PRAYER: 3 Mahalagang Aspeto ng Panalangin

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 11. 06. 2024
  • Ano ang panalangin? Bakit nga ba mahalaga ang panalangin at maraming naniniwala na totoo ito at epektibo?
    Marami ang naniniwala at hindi rin naniniwala sa kapangyarihan ng panalangin dahil hindi nila nauunawaan ang mahalagang aspeto na pumapaloob dito.
    Ngunit kung naintindihan natin ang mga ito, magkakaroon ng panibagong buhay, lalim at kapangyarihan ang ating pananalangin.
    Panoorin ang video na ito upang malaman ang 3 mahalagang aspeto ng panalangin na ayon sa sinabi ng Panginoong Hesus sa Mateo 6:6-8.
    ‭Mateo 6:5-8 RTPV05‬/MBB Revised
    [5] “Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. [6] Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. [7] “Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. [8] Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya.
    #prayer
    #christianvlog
    #godsword
    Daystar - Takoyaki
    • ✨샛별 - 타코야끼✨(Royalty Fr...
    BGM President - Pink Ride
    • [행복하고 밝은음악] Pink Ride ...

Komentáře •