Mayor Zamora, hinikayat ang mga biktima na kasuhan ang mga namerwisyo sa kanila sa Wattah Wattah Fes

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 26. 06. 2024
  • Hinihikayat ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga naging biktima ng mga namerwisyo sa kanila sa Wattah Wattah Festival noong Lunes, June 24 na magsampa ng kaso.
    Ayon kay Zamora, nais niyang magsadya sa kanyang opisina ang mga biktima para maghain ng reklamo laban sa mga taong nagdulot ng perwisyo sa kanila sa kalagitnaan ng kasiyahan.
    Sinabi rin ng alkalde na may mga kahaharaping penalty ang mga lalabag sa ordinansa ng siyudad.
    Hindi umano papayag si Zamora na masira ang reputasyon ng lungsod dahil layunin ng pista na ipagdiwang ang kapistahan ni San Juan Bautista. Aniya, hahanapin nila ang mga gumawa ng gulo sa tulong ng mga larawan at video.
    Sa ngayon, isang kaso ng physical injury ang nakarating sa opisina ng alkalde. #News5
    Follow News5 and stay updated with the latest stories!
    / news5everywhere
    / news5ph
    / news5everywhere
    / news5everywhere
    🌐 www.news5.com.ph

Komentáře • 513

  • @Mapagmasid09
    @Mapagmasid09 Před měsícem +81

    Kayo o ang LGU niyo mismo ang dapat kasuhan sa mga perwisyong ginawa niyo. Kayo kasi mismo ang nagbigay ng pahintulot na gawin o ibalik ulit ito.

    • @barawbarawan2699
      @barawbarawan2699 Před měsícem +3

      Totoo kaya yan...marami ang makukulong...hahaha...

    • @AdrianGabo-zp6tl
      @AdrianGabo-zp6tl Před měsícem +4

      Kau dapt una kasuhan ndi nyo na handle ng ayos

    • @KaikaiDaLittleDog
      @KaikaiDaLittleDog Před měsícem +1

      ..perwisyo pista niyo.

    • @cyclistavlogtv360
      @cyclistavlogtv360 Před měsícem +1

      Itigil nyo Nayan ganyang fiesta nyo Hindi Yan nakakatulong dahil nasa Buisy City kayo eh wag nyong igaya sa probinsya

    • @user-fn9xl8fe6w
      @user-fn9xl8fe6w Před měsícem +2

      Nangyari na e. Magfifeeling hero nnaman si mayor.

  • @rubenbong427
    @rubenbong427 Před měsícem +37

    Ikaw na mismo magfile ng kaso, gamitin mo ang mga viral video as evidence. Naperwisyo na nga, aabalahin mo pa para umattend ng kaso

    • @emmanphi1670
      @emmanphi1670 Před měsícem

      Tama kung tlga tunay ka na may conxern ikaw na mgsasa.apa. ng kaso sa kanila. Umaksyon ka gad sabi mo. Ga diba hindi ka papayag gawin mo wag salita!!!

    • @rommelsulat9922
      @rommelsulat9922 Před 29 dny

      Tama k bkit hindi p sya ang mag file my mga ibedensya nman bkit gusto nya p my mag reklamo hoy mayor anong klase yan

    • @igorottorogi8439
      @igorottorogi8439 Před 29 dny

      Ang hahanapin po kasi sa korte ay yung mismong nabiktima dahil sa kanila po mismo manggagaling ang salaysay hindi kay mayor, bale susuporta lang po ang mayor.. kumbaga kailangan parin ng private complainant, tapos icompile lahat nila ang mga pieces of evidence at dalhin nila sa legal office ni mayor para magawan ng papel then diretso ifile sa korte..maghintay nlng ng warrant lahat ng mga suspect na yan​@@rommelsulat9922

    • @cuzuvmcvoy
      @cuzuvmcvoy Před 29 dny

      KAYA NGA,
      ANG KAPAL NG MUKHA NG MAYOR NA ITO!
      SA TOTOO,
      AMBILIS NYA MAG PA PRESSCON
      KASI
      SYA MISMO ANG
      DAWIT DITO...
      INUUNAHAN NYA ANG MGA NETIZENS....
      KASI
      HINDI MGA
      MANGMANG ANG TAONG BAYAN,
      Alam ni MAYOR
      NA OBVIOUS NA SYA AT ANG KANYANG LIDERATO ANG NAG KULANG.
      PALPAK NG MAYOR AT LGU ANG NANGYARI DAHIL HINDI SAPAT ANG GINAWA NILA UPANG MAGING SAFE AND PEACEFUL YUNG EVENT NA SILA MISMO ANG NAG TOLERATE.
      MAY ORDINANSA PERO
      HINDI NA DISSEMINATE AHEAD OF TIME.
      Tanungin mo ang mga mamamayan ng san juan kung alam nila ang ordinansa na yan.
      syempre either ngaun lang nila nalaman yan,
      or alam nila
      "Walang masama sa ginawa nila" dahil PYESTA, ANYTHING GOES NA LAHAT AND FAIR GAME NA LAHAT!"
      NASAN MGA PULIS?
      Nasan mga Baranggay officials???
      OBVIOUSLY,
      WALANG COORDINATION MAG PA TUPAD NG ORDINANCE....

    • @user-fo8fi9tl5n
      @user-fo8fi9tl5n Před 28 dny

      Pakitang tao lang e 😂😂 alam nyang walang pupunta sa kanila kase sobrang abala pa 😂😂 hindi nalang sila mismo na nandun ang gumawa ng aksyon

  • @raulraul659
    @raulraul659 Před měsícem +30

    anong klaseng mayor ka bakit hinahayaan mo mga ganyang gawain sa lugar mo?

  • @hitokiribattousai7196
    @hitokiribattousai7196 Před měsícem +40

    Unahin nyo huli ang kulukoy na nkalabas pa ang dila na may water guns... Yong water gun nya yong gamitin nyang panlinis ng CR community service.. at dapat kasi mayor gayahin nyo ang ibang bayan na merong venue.. tulad sa isang bayan sa quezon.. sa plaza nila may water disco..

    • @guwop12345
      @guwop12345 Před měsícem

      HINDI NAMAN MASYADO GRABE YUNG NAGAWA NI BOY DILA NAKAKAINIS LANG TALAGA YUNG MUKHA PERO YUNG IBA ANG MAS GRABE GINAWA YUNG MGA UMAAKYAT SA MGA KOTSE SI BOY DILA NAMAN MALIIT NA WATER GUN LANG

    • @knives2123
      @knives2123 Před měsícem +4

      Ung sakin gusto ko unahin makasuhan ung nanapak ng dalwang beses sa angkas rider .mukang di basaan hanap eh basagan

    • @jeanlorilla8168
      @jeanlorilla8168 Před 29 dny +1

      Mga nanapok ng rider .. pakisama po

    • @guwop12345
      @guwop12345 Před 29 dny

      @@jeanlorilla8168 ganda mo po i love u

    • @vanseekers7956
      @vanseekers7956 Před 29 dny

      Eh Wala eh Yung mayor nila Hindi tulad ni isko Moreno at vico sotto na maaasahan ng nasasakupan nila eh yang mayor nila puro salita lang ata eh

  • @kantharos1
    @kantharos1 Před měsícem +29

    Mayor, baka pwede tulungan ninyong mapalitan ang biktima na nasira ang laptop nya dahil sa perwisyo ng ka-siyudad mo.

    • @jocebuyoc2019
      @jocebuyoc2019 Před 29 dny

      ganon po ba..may laptop na sira na basa po?

    • @cuzuvmcvoy
      @cuzuvmcvoy Před 29 dny +2

      HINDI LANG DAPAT PALITAN AT BAYARAN YAN NG OFFICE OF THE MAYOR....
      DAPAT LAHAT NG PERWISYO NANGYARI SA INYO AY PAG BAYARAN NILA!
      ( ABALA, STRESS, TIME WASTED!)

    • @itsmeeh08217
      @itsmeeh08217 Před 22 dny

      palitan na mayor dyan papogi lang ..ikaw mag file nakita mo naman kabastusan ng toa sa bayan mo

  • @joymelendres5184
    @joymelendres5184 Před měsícem +21

    Kau mga taga san juan..
    Literal nkakaperwisyo kau s mga tao.
    Karamihan n dumadahan dyan papasok s mga trabaho nila.
    Mag aabala pa cila pumunta dyan pra magsapa ng kaso.
    Kau mga nagbigay ng pahintulot s mga tao pra gawin s kanila yan..
    May kasalanan din kau s batas..
    Wag kau magmalinix..

  • @ant_tonethe_car9704
    @ant_tonethe_car9704 Před měsícem +10

    Sino ang fi-filan ng kaso? Paano ia-identify kung sino yung mga namerwisyo? Hindi naman lahat nakunan ng video. Kayo ang dapat makasuhan, administrative case kasi nagpabaya kayong mga opisyal na i-control ang constituents nyo, hindi ninyo naprotektahan ang mga naperwisyo dahil hindi nyo control sa sitwasyon. Alam nyo na na taon-taon ginagawa yan dapat may strict guidelines at inimplement nyo yun, in which you failed to do.😊

    • @mellcabs8017
      @mellcabs8017 Před měsícem

      Marami Pa din Ng Kunan Ng Video Matatandaan Mga Mukha Ng Mga Kupal na Squatting 😊

  • @bENtOWt
    @bENtOWt Před měsícem +8

    inabala niyo na yung tao nung araw na yun, aabalahin niyo pa sa pag file ng kaso. ipatigil niyo nalang yan perwisyo lang dulot niyan.

  • @lncplays7372
    @lncplays7372 Před měsícem +11

    ang simple lng ng gagawin mo mayor, mag takda ka ng venue para dun nyo gawin yan basaan nyo para hnd kayo makaperwisyo

  • @evanheraldez6558
    @evanheraldez6558 Před měsícem +20

    Hinihikayat ko po kayo na barilin agad ung mga perwesyo na yan, para d na ulit maka perwisyo ,ganern dapat

  • @s1ckname
    @s1ckname Před měsícem +3

    Kung may city ordinance naman pala, bakit walang otoridad na sumisita habang nangyayari ang lahat? Malaking negligence para sa LGU. Dapat mabayaran yung mga nasiraan ng gamit.

  • @maxsteel2017
    @maxsteel2017 Před měsícem +13

    Ang dami daming pwedeng gawin festival bakit kasi pag aaksaya pa ng tubig naisip nila. Imagine kung empleyado ka tapos papasok ka sa trabaho or may job interview ka tapos babasain ka lang ng mga iskwamy ng sa San Juan talagang mali.

    • @KaikaiDaLittleDog
      @KaikaiDaLittleDog Před měsícem

      Agree .

    • @julyy862
      @julyy862 Před 27 dny

      totoo tapos nag aaksaya pa ng tubig? eh diba may mga balita dyan sa manila dati na nagkukulang sa tubig? gamitin na lang sa maayos wag yang paaksaya imagine ilang naaksayang tubig imbis nakatulong

  • @StolichCoronado
    @StolichCoronado Před měsícem +10

    ang labo makag file ng formal complaint kasi during festival madaming nambabasa at hindi maitukoy kung sino sino ang mga tao ang nag tapon ng tubig. It is also hussle on the part of the complainant. Furthermore, it will clog the courts with more small cases which is highly discouraged. I think the best solution to avoid all these is to stop the wattah wattah festival. With all due respect, the tradition has meaning. However, at the expense of what? people getting harassed and properties being damaged?

    • @mellcabs8017
      @mellcabs8017 Před měsícem

      May Mga Video Po Pwede Mahanap Yung Mga Kupal na Squatting

    • @julyy862
      @julyy862 Před 27 dny

      ​@@mellcabs8017hindi lahat sira na yung phone ng iba

  • @user-hx2dd7jn7b
    @user-hx2dd7jn7b Před měsícem +15

    Mayor Hindi nmn masamang ipagdiwang ang Tradisyon pero Ang masama ay kung sobra ng perwisyo at abala Ang nagagawa ng festival dahil naaabuso na Ang karapatan ng maraming Tao ..

  • @markuks
    @markuks Před měsícem +21

    Kailangan bayaran LGU ang mga nabasang laptop, cellphone, mga nasirang mga kotse.

    • @marksantos8085
      @marksantos8085 Před měsícem +1

      ASA pa kung babayaran nila Yan kita mo naglabasa lng ng batas Kaso walang mahuhuli 😅😅😅😅😅

    • @jocebuyoc2019
      @jocebuyoc2019 Před 29 dny

      @@marksantos8085kaya nga po..sila ay dapat kumilos din iutos nya sa Brgy.Capt.mga kagawad or labas sya ng ordinansa baguhin sistema nial ganyan perwisyo

    • @christopherparrenas4314
      @christopherparrenas4314 Před 29 dny +1

      gang salita lang yan sila

    • @jocebuyoc2019
      @jocebuyoc2019 Před 29 dny

      @@christopherparrenas4314 kaya nga po.. sana mn lng wake up call na po nila yan..kawawa mga na perwisyo..hindi nmn kc cla nasa lugar ng pinerwisyo nila kaya hindi nila maramdaman kung gano ka bwisit ginagawa ng mga tao nya

  • @cdg8101
    @cdg8101 Před měsícem +34

    Dapat kayo po ang kasuhan mayor. Dapat kayo din ang mag bayad ng mga nasira. Dahil pagkukulang mo yan as a leader. Dahil lugar mo yan.

    • @ashmacarampat8770
      @ashmacarampat8770 Před 29 dny

      Fiesta po kaya walang mali... Ang mali ang mga taga san juan kasi sumubra na sila sa limit at hinde na sila na kakatuwa dahil naka porwesyo sila... Hinde pide isisi sa mayor yan... Hinde porket kasalanan ng isa kasalanan ng lahat

    • @julyy862
      @julyy862 Před 27 dny

      ​@@ashmacarampat8770eh paano mapapanagutan? para mas maging matinding aral kasuhan yung LGU impossible na hindi nila agad napansin yung ganoon akto? pagkukulang nila kaya ganyan mga tao sa kanila kasi mahina magdisiplina LGU nila tsk tsk kulang ng disiplina nakakadismaya

    • @julyy862
      @julyy862 Před 27 dny

      ​@@ashmacarampat8770hindi ka kasi naperwisyo kaya ganyan ka magsalita
      kung ganyan po kasi gagawin meron at meron pa rin matitigas na ulo at mamimihasa

    • @scilicet1366
      @scilicet1366 Před 25 dny

      ​@@ashmacarampat8770pwedeng sampahang ng reklamo yang inutil na mayor na yan dahil siya ang nagpahintulot niyang kagaguhang piyesta na yan sa lugar niya.

  • @cdg8101
    @cdg8101 Před měsícem +8

    Yearly na lang yan bakit di niyo ipatigil ang ganyan. Or sana pinag bantay niyo ang mga pulis at barangay. Di na kayo natuto

  • @classzedits
    @classzedits Před 29 dny +1

    LGU ang dapat unang managot po dyan dahil paano po maa-identify ng biktima ang kakasuhan kung buong baranggay ang suspect/s? pangalawa, khit kayo na dapat kumilos at gamitin mga available footages as evidence, ipakita ang mga pictures ng specific suspects to the public, and kapulisan nyo na ang maghanap sa mga to pr maging ehemplo ng batas at mapatawan ng karampatang parusa. marami pupunta sa office ninyo pr magreklamo pero paano nila ituturo ang kakasuhan? edi wala ring magiging aksyon sa laban sa mga dapat managot?

  • @TheLionheart021
    @TheLionheart021 Před měsícem +3

    Wag mag alala, mga taga-San Juan. Next year handa na mga tao na gumanti kung ganyan nakakaloko nakadila pa kayo habang nambabasa ng tubig na di malaman san nyo kinuha.
    Walang iyakan kapag sinagasaan kayo. See you next year. 🎉

    • @julyy862
      @julyy862 Před 27 dny +1

      oo sagasaan na deserve naman hahahahaha

  • @user-td5tk7xu4o
    @user-td5tk7xu4o Před měsícem +6

    Mayor pagreportin mo yung naglabas pa ng dila

    • @andyeugenio80
      @andyeugenio80 Před měsícem

      Adik si Boy Dila,perwisyo din sa Lipunan,kung totoo mga sinabi ni mayor dapat sampolan nya si Boy Dila.anong evidensya pa hahanapin kay boy dila.

  • @markapilipinas6280
    @markapilipinas6280 Před 29 dny +1

    Ang tanong mayor paano mo mahihikayat ang mga biktima sa dami ng mga nakiki basa sa wata wata festival ma Yan sapalagay mo makakapunta ba Yan kung di nya Kilala Yung unang bumasa sa biktima sa dami ng mga nakisaya at nakitrip o bumiktima???

  • @lineee2877
    @lineee2877 Před měsícem +2

    Mayor sana next time magtalaga na lng ng dedicated place kung saan isagawa ung basaan na yan tuwing piyesta. Napakarami po talagang napeperwisyo kahit nung mga nakaraang taon. Ang tatay ko po lalamove rider nakakuha ng delivery at timing na malapit sa San Juan ang paghahatiran. Nabasa ung pagkain na idedeliver nya at sya din po basang basa. Magkano lng ung kikitain sa delivery na un, pero nalugi pa dahil pinabayaran sa knya ung half ng amount ng order. Di na din makain ung order na pagkain at basa na lahat. 😢 Sana matigil na ung ganyan pamemerwisyo tuwing piyesta

  • @josephinelorenzo5204
    @josephinelorenzo5204 Před měsícem +2

    Abala para sa kanila...kayo na lang gumawa ng paraan para matigil na ganyang walang saysay na tradisyon

  • @barawbarawan2699
    @barawbarawan2699 Před měsícem +4

    Yung perwisyo na ginawa nila...di dapat tularan..hagilapin nyo nasa vidio naman kayo na ang magpakulong...

  • @Mr.Paticles
    @Mr.Paticles Před 29 dny

    Yung Mayor po dapat ang kasuhan for Gross Negligence resulting to multiple injuries and damage to property.

  • @bispren_ej28
    @bispren_ej28 Před 28 dny

    May magpupunta ba at aksayahin ang oras nila sa kaso kesa mag trabaho??? Hindi ba magagawan ng paraan na sila ang kumaso pag nangyari ulit ito?

  • @PaulDoSingko
    @PaulDoSingko Před měsícem +2

    Ang laki ng abala ginawa ng mga yan lalo na mga humarang sa kalsada isipin mo first day sa trabaho binasa nila at dokumento dala nabasa kaya hnd nakapasok

  • @naldbayona436
    @naldbayona436 Před měsícem

    Tulongan ninyo nagbigay nalg pera pambayad sa abogado,kasi kasalanan din naman ng city hall yan.Nasa harap na nila pulis dapat inaresto na mga yun.

  • @jesstomagan827
    @jesstomagan827 Před měsícem +1

    Ang tunay na kasiyahan... hindi na nakakaabala... hindi nakakabuwisit!

  • @RenGwapo
    @RenGwapo Před 26 dny

    kawawa naman si Lexter Castro, kitang-kitang sa mga mata niya na napapagod na siya at nahihirapan. Laban laban lang po Lexter, isang mahigpit na yakap po sa leeg hanggang mag violet

  • @EdSantos-dl1cw
    @EdSantos-dl1cw Před 28 dny

    Huwag ng mgpa presscon file the case and arrest the violators

  • @renielognayon2760
    @renielognayon2760 Před měsícem

    Kasuhan daw, seryoso ka ba..sana ipatigil mo na din Yung ganyang activity during fiesta nyo para di na maulit Yung mga nangyare

  • @peterstark4562
    @peterstark4562 Před 24 dny

    I saw a video that even a policeman was disrespected and got sprayed with water multiple times while on duty.

  • @kapaditv3825
    @kapaditv3825 Před měsícem

    Bakit di pb sapat ung mga nakita nyo sa video pano qng sayo lang ung mga naperwisyo aabalahin nyo pa papuntahin Jan Ikaw mayor dapat Ikaw na mismo mag file ng case my video naman

  • @ronniecruz8843
    @ronniecruz8843 Před měsícem

    Mayor....!
    halos po mga dumadaan Jan sa San Juan di nman po Taga Jan.
    Dapat po kayo na MISMO magkaso sa kanila.
    Abala lang sa mga taong naki Daan lang sa Lugar na yan...
    Abala lang po sa kanila yan kayo na MISMO mag kaso po.
    Aabsent mga mga taong binasa sa araw ng fiesta pupunta pa Jan sa city hall para magkaso Buti po Kong sasagotin nyo ang nawalang araw Nila...
    Kayo na po magkaso MAYOR abala nga lang po sa kanila yan ok

  • @jenzahlyrika
    @jenzahlyrika Před měsícem

    KILALA NA ANG SANNJUAN , BILANG PERWESYO NA LUGAR SIMULA PA NOON. WALA NG PINAG BAGO

  • @migsofficial7971
    @migsofficial7971 Před měsícem

    Hindi sabotahe yan talagang ganyan tlga nangyayare kahit dati pa makulit ka din mayor eh. Inuulit ulit nyo lang yung abala na nangyayare tuwing festival nayan. Hindi nyo naman kaya controlin yung sitwasyon. Wag mo antayin nasa susunod may mag trigger happy dyan. Isipin mo pwersahang binubuksan yung sasakyan pag maka tyempo yan ng may baril na ratrat sa dami ng tao tignan natin ilang tao mapatay dyan pag naka tyempo.

  • @dadasuniverse8406
    @dadasuniverse8406 Před měsícem

    At sana kung totoo talagang kakasuhan niyo ang mga mahuhuli niyo. dapat ay ipakita niyo rin on national television. At dapat mapalitan o mabayaran din nila ang mga laptop at cellphone ng mga taong pinerwisyo ng mga constituent mo. At hindi lang community service, dapat makulong din ng 2 or 3 araw. para talagang madala at di na umulit pa..

  • @sonnyvalmores2440
    @sonnyvalmores2440 Před měsícem

    yung laptop na nabasa wotrth 40k pano? yung mobile phone na nabasa? yung important documents na nasira at nabasa?

  • @charlietallo9767
    @charlietallo9767 Před měsícem

    hindi paba sapat yung mga videos na nakita mo mayor ?
    or para mas ok
    punta nalang sila dyan tapos basain namen kayo dyan kasama mga gamit mo

  • @rockynavarro9866
    @rockynavarro9866 Před měsícem

    Paano makakasuhan ang mga Taong nambasa sa dami non matatandaan po ba ng mga taong Naperwisyo yung mga pag mumukha nila?

  • @Reyven0912
    @Reyven0912 Před měsícem

    gawin na sanang illegal ang pagdaraos na ganyan. nakakaperwisyo.

  • @tintination
    @tintination Před měsícem

    Sana pwedeng mag claim sa San Juan LGU yun mga nasiraan ng gamit, like laptop. At pwede din sana mag file ng case para makakuha ng danyos perwisyo para sa mga na perwisyo, na late sa work, bumalik sa bahay at di na nakapasok, nagkasakit, nasaktan etc.

  • @jonelcastro4767
    @jonelcastro4767 Před měsícem

    Yung multa ambagan lang yan ambaba ng parusa. Uulit lang yan mga yan. Dapat gawin jan ni mayor merong lugar lang na pwedeng mag basaan yung sila sila na gusto mag basaan. Wag na mang damay ng ibang tao na nag trAtrabaho at nag nenengosyo.

  • @eduardgarcia9202
    @eduardgarcia9202 Před měsícem

    Magndang gawin mu mayor, with all respect ihinto mu nlng yang fiesta nyung ganyan, walang magndang maidulot yan lalo na sa mga pumapasok sa trabaho,

  • @daddyrye1021
    @daddyrye1021 Před měsícem

    kasuhan na sana kagad ng munisipyo lalo na yung nanakit sa angkas rider

  • @jeorgeganzo5011
    @jeorgeganzo5011 Před měsícem +2

    Ang tanong may nakulong nabah?

  • @erlitoespinajr-yl3ou
    @erlitoespinajr-yl3ou Před měsícem

    panu kong may work ung tao,magfifile ng case,babayaran ba araw ni mayor zamora,perwisyo dinulot ng basaan nayan,ok lang kong cla2 lang,lalo na ung dumidila habang nag spra ng tubig.

  • @erwinbuenaventura3798
    @erwinbuenaventura3798 Před měsícem

    Pag ang isang lungsod ay walang sistema ganyan mangyayari... matagal na reklamo yan..inantay mo pa mag viral at madami maperwisyo bago ka umaksyon dapat naglabas ka ng ordinansa bago pa mag pyesta ..seminar ka sa mga katabi mo na syudad mayor

  • @elvinvelos4885
    @elvinvelos4885 Před měsícem

    Bastos talaga yang festival na yan sa lugar nyo mayor yung mga tao jan mga Bastos nagiging mga dimonyo pag Sapit ng festival na yan ,nabasa n din ako jan nung nakaraang taon papasok ako sa trabaho kya sobrang gigil ko jan.sana hindi k puro salita mayor sana may gawa ka kasuhan nyo yang mga Bastos na mga impakto na yan..

  • @mikeperez1216
    @mikeperez1216 Před měsícem

    hindi sapat ang pag hingi mo ng dispensa boy. mayor ka pa naman pero hindi nyo maimpliment kung ano yung rules na binigay nyo. maraming naperwisyo mga gamit na nasira mga taong mag aapply pero hindi na natuloy. mga documents na nasira mababalik nyo ba yun? isang beses na katuwaan habang buhay na mararamdaman ng taong pinerwisyo nyo. lumalabas lang na mahina ang kapasidad nyong mag patupad ng batas, kung hindi nyo matitigil yang tradisyon nyo. mag aasign kayo ng lugar na walang taong mapeperwisyo...

  • @ianlaurencesangalang6522
    @ianlaurencesangalang6522 Před měsícem +2

    Dapat kayo mismo Ang mahigpit mayor

  • @marksantos8085
    @marksantos8085 Před měsícem

    Magagawa kaya ng mayor na mapanagot Yung mga tao gumawa ng ganun 😅😅😅 dapat ang mayor ang magpakulong sa kanila pano Sila magsasampa kung Hindi nila Kilala Yung mga tao na yun Lalo na Yung mga Bata na sangkot sa gulo 😅😅

  • @johnmarkaustria6417
    @johnmarkaustria6417 Před měsícem +1

    Si mayor dapat ang unang kasohan

  • @johnnest833
    @johnnest833 Před měsícem

    so sino naman po magbabayad nang nasirran nang laptop sa loob ng jeep na binuhusan nila ? thank you nalang po ba yun mayor?

  • @vincecuenca6896
    @vincecuenca6896 Před měsícem

    This should not have happened if you implemented the rules properly by making sure that the police are there. It is better to stop something before it happens instead of having to repair it or deal with its consequences after it has already been done.

  • @jonathanlacro2846
    @jonathanlacro2846 Před měsícem

    Iilan po ba talaga? Pati po ang pang spray ng bumbero kasama? Edi wow po. Thanks

  • @rommelramos8513
    @rommelramos8513 Před měsícem

    Pano mapapalitan yung mga nasira gadgets dahil sa pamamasa? Papalitan ba ng San Juan yung halaga 60k?

  • @martphilmarciano8461
    @martphilmarciano8461 Před měsícem

    Lahat ng bagay may limitasyon ou alam ng lahat na tradisyon yan..sana may designated place kunga saan pwede mambasa... lalo at higit huwag sana sa main road... ngaun ipaalam sa publiko saan lng ung designated place para kung ayaw nila mabasa iiwas sila sa lugar na yun

  • @larabs7095
    @larabs7095 Před 29 dny

    huy Mayor, may mga pulis visibility kayo jan sa basaan natatawa nga lang pag nagreklamo sa kanila, kitang kita nila kung paano nila binabasa mga tao jan

  • @user-bt3cz5fm9u
    @user-bt3cz5fm9u Před měsícem

    May batas na pla bakit hinhayaan nyo pa rin magganyan mga tao ng San Juan, may pulis bakit no ba utos mo mayor, manood lang sila.? Tingin mo ba magaaksaya pa ng time ung naperwisyo nyo? Para mag file pa ng case

  • @JheckjheckPardo
    @JheckjheckPardo Před měsícem

    masyadong mababa ang multa.. hindi madadala c boy dila.. pang bayad nlang s RIT wag n mag kaso.

  • @nickmaming3413
    @nickmaming3413 Před 28 dny

    asan ang mga pulis nyo ng nagdiriwang ang wattah wattah pati raw sila binasa kahit nagsabi na may trabaho sila kabastusan talaga yan ng mga residente nyo

  • @gitaristaonduty6094
    @gitaristaonduty6094 Před měsícem

    Dapat may umiiyak na taga San Juan

  • @milagrosmateo1940
    @milagrosmateo1940 Před měsícem

    Paano po magrereklamo kung di nila alam mga pangalan ng mga taong pumerwisyo sa knila. Ang hirap nman po ata kung videos lang ipapakita ni pangalan wala po. Dapat po si Mayor mag-utos mismo sa sa mga brangay officials kung sinu-sino ang mga taong nasa mga naturang videos. Ang ung mga fines and penalties nila marapat lamang sa mga taong naperwisyo nila ibigay kapalit ng mga nasirang araw nila sa trabaho. Yung po opinion ko. Salamat po. God bless.

  • @rholdanjavier4026
    @rholdanjavier4026 Před měsícem

    sa susunod na taon magbaon kayo ng isang bag na bato at kapag binasa kyo pagbabatuhin nyo nakapanginginig ng laman

  • @OMANIGNAT15
    @OMANIGNAT15 Před měsícem +2

    Dapat kayo kayo lang magkakapitbahay ang mag basaan laking perwisyo nyo sa mga nag hahanapbuhay na Hindi nakapasok dahil nabasa Ng dahil sa walang kwentang tradisyon

  • @mikesnowleopard
    @mikesnowleopard Před měsícem

    reminder po. wala pong mambabasa if walang nag allow sa fiesta na yan. ganun ka simple yun.

  • @ariasmarlon3947
    @ariasmarlon3947 Před měsícem

    Pwede nman kayo magbasaan kyo na taga san juan ndi ung mga napadaan lang sa lugar pilitin nyo pang basain dapat my limitasyon kayo maging masaya lang kyo khit alam nyo na malaking perwisyo na ginagawa nyo patloy pa rin kyo...ang fiesta nyo para lang sa mamamayan ng san juan kaya dapat kayo na lang magbasaan...

  • @jeromeboom8717
    @jeromeboom8717 Před 26 dny

    Kitang kita nnmn kseng mali ginagwa, bakit inantay pa na marami muna mag reklamo? anu ginagawa ng Barangay jan? db nakita tawa lng den? tapos ngayon my roll out c mayor, kanya kanya papel n nmn. Hindi nmn ito isang beses lng nangyari, last year ganyan din ugali ng mga tao jan sa San Juan, pero ayon na ulet n nmn. Kung hindi kaya i control ang mga mamayaman, aba parang may mali ata?

  • @romeomercado6436
    @romeomercado6436 Před 29 dny

    Kung mag file man yan Wala rin mapala dahil abala lang dapat danyos perwisyo na 50 k ibigay sa biktima

  • @rskbr3aker
    @rskbr3aker Před měsícem

    Payo lng mayor mas mabuti cguro n nxtyear ipagbawal mo n ung basaan sa mga main road at gawin nlang mga mga basaan s loob ng mga streets pra iwas perwisyo at gulo d b... Karamihan kc ng dumadaan s mga main roads ay hindi nman mkiki fiesta sa inyo, karamihan s knila ay papasok s school at work... Hindi nman maganda ung taon taon k nlang mag sosorry mayor...😐

  • @johnnest833
    @johnnest833 Před měsícem

    alam mo mayor if ano dapat m9ng gawin para d na maulit yan? stop that kind of nonsense festival.. Tapos!

  • @Foxy-md4sx
    @Foxy-md4sx Před měsícem

    The damage has been done, alam mo nmn taon taon ganyan trabaho ng mga squatter jan mambasa pag piyesta d mo inorganize ng maigi para may peace and order . Nakakadismaya ka po..

  • @user-en2gj1fy8c
    @user-en2gj1fy8c Před měsícem

    Implement nyo ng mabuti na hindi nakaka pweryesyo sa iba, ilagay nyo sa isang area na spacious at doon mag celebrate, additional po dapat may re-routing kayo para d ma pweryesyo ung dumadaan.

  • @sherwinsison6896
    @sherwinsison6896 Před měsícem

    Okay po yan Sir.Mga nambasa at yung isa pang nangbatok sa isang rider...Kasuhan nyo po sila.

  • @dennis12dec
    @dennis12dec Před měsícem

    Dapat lang TOTAL BAN, hindi na nakakatuwa iyang ginagawa ninyo kayong mga taga San Juan.

  • @STNNKIDZ
    @STNNKIDZ Před měsícem

    Magdemanda abala pa yan kung may batas pa lang nakalatag bakit di sinusunod ng mga nasasakupan nyo🤔

  • @albertbondoc8940
    @albertbondoc8940 Před měsícem

    😢😢😢Nakakaawa yung mga tao na perwisyo at nasira yung mg gamit at nasabuyan ng acido at kubg ano ano pa.. Kita na sa news ang mga yn kaya di na dpt maghanp ma magrereklamo kasi pwede makilala yan ng barangy mismo..

  • @harveyreyes9281
    @harveyreyes9281 Před 29 dny

    Wala nman mangyayare sa kaso mayor..hinde nyo nga maiharap yung mga nang gulo

  • @vincentagustin3939
    @vincentagustin3939 Před měsícem

    Medyo mahina ulo ni mayor. Dapat may lugar yang ganyan na tradition.

  • @stephen9280
    @stephen9280 Před 28 dny

    Mga Politician talaga, pag naging viral na chaka mag tratrabaho. Matagal nayang San Juan festival, talagang nag babasaan dyan way back pa, nag O.A lang kayo dahel nag viviral kayo ngayun. Walang nasira sa image ng San Juan, and dapat nyo sisihin yung mfa sarili nyo sa LGU, dahel kayo mismo hindi prepared mga barangay nyo, sa araw araw kongmpag daan dyan at nung festival ni wala kayong mga taga barangay na nag babantay.

  • @ericranierabesamis4316

    The best mayor any city or municiality could have. Congrats! 😂😅😅

  • @KhateFerrer-rr3di
    @KhateFerrer-rr3di Před 29 dny

    Kunsintidor na mayor ,kung hindi yan nag trending wala kayong aksyon na gagawin,

  • @roniedonio9519
    @roniedonio9519 Před měsícem

    Kung nd mo kaya disiplinahin mga nasakupan mo..resign kana mayor... Para saan pa at anjan ka nd mo naman pala kaya🤔

  • @nervinamj8369
    @nervinamj8369 Před měsícem

    Bakit po Kasi Hindi Muna pinaalalahanan ang mga kabataan kund ano ang bawal na Gawin during fiesta..

  • @franklinrobles572
    @franklinrobles572 Před měsícem

    HINDI NA SANA UMABOT SA GANYAN KUNG SA UNA PA LANG NAGING RESPONSABLE KAYO PREVENTION IS BETTER THAN CURE NGA .. CORNI AMPP

  • @simplyralph
    @simplyralph Před měsícem

    Dapat pinagsabihan nyo para hindi ma ulit ang damage na ginagawa nila.. Ang sakit makita na yung mga taong nagtatrabaho at nag aaral pumapasok at dumadaan plus ginugulo pa nila at binabasa pa plus nasira talaga ang mga gadgets at mag uniforme pa.. 😢😢😢😢

  • @reynardlosaynon1063
    @reynardlosaynon1063 Před měsícem

    Sino uubos ng oras para kasuhan ng ordinaryong mamayam yan, tamad lang sila mismo ang kumilos kilala ba nila sino nambasa sa lugar na yon😂

  • @cheomic2447
    @cheomic2447 Před měsícem

    Pinalipas pa ng ilang araw saka nagsorry.. bakit? Dba nya alam ang nangyayari sa lungsod nya during celebration? Maiiwasan ang nangyari kung mismo sa araw na yon inaksyonan na niya agad

  • @Mc19742
    @Mc19742 Před 28 dny

    Wag nu n antayin mag file ung mga nperwisyo kz abala yan dahil may hanapbuhay din sapat n ung video kung gugustuhin nu

  • @denzdenz2479
    @denzdenz2479 Před 28 dny

    Kayo po ang kakasuhan dahil di nyo inaayos bago kayo nag sagawa ng event nyo. Hindi yung mag turo kayo dahil sa kakulangan nyo.

  • @travelminded8147
    @travelminded8147 Před měsícem

    then STOP YOUR TRADITIONAL WATER FESTIVAL

  • @jaybaluyot8761
    @jaybaluyot8761 Před 29 dny

    Biktima pa ang gagawa ng aksyon pra lng sa kagaguhan ng mga nsasakupan m.. db dpat kw n ang gumawa nun Mayor? Perwisyo ung gnwa nyu s mga tao... Hnd man lng kc pnagisipan muna bgo nyu ibinalik yan..

  • @lienchan7940
    @lienchan7940 Před měsícem

    Pano po malalaman details nung ganung karaming suspek?

  • @TheKamotechunks
    @TheKamotechunks Před měsícem

    pinerwisyo nyo na nga mga tao tapos sila pa pag kakasuhin nyo? napaka galing ni

  • @jesstomagan827
    @jesstomagan827 Před měsícem

    The least that you can do is to disallow it in the main roads para walang kayong napupwerwisyo lalu na yung mga hindi naman tags-san Juan!

  • @jesstermoreno
    @jesstermoreno Před měsícem

    Hinintay nyo pa na umabot sa ganyan kung pwde naman na higpitan nyo ang fiesta ...buti wala pang namatay

  • @trolololol2541
    @trolololol2541 Před 29 dny

    Dapat kasi may venue kayo di yung sa kalsada kayo mag didiwang ng pista nyo. Sirang sira na yung San Juan dahil sa mga walang modong tao

  • @chingchongchai3793
    @chingchongchai3793 Před měsícem

    Wala pala ito ang mayor na to kitang kita na Niya dami naperwisyo mga kbabayan Niya hinahayaan nalang nila