Noli Me Tangere KABANATA 53 ANG PAGSULONG NG ISANG MAGANDANG UMAGA

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 28. 05. 2024
  • Ang Kabanata 53 na pinamagatang Ang Pagsulong Ng Isang Umaga sa nobelang Noli Me Tangere.
    Ang umaga ay isang simbolo ng isang bagong pag asa at bagong araw. Puno ito ng maraming hakbangin at plano na naisin mong marating. Binubuo ito ngnisang simula na ang hatid ay isang makabuluhang pananaw para sa mga taong lumalaban at bumabangon sa buhay. Isang magandang buhay na may kalakip na bagong simula at magandang hangarin sa bawat isa upang mamuhay o mabuhay ng masagana at marangal. Malaya kang harapin ang ganda ng bukas na may dala at baon na sigla para sa bawat isa. Magaan sa kalooban ang makatanaw ng isang bagong bukas, isang pag asa na mayroong hangad na pag unlad para sa kinabukasan. Isang binhi na hinihintay na sumibol at maging isang mayabong na bunga na handang maglaan ng oras para sa kapwa niya. Bunga na ang nagsikap ay ang salinlahi na hangad ang maaliwalas at mapayapang buhay.
    Sa kabanata na ito, anong pagsulong ang isinasaad para sa pagbabagong magaganap? Malaki kaya ang maitutulong nito upang ang lahat ay makinabang dito? Paano masasabi ng isang bayan o bansa na siya ay may pag asa na hinihintay at inaasam-asam.? Sino ang magpapatunay na ang bawat isang magandang umaga ay may kalakip na pag usad sa twina.
    Ang turing ng isang makadamdamin sa isang tagpo upang bigyan ng kahulugan at bigyan ng diin ang mga kaganapan na nangyayari ay isang kagila-gilalas na katangian. Tunay ngang may malalim na dulot parin ang isang bayan kahit ito ay laganap sa isang tiwali at hindi magandang pamamahala. Sa kabanata na ito bibigyan ng kulay ng mga bawat karakter ang nobela upang maipamalas nila ang pinakakahulugan ng bawat kabanata na bumubuo dito. Ito ay magiging sagisag nila upang ating matakpi tagpi ang mga bawat pangyayari na nakapaloob sa nobela. Sariwain at damhin ang kagalakang dulot ng bawat eksena sa bawat nobela. Ito ay pagpukaw lamang sa ating kamalayan upang ipaglaban ang ating karapatan at manindigan sa tama at huwag magkibit balikat na lamang sa karahasanang pinagdaraanan. Ito ang gigising sa ating diwa na tayo ay malayang makikipagugnayan sa bawat isa. Ating tingalain at bigyan ng pagpupugay ang mga paghihirap ng bawat karakter sa nobela upang maipakita ang kanilang kabayanihan sa pagsusulong ng mga mabuting gawain para sa ating Inang Bayan.
    Halika! Nasasabik ka na ba? Anu pang hinihintay mo panuurin na at nang mamangha sa mga kaganapan na naipamalas sa Kabanata 53 Ang Pagsulong Ng Isang Umaga na pinamagatang Mga Pinag uusig sa Nobela ng Noli Me Tangere.
    Miranda L, Tulaylay M, Cuaño F. (2006). Obra Meastra (3rd Edition). Rex Bookstore.
    Gimena G, Navarro L. (2015). Noli Me Tangere. Blazing Stars Publication.
    Espinoza T, de Guzman J, Laxamana L. (2019). Noli Me Tangere. Aklat Ani Publishing and Educational Trading Center.

Komentáře •