Noli Me Tangere KABANATA 60 ANG KASAL NI MARIA CLARA

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 18. 06. 2024
  • Ang Kabanata 60 na pinamagatang Ang Kasal Ni Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere.
    Pag-ibig na makapangyarihan hahamakin ang lahat masunod ka lamang, Isang matalinghaga na salita na mayroong malalim na kahulugan at buo ang diwa sa pagkiramdam. Gaya ng nararanasan ng mag kasingtahan na mayroong labis na pagmamahal sa bawat isa. Kasal na isa sa mga mahahalagang sakramento ng simbahan na patuloy na pina kaiingatan at pinahahalagahan ng bawat nagmamahalan.
    Sa kabanata na ito, ating saksihan ang nakapapabik na kasal ni Maria Clara sa kanyang iniibig. Mayroon kayang tutol sa pagmamahalan ng magkasintahan? Sino sila at bakit? Kailan ang kasal at saan? Puso mong nanabik ating bibigyan ng diin.
    Ang turing ng isang makadamdamin sa isang tagpo upang bigyan ng kahulugan at bigyan ng diin ang mga kaganapan na nangyayari ay isang kagila-gilalas na katangian. Tunay ngang may malalim na dulot parin ang isang bayan kahit ito ay laganap sa isang tiwali at hindi magandang pamamahala. Sa kabanata na ito bibigyan ng kulay ng mga bawat karakter ang nobela upang maipamalas nila ang pinakakahulugan ng bawat kabanata na bumubuo dito. Ito ay magiging sagisag nila upang ating matakpi tagpi ang mga bawat pangyayari na nakapaloob sa nobela. Sariwain at damhin ang kagalakang dulot ng bawat eksena sa bawat nobela. Ito ay pagpukaw lamang sa ating kamalayan upang ipaglaban ang ating karapatan at manindigan sa tama at huwag magkibit balikat na lamang sa karahasanang pinagdaraanan. Ito ang gigising sa ating diwa na tayo ay malayang makikipagugnayan sa bawat isa. Ating tingalain at bigyan ng pagpupugay ang mga paghihirap ng bawat karakter sa nobela upang maipakita ang kanilang kabayanihan sa pagsusulong ng mga mabuting gawain para sa ating Inang Bayan.
    Halika! Nasasabik ka na ba? Anu pang hinihintay mo panuurin na at nang mamangha sa mga kaganapan na naipamalas sa Kabanata 60 na pinamagatang Ang Kasal Ni Maria Clara sa Nobela ng Noli Me Tangere.
    Miranda L, Tulaylay M, Cuaño F. (2006). Obra Meastra (3rd Edition). Rex Bookstore.
    Gimena G, Navarro L. (2015). Noli Me Tangere. Blazing Stars Publication.
    Espinoza T, de Guzman J, Laxamana L. (2019). Noli Me Tangere. Aklat Ani Publishing and Educational Trading Center.

Komentáře •