI KO NA KAILANGAN KO TALAGA NG TISSUE 😭

  • @theresamargaretgonzales4860

    I am more than happy about what they have now. I'm not feeling any hurt, honestly but listening to this song made me remember the genuine love I had once gave him. The love that I wanted to feel but never give back; the love that's not enough. These lines made me feel how lucky a person can be if he will love by me:
    Pinapatawad - Pinapatawad ko na ang sarili ko sa pagmamahal ko ng lubos na halos sarili ko ang maubos.
    Nagpapasalamat - Salamat dahil marami akong natutunan. Naging malakas ako para hayaan ka sa kung saan ka masaya at nararapat.
    Pinapaubaya - Pinapaubaya na kita sa kanya. Pinapaubaya ko na ang sarili ko sa tadhana.
    Maaring wala din sayo to pero sana...hindi ka na maging bahagi pa ng mga susunod na pahina ng buhay ko. Hiling ko ito sa tadhana at hindi sayo. Hindi dahil hindi pa ako nakakalimot, kundi dahil masyadong marami ang masasakit na dulot mo kesa sa mga ngiti na nakuha ko. Kaya salamat. At sa susunod na habambuhay, sana hindi na tayo magkakilala. Tama na yung sa isang buhay ko, nasaktan ko ng sobra ang sarili ko.❤

  • @charmaynearticona733
    @charmaynearticona733 Před 2 lety +6

    If you have the love na kayang magpaubaya para sa ikakasaya niya, you are blessed. Pray for the one na para sayo, kusa yang ibibigay. May you never get tired of praying. 🤍

  • @Leslyoo01
    @Leslyoo01 Před 6 měsíci

    Unang rinig ko dito 🥺diko alam mafefeel ko parang ang bigat ng kanta na to kaya nung kinanta ko to sobrang dama ko🥺bat ang sakit sakit kasi nito ate moira🥺 dama ko ung bigat 😢
    " Hindi ko na ipipilit pa "
    "wag ka paluhain"
    itong mga line n to ung super sakit 🥺

  • @rosielynpanganiban1769
    @rosielynpanganiban1769 Před rokem +3

    Ang Ganda Ng kanta marami Ang nakakarelate dto go Moira 🥰😘

  • @janicetolentino386
    @janicetolentino386 Před rokem +1

    Nung ginawa nina Joshua at Julia yung music video nito, sobrang sakit na. Pero mas may sasakit pa pala. Na yung kasama mong gumawa ng kanta, tinotoo yung mga liriko. Tagus sa puso. Mahigpit na yakap, ldol. 💔😭

  • @sinongaming3243
    @sinongaming3243 Před 2 lety +5

    Grabe ka Moira pinaiyak mo ako ulit wahhhhh lahat ng memories ko with my ex before we broked up naalala ko na lahat dahil sa kanta na to di ako makamove on

  • @alysing9927
    @alysing9927 Před 2 lety +1

    Grabe naman po yun

  • @ahdhidhay1977
    @ahdhidhay1977 Před rokem +2

    the most painful song ive heard. kht d aq broken hearted umiiyak ako 😭😭😭 ang sakit2x
    -Pinakamasakit na part sa song-
    At kita naman sa 'yong mga mata
    Kung bakit pinili mo siya
    Mahirap labanan ang tinadhana
    Pinapatawad
    Nagpapasalamat
    Pinapaubaya ko na sa Kanya

  • @xykedeleon3652
    @xykedeleon3652 Před 2 lety +1

    mabalings 👏👏👏

  • @maricelaranil348
    @maricelaranil348 Před rokem +1

    Favorite song ng anak ko since 2months old,,tz hanggang ngayon na 2yrs old na sya favorite nya pa din at sinasabayan nya ang lyrics ng song...thank you Moira!God bless you more!

  • @reshtymercado8743
    @reshtymercado8743 Před 2 lety +1

    Ako nag like ng pang 1,000 😁

  • @anonymouseaterph1168
    @anonymouseaterph1168 Před 2 lety +2

    Pinapatawad, nagpapasalamat, pinapaubaya ko na sa kanya...

  • @AMercadoTV
    @AMercadoTV Před rokem +3

    I'm here kasi ngayon ko lang talaga nadadama tong kantang to after ko malaman about sayo. Diko alam bakit ako yung nasasaktan para sayo 😖😞

  • @jeremiaharellano2008
    @jeremiaharellano2008 Před 2 lety +13

    Pinapatawad, nagpapasalamat, pinapaubaya ko na sa Kanya. - True enough! Para sa lahat ng mga nasaktan at dumadaan sa kahit ano mang pagsubok. Pagibig man ito, o hindi.
    Matutong magpatawad sa sarili at sa iba. Matutong magpasalamat mabuti man o hindi ang nangyari at matutong magpaubaya sa Kanya.

  • @ljsaleda1282
    @ljsaleda1282 Před rokem +2

    Stray strong moii😭❤

  • @zabinasayenga9627
    @zabinasayenga9627 Před 2 lety +2

    Ikaw yung pahinga ko e.
    kahit ilang beses pa kong mapagod, masaktan, umiyak.
    Sayo ko pa rin gustong magpahinga.
    Kahit ikaw yung nakasakit sakin, ikaw rin yung gusto kong mag alis ng sakit na nararamdaman ko.
    Ang unfair mo. Inintindi kita all the time, kahit may times na hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko.
    I'm still thankful because you made me the happiest.
    You can leave now, but let me love you from here until my feelings for you fade.
    Until our next eclipse my moon.

  • @michellity4518
    @michellity4518 Před rokem

    How is it painful kapag si God ang kumanta nito sa atin?
    I find this song Moira,
    It's like God speaking to us. 😥
    Nagtatampo o nalulungkot siya sa atin dahil mas minamahal natin ang mundo kesa sa knya 💔
    But dahil mahal niya tayo, nagpapaubaya siya, hinahayaan niya tayo na mas mahalin ang mundo kesa sa kanya.
    Pero at the end kapag nakakaranas tayo ng Sakit, Rejections, heartbreaks, problema. Mahal niya pa rin tayo, tutulungan niya pa rin tayo, pinapatawad niya pa rin tayo, because He is God of Chances.
    Moira ang mga kanta mo, kung hindi kanta para sa kanya, message ni God para sa atin. 🕊️🤗 God bless you.

  • @broken9153
    @broken9153 Před rokem

    Ang hirap, ang sakit, dahil ung dinala mo sa harap ni God, nagkaisang dibdib, at pinangakuan ng habang buhay biglang malalaman mong may mahal ng iba 😭 hindi ko alam gagawin ko 😭

  • @trigontruco6691
    @trigontruco6691 Před 2 lety +8

    Please release a physical album of this😭😭😭

  • @PHLAMOK
    @PHLAMOK Před rokem +2

    "Ako ang kasama pero hanap mo siya" I choose to forgive kesa magtanim ako ng galit kalalaki kong tao ang hina ko🙁. We're together for 3 years then now i found na meron na palang iba ako nlng lumalaban 1month na pala sila💔yes it's hurts awang awa na sakin mama ko🙁dahil alam nya matapang ako pero diko kinaya at the end ako nlng nag paubaya🙁

  • @jeyzjaienjao6975
    @jeyzjaienjao6975 Před rokem +1

    Itong ito tlga ang nrrmdaman at pngddaanan ko ngaun... 💔

  • @ellalababo4077
    @ellalababo4077 Před 2 lety +3

    Ate Moi, matatag naman me eh pero lagi mong binu-buhay ang sad girl side ko. Hehe

  • @leadelrosario1515
    @leadelrosario1515 Před 2 lety +1

    Matutulog na nman akong luhaan 🤧 charot ❤❤❤

  • @JasminYT1
    @JasminYT1 Před 2 lety +5

    The Song of the Year - Paubaya ❤️

  • @christinemaecalzado6339
    @christinemaecalzado6339 Před 2 lety +1

    grabe na to moira😭

  • @angelvalenzuela4529
    @angelvalenzuela4529 Před 2 lety +1

    Bakit ko pinakinggan to ng umagang umaga 🥺🥺🥺🥺

  • @AnntonettesJournal
    @AnntonettesJournal Před rokem +4

    Listening to Paubaya hits differently now. Sending virtual hugs to Moira.

  • @user-ps1pz7pe3z
    @user-ps1pz7pe3z Před 2 lety +1

    Paubaya,Halfway Point

  • @genesismiaparas6420
    @genesismiaparas6420 Před 2 lety +15

    I’m happily married, but this song really hits hard. Pain, forgiveness and letting Go(d) ❤️

  • @ryzagaddi2782
    @ryzagaddi2782 Před rokem +1

    YAKAP, MAHIGPIT NA YAKAP

  • @lawrencepoblete7159
    @lawrencepoblete7159 Před 2 lety +2

    Sakit ng bawat sulat mo!

  • @anjpaulino5592
    @anjpaulino5592 Před 2 lety +1

    Pinapatawad. Pinasasalamatan. Pinauubaya ko na 'sakanya'. 💞

  • @stephaniepedragoza5939
    @stephaniepedragoza5939 Před 2 lety +1

    YESSS

  • @gamechanger945
    @gamechanger945 Před rokem

    ito yung song dati nga d ko kaya pakinggan sobrang sakit kasi. yung lyrics ng song sobrang swak lalo ka lang masasaktan pagpakinggan mo pa

  • @salviejoybringino2737
    @salviejoybringino2737 Před 2 lety +1

    Same feeling nung pinakinggan ko to ibig sabihin nandito yung pain pa din. Yung kailangan nating IPAUBAYA na sa Diyos ang Relasyon dahil kailangan na.

  • @AwksInAMusicBox
    @AwksInAMusicBox Před 2 lety +29

    It's amazing how emotions can affect how a song is perceived - the original albums were riddled with pain and struggle to let go - cathartic.
    In these reimagined ones, I felt the acceptance of events, and complete surrender to everything that happened.
    I'm still in my "winter" season of life, but when the time comes that I accept everything I went through, I know I'll have these albums to listen to again with new ears.
    Thank you for doing what you do, Ate Moira. You are a huge inspiration to me and the reason I even started my channel in the first place. Maybe one day soon I can get back out there and sing again 🤍

  • @jeahkrisbalambao6208
    @jeahkrisbalambao6208 Před 2 lety +1

    Always remember na kung ano mang pangyayari ang nangyari sa buhay mo, do not blame yourself. Do not blame yourself for being not good enough in that relationship. All things happened for a reason. Baka nga, hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa. God will heal that wound you have in your heart right now.

  • @mitchpasco9631
    @mitchpasco9631 Před 2 lety +1

    I love you ate moira ♥️😘

  • @malaia2179
    @malaia2179 Před 2 lety +1

    yung intro huhu

  • @alexisdiane1579
    @alexisdiane1579 Před 2 lety +1

    Hindi ako nagsisi na ikaw naging lodi ko 😭🥺❤️

  • @juliussison5872
    @juliussison5872 Před 2 lety +1

    I love you ate Moira 👏❣️😘

  • @carlvincenttapil6465
    @carlvincenttapil6465 Před 11 měsíci

    Ate Moi, I don't know if my comment is a compliment, basta, natutulala ako everytime that I get to listen to your musics😢😢😢

  • @shaneelorde4223
    @shaneelorde4223 Před 2 lety +1

    parang sinasaktan ako ng buong bansa 😭

  • @jcespinosaroda23
    @jcespinosaroda23 Před 2 lety +1

    dati pag naririnig ko kanta n ate moi na paubaya para akong pinapatay sa sobrang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari saken ng ex ko, pero mas pinili kung magpaubaya at magpatawad, at mag pasalamat kaysa magalit ako sa kanya, maari di talaga kami pwede sa isa't isa kaya kami nag hiwalay mas naiintindihan kuna ngayon words na love is sacrifice kahit masakit kahit ikadurog basta ikakasaya nya kaya mong magpaubaya at maging masaya habang sya ay masaya sa iba

  • @liezelescamillas9763
    @liezelescamillas9763 Před rokem

    Sad song ikaw yung nauna pero ikaw ang option!!!!! ;

  • @airamaebrandino1122
    @airamaebrandino1122 Před rokem

    sakita mn ani oyyyy

  • @tring5124
    @tring5124 Před rokem

    Friends for 3 years. Akala ko may patutunguhan. Wala pa. May nakita ka ng iba. Pinapatawad ko sarili ko kasi nagmahal ng todo kahit walang label, nagpapasalamat sa lahat ng masasayang memories, pinapaubaya ko na sa kanya.

  • @camilleperete1562
    @camilleperete1562 Před 2 lety +1

    Worth it yung pagaabang 💗

  • @maryrosecabrera7000
    @maryrosecabrera7000 Před rokem

    Grabe 😭😭😭

  • @ShiroKemono
    @ShiroKemono Před 2 lety +3

    Takot ako na maranasan ito ndi ko to kakayanin 😢.

  • @jemandjp160
    @jemandjp160 Před 2 lety +1

    di talga ako broken kasi di pa ko nakaexperience ng relationship pero bat nakakaiyak. mami Moiiiii 😭

  • @jahzeelgarcia4944
    @jahzeelgarcia4944 Před rokem

    Di dapat ako iiyak pero diko talaga kinaya 🥺

  • @eviesericon8011
    @eviesericon8011 Před 2 lety +4

    The last part of the song is the best part to hear for someone to finally move forward from the pain of the past.. That everything that ends are actually the start of something bigger.. "PINAPATAWAD, NAGPAPASALAMAT , PINAPAUBAYA ko na sa kanya"🥺🥺🥺🥺 this is so different from the original version .. we all needed this album, to remind as that we also need to moveon and trust HIM🦋

  • @dhesbalatucan3798
    @dhesbalatucan3798 Před rokem

    noong bago tong kantang to iyak ako ng iyak kc sbi ko bat ganun ang sakit pero diko alam na yung kanta na to magiging totoo sa buhay ko sobrang skit pla pag ng yari na sayo sobra dti nsasaktan lng ako sa kanta yon pla mangyayari rin pla skin 😭😭😭😭

  • @jurilyndongcas5134
    @jurilyndongcas5134 Před rokem

    Ang sakit naman ng kantang to grabe

  • @emsijae
    @emsijae Před 2 lety +1

    Pinapatawad, nagpapasalamat pinapaubayaa

  • @kaycee9497
    @kaycee9497 Před rokem +1

    I have no words left to say. I don't know, hindi na ganun ka sakit. Ilang beses ko na syang nahuling nagloko at sasabihin nya saking wala yun at matagal na. Pinlay ko mga songs mo to let this pain out kasi gusto ko umiyak pero it seems like wala na- I'm numb I guess. Tinatanggap ko nalang lahat kasi wala namang magbabago umiyak man ako o hindi kasi yung taong gusto kong ipaglaban? hinahayaan nalang akong matulog na masama ang loob. I hope other people won't experience the same. God Bless you, Moira. Stay strong.

  • @daynematthew
    @daynematthew Před 2 lety +2

    4:06 Goddd

  • @xddd3195
    @xddd3195 Před rokem +1

    Ansakit na nga dati, mas sumakit pa ngayon huhuhu

  • @carolineannteodosio03
    @carolineannteodosio03 Před 2 lety +1

    ON kasi yan hahahahaha

  • @Annecrossgrey20
    @Annecrossgrey20 Před 2 lety +2

    This is my favourite song from you always

  • @joshuabuendiaphl
    @joshuabuendiaphl Před 2 lety

    Magaling sa version di ba! 🥰🥰🥰

  • @aika3071
    @aika3071 Před 2 lety +1

    Nung nakaraan pinanood ko mv di ako aware na may pa lyrics ulet si ate moira huhu sakto lagi

  • @michiriyuki
    @michiriyuki Před rokem

    Nakamove on na ako pero ayoko na sumubok ulit magmahal ng iba hanggat di ko pa natutunang mahalin ulit ang sarili ko.

  • @AtinySnow
    @AtinySnow Před rokem

    ang hirap sah pakiramdam na sasabihan ka ng taong mahal mo na di nya na ramdam ang pag mamahal na ibinibigay mo sakanya 💔

  • @langlangatchero211
    @langlangatchero211 Před 2 lety +1

    Ang sakit! Ang sakit isipin na ako ang kasama niya, pero isip at puso niya ay nasa iba. 😭💔 Ang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan. Ang hirap sabihin sa kanya na durog na durog na ang puso ko. 💔😭🥺 . Kung mabasa mo man ito JQ, pinapaubaya na kita sa kanya. 😭💔😭🚶

  • @Jan-oz3th
    @Jan-oz3th Před rokem +1

    I'm hurting right now, this helps me release the pain more during this moving on process. Thanks Moira.

  • @pauljohnarevalo6508
    @pauljohnarevalo6508 Před rokem +1

    Waiting for the 10 minute version, Ms. Moira 😶

  • @MUSIC-uq1yh
    @MUSIC-uq1yh Před rokem +1

    Everything you work hard to forget comes back when you keep on listening on to this song even tho its just going to keep hurting you need to finish it that's why i like this so much😔🥲

  • @erlahnatividad3779
    @erlahnatividad3779 Před 2 lety +1

    I love you forever and always My KD, My Guardian Angel!!💖
    It's been already 3 years but it feels like yesterday 💔
    PAUBAYA SONGS make me realize na I need to let go 😥
    but Our memories will stay Forever.

  • @michaellojepoyo4462
    @michaellojepoyo4462 Před rokem

    Dalawang taon narin buhat nang maghiwalay kami, pero mahal ko parin siya at umaasa akong babalik din ang pagmamahal niya. Pero ramdam kong ako nalang yung umaasa 😞

  • @g-dayritkaryllefaithr.935

    Hi ate moii love u

  • @7kxilxv
    @7kxilxv Před rokem

    i cried when i heard this version of paubaya. Naalala ko na sinubukan kong huwag umiyak sa hapunan dahil pinapakinggan ko ito bago ako kumain...this song so beautiful..

  • @angelamariebindo2179
    @angelamariebindo2179 Před rokem +4

    This song will now sounds more hurtful than ever. Hoping for Moira's heart & healing.

  • @glennaburgonio2939
    @glennaburgonio2939 Před rokem

    Ung nagpaubaya ka pero mahal mu pa din pla mhirap kalabanin tlga ung Tadhana...

  • @ria8167
    @ria8167 Před 2 lety +1

    Nakakaiyak na dito sa part na 'to once na pinakinggan mula una hanggang dito. 🥺

  • @broken9153
    @broken9153 Před rokem

    Yung araw araw akong lumalaban sa sakit na nararamdaman ko pero araw araw din ako may na didiscover na kasinungalingan

  • @jeanekristineglordinglasan851

    noong nireleaze 'tong kantang ito dati Yung unang version umiyak na ako. iyak na iyak ako. tapos ngayong nabago sobrang umiyak ako Kasi broken na nga ako pakikinggan ko pa ito. pero as time goes by Hindi na ako naiiyak sa kanta. siguro natanggap ko ng di na mauulit Ang dati sa Amin Ng ex ko. napatawad ko na rin siya at Doon nagsimula akong magmove forward. at dahil doon masayang masaya ako Ngayon. kung darating na minamahal ko sana ibalato na sakin. ❤❤❤

  • @maryysabelle9158
    @maryysabelle9158 Před rokem +1

    Just had a break up 3 days ago and Im here listening to this 💔😭

  • @czaraustero6950
    @czaraustero6950 Před 2 lety

    Nung na released to nag fefeling broken pa ko, ngayon Legit na HAHHAHAHA ngayon ramdam na ramdam ko na yung bawat liriko jusme

  • @kyl346
    @kyl346 Před 2 lety +1

    May galit ka ba sa amin ate Moi? Lakas mong manakit ah! Umagang umaga eh 😭😭😭😭

  • @wilshandagami504
    @wilshandagami504 Před 2 lety

    Tandaan natin na Ang bawat pagpapaubaya ay may kalakip na pagpapalaya at bawat pagpapalaya ay may kalakip na Paalam at bawat pagpapaalam ay may kalakip na patawad at sa bawat Patawad may kalakip na pasalubong Ng salitang mahal Kita at mamahalin pa Kita Ng sobra.