Malaya- Moira Dela Torre (Halfway Point) | Lyric Video

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 20. 10. 2021
  • Performed by: Moira Dela Torre
    Written by: Moira Dela Torre
    Produced by: Jason Hernandez, Moira Dela Torre
    Engineered, Mixed & Mastered by: James Narvaez
    Video by: Jason Max
    Band:
    Drums: Luke Sigua
    Lead Guitar: Jeric Pacaba
    Acoustic Guitar & Back Up Vocals: Luis Cortez
    Acoustic Guitar & Back Up Vocals: Jason Marvin
    Bass Guitar: James Narvaez
    Keys: Chris Rosales
    L Y R I C S:
    I. Pasensya na, kung papatulugin na muna
    Ang pusong napagod kakahintay
    Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
    Maaari bang magkunwaring akin ka pa
    PRE-CHORUS:
    Mangangarap hanggang sa pagbalik
    Mangangarap pa rin kahit masakit
    CHORUS:
    Baka sakaling makita kitang muli
    Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
    Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
    Baka sakaling maibalik
    Malaya ka na,
    Malaya
    II. Isusuko na ang sandata, aatras na sa laban
    ‘Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
    Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
    Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan
    PRE-CHORUS:
    Mangangarap hanggang sa pagbalik
    Mangangarap pa rin kahit masakit
    CHORUS:
    Baka sakaling makita kitang muli
    Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
    Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
    Baka sakaling maibalik
    Malaya ka na,
    Malaya
  • Hudba

Komentáře • 508

  • @Unknown-ui6tr
    @Unknown-ui6tr Před 11 měsíci +73

    unang kanta na nagpaiyak sakin nung panahong basag na basag ako, hindi hindi ko to makakalimutan hahahah SA LAHAT NG MAKAKABASA NETO MAGIGING OKAY DIN KAYO SOON❤️

  • @moisterskamil
    @moisterskamil Před rokem +23

    yes letting go of someone you love is painful but holding onto someone that doesn't feel the same way anymore is much painful. so set your heart free, deserve natin ang genuine na pagmamahal.
    mahigpit na yakap sa mga nasa healing stage palang

    • @jsyoutube351
      @jsyoutube351 Před rokem

      🤗

    • @angelinaascano9290
      @angelinaascano9290 Před rokem +1

      Nun nagkasakit ako kailangan ko xang palayain... Ayokong ikulong xa sa mundo na binuo namin deserve nya maging masaya until nakita ko nalang post nya sa fb may bago na masaya ako na di tumigil ang mundo nya ngvdahil sa akin pero sa totoo lang nakakadurog ng puso na meron na xang ibang mahal habang ako lumalaban mag isa sa sakit ko😔

  • @ellegaborni5999
    @ellegaborni5999 Před rokem +20

    Sinong nandito dahil sa balitang hiwalay na nga sila ni Jason? 🥺 Doble na ang sakit pag pinakikinggan to🥺💔😣

  • @kristinejeanebriones4779
    @kristinejeanebriones4779 Před 2 lety +20

    To all people out there na hinihintay parin nilang bumalik yong mga taong mahal nila
    Hello guys! Pinagppray ko na sana pag bumalik na siya hindi na same pain yong ibigay nya sa inyo, na sana yong pagmamahal na hinahanap niyo ay maibigay na niya. You deserve someone na mahahalin ka at pipiliin ka sa araw araw. Kung hindi talaga siya para sayoo, etong song na to na "MALAYA" sana marealize niyo na habang hinihintay niyo yong taong yon, mas paulit ulit lang kayong masasaktan. Palayain mo na, unahin mo na yang sarili mo, sarili mo nalang ulit.

  • @heathereustaquio4860
    @heathereustaquio4860 Před 2 lety +70

    The people you loved may leave you, but God would never. Palayain mo na kung dapat nang palayain, ngunit higit sa lahat ay asahan mong si Cristo ay kaya ka ring palayain. Masasabi mo ngayon na pinapalaya mo na sila, ngunit masasabi mo rin balang araw na malaya ka na rin. Malaya ka na ring maging masaya kahit pa may sakit na nadama sa paglaya sa mga taong minsan nang naging parte ng iyong kasiyahan. At higit sa lahat ay malaya ka na ring umibig muli sa mga taong kalooban na Niya.
    Makakalaya rin tayo dahil sa Kanya.💖

  • @anitagalorio7743
    @anitagalorio7743 Před 2 lety +119

    Yung kanta na 'to parang hindi lng siya patungkol sa tao. Para sakin, patungkol din siya sa pangarap, tagumpay o kaligayahan na hindi pa natin makamtam or minsan ng napa satin pero nawala rin agad.
    "Kung di pipilitin ang di pa para sakin." This past few months I've been in the worst battle in my life. Thinking that my growth is really slow then also it hits me the lines "Kung pipilitin pa bka lalo lng masaktan". Sa mga taong nsa paligid natin na walang ibang ginawa kundi i-pressure tayo na mdaliin tayo dahil nkarating na sila sa rurok ng tagumpay o nkarating n ang iba sa tagumpay kaya wala silang ginawa kundi ihalintulad tayo mas masakit pa kapag sa mga malalapit sa buhay mo ang gumagawa nito. Oo Umiyak ako, umiiyak pa rin ako. Ilang beses hanggang ngayon nagtataka pero hindi na natatakot. Naisip kong may kasama ako ang Diyos na siya ang nkakaalam ng mas mkakabuti sakin kaya sa aking emosyon, alalahanin, pagtataka, pangangamba, sakit at takot. MALAYA KA NA. Palayain na rin sna ako ng aking sarili sa mga hinanakit na ang kalaban ko'y sarili ko lng din. Palaging nka ngiti at tumatawa ngunit bakit peke. MALAYA KA NA AKING DAMDAMIN TANGGAPIN MONG HINDI SA LAHAT NG ORAS AY MASAYA. 😭

  • @rywonki4293
    @rywonki4293 Před rokem +241

    This now hits different after Moira and Jason's separation. This is so heartbreaking. I feel sorry for Moira. She doesn't deserve the unfaithfulness: (( NO ONE DESERVES IT.

  • @Kiyana_g
    @Kiyana_g Před 2 lety +40

    Minsan din talaga kailangan nating palayain yung sarili natin from hoping too much. Kasi alam natin na tayo rin yung masasaktan sa huli. And para hindi mangyari yun we have to give up. Giving up for both's sake.🍁

  • @czaraustero6950
    @czaraustero6950 Před 2 lety +23

    Basta gusto ko na lang maging malaya, and I would wait for that moment na pag narining ko pangalan niya wala nang kirot, wala nang biglang masakit sa puso, Hihintayin ko yung araw na pag nakita ko siya hindi na masakit, Hihintayin ko yung wala nang sama ng loob yung puso ko, Gusto kong makita yung moment ko na yun.

  • @sunnymacchi1560
    @sunnymacchi1560 Před rokem +95

    the fact that many people are now listening to this song after learning about the news speaks about how many people were witnesses to their love and how genuine it was.... :(

    • @pamelagrace1499
      @pamelagrace1499 Před rokem +1

      it's heartbreaking that something feels so genuine when it's not apparently.. it's been 3 years already pero may mga gantong araw pa rin na naiiyak ako kasi i didn't deserve it... everything feels so genuine.. so faithful.. pero di pala..

    • @sunnymacchi1560
      @sunnymacchi1560 Před rokem +2

      @@pamelagrace1499 sending (virtual) hugs your way po :( i hope your heart will find the healing it needs in time

    • @rusquitayparraguirre4486
      @rusquitayparraguirre4486 Před rokem

      I sang tao lang ang nag ma Mahal.... will never work. Palayaan mo. Kungs saiyo babalik siya. ❤🙏🙏🙏

  • @graceapostol4527
    @graceapostol4527 Před rokem +17

    Grabe yung lyrics..Iba yung dating ngayon..

  • @lowellasamson5396
    @lowellasamson5396 Před rokem +85

    I used to enjoy her music before kahit hindi brokenhearted or sad, basta gusto mo lang yung vibe ng pagsi senty. Now I can't do it, thinking na all this time her music, the way she's singing could be the way to express how she truly feels, her outlet to let other people know she's in pain without telling it in vulgar. I salute you, Ms. Moira. Hugs to everyone who's been in the same situation yet coping up to live their daily lives.

  • @jezreelacedo
    @jezreelacedo Před 2 lety +32

    Everything happens for a reason 🥰 Sending warm hugs 🤗

  • @genesvillahermosa9848
    @genesvillahermosa9848 Před rokem +7

    It hurts to let go but sometimes it hurts more than to hold on..🥺🥲

  • @jeahkrisbalambao6208
    @jeahkrisbalambao6208 Před 2 lety +27

    We all go through the point that we'll lose someone without a notice. When all we have in our minds is all questions that starts with 'Why' . But your life didn't end there, it's like a new chapter is opened again for you. Letting go was never been easy but thanks to your brave heart and souls in doing it. Serve God and He'll bring the best man for you.

  • @hiraya603
    @hiraya603 Před 2 lety +9

    noong pumunta kami ng cagsawa ruins at pauwi at sumandal sya sa balikat ko at natulog, namiss ko yung moment na yun na iparamdam na safe sya sa mga bisig ko pero habang palapit kami sa babaan namin unti unti ko rin binibitawan yung mga memories na meron kami dahil wala na talaga, wala na... pero thank you sa time para samahan ako sa albay dahil alam mo gusto kong makita yung Mt.Mayon kahit wala ng tayo, pasensya na kung kahit saglit naging akin ka sa oras na yun 🥺

  • @rexcruz2788
    @rexcruz2788 Před 2 měsíci +1

    Pinapangarap mo yung taong ayaw mo mawala sa buhay mo. Pero may mga time na dapat natin tanggapin na minsan dumating lang sila para kapulutan ng aral. Minsan pag wala na yung taong yun saka pa natin ma realize na kaya pala natin mag isa. 😊 Daya lang ng panahon kasi kung saan nabuo nyu na mga pangarap nyung dalawa saka pa may nagloko lol. Hays

  • @yszadora
    @yszadora Před rokem +16

    Mas sumakit yung mga kanta niya this time. Ramdam mo talaga, tagos na tagos and even saw myself crying while listening to her songs. 😭 I'm so sad for Moira. Mahigpit na yakap 💛

  • @user-sr6qg9zd9w
    @user-sr6qg9zd9w Před 2 lety +39

    To a girl whom I waited for almost 3yrs. Maybe, it's time to say goodbye na. I can say na for all the days, years na dumaan. I was genuinely happy but i think it's time for me to let go. It may not work out but, I loved you. I hope you'll find a man that will make you complete and treat you like a princess, 'cause that's what you deserve. Thank you y. Goodbye ☺️

    • @fudanshidean3816
      @fudanshidean3816 Před 2 lety +2

      Hope you find your happiness too...

    • @markjordanmagno1311
      @markjordanmagno1311 Před 2 lety +2

      Salute to person who has the same heart as yours, man. I'm wishing for us that we mighy find the right person for us. Till our bleeding get depleted

    • @jessieespela279
      @jessieespela279 Před 2 lety +3

      time heals anything. one day youʼll find the girl you deserve. God is still busy writing your love story so be patient for the right one:))

    • @itsmeGrace28
      @itsmeGrace28 Před 2 lety +1

      @@jessieespela279 your right 💞

  • @SherryJaneMenchavez
    @SherryJaneMenchavez Před rokem +15

    When you're back listening to this song because of the official breakup post from Marvin and Moira.

  • @ma.angeliqueagraviador9821

    This hits differently now. Stay strong, miss Moira. There's more blessings to come your way.

  • @amj8437
    @amj8437 Před rokem +6

    Get ready for her coming songs
    Mahigpit na yakap ate Moi

  • @mariekatrinatibay194
    @mariekatrinatibay194 Před 3 měsíci +1

    Mahal na mahal kita Qi sobra, pero I can't wait for you anymore. I love you, and you'll always have a space inside my heart. :))

  • @cailajarveen7159
    @cailajarveen7159 Před rokem +16

    Pumunta ako dito dahil ngayong araw ko nalaman na hiwalay na sila in real life ni jason. At ang issue ay UNFAITHFULNESS. 😭😭

  • @macpotch
    @macpotch Před 4 měsíci +1

    Lahat po ng kanta nyo magkakarugtong❤,Dito ka lang" "Paubaya" "Malaya" tas "Patawad Paalam"😢❤❤❤

  • @jayveehxd
    @jayveehxd Před rokem +19

    Susuko na ang sandata
    Aatras na sa laban
    Di dahil naduduwag
    Kundi dahil mahal kita.
    Stay strong Ate Moira.

  • @dylanlucuab6923
    @dylanlucuab6923 Před 2 lety +7

    right now, masasabi kong ito ung kanta ng buhay ko... hindi dahil sa pinalaya ko sya, kundi dahil nagdesisyon akong palayain ang sarili ko sa paghihintay sa kanya. masakit pero unti unti, alam kong magiging ok din lahat.

  • @itssheenamae805
    @itssheenamae805 Před rokem +2

    Nagpalaya kami sa isa't-isa para sa ikabubuti namin at para sa pag aaral namin, tanggap ko naman na pero bakit ang sakit. 😢

  • @nali.02
    @nali.02 Před rokem +2

    ate moi’s songs are unintentionally made for her :(
    mahal ka namin, isang mahigpit na yakap, kapit lang. iloveyou :((

  • @ChloeRye-kj3vm
    @ChloeRye-kj3vm Před 29 dny

    ang sakit ng kantang ito ,malapit na nman mag tag ulan mas malulungkot na nman ako 😭😭😭

  • @ma.luisafrancisco1417
    @ma.luisafrancisco1417 Před rokem +2

    Okay lang umiyak moira , sige iyak lang ,😭😭😭😭😭 magiging okay ka din in God perfect time

  • @chunswae579
    @chunswae579 Před 2 lety +8

    hindi lang ikaw ang aking binitawan.
    mga ala-alang naroon ka’y kasama ng iyong paglisan.
    maraming salamat sa pag-ibig na iyong inilaan.
    ramdam ko at alam ko na ika’y nahirapan,kaya’t nararapat lang na isuko na natin ang laban.
    mahal ko,sana’y matagpuan mo ang talagang iyong kasiguraduhan.
    ika’y saaking mga dasal pari’y laman.
    mahal na mahal kita,’yan ang ‘yong tatandaan.

  • @janelynmamauag9788
    @janelynmamauag9788 Před rokem +1

    isa ako sa Big Fan ni moira nagulat ako sa ngyari sa failed relationships nila bilang mag asawa, and we know my plano ang Panginoon sa knilang dalawa and the word UNFAITHFULLNESS hayst :(

  • @ilyphialaica29
    @ilyphialaica29 Před rokem +7

    Communication is one of the top things that should be prioritized in a relationship, so when trust is there but the communication is nowhere it's still useless... I've been with the man I never wanted to be with, i did tried to love him. And yes I did learn to love him and every bits of him. I'm not perfect and so he is. I've made mistakes and also him. But the communication is none after months of arguing. It's not the distance, kase kahit magkasama kami when I tried to talk to him about us, about my relationship concerns i don't feel and think that he takes all my words seriously. What crushed me most is that we're having a family now, and I'm being eaten by guilt for myself and for my baby, i want to be brave enough to be alone and raise my boy alone but how can I? When I think that he needs a father growing up? Sobrang tough ng situation ko, and i still try to stay and love him.. but I dont know how long I can last.. and with hearing this song again I think it's never a mistake to let go of someone when he doesn't notice or know the difference between you being okay, happy and sad. Because you can feel that he doesn't give value enough to what you feels and think towards him and your relationship..
    Maybe soonest, one of these days ... MALAYA KANA💙

  • @ishaurbano7469
    @ishaurbano7469 Před 2 lety +1

    Ako lang ba yung nandito kasi pinanood yung Halfway Point nina Ate Moi🙂❤️✨

  • @francissantos3634
    @francissantos3634 Před rokem +1

    Alam mo yung point na nagmahal ka na ulet, pero sa maling tao ulet hahahaha kailan kaya na magmamahal ulet ako na ipaglalaban ko na, kasi alam ko ipaglalaban niya din ako. Puro sakripisyo na lang ginagawa ko haiysst...

  • @meilindenisemedrana4041
    @meilindenisemedrana4041 Před 2 lety +11

    ILANG TAON NA 'YUNG NAKALIPAS, 'YUNG IMPACT NG SONG NA 'TO MASAKIT PARIN. HAY. SALAMAT MOIRA SA MUSIKA!

  • @catherineerojo9203
    @catherineerojo9203 Před rokem +14

    Who's here after Moira and Jason's official announcement of their break up after 3 years of marriage 😭

  • @myrrfrissynetfortades1881

    Sobrang memorable talaga ng kantang ito sa akin dahil ito yung kanta noong isinayaw ako ng aking partner noong prom namin. Di naman kami broken noon, pero itong kanta na ito ang naglapit sa amin para magkakilala. I know that this song has a hurtful lyrics, pero masaya kasi yung taong nagsayaw sakin noon (w/ this song) ay akin ng karamay sa buhay ngayon. Hopefully, wag maman kaming humantong sa hiwalayan 😌

  • @visbaljanineariane7419
    @visbaljanineariane7419 Před rokem +7

    ramdam na ramdam ko yung emosyon. ang sakit isipin na may mga taong hindi marunong manindigan at makuntento. stay strong miss Moira. 🤧🤗🤗🤗

  • @erikaandes
    @erikaandes Před rokem +6

    Kaya mo yan Ate Moira you deserve to be loved po everything happens for a reason .

  • @ced5179
    @ced5179 Před rokem +14

    Mas magiging meaningful tong kantang to dahil sa official breakup nila ng asawa nya 😢💔

  • @kelvinsarmiento649
    @kelvinsarmiento649 Před rokem +1

    We'll never listen Moira's song the same again. May hapdi lalo. 💔

  • @privelli09
    @privelli09 Před rokem +13

    this hits different now💔 waiting for 10 min. version😭

  • @lunaxeira4038
    @lunaxeira4038 Před 2 lety +2

    tulad ng mga taong lumisan sa ating mga buhay, na kahit alam nating hindi na maibabalik, umaasa pa rin tayo na... baka pwede pa, baka maayos pa. kase maayos naman kayo dati e, baka sakaling maibalik. pero darating talaga tayo sa punto na mapapagod na kaka hintay, kaka asa sa isa pang simula na matagal ng nagwakas. gigising ka na lang isang araw, ubos na, pagod na, sawa na. kaya kahit masakit, titigil na, bibitaw na. lumaya ka, hindi lamang siya ang palayain mo, pati sana ang puso't sarili mo. mula sa mga baka sakali, sakit, panghihinayang at sa taong iyon.

  • @rommelalbasin1663
    @rommelalbasin1663 Před 2 lety +1

    The reality of life today is bat kailangan masaktan yung mga taong totoo magmahal tas sa huli sila pa magpaparaya para lang maging masaya yung taong mahal nila..

  • @zhariaguirre4380
    @zhariaguirre4380 Před měsícem

    pag ayaw na, bitaw na lng tayo, gar. Pra dumating ung tlgng aten.

  • @aaliyaharcilla3072
    @aaliyaharcilla3072 Před rokem +7

    knowing that 4:22 - 5:25 is a breathing exercise for broken hearts to be calm sheeshh thanks moira

  • @saminahandcath6166
    @saminahandcath6166 Před rokem +4

    Baka sakaling makita kitang muli na masaya na muli,na nagamot na ang mga sugat, na nalampasan na ang laban, na wala nang sakit kundi puro na ngiti.. We love you idol Moira, God's plan is always the best even if it hurts sooooo bad, one day you'll tell yourself, kaya pala..

  • @user-ko3tb5eb3y
    @user-ko3tb5eb3y Před 7 měsíci

    Oh to be Moira fann

  • @bellenavalete7439
    @bellenavalete7439 Před 6 měsíci

    Pambigo always pero super ganda lamig p sa tenga ng voice tlga.. d ung like ng iba birit.. ito kahit d bumirit c moira still ❤❤❤❤❤

  • @gabrielpakingking7295
    @gabrielpakingking7295 Před měsícem

    Hindi madale magpalaya ng taong mahal mo 💔😢 parang kalahati ng buhay mo na yung binitawan mo

  • @heywecandothis6422
    @heywecandothis6422 Před rokem +7

    I thought nothing hurts more than the paubaya of Joshua and Julia but it hits different knowing this finally apply to Moira and Jason real love story.
    It's too painful that the song you try to write will be the one u will be using at the moment u are in.

  • @charlenemolina8324
    @charlenemolina8324 Před 22 dny

    pinalaya ko na po sobrang sakit pala,😢😢😭

  • @royjose8132
    @royjose8132 Před rokem +1

    Uso talaga hiwalayan ngayong 2022 isa na ako dun.. durog na durog na ako.. #paubaya 3rd party

  • @anthonynacur2367
    @anthonynacur2367 Před rokem

    Mahal na mahal kanaman namin ate moira .Di kanamin iiwan 😘.
    #sendinglove
    #sendinghugs

  • @nezvelasquez11
    @nezvelasquez11 Před rokem +10

    the lyrics of this song is actually painful but when I've heard Moira and Jason already separated this is much more heartbreaking, to think that Jason cheated to her which is so unexpected although the damage is already done, the trauma will remain.

  • @markgilmacalinao5443
    @markgilmacalinao5443 Před rokem +18

    huhu ate moi, andito lang kami para sayo, alam kong magiiba na lahat ng tama ng mga kanta mo para saming mga taga hanga mo pero alam kong mas magiiba na tama ng mga kanta mo sayo, stay strong ate

  • @liezelbarrameda5490
    @liezelbarrameda5490 Před 2 lety +1

    Masakit palayain yung taong alam mong ipinaglaban mo hanggang dulo.

  • @mariaginalynpelaez5133
    @mariaginalynpelaez5133 Před 4 měsíci

    Sometimes letting go is the key to set our heart free sa mga pain at sitwasyong di natin deserve

  • @maxraelkhalifa7933
    @maxraelkhalifa7933 Před rokem

    Malaya ka na💖

  • @erlindasilungan4111
    @erlindasilungan4111 Před rokem

    Hi moira you have a beautiful voice ..kya ingatan mo idol ❤

  • @junagenmofan8299
    @junagenmofan8299 Před 2 měsíci

    You will never Know the Value of a moment ,until it becomes a Memory
    It hurts to Walk away from a person you care ,but if they aren't treating you right it hurts more to stay

  • @riaanog9022
    @riaanog9022 Před 10 měsíci

    Oucchhhhhhhh.... Sobrang sakit 😭😭😭😭😭... Malaya kna .... 🙏🙏🤞🤞🤞🤞

  • @mindapagula3779
    @mindapagula3779 Před rokem

    stay strong ate Moira..and2 lng kme lhat pra Sayo..

  • @jaykimlevin4550
    @jaykimlevin4550 Před 2 lety +1

    moiraaa mamamaga nanaman mata ko ngayonnn :''DDDDD

  • @levicruise27
    @levicruise27 Před rokem

    Mahigpit na yakap Moira 💗😔

  • @jerichorojas09
    @jerichorojas09 Před rokem +1

    Moira marathon muna tayo

  • @amiebiscarra0420
    @amiebiscarra0420 Před rokem +6

    The most saddest part is cheated by the one you love most. Be strong Moira🥰

  • @lwenrg2127
    @lwenrg2127 Před 2 lety

    Yung alam mong tumagal kayo tapos gniyan , ikaw na ung pinalaya haha, pero palayain mo na rin, kasi mahal mo....

  • @keithnadine9121
    @keithnadine9121 Před rokem +4

    I don't know how many days, weeks he's been cold too me, I understand that he's busy but being cold is not the same, to the point na nagmamakaawa ako sa 5 minuto nyang oras , 5 araw na Hindi na sya sumasagot sa mga I love you at I miss you ko, tiniis ko yun, then one time bigla nalang syang nagsabing ' ayoko na', and then he never talked to me at all . Sobrang nadurog ako that time kase ang reason nya, ang hirap KO daw intindihin , ang hirap ko daw mahalin, ang dami kong pagkukulang, Doon ako nadurog ng mas malala, binigay ko lahat sakanya eh, pero kulang pla para sakanya. Siguro nga madami akong pagkukulang , pero may pagkukulang din Naman sya, pero never KO syang iniwan. Today 5 days na simula nung bumitaw sya. Hindi ko pa din matanggap, chinachat ko pa din sya kahit Hindi KO alam Kung nababasa or binabasa nya, kase alam ko restricted na ako sakanya. Then ngayon , knina pla, nakita ko na may kasama syang babae , myday Yun nung girl and the song is 'I think I'm Inlove again"... Pagnakita ko non gumuho ako ng tuluyan, nanginginig ako... Sobrang bait KO pa doon SA babaeng UN... And now, narealize Kong Tama nga sila, matuto Kang magpalaya Kung buo na ang desisyon nyang kalimutan ka Nyaa.. if you're readings this Mahal, I love you so much, I'm sorry for being not enough, for my mistakes and my immaturity.. thankyou for the 4 years of being a friend and 2 years of being together... I tried my best to make you stay, pero mukhang sobrang napagod ka sakin, ako din sobra na.. to the point na ayaw ko na nagsimula ulit... Hindi KO alam Kung paano... Mahal kita, malaya Ka na, Sana ngayon naranasan mo na ung sayang gusto mo na hindi mo naramdaman sakin, ISA lng ung hiling KO sayo kahit malabo na, Sana pagbigyan mo akong ikaw ang maging huling sayaw sa debut KO... At Kung pagtatagpuin muli, Kung maisip mong bumalik, tatanggapin ulit Kita.. pero sa ngayon magkaibang landas muna ang tahakin natin Mahal

  • @cutiepatchi7075
    @cutiepatchi7075 Před 2 lety +1

    ganun nga siguro talaga, may mga bagay na kahit gaano mo pa ingatan at pahalagahan, dadating sa araw na kailangan munang wakasan o kailangan na talagang wakasan.
    Hindi ko alam kung ano na tayo ngayon, hindi ka nagpaalam, hindi ka na rin nagpaparamdam, wala ka ring iba. Hindi ko rin alam kung may hihintayin pa ba talaga ako, o kailangan ko nang umusad mag-isa. Siguro nga kailangan lang Muna nating matuto sa mga naging mistakes natin at maging mas better pa.
    Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko.
    Mahal kita pero hindi ko kayang isugal ang peace of mind ko kaiisip kung mahal mo ba talaga ako.
    Mahal kita pero kailangan kitang palayain para mas matuto ka.
    Mahal kita pero alam kong kumawala kung nararamdaman kong hindi ako binibigyan ng halaga.
    .
    Pero gusto ko na maging okay, kaya pinapalaya na kita.

  • @cyria_9935
    @cyria_9935 Před rokem +1

    malaya also hit different.

  • @ellainetoquero4500
    @ellainetoquero4500 Před 2 lety +1

    😥😥 Naging okay na sana bakit naririnig ko naman to ulit.😅Maring moria ramdam ko pa rin ang kirot💔💔

  • @rainbow4488
    @rainbow4488 Před 2 lety

    Sobrang sakit bitawan ang salitang Malaya Ka na sa taong Mahal na Mahal mo pa. Ang sakit sakit sobra! Literal na humahagolgol ngayon sa sakit😭😭

  • @servantsofchristph8700

    Kung walang PANGINOON walang matatag na relasyon

  • @applenoynay7694
    @applenoynay7694 Před 10 měsíci

    Gustuhin mo man maibalik ang masasayang panahon na kasama mo pa sya.kaso hindi na pwede.yung ikakasal na sna kayu pro sa iba pla sya kinasal..5yrs na nkalipas pro prang kahapon lng.masakit prin pra skin till now🥺💔

  • @nicamaherusimacalino8378

    "Malaya"hmm relate❤❤❤

  • @applepieramos
    @applepieramos Před rokem

    kung kaya koa syang palayain ngyon ggwin ko na ....kht gaano mo kase kamahal amg isang tao pero nasasaktan ka ng paulit ulit tlgng ssusko kna

  • @jhaybeebeecher1069
    @jhaybeebeecher1069 Před 2 lety +6

    KAHIT PINAKAMASAKIT ANG PALAYAIN KA MATAPOS ANG HALOS 10 YEARS NATING MAGKASAMA, PAPALAYAIN NA KITA DAHIL ALAM KONG DITO KA SASAYA. BINIGAY KO MAN NA ANG LAHAT KUNG HINDI AKO PA RIN AKO SAPAT PARA SAYO, PARA LANG AKONG TAONG GIPIT NA GIPIT NA KUMAKAPIT SA PATALIM. PANAHON NA SIGURO PARA UMUSAD AT PILITING IBANGON ANG SARILI. ANG MASAKIT LANG NAMAN KASI, PAANO AT SAAN AKO MAGSISIMULA? KASI NASANAY NA AKO NA PALAGI KANG NANJAN. YUNG MGA PANGARAP NATIN, PAANO KO PA YUN MATUTUPAD KUNG AKO NA LANG MAG-ISA ANG BUBUO NG MGA YON? KAHIT ITO ANG PINAKAMASAKIT PARA SAKIN, KUNG KAPALIT NAMAN AY ANG KALIGAYAHAN MO, SIGE LANG... 🥺🥺🥺

  • @sophiebooc932
    @sophiebooc932 Před rokem

    Laban lang Moi😥i-ready nalang namu among mga heart sa kasakit nasad

  • @liceramtv
    @liceramtv Před rokem

    Tama KC may mga bagay n tlga Nd pd ipilit ang lahat 😭

  • @choie6615
    @choie6615 Před rokem

    AY HALA ANG SAKIT NAMAN TALAGA

  • @vl6837
    @vl6837 Před rokem +6

    Things that are meant to be will find their way to us. God bless you and keep you strong.

  • @christopherrobles107
    @christopherrobles107 Před 2 lety +1

    Yung kanta na ito.. na paka sakit nung mga salita na kinakanta... naisip ko tuloy yung taong saglit ko lang naka piling at hanggang ngayon ay nasa isip ko parin.. kaya nga minsan iniisip ko na lang o pinapangarap ko na lang yung naka lipas naming pag sasama para lang maging masaya lang ulit ako... ang I'm looking for more bunding with them... kakainis hindi ko manlang nakilala sila ng sobra... kung alam ko lang na hindi ko na sya makikita.. sana sinulit ko na yung araw na kasama ko pa sya... to be honest ang hirap ng communication nyo pag online... iba iba kase tayo ng problems at business sa buhay specialy kung may other responsibility sila diba? Kaya wag natin ipilit yung mga bagay bagay... may mga tao talaga na dadating sa buhay mo para mag bigay lang ng lesson at meron din namang permanente or yung forever eka nga... parang Blessing and lesson kumbaga... sana kung na basa mo to, tandaan mo na you need things to let go kase kung hindi ka mag momove on... hindi ka mag grogrowing up at patuloy ka lang masasakta sa twing iniisip mo sya... walang permanente sa mundo lahat yan mag lalaho din... ang tunay na permanente ay sa buhay ng Diyos...

  • @decelynpatague1692
    @decelynpatague1692 Před rokem

    Kailangan ko na bang palayain ang sarili ko sa pagmamahal mo na kahit kailan hindi na maibabalik? 🥺

  • @jhemabella3385
    @jhemabella3385 Před rokem +1

    Pagsobra bigat na ng nraramdaman ko, mga songs ni moira ung pinapakinggan ko madaling araw pra iiyak lahat ng bigat na nasa puso ko ..
    T.T

  • @luzvimindadeguzmancopland9965

    LOVE THIS SONG

  • @noelynauguis2157
    @noelynauguis2157 Před rokem

    Malaya & Paubaya hits different now 😢
    Now that I'm listening her songs now ramdam na ramdam mo yung sakit dahil naranasan ko na rin ng ganyan lokohin habang kayo ng hindi mo malalaman. Ang masakit may anak pa kame at mas pinili nya pa yun kesa saamin ng anak nya dahil IBA na raw ako simula nanganak ako at hindi na ako tulad ng dati kaya mas pinili nya bago nya 😢😢😢😢

  • @jamazzzzzing133
    @jamazzzzzing133 Před 2 lety

    Lagi ko syang kasama, pero ang layu-layo niya. Pagod na ata ako maghintay, ipilit at ibalik.

  • @jewelasayo8795
    @jewelasayo8795 Před rokem

    ang sasakit na ng kanta ni moira 😔

  • @cheeniejoymercado4032
    @cheeniejoymercado4032 Před 5 měsíci

    😢😢😢😢 minsan di mu mapipilit ang tao kahit gaano kasaya pag sasama nyo hnd parin natin masisiguro na mag stay sila habang buhay sa tabi natin

  • @iMathTv028
    @iMathTv028 Před rokem

    Dadating tayo sa punto ng buhay natin na iiwan tayo ng taong hndi nating inakalang dadarating sa buhay natin, at mananatiling alaala nalang at hihilingin natin na sana mabalik ulet ang dati :(

  • @sweetzeldona6808
    @sweetzeldona6808 Před 2 lety

    Hiniling kita kay Lord noon, gabi-gabi akong nagdarasal na sana ibigay ka nya sakin at di naman ako binigo ni Lord at pinagkaloob ka nya sakin. Araw-araw mo pinaramdam sakin kung gaano ako kaspecial at kung gaano mo ko kamahal pero di ko sukat akalain na isang araw bigla ka nalang bibitaw. Buong akala ko sabay natin haharapin lahat? Pero nasaan ka na nga yon? Iniwan mo kong mag-isa. Kung nasaan ka man ngayon, sana laging kang ligtas at masaya.

  • @sherilynmasacupan3730

    Ang sabi nga nila kung iniwan ka. Matuto kang wag na bumalik kasi dina same ng dati yan.
    Yes may 2nd chance pero choice muna yung kung gusto mung maulit uli lahat ng pain.
    May happy ending din naman sa 2nd, 3rd and more kung ikaw ay tanga na talaga sa taong yun.
    Di natin masasabi ang tadhana. Tayu nagawa nun.
    Pero mas the best kung maglet go na tayu para dina maulit yung sakit.
    Kaya mu yan moira
    Idaan mu lahat sa kanta lahat ng sakit. Alam kong malalampasan mu yan. Strong tayung mga babae

  • @Moananana78
    @Moananana78 Před rokem

    Ang sakit sakit naman ate Moi. Prayin' for you ate Moi. 🥺🥺💔

  • @bautistazychianniqo40

    ang gndaa😭

  • @itoygaming
    @itoygaming Před rokem

    balikan ko to kapag kaya na kitang palayain.

  • @myrafontanilla4506
    @myrafontanilla4506 Před rokem

    yong salitang malaya na madaling sabihin pero Hindi mo alam kung pano mo sisimulan mag tatapang tapangan ka pero pag andon ka na sa sitwasyon na yon gusto mong balikan ang natapos na nag babasakaling may pag asa pa ang lahat
    hiling ko na ang lumaya sa ganitong kulungan ng buhay nakatali ka sa isang panahon na hindi mo pinili tanging madaling sabihing malaya pero hirap mag palaya at ang hirap lumaya kahit pa sa sarili mong pag katao

  • @koricsrogelio4858
    @koricsrogelio4858 Před rokem

    Totoo nga yung kasabihan na kailangan mo muna masaktan bago ka may matutunan☺️