Noli Me Tangere KABANATA 59 ANG MGA MAPAGPANGGAP

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 18. 06. 2024
  • Ang Kabanata 59 na pinamagatang Ang Mga Mapagpanggap sa nobelang Noli Me Tangere.
    Balat-kayo ituring ang mga taong nagpapanggap upang magawa ang mga bagay na hindi nila pinaghirapan. Dito ikinakabit nila sa kanilang mga sarili na tumanggap ng mga bagay na gawa ng iba. Pinamumukha nila na ang lahat ay kanilang nagawa ng kusa at pinaghirapan. Mas nakikilala sila bilang isang tanyag at kilalang tao sa lipunan subalit kakambal nito ang tagong pagkakakilanlan. Sila ay mga nagtatago sa likod ng isang katauhan at hindi nila kayang mapangatawanan ang kanilang ipinagmamalaki.
    Sa kabanata na ito, sinu-sino laya sa mga karakter ang nagpupumilit na magtago sa isang katauhan upang mag palaganap ng magandang hangarin sa bayan na kasalungat sa mga kaganaapang nangyayari? Bakit nila pinili na mangdaya para maging bayani at manghamak ng iba na kanilang pinagmukang tanga? Ating sabay-sabay na alamin upang tayo ang mang husga kung karapa-dapat ba ang kanilang mga tinurang sa kanialgn kapwa tao?
    Ang turing ng isang makadamdamin sa isang tagpo upang bigyan ng kahulugan at bigyan ng diin ang mga kaganapan na nangyayari ay isang kagila-gilalas na katangian. Tunay ngang may malalim na dulot parin ang isang bayan kahit ito ay laganap sa isang tiwali at hindi magandang pamamahala. Sa kabanata na ito bibigyan ng kulay ng mga bawat karakter ang nobela upang maipamalas nila ang pinakakahulugan ng bawat kabanata na bumubuo dito. Ito ay magiging sagisag nila upang ating matakpi tagpi ang mga bawat pangyayari na nakapaloob sa nobela. Sariwain at damhin ang kagalakang dulot ng bawat eksena sa bawat nobela. Ito ay pagpukaw lamang sa ating kamalayan upang ipaglaban ang ating karapatan at manindigan sa tama at huwag magkibit balikat na lamang sa karahasanang pinagdaraanan. Ito ang gigising sa ating diwa na tayo ay malayang makikipagugnayan sa bawat isa. Ating tingalain at bigyan ng pagpupugay ang mga paghihirap ng bawat karakter sa nobela upang maipakita ang kanilang kabayanihan sa pagsusulong ng mga mabuting gawain para sa ating Inang Bayan.
    Halika! Nasasabik ka na ba? Anu pang hinihintay mo panuurin na at nang mamangha sa mga kaganapan na naipamalas sa Kabanata 59 na pinamagatang Ang Mga Mapagpanggap sa Nobela ng Noli Me Tangere.
    Miranda L, Tulaylay M, Cuaño F. (2006). Obra Meastra (3rd Edition). Rex Bookstore.
    Gimena G, Navarro L. (2015). Noli Me Tangere. Blazing Stars Publication.
    Espinoza T, de Guzman J, Laxamana L. (2019). Noli Me Tangere. Aklat Ani Publishing and Educational Trading Center.

Komentáře •