Ron Henley - Mana (Official Audio)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 27. 08. 2024
  • Subscribe to my channel: bit.ly/HNLYTUBE
    Now on Spotify: bit.ly/MANAsingle
    Produced by Klumcee
    Recorded, mixed and mastered @ The Ashram Studio
    Single cover art by The Nutcase PK
    FB: / akosironhenley
    Twitter: / akosironhenley
    IG: / batampasiggg

Komentáře • 1,4K

  • @RonHenleyTV
    @RonHenleyTV  Před 4 lety +1383

    Mana
    (R. HENLEY)
    Produced by Klumcee
    Alan Watts:
    "What always is an essential element in the creative is the mysterious. The dark. It’s like the black in lacquer. The impenetrable. And yet the profound depth out of which glorious things come but nobody can see why. There’s a poem which says that when the bird calls, the mountain becomes more mysterious."
    Sa musika ako unang nalulong
    Sa kwarto maghapong nagpapatugtog, nagkukulong
    Akala ng iba baliw kasi mag-isang bumubulong
    Di lang nila alam na minsan pag sinusumpong
    ng mga salitang pulu-pulutong
    Isip ko di mapigilang tumugon
    Lalong-lalo na nung narinig ko yung
    "Way I Am" ni Eminem, tangina men ang galing din!
    Sabay kuha ng itim na ballpen, sinubukan kong itugma yung dingding sa tingting,
    Ganun din sa singsing, chedeng, ineng, maging sa bling-bling, bitin parin
    Problema ko pa kung alin ang gagamitin at pano pagkokone-konektahin
    Teka meron lang akong tetestingin, baka kako magawa kong perpiken
    Pinagpuyatan kong hinanap ang liwanag sa nilalakaran kong lansangan kung san ang dilim-dilim
    Sinubukan kong tumikim-tikim, umupo, umubo ako, ehem-ehem
    Kusang nagpakita yung talang nagturo sa bagong silang na supling dun sa Betlehem
    Ika-dalawampu ng Mayo, mil nobesyentos otsentay sais
    mag-aalas siyete ng gabi, may nanay na ire ng ire, pawis na pawis
    Abong isinaboy padala mula sa kometa nung dito sa planeta dumaplis
    Tibok ng puso'y bumilis, senyales na araw ng martes ang labas ko ng matris
    Matinding liwanag ang aking nasipat
    Kahit mata'y di ko pa maidilat, kaligayahan ang aking agimat
    alam kong ligtas ako sa kanyang balikat
    at atat nakong makita ang araw, sa kanyang paglubog at sa kanyang pagsikat
    Buwan-buwan ma'y palipat-palipat
    Pero tandaang pag gabi, may bituing kumukutitap
    Ako yung toothpick nangarap maging banana cue stick
    Turo ng mga mapaglarong daliri ni Ludwig
    Kwaderno ko'y parang naging pinagsama-samang pisara nila Da Vinci at Euclid
    Marami-raming punit, inaral ko ilang ulit ngunit di ko nagawang maging bihasa sa pagguhit
    Di ko namamalayang may mga larawang maipipinta sa tala-talatang letrang aking naiukit
    Gusto mo ba ng kakaibang romansa?
    Yung tipong mapapasayaw ka ng cha-cha
    Pagkatapos kong isawsaw tong taco sayong salsa
    Mula Marikina, dumayo ng Tanza
    Tapos bumisitang Pasacao at Naga
    Pinakita sakin ang Pasig at Qc para
    sabihin lang na wag mawalan ng Pag-Asa
    Makauwi na nga sa amin
    Pero bago ang lahat, magdudugo muna dun sa bahaging
    dibdib bakasakaling marinig ninyo ang pahaging, masabing
    ito'y tagos sa damdamin
    Pwes tsob, tsa, tagilid, aken
    Subukan mong languyin ang lalim, wag mo ng hintayin
    pulikatin, at maging pagkaen
    ng mga butanding sa baybayin ng Lingayen
    Naisip ko sa kanto, sinulat ko sa banyo
    pangarap ko lang marinig sa radyo
    Nakakapanibago
    nakakapagtaka biglang bait ng mga tao
    Mga nakahaing nakakaengganyo
    oo may kontrata na tayo
    kaya ngayon pano, napapraning nako,,
    magpapabiktima ba'ko
    sa mga maiitim nilang plano
    Bigyan nyoko ng patas na laban
    Wag nyo naman kunin lahat ng laman sa menudo
    baka matira sakin patatas at sarsa na lamang
    Sa dumi ng pulitika di na kaya ng ilang sabon
    Umabot nako ng dalawampu't syam na taon, sistema'y bulok parin hanggang ngayon
    Nagtanim ako sa isang bakanteng lupain, di ko akalaing may makakapansin
    Tapos nung may nakarating andami rin palang magmamagaling, makikiangkin
    Madalang ko lang silang nakikita nung ako'y gumagapang
    Kaso nung ako'y nakatayo na sa sarili kong paa, sasabihin ng iba yumayabang
    Wag mokong husgahan
    Di pa kita nakakasalamuha sa damuhan, itigil mo na yan
    Di ka nga gumagamit pero ugali mo'y adik sayang naman
    kung ako sayo itira mo nalang
    Wala na bang matinong kausap
    Tira nila'y dakdakan, akin nama'y hook shoot
    Kung gusto mo ng pataasan ng talon, sige mauna ka don sa rooftop
    Makaramdam ka naman ng dagok sa bumbunan
    Parang kinukunan habang pinupugutan
    Mga kalawanging pako na galing impyerno ang pinaghuhugutan
    Pinagtagpi-tagpi kong barong, pinaghalu-halong kahoy, bakal at gulong
    Limas pati pinaghirapan kong bubong
    Gusto nila sa kahon ako ikulong, di naman kasya ang mga tulad kong annunaki don
    Tuyong-tuyo ako noong Pasko, Bagong Taon ako ay napadaing
    Sana sa Mahal na Araw, punuin Nya yung salin ng aking balde-baldeng panalangin
    Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot
    Wag kang matakot, alam kong di ka madamot
    Umaasa lang akong makalibreng batok
    "Bakit ba nandito to? ang agresibo mo
    Ito na yung kapiraso ng lupang kinita mo
    Diba hiningi mo to?
    Pero pano mo mapapatunayang sayo, eh wala ka ngang titulo"
    Kung ipagpapatuloy ko to, aabutin tayo ng umaga
    Humanda ka! makukuha ko rin naman yung dapat ay sa akin, parating na yung mana...

  • @xplicit5020
    @xplicit5020 Před 3 lety +137

    So this is how mysterious artists create a god level masterpiece 👽

  • @GnarlyPH
    @GnarlyPH Před 4 lety +407

    THIS IS FIRE!
    🔥

  • @uwjebdbehwbshde4547
    @uwjebdbehwbshde4547 Před 4 lety +79

    Agree ba kayo na si RON HENLEY ang Genius of Rap Music

  • @jermaine.coleworld
    @jermaine.coleworld Před 4 lety +53

    "Madalang ko lang silang nakikita nung ako'y gumagapang
    Kaso nung ako'y nakatayo na sa sarili kong paa, sasabihin ng iba yumayabang" 🔥🔥🔥

  • @phballbreakdown2522
    @phballbreakdown2522 Před 4 lety +478

    Tama nga si idol Loonie, malayo nga sa pang-rap battle na istilo si Ron Henley. Pero kung palaliman lang ng verse, at flow... Panis lahat kahit sinong itapat mo dito. 🔥🔥

    • @juanitopagsumbonganjr3516
      @juanitopagsumbonganjr3516 Před 4 lety +11

      kial katapat ni ron henley

    • @vinsain3269
      @vinsain3269 Před 4 lety +17

      Wag tayong mangumpara Guy's Bagkos parehong suportahan ☝☝

    • @frederickpecayo1952
      @frederickpecayo1952 Před 4 lety +6

      Tama wag kumpara ibang ung lalim ni Ron🔥

    • @kennethmorales7185
      @kennethmorales7185 Před 4 lety +4

      King of double meaning pa

    • @notoriousbigtiti5666
      @notoriousbigtiti5666 Před 4 lety +12

      Bumattle na yan sya dati sa sunugan. Explicit ung emcee name nya yun na siguro ung pinaka alter ego. Solid din bumattle yan. Di na nya tinuloy mas pinili nya ilapat ung bara multis at metapora sa mga obra nya.

  • @gangtuals976
    @gangtuals976 Před 4 lety +93

    Halatang mahilig si Ron Henley magbasa at manood ng tungkol sa ancient history dahil sa vocabulary at references nyang gamit. Anunnaki, Ludwig, Euclid, Nephilim, Poseidon, Shiva, shaman, Ufo, Alien etc. Kaya mahalaga din sa rapper/writer ang magbasa.

    • @EmeraldGreenMoss
      @EmeraldGreenMoss Před 4 lety +9

      May isang interview akong napanood/nabasa kay Loonie noon, Tinanong sya kung ano views nya sa mga Atheist. Ang sagot nya "Ayos lang, Si Ron nga Alien eh."

    • @leedarwinyu2964
      @leedarwinyu2964 Před 4 lety

      si anong kanta ni ron henley nagamit nya yung word na "nephilim"?
      sa lokal may part din ako na di maintindihan dun. sa last part ng verse nya

    • @jello789
      @jello789 Před 4 lety

      Gangtuals mismohan tol

    • @princejosephdelmundo9414
      @princejosephdelmundo9414 Před 4 dny

      Sabi ni Francis M Yung last part nya sa lokal

  • @johnivanrana8529
    @johnivanrana8529 Před 4 lety +4

    Nang napakinggan ko ito naalala ko yung Filipino-Self na teorya ni Fr. Alejo. Kung saan hindi lang ang tao ang may loob, pati ang mga bagay ay may loob. Parang mana, tayong mga tao may mana at ang mga bagay din ay may mana. Nasa sa atin kung papaano natin kokontrolin, pag-iisahin at pagkokonektahin ang mga mana sa loob ng isa't isa, ng mga bagay-bagay sa pamamamigatan ng sining o art.
    Solid yung bara na kung paano pagkokonektahin ang dinding sa tingting atbp dahil ang sining ay nasa paligid hindi lahat ng tao kayang lumalalim at pagkonektahin lahat ng bagay kaya kailangan ng artist na kayang umarok at ihayag ito sa musika o sa visual arts.
    Padayon! Sobrang solid ng Mana ni Ron Henley.

  • @NoOne-mx3ww
    @NoOne-mx3ww Před 4 lety +215

    " Ako yung toothpick, nangarap maging banana cue stick,"
    “Madalang ko lang sila’y nakikita nung akoy gumagapang, kaso nung ako’y nakatayo na sa sariling kong paa, sasabihin ng iba’y yumayabang.” - Ron Henley.
    Mga gantong artist mapapatapek ka sa dib dib mo tapos sasabihin mo sana ako nakaisip nung mga linyang yon.

  • @finchhermano9207
    @finchhermano9207 Před 4 lety +12

    Ang pinakagusto ko ky ron hinde lng rap skill flow o beat kundi ung likot ng imahinasyon at lawak ng bokabularyo... A true music genius indeed....

  • @YomiCalma
    @YomiCalma Před 4 lety +14

    Isa si Ron sa pinaka mahusay mag sulat sa buong pilipinas, Kahit ikumpara yung sulat nya sa hindi rap/hiphop song isa padin sya sa pinaka mahusay pagdating sa lyricism.

  • @kdot6767
    @kdot6767 Před 4 lety +4

    Si Ron Henley lang yung rapper dito na habang pinakikinggan mo yung kanta nya may nabubuong image sa utak mo. Ganyan sya kagaling magconstruct. Pinaka gusto ko to sa lahat ng kanta nya. Solid!

  • @New_Episode23
    @New_Episode23 Před 4 lety +17

    "Sinubukan kong tumikem-tikem, umupo, umubo ako Ehem Ehem. "
    Iba ka tlaga magsulat idol Ron 😵

    • @SlimTK
      @SlimTK Před 4 lety +2

      Out of the box tumugma, bago sa pandinig

  • @cenonpanganiban1265
    @cenonpanganiban1265 Před 3 lety +3

    While listening to this, my mind permanently detach to this reality to misteries and unkowns.

  • @PioBalbuena
    @PioBalbuena Před 4 lety

    EHEM EHEM! 👽👽👽

  • @MCMagnoMusic
    @MCMagnoMusic Před 4 lety +22

    daming gustong maging RON, pero isa lang ang naging HENLEY 💪

  • @Earn3sttt
    @Earn3sttt Před 3 lety +3

    Isang Milyon Ngayong araw! Nakakapanabik yung Pagdating ng Mana.

  • @johnlloydclaro993
    @johnlloydclaro993 Před 4 lety +3

    big Alan Watts fan here. been listening to his life changing philosophies for years now. Soliddddd ron henley!

    • @noelbontog9754
      @noelbontog9754 Před 4 lety +1

      gandang pang intro nga e

    • @snavetv5706
      @snavetv5706 Před 4 lety +1

      kuys ano pong episode ni alan watts yang ginamit na intro ni idol ron?

    • @johnlloydclaro993
      @johnlloydclaro993 Před 4 lety +1

      What always is an essential element in the creative is the mysterious. The dark - it is like the black in lacquer - the impenetrable; and yet it’s the profound depth out of which glorious things come but nobody can see why. ~ Alan Watts
      czcams.com/video/vYBl4FXZm3M/video.html
      dito pre

  • @sterlingering947
    @sterlingering947 Před 4 lety +8

    Ron is Literal!!! 🔥🔥🔥
    Growing stronger Lodss!!!
    Fan ever since 2012!!! (from elem. to College)

  • @jonelrubia6892
    @jonelrubia6892 Před 4 lety +1

    Komplikadong rhyming, swabeng flow, tsaka simpleng diction at pauses na multi-purpose, pag Ron Henley talaga di ka madidismaya

  • @miragemagic6925
    @miragemagic6925 Před 4 lety +68

    0% Nudity
    0% Drugs
    0% Autotune
    *1000000000%* *pure talent*

    • @puroy3107
      @puroy3107 Před 4 lety +3

      Bulag hanapin mo hidden meaning ni ron

    • @puroy3107
      @puroy3107 Před 4 lety

      Bulag hanapin mo hidden meaning ni ron

    • @ayahuasca180
      @ayahuasca180 Před 4 lety +1

      Pano mag kakanudity eh di naman music vid lol

    • @miragemagic6925
      @miragemagic6925 Před 4 lety

      @@ayahuasca180 oo nga no. Tanga ko. Hahahaha. Sige 0% sexual words nalang. 🤣

    • @xterrey
      @xterrey Před 4 lety +1

      may hidden meaning man, psychoactive shit man

  • @Andrei-cy8rv
    @Andrei-cy8rv Před 4 lety +57

    Tama nga si sir loonie nakakasira ng ulo🔥💯

    • @highme04
      @highme04 Před 4 lety

      San sinabi nya nisabi yan men?

    • @reineervincentomero7902
      @reineervincentomero7902 Před 4 lety +2

      @@highme04 ayon sa pagkakatanda ko, sa interview kay loonie ng hiphop head tv nya sinabi yon.

    • @BoboDestroyer
      @BoboDestroyer Před 4 lety

      Tagal ko nga din inabangan to e dahil don. Hahaha

  • @6c3nts45
    @6c3nts45 Před 4 lety +1

    One of the legend Ron Henley 👑😍

  • @spidy9753
    @spidy9753 Před 4 lety

    Solid ron henley ibang iba sa istilo ng iba matalinong raprapan Hindi nag hihiphipapan lang

  • @chibzyo
    @chibzyo Před 4 lety +14

    sana balang araw maging guro kita sa pagsulat sir ron!

  • @yamiackerman3187
    @yamiackerman3187 Před 4 lety +7

    “Butanding sa baybayin ng lingayen” ❤️ proud pangasinense here 🔥

  • @billyjuanillas1133
    @billyjuanillas1133 Před 4 lety +2

    Grabe lyrics mo sir idol ron henley! Subaybay ako sayo simula grade 6 ako! Ttry ko din kabisaduhin to parang venus mo!

  • @genxv2945
    @genxv2945 Před 4 lety +1

    Maligayang kaarawan sayo Ron Henley
    #SolidFans
    #SinceBiglangLiko

  • @monkeyassasins
    @monkeyassasins Před 4 lety +17

    Mana in many Polynesian languages refers to "Spiritual power/force" while I know in Filipino it means "to inherit". Polynesian and Filipino culture share many similarities 😍😍😍

  • @kxrl9671
    @kxrl9671 Před 4 lety +5

    Masarap yung mga ganitong awitin puno ng makabuluhang salita. Metapora kung baga ito ang inaaral ko bilang isang musikero o Rapper Maski patungkol sa pag ibig gusto ko sulat na ganito. Masarap mangalkal ng kaalaman ng iba subalit pag ikaw na kay hirap kumuha sa sarili mong utak. Ma aaring mag aral muna para sa makabuluhang obrang ilalabas ko. Hays. Inspirasyon ko kayo Henly Loonie Shanti Gloc 9 King-FrancisM at iba pa. Mga malalalim mag sulat.

  • @brandonyacat7116
    @brandonyacat7116 Před 4 lety +1

    Eto yung kanta na kahit ilang beses mo na napapakinggan napapa-iling ka pa rin. #underrated

  • @rendelaleno1500
    @rendelaleno1500 Před 4 lety

    rinig na rinig ko ung second voice na parang sumisigaw, sarap tapos ,madilim ung kwrto habang lumilipad.,,, solid tlaga idol ron

  • @lexilore1375
    @lexilore1375 Před 4 lety +24

    "Humanda ka! Makukuha ko rin naman yung dapat ay sa akin, PARATING NA YUNG MANA"
    Manna (Hebrew: מָן‎ mān, Greek: μάννα; Arabic: اَلْمَنُّ‎), sometimes or archaically spelled mana is, according to the Bible, an edible substance which God provided for the Israelites during their travels in the desert during the 40-year period following the Exodus and prior to the conquest of Canaan.

    • @danielmiles4506
      @danielmiles4506 Před 4 lety

      yan din nasa isip ko, mapapa awit ka nalang talaga 👁

    • @audimyrdeguzman4706
      @audimyrdeguzman4706 Před 3 lety

      @@danielmiles4506 karapat dapat

    • @cardinalsracing8677
      @cardinalsracing8677 Před 2 lety

      I know its too late for tis to say.. but is this related to dongalo rapgame? I think yung mana na yun the reference is pooch (old) message to loonie which is bestie ni Ron? I wanna know your opinion guys 🤔

  • @socialdilemma6205
    @socialdilemma6205 Před 4 lety +9

    “Madalang ko lang sila’y nakikita nung akoy gumagapang, kaso nung ako’y nakatayo na sa sariling kong paa, sasabihin ng iba’y yumabang.” -Realtalk lang

  • @khallilabad8892
    @khallilabad8892 Před 4 lety

    Solid talaga tangina fav koto isa to sa isang nag papakilabot ng balahibo ko tuwing naririnig koto. Iloveyou ron! 🤩

  • @pitumputpitongputingtupa
    @pitumputpitongputingtupa Před 4 lety +1

    mali lang siguro ako ng interpretasyon, pero nakikita ko yung sarili ko sa kwentong to. nawa’y patuloy kang magsilbing inspirasyon para sa mga gustong sumibol. sana masubaybayan pa kita hanggang sa kaibuturan ng mga pangarap ko. wag kang mag-alala, sir, kasama sa mga panalangin. stay safe! godspeed sayo at sa pamilya!

  • @sarang1only
    @sarang1only Před 4 lety +13

    Da Vinci Code
    we also need to decipher the meaning of this dope music. I hear eminem everytime he spit bars.

  • @joshdiez5450
    @joshdiez5450 Před 4 lety +14

    "Ito na yung kapiraso ng lupang kinita mo diba hiningi mo to? pero pano mo mapapatunayang sayo, eh wala ka ngang titulo"
    siguro yung tinutukoy dito e kahit na meron na at pagmamay ari nyo na yung lupang tinitirhan nyo e di pa buo na sa atin yun,sa gayon e pinapahiwatig dito yung lupang iyon ay pagmamay ari ng nasa itaas.
    "Humanda ka! makukuha ko rin naman yung dapat ay sa akin, parating na yung mana"
    Parang yung karugtong ng kanta nila na hiram na inirerepresenta yung buhay natin kung gaano kahalaga ang hiram na buhay natin "makukuha ko rin naman yung dapat ay sa akin" siguro eto yung ikalawang buhay natin yung buhay na walang hanggan at malapit na dahil sa mga nangyayaring trahedya sakit at epidemya. parating na yung mana
    pasensya na sariling interpretasyon lang sa verse nya grabe ang lawak talaga hirap basahin galing mo idol ron🔥💯

    • @vinsain3269
      @vinsain3269 Před 4 lety

      May palabas na Album si Ron yan na yung Mana. Kasama yung Ulila, ala ala at iba pang huli nyang nilabas.

  • @marck9787
    @marck9787 Před 4 lety +1

    "TUYONG-TUYO ako noong Pasko, Bagong Taon ako ay napaDAING
    Sana sa Mahal na Araw, punuin Nya yung salin ng aking balde-baldeng PANALANGIN"
    grabe word play ni idol ron... isa kang inspirasyon sa pagsusulat!!!

  • @maomolina4684
    @maomolina4684 Před 4 lety +1

    Bago talaga ko gumawa ng obra pinapaginggan ko to nakakagana mag sulat. Salamat sayo Ron isa kang inspirasyon

  • @jva7125
    @jva7125 Před 4 lety +6

    Ron Henley🔥🔥🔥

  • @casperstan8378
    @casperstan8378 Před 4 lety +3

    Ito 'yung tinutukoy ni Loonie na paborito niyang kanta ni Ron Henley noong interview niya sa HipHop Heads TV at oo nga! Nakasisira nga ng ulo!!!! 🔥

  • @bangb16
    @bangb16 Před 4 lety

    Master Ron....need na namin ng full album mo..gamod sa covid......lahat na ng walng tituluo may music vid na.....

  • @joeldemafelis7071
    @joeldemafelis7071 Před 4 lety

    Nakakailang balik na ko dito ngayong quarantine. Di nakakaumay, mas pasarap pa ng pasarap sa tenga yung flow

  • @flipflop4915
    @flipflop4915 Před 3 lety +3

    In case you guys didn't notice, Ron Henley uploaded this track on his favorite hour.. 04/20/2020

  • @johnsyric5765
    @johnsyric5765 Před 4 lety +4

    The classic ron henley 🔥 double meaning verses na malalalim. so lit 🔥

  • @mharheabanting
    @mharheabanting Před 3 lety +1

    Time check 4:33am 🖤 ROAD TO 1M na to, MV soon please. 👌😭 Nakaka miss na mag gig tapos eto na papakinggan ng live. Napaka solid mo idol Ron.

  • @a-ishaamerin4855
    @a-ishaamerin4855 Před 4 lety

    Ron henley noon at hanggang ngayon iniidolo pa din kita 😇 Since College at ngayon na andito na sa KSA ikaw pa rin ang inspirasyon

  • @eugenerous
    @eugenerous Před 4 lety +17

    When it notif. Volumes up and closed eyes.

  • @budz1506
    @budz1506 Před 4 lety +3

    Nag iisa lang ang Ron Henley at wala ng Reinkarnasyon.

  • @edmarkmangabat8556
    @edmarkmangabat8556 Před 4 lety

    Ang bagsik mo talaga lods ron may sound trip na ko may palaisipan pang palaro gawa ka pa ng marami lods d ako mag sasawa sa mga kanta muh halos lahat kabisado ko na e2 naman kakabisaduhin ko more power lods 👍👍

  • @flipflop4915
    @flipflop4915 Před 4 lety +2

    Bilang suporta Ron, araw araw ko pine play sa YT tong Mana ng hindi baba sa 20x per day. Nakabisado ko na rin tong kanta mo kasi iba tyempo. Eto din yung nabanggit mo sa kanta nyo nila *KIAL* na *Ano na?*

  • @ansbertdeguzman1652
    @ansbertdeguzman1652 Před 4 lety +18

    Parang nag ppuzzle fixing ako sa utak habang pinapakingan to. Ehem ehem idol lakas 🙏🏼🔥 keepsafe sa lahat aralin nyo na to. Andito na ang sagot

  • @redrumTAPE
    @redrumTAPE Před 4 lety +8

    "Nagrolyo ako ng papel, hindi pambalot
    Wag kang matakot, alam kong di ka madamot
    Umaasa lang akong makalibreng batok"
    -Para sa mga tamang hinala :)

  • @SickRhymes-fh9rx
    @SickRhymes-fh9rx Před 4 lety

    Number 1 fun here ! ..since day 1

  • @jeezsauce3358
    @jeezsauce3358 Před 3 lety

    iba talaga kapag gawa ni ron asahan mong deklidad,

  • @younglexa
    @younglexa Před 4 lety +4

    Hari ng double meaning, ron henley!🔥

  • @johnregaladoabordo180
    @johnregaladoabordo180 Před 4 lety +3

    ron henley has a best flow among the rest, isama mo na jan lalim ng kanyang utak 🔥🔥🔥🔥🔥

  • @skemberlu4692
    @skemberlu4692 Před 4 lety

    Deymmmmmm!

  • @TDWPpaw
    @TDWPpaw Před 4 lety

    Sir Ron, sobrang lupit mo sir salamat sa diyos at nabuhay ako at naririnig ko mga sulat mo.

  • @richardvienasuncion3496
    @richardvienasuncion3496 Před 4 lety +3

    The intro is giving me *PLATITO VIBE* 🔥🔥🔥🔥

  • @atelala8562
    @atelala8562 Před 4 lety +4

    HOY MAY BAGO SI RON SHYET!!!!!!

  • @rachellemaybello4159
    @rachellemaybello4159 Před 3 lety

    Creative mind + Amazing talent + Unique Style = Ron Henley♥️💯

  • @neleljohncaga-anan5546

    Damn my all time favorite rapper Ron Henley is doin' it again🙌💯

  • @goop1910
    @goop1910 Před 4 lety +25

    Your day is near idol ron.

    • @watee1094
      @watee1094 Před 3 lety

      Parang mamatay lng ah.. palitan ng ibang word pls.. hehehe

  • @allen1007
    @allen1007 Před 4 lety +3

    "Dika nga gumagamit pero ugali mo'y adik
    Sayang naman
    Kung ako sayo itira mo nalng"

  • @andreibernardo2302
    @andreibernardo2302 Před 4 lety

    Salamat sir ron dahil dito tinuloy ko sinusulat ko 👍🏻

  • @darellemariano6586
    @darellemariano6586 Před 4 lety

    Solid talaga di nakakasawa pakinggan mga track ni idol ron henley kahit paulit paulit. Sana idol ron magawan mona ng MV yung Paliparan. Sana makagawa kapa ng mga ganitong klaseng track nandito lang kami para sumuporta

  • @mnard3421
    @mnard3421 Před 4 lety +5

    Eto yung klase ng sulat na napakasarap himayin dahil nakakabusog!!!! 👽💯

  • @enricop.8386
    @enricop.8386 Před 3 lety +3

    listening everyday til this gets 1M!!

  • @LanzFrio
    @LanzFrio Před 3 lety

    ROAD TO 1 MILLION

  • @johnjaypozon2488
    @johnjaypozon2488 Před 3 lety

    deyuuuuuuum

  • @genemchaleturalde4966
    @genemchaleturalde4966 Před 4 lety +43

    "Hindi naman kasya ang mga katulad kong anunnaki don"
    Anunnaki are the most powerful deities in the pantheon, descendants of An and Ki, the god of the heavens and the goddess of earth, and their primary function is to decree the fate of Sumerians.

    • @arvinfujiwara7375
      @arvinfujiwara7375 Před 4 lety

      Napa bounce din ako dyan brother apir!!

    • @leedarwinyu2964
      @leedarwinyu2964 Před 4 lety

      @Gene Mc Hale Turalde , sir narinig nyo din po ba yung verse ni ron henley sa Aming Hakbang with Smugglaz? may part kasi ako na hindi maintindihan
      "ako yung _____ na bumaon sa lupain masisimot lahat ng kalaban...."

    • @ayammusic7719
      @ayammusic7719 Před 4 lety +2

      Nephelim sa bible

    • @leedarwinyu2964
      @leedarwinyu2964 Před 4 lety

      @@ayammusic7719 sir insidious din ba yung binanggit nya sa kanta?
      nanonood ng insidious period ?
      hahaha di ko ma intindihan masyado eh

    • @1ShawnGabriel
      @1ShawnGabriel Před 4 lety

      Higante din ang mga anunnaki

  • @LOKALHELLAPEOPLE
    @LOKALHELLAPEOPLE Před 4 lety +10

    POTANGINAAAAA GOD HENLEY!

  • @OnePunchArman
    @OnePunchArman Před 4 lety

    Ron xplicit henley, kaw ang pinakapaborito kong rapper since rapublic vol 1

  • @marckimdoctolero6669
    @marckimdoctolero6669 Před 4 lety

    Ron ! Lab u 😍

  • @pauwiiit
    @pauwiiit Před 4 lety +4

    Lupet ng rhyme scheme at ang haba. Mula sa "Way I am ni Eminem." Hanggang sa "supling dun sa Betlehem." Idol talaga. 🙏

  • @micahkanda1016
    @micahkanda1016 Před 4 lety +26

    Idol since highschool 🤩

  • @mackers0329
    @mackers0329 Před 4 lety

    Idol walang kupas. mula noon hanggang ngayon.

  • @alexisfelicia7776
    @alexisfelicia7776 Před 4 lety

    anak ka ng kalawakan ron! mahal kita pinuyat nanaman ako ng mga kanta mong masarap sa tenga wahaha

  • @Christian-ge3js
    @Christian-ge3js Před 4 lety +35

    Pasok sa petsa! ⚡⚡
    *Ginoogle yung Annunaki* 🤔
    naka diskubre ng bagong rabbit hole💥

  • @SaintSunday
    @SaintSunday Před 4 lety +34

    Ron Henley King of Metaphor? Pwede bah?

    • @johnlaguinday0795
      @johnlaguinday0795 Před 4 lety +2

      Pagod na pagod na ko makabasa ng mga ganito sa totoo lang buddy. Heto aah galing sa isang lehitimo na hip hop nerd talaga. Rapper sila, yang mga metaphors na sinasabi mo, mga punchlines, wordplays, similes, internal rhymes o kung anu ano pa expected natin na gagawin nila yan kase nga "rappers" sila. Kaya walang king king king kasi lahat sila kaya nila gawin yan. Nagkakatalo talo na lang sa kung sino yung mas magaling magconstruct. At sa kung ilan lang din ba yung rap artist na pinapakinggan mo. Mapa international o local hip hop scene ganon yon.
      Tsaka yung mga taong "eminem ng pinas" "2pac ng pinas" etcetera etcetera tang ina ano manahimik nga kayo 😂😂😂😂🤣🤣🤣

    • @SaintSunday
      @SaintSunday Před 4 lety

      @@johnlaguinday0795 ah ok so ang ibig mong sabihin dapat hindi "Hari ng Tugma" ang tawag kay Loonie at "King of Pinoy Rap" si Francis M kasi kaya ng mga "rappers" mag Multi at mag rap? dapat pala walang Hari ng Tugma at Pinoy Kingof Rap/Master Rapper na tinatawag ganon ba yun?

    • @crisryangutierrez904
      @crisryangutierrez904 Před 4 lety

      and personification

    • @johnlaguinday0795
      @johnlaguinday0795 Před 4 lety +1

      @@SaintSunday oo kase tayo lang namang mga fans ang mahilig magbigay ng kung ano-anong bansag o title sa kanila tapos kineclaim na lang nila sa battle kase dagdag content den. Si Eminem ba binansagan na agad syang Rap God nung di nya pa ginagawa yung kanta? Hindi naman diba. One of his concepts lang yon paranh katulad ng stan pero inembrace na ng sobra ng iba na minsan yun na tawag sa kanya. Hindi lahat ng rapper magaling magmulti pero tinitiyak ko sayo lahat sila MARUNONG magmulti kase nga? Oh ikaw na magdugong dun sa question mark

    • @johnlaguinday0795
      @johnlaguinday0795 Před 4 lety

      @@SaintSunday tinitiyak ko din pala sayo na kahit minsan hindi niclaim ni francis m na king of rap sya sa buong buhay nya. Kase nga kaya sila binabansagan ng ganon dahil sa salitang " out of respect "

  • @thetarantuwa7847
    @thetarantuwa7847 Před 4 lety

    Goosebumps Ron, GOOSEBUMPS!

  • @rockyneri3023
    @rockyneri3023 Před 4 lety

    Shet!!! 👁️😮😮😮

  • @acswasthere5718
    @acswasthere5718 Před 4 lety +3

    "the way I am ni eminem" 🔥🔥🔥🔥👌

  • @vonj8539
    @vonj8539 Před 4 lety +7

    Sa gitna ng mga beef between baguhan, datihan, lyricist, at bounce heto si Ron Henley lowkey na na sspit ng mga mahiwagang bara sa kanta nya... Mas worthy paglaanan ng oras. Ehem ehem

  • @aerollkhyllemarcelo1985

    Goosebumps everytime I hear his name, nasasabi nya yung nasa isip natin na hindi natin maipaliwanag

  • @jirehmadamba2459
    @jirehmadamba2459 Před 2 lety

    busog! mula nung narelease to hanggang ngayon eto parin pinapakinggan ko

  • @bertoofficial8676
    @bertoofficial8676 Před 4 lety +5

    Batang pasig 🔥🔥🔥🔥
    #teampatpat let's gO

  • @EhzkaflowTV
    @EhzkaflowTV Před 4 lety +47

    Sa cerberus, si Loonie at Ron Henley talaga yung gusto kong pasukin ang utak. Iniisip ko madalas kung anong madalas nilang naiisip bat ganto sila gumawa grabe 🔥
    Sayo sino? Comment down 💕

  • @moronidelfin3630
    @moronidelfin3630 Před 4 lety

    Sana Mabasa ng Idol to!Salamat sa Magandang Kanta ni Idol Ron Henley. Ang Galing nyo po Grabe! Pinawisan ako nung una kong kinig dto Grabe ang Ganda ng mga lyrics ng kantang to may Aral ka na makukuha.Ang Aral na nakuha ko eh sa Panahon na Mahina Tayo o Pinapahina Tayo eh may dadating sa Atin na mag Papalakas sa Atin o Palalakasin Tayo Which mean un yung Mana. Hehehe kaya sbi sa Kanta na di sya nawalan ng Pag Asa thats true sa Buhay naten un lng po Salamat sa Magandang Kanta to Motivated Song kaya sarap patugtugen un lng Peace sa lahat☺

  • @guntherfritz6458
    @guntherfritz6458 Před 4 lety

    Sobrang lalim sarap tumalon at maligo/
    Mag dala nang salbabida tsaka ka mag palutang SA beat
    Yun na Yung timatawag na langit.😍

  • @buntafujiwara1830
    @buntafujiwara1830 Před 4 lety +3

    Ang underrated neto. Taena mas tinatangkilik nila yung mga wack lol

  • @awicolumna
    @awicolumna Před 4 lety +3

    San mo nahuhugot tong mga berso mo Idol? Lintek! Nakakabaliw!

  • @jong-jongspeaks4224
    @jong-jongspeaks4224 Před 4 lety

    Basta ron, di na ako nagdadalawang isip eh, click agad.

  • @spyc8243
    @spyc8243 Před 4 lety

    Ito ang Mana Hindi unli

  • @liamvillagracia301
    @liamvillagracia301 Před 4 lety +3

    "subukan mong languyin ang lalim"
    Puta nalunod ako

  • @charlesjosephquiamco6498
    @charlesjosephquiamco6498 Před 4 lety +9

    tama si Loonie.
    "SASABOG ULO MO SA KANTANG TO"

  • @vangagogh1459
    @vangagogh1459 Před 4 lety +1

    Need na namin 'to sa spotify please!!!!

  • @KatsyLee
    @KatsyLee Před 4 lety

    I have to stop the video every few seconds to marvel at his insane lyrics o.o