PILIIN MO ANG LUGAR NA MAPAPABUTI KA..

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 9. 04. 2024
  • #lugar
    #devotion
    #inspirational
    #biblestudy
    DAILY DEVOTION
    Monday to Friday 8:00 PM
    Day 14
    Text: Kawikaan 4:14-15
    [14]Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan.
    [15]Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan.
    Topic: PILIIN MO ANG LUGAR NA MAPAPABUTI KA
    Sa ating mga kinakain, namimili tayo nang mga masarap at gusto nating kainin, upang tayo ay masiyahan.... Kapag tayo ay namimili ng damit o sapatos, pinipili natin ang ating mga gusto at yong komportable tayo..
    Kapag maglalakad ka sa dilim, maghahanap ka ng liwanag, o pipiliin mo ang liwanag... Mayroon tayong ugaling mamili, patunay lamang ito na may freewill ang tao na bigay mismo ng Diyos...
    Sa buhay natin mga kapatid, ang ating landas o direction sa buhay ay depende ito sa landas na ating pipiliin... Mayroong masama, mayroong mabuti, subalit ang pamimili mo ay nakadepende ito kung ano lagi ang nakikita mo, napapanood mo, napapakinggan mo, at invironment na kinagisnan mo..
    Kaya ka naging ganyan dahil yan ang resulta sa cause, or source na nakita mo at napakinggan mo lagi..
    Kaya kung gusto kang maging mabuting tao, makadiyos, tunay na naglilingkod sa Diyos, dapat piliin mo ang lugar na mapapabuti ka, lalago ka, at maslalong mapalapit ka sa Diyos..
    Iwasan mo, layuan mo, pagpasyahan mo, ang invironment, cultura na magpapahamak lang sayo.... Iwasan mo ang mga kaibigang, itutulak ka sa impeyerno, iwasan mo ang mga pinapanood mong lalason sa kaisipan mo, iwasan mo mo ang mga usapan at mga pinapakinggang may kinalaman sa kahalayan, kahambugan, pagrerebilde at negatibo o toxic na tao...
    Mga Kawikaan 4:14-15
    [14]Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan.
    [15]Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan.
  • Jak na to + styl

Komentáře • 13