'WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL. (Spoken Word Poetry)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 25. 08. 2024
  • 'Wag kang mapagod magmahal.
    Pwede kang mapagod sa tao
    Pero 'wag mong kapaguran ang pagmamahal
    Maaaring hindi nya napupunan ang mga bagay na gusto mo
    Maaaring hindi na siya ang dating nakilala mong tao
    Maaaring hindi niya nakikita ang mga bagay na naiisip mo
    Ngunit hindi dahilan ito ng pagsuko
    Hindi dahilan ito para tuluyang kumawala sa nabuo niyong mundo
    Maaari kang magpahinga
    Kung kinakailangan mong pumiglas ay pumiglas ka muna
    Kung kinakailangan mong sandaling bumitaw ay bumitaw ka
    Kung kailangan mong magpahinga
    Maglayag, maglakbay
    Ngunit siguraduhin babalik ka sa iyong daungan
    Dahil nagmamasid siya sa iyong pagbabalik
    Maaaring hinahayaan ka nyang lumayo at makipagkaibigan sa pampang
    Makipaglaro sa alon ng dagat
    Habang siya ang nagdarasal ng iyong kaligtasan
    'Wag mo isiping hindi ka niya pinagmamasdan
    'Wag mo isiping na ikaw ay hinahayaan
    Binibigay niya lang sa'yo ang kailangan mong espasyo
    Para sa iyong pagbalik ay maluwag na ulit ang mundo
    Hindi ka na masisikipan
    Hindi ka na masasakal
    At sa pagkakataong ito ay lalo mong makikilala ang pagmamahal
    Na sa saglit na minuto ng iyong pagkawala
    ay hindi mo pa rin kaya na siya ay mawala
    Hindi siya perpekto
    Ngunit alam kong hinahanap mo sa kanya ang mga bagay na magpapanatili sa'yo
    Mga simpleng bagay na parang nakakalimutan na nito
    Ang kamustahin ka, ang oras na dapat ay ibinahagi niya
    Dahil katulad ng Buwan ay kailangan mo ang mga tala
    Sa madilim na parte ng iyong kalawakan ay kailangan mo ang kanyang presensya
    At nang minsan mong hindi ito nakuha
    ay parang unti-unti mong nararamdaman na bawas na iyong ang halaga
    Kaya maaari kang mapagod sa tao
    Naiitindihan kita
    Ngunit gusto kong ipaalala sa'yo
    Na hindi ibig sabihin nito ay wala na ang pag-ibig mo
    Paulit-ulit ka lang nabigo sa mga bagay na gusto mong ibigay niya sa'yo
    At hindi ito sapat na dahilan para isipin mong hindi na siya ang tamang tao
    Uuwi ka pa rin sa kaniya
    Kahit ilang ulit mo sabihin sa sarili mong pagod na pagod ka na
    Sapagkat ang totoo ay siya mismo ang pahinga mo.
    Kaya 'wag kang mapagod magmahal,
    Sinusubok ka lang ng pagsuko.
    'Wag kang magpatalo sa binabato niyang bigat sa'yo,
    Sumigaw ka, humingi ka ng saklolo
    Dahil ang pakiramdam ng pagkakulong ay hindi natin gusto
    Makikinig ang iba kung kailangan mong ibulong ang nararamdaman mo sakanila
    Hindi ka mag-isa, pinipili mo lang talaga ang mapag-isa
    At kapag sapat na sa'yo ang pagpili mo sa "ako"
    Ay bumalik ka na muli sa tinalikuran mong "tayo"
    Sigurado ako, nag-aabang na siya sa'yo,
    At para sa'yo,
    Sana ay naririnig mo ito.
    Sana ay sabay niyong itayo ang tahanan niyong paguho.
    At kumapit kayo sa pangako, na kayo pa rin hanggang dulo.
    Dahil kung wala na siyang dahilan para piliin ang tulad mo
    Ay pipiliin nalang niya ang pagmamahal niya sa'yo.
    --
    Be part of the Bevies:
    FACEBOOK GROUP:
    / 1193579847441628
    USAP TAYO, BISITAHIN MO 'KO DITO:
    FACEBOOK PAGE: / bcumla
    TWITTER: / beverly_cumla
    INSTAGRAM: @beverlycumla
    SUNDAN ANG ATING PAMILYA.
    / @officialbevies
    PARA SA MGA USAPANG TRABAHO:
    beverly.cumla@gmail.com -
    -
    #BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Komentáře • 206

  • @beverlycumla
    @beverlycumla  Před 4 lety +169

    I’m not okay guys, pero tulad ng sinabi ko sa twitter, it’s okay. Kakapasok lang ng buwan at marami pa tayong haharapin. Laban lang :)

    • @stephaniecalimbo3699
      @stephaniecalimbo3699 Před 4 lety +1

      Yesss, sana po ay araw araw na po ang pag labas ng tula🥰grabee wala ka po talagang katulad, sa bawat salita ay tagos sa bawat puso ng bawat isa👏👏 mga problema, ay isa lamang hakbang para sa tagumpay ng bawat isa, stayy positive saating lahat🥰💕thanks po ate bevs for new lesson, lov u po, abang po ulit kami bukas🥰🤗

    • @graceyyou7405
      @graceyyou7405 Před 4 lety

      salamat... 😊

    • @daredevil2139
      @daredevil2139 Před 4 lety +2

      D pako nagkakajowa pero gagawin ko tong aral pra kapag dumating na sya ay hindi din ako susuko sa kanya ☺️ kahit mapagod ako , magpapahinga lng pero d susuko

    • @lancekristoffmatondo3763
      @lancekristoffmatondo3763 Před 4 lety

      its good to not be okay and we support u always gawing inspirasyon ang problema at wag gawing distraksyon.. grabe sobrang relate na relate ako in every videos :

    • @arnolyago7780
      @arnolyago7780 Před 4 lety

      trust the Lord with all your heart may plano si lord kung bakit po inaallow niya na marasan mo lahat ng bagay o pinagdadaan mo po now I'm one of your Fan God Bless hope one day ma meet po kita

  • @ellenmaedagami9450
    @ellenmaedagami9450 Před 4 lety +17

    "Wag kang mapagod mag-mahal, sinusubok ka lang ng pag-suko" 😭😭 Thanks for sharing this piece ate! 🥰

  • @jennyroselegaspi39
    @jennyroselegaspi39 Před 4 lety +9

    'Wag kang mapagod magmahal,
    sinusubok ka lang ng pagsuko.💙
    Yessss naman poooo😍

  • @iloveyoumhineko1841
    @iloveyoumhineko1841 Před 4 lety

    grabeeee.. iyak ako ng iyak... un mata ko walang tigil sa pagtulo ang luha.. lalo na un puso ko.. kng nkakalunod ang pag iyak ng puso baka nalunod na ko..😭😭😭😭

  • @rosejervillanueva9156
    @rosejervillanueva9156 Před 4 lety

    Sa tuwing nasasaktan ako or malungkot nanonood ako ng mga tula mo ate

  • @annyoung20
    @annyoung20 Před 4 lety

    Sobra akong naiyak...ansarap sa puso at utak.....tagos sobraaa... same po tayo im not ok also..m hug po

  • @mhajoebautista5697
    @mhajoebautista5697 Před 4 lety

    sobrang ganda ng mga piece mo ,grave

  • @ChielleBataller
    @ChielleBataller Před 4 lety +34

    pls make a room tour ateeee💗 i badly want to have that kind of room

  • @joybawanan2540
    @joybawanan2540 Před 4 lety

    Her eyes omo. Damang dama ko ang sinasabi niya kahit na di ko pa nasusubukan mahulog sa isang tao.

  • @rosspeserato5241
    @rosspeserato5241 Před 3 lety

    Daghan sulti tula akng gipaminaw

  • @kianlee2013
    @kianlee2013 Před 3 lety

    Ang ganda po ng tula mo

  • @princessmabzbaldemeca8514

    tagos sa puso

  • @xciiituan3195
    @xciiituan3195 Před 4 lety

    Mapapamura kana lang dahil tagos lahat. Hahahaha ang galingggg

  • @jaymarvlogs5825
    @jaymarvlogs5825 Před 4 lety

    Relate na relate ako ate. Ganda zz

  • @honeylynrebeta3546
    @honeylynrebeta3546 Před 4 lety

    Isa sa mga sumusubaybay sa mga spoken mo hehehe meron din ako kaso mashado akong mahiyain sa harap ng maraming tao puro negatibo agad ang nasaisip ko hehehe idol talaga kita ate bevss

  • @anjoencontro3663
    @anjoencontro3663 Před 4 lety +9

    Nice piece!
    Sa bawat pagod, pwd tayong mgpahinga.

    • @josephinemacaday7203
      @josephinemacaday7203 Před 4 lety

      Sad naman poh

    • @anjoencontro3663
      @anjoencontro3663 Před 4 lety

      @@josephinemacaday7203 , okay lng 'yan, pagkatapos magpahinga.., babangon at tuloy sa laban ng buhay... gnun talaga eh, 😁

  • @aljunjimenez6030
    @aljunjimenez6030 Před 4 lety

    Wow ...Galing po.😍

  • @regineferrermaniobra1539

    Ang ganda naman 😍

  • @mykakimbanaag9810
    @mykakimbanaag9810 Před 3 lety

    Ikaw dahilan kaya nagsusulat ulit ako ate bevs

  • @sxzai1709
    @sxzai1709 Před 4 lety

    Omg! Sakeett

  • @gmr1007
    @gmr1007 Před 3 lety

    Ouch tagos talaga😥

  • @rachielacampillanos5816

    Sana all pinili

  • @BiyaheniDoy
    @BiyaheniDoy Před 3 lety

    galing niyo nman maam!

  • @oppamike2630
    @oppamike2630 Před 3 lety

    Ramdam na Ramdam .. Nluluha ako.. Nakalimang Replay ata ako.. Sobrang relate.. 1 week cool-off sa Single Mom.. Cuz Napapagod na daw sya lalo na sa mga bagay2x na nngyyaari sa paligid nya , and i dnt know namimiss nya daw yung walng kumonkontrol sa kanya yung tipong walang iniisip n lalaki sa buhay nya. 😓 but im still here waiting for her patuloy lnag ang laban .. I Miss Her so much... Sana kami pa sa pagbbaalik nya 🥺😥

  • @ysel2449
    @ysel2449 Před 4 lety

    Nagsusulat ako pag nasasaktan ako or inspire , at isa po kyo sa inspiration ko

  • @Sayaddetailz
    @Sayaddetailz Před 4 lety

    TARA TAU NAMAN

  • @cincoglayza2567
    @cincoglayza2567 Před 4 lety +1

    super duper galing nyo po talaga ate bevs😍😍

  • @adrian.zayniel08
    @adrian.zayniel08 Před 3 lety

    "Wag kang mapagod magmahal, sinusubok ka lang ng pagsuko" ang ganda nito ate bevs grabee solid:'((((

  • @robieangonzales971
    @robieangonzales971 Před 4 lety

    Thanks for this piece very nice po nkakaiyak po talaga
    Ingat po lage... :)

  • @markdelacuesta5593
    @markdelacuesta5593 Před 4 lety

    Haha dama ko yon

  • @geelopez4471
    @geelopez4471 Před 4 lety

    Hi ate. Galing mo po.. tagos sa puso.. i know whatever your struggles are you malalagpasan mo yan. I hope na mamentoran mo po ako. Maraming salamat. Godbless

  • @emilfontanilla470
    @emilfontanilla470 Před 4 lety +1

    Nakaka inspire po talaga mga tula mo po ate keep it up po alam ko hind po ikaw, kayo hayayaan nang Lord :D

  • @rhemrhemzhuerte5640
    @rhemrhemzhuerte5640 Před 4 lety

    grabe naluha aq....galing galing tlga 👏👏👏💙😊😊😊

  • @mayakasan5533
    @mayakasan5533 Před 4 lety

    Sobrang tagos lahat ng salita!

  • @joannajoyceredon16
    @joannajoyceredon16 Před 4 lety

    Ang sakit😭..relate much.. Ang hirap kayang mapagod tapos lumalaban pa pero yung tao na nilalaban mo ayaw na

  • @ashleymalit9216
    @ashleymalit9216 Před 4 lety

    Parang bato na tumama sakin yung mga lines mo. Salamat sa pagpapaalala ❤️

  • @MacalinaoTv
    @MacalinaoTv Před 4 lety

    Wag mapagod magmahal dahil eto lang ang nagbibigay ng kulay sa buhay, Wag mapagod magmahal dahil buhay ay puno ng kulay.

  • @zhiengkayrapal3422
    @zhiengkayrapal3422 Před 4 lety

    Thank po ate ikaw yung nadahilan kung bakit ako nag susulat ng tula 😘

  • @catherinecardino5357
    @catherinecardino5357 Před 4 lety

    Kakaiyak nmn😔😔

  • @caraguban6289
    @caraguban6289 Před 4 lety +1

    "ang totoo siya mismo ang pahinga mo"
    😭😭😭saket naman tehh

  • @jj_mr.acosta
    @jj_mr.acosta Před 4 lety

    Di talaga ako nagsisising magSubscribe sau ate bev keep it lng poh pagsubok ng poh yan ni lord...🙏

  • @YanBongares
    @YanBongares Před 4 lety

    Dito ako kumukuha ng inspirasyon, upang makagawa ng isang makabuluhang tula❤️

  • @kianlee2013
    @kianlee2013 Před 3 lety

    Naiyak po ako sa tula mo lalake ko ako oo lalake ako pero naiyak ako sa tula kasi tumagos sa puso ko lahat po yan naranasan ko p yan salamat po sa tula mo

  • @winnamearamalagda9848
    @winnamearamalagda9848 Před 4 lety

    Iyak ako ng iyak habang nakikinig, nakakarelate ako 😭❤ Salamat po ate. 😊 Pangakong hindi ako mapapagod magmahal💖

  • @blessiemacaraig1957
    @blessiemacaraig1957 Před 3 lety +1

    Para sakin talaga, tsmang tsma ako😭😭😭

  • @mgabayawbayaw8888
    @mgabayawbayaw8888 Před 4 lety

    HELLO ATE beverly NKA RELATE ako sa ginwa mo spoken words kc ako subrang pagud na pero never kung bumitaw..

  • @ardnaxela5819
    @ardnaxela5819 Před 4 lety

    Nice👌
    😔💔

  • @echokoenma5611
    @echokoenma5611 Před 4 lety +2

    Kaya 'wag kang mapagod magmahal :)

  • @NicoFornias
    @NicoFornias Před 3 lety

    still watching your videos

  • @franchezkamarie2973
    @franchezkamarie2973 Před 4 lety

    Thank you for this piece ate, grabe sobrang nag hit sa akin 'to. This is so accurate to what has happened to me and my boyfriend. We broke up at exactly 12:13 AM yesterday, April 14, 2020. Siya, may problema sa sarili niya and ako, pinoproblema ko 'yung problema niya. I told him, pakawalan muna namin ang isa't-isa para makapag pahinga kaming dalawa, para makapag isip isip. Napagod ako ng tuluyan, at alam kong gano'n din siya. Pero damn, nung do'n sa part na maaari kang mapagod sa tao pero hindi sa pag-mamahal. I ended up crying. I was telling myself not to, pero wala I can't hold it back. Siya nga talaga ang pahinga ko. Well tbh we both love each other so much, and I can say na pahinga namin ang isa't-isa. Sana, bumalik na siya. Hindi ko pala kaya ng wala siya. Babalik at babalik pa rin pala ako sa mga bisig niya. 😭

  • @maribelgloria759
    @maribelgloria759 Před 4 lety

    2 thumbs up po lage sa mga piece ninyo idol♥♥♥

  • @jasmin8423
    @jasmin8423 Před 4 lety

    Nagsusulat ako ng reviewer habang pinapakinggan koto, Tas nag throwback ang lahat sakin like? Ako ba pinapatamaan neto? Grabe ah ansakit.

  • @gianishappygianishappy
    @gianishappygianishappy Před 4 lety +1

    your eyes completes this video

  • @angeliccdianeee
    @angeliccdianeee Před 4 lety

    Ngayon lang ako magcocomment sa isang youtube video. Seriously, naiyak ako dito. Heartfelt talaga. Salamat. Tuloy lang po. God bless you. 👏🏻

  • @kingmaster2710
    @kingmaster2710 Před 4 lety

    Idol talaga to lalo na sa bakit ka single ngayun kolang nalaman na mya CZcams channel pala.sya😍😍 support ako sayo idol😍

  • @rachelbelican9716
    @rachelbelican9716 Před 4 lety

    jusko ako'y umiiyak.. 😭😭

  • @mariannekrista6156
    @mariannekrista6156 Před 4 lety +1

    Simula pa lang po parang ang lungkot na ng mata mo Ate Bevs

  • @jocelynnaboya2739
    @jocelynnaboya2739 Před 4 lety

    Nice ang ganda po. ❤️💯

  • @iscaspiring2092
    @iscaspiring2092 Před 4 lety

    Ngayon lang nakapag youtube ulit IKAW AGAD ANG HINANAP iloveyou ate BEV♥

  • @graciousrosendo2188
    @graciousrosendo2188 Před 4 lety

    Ang galing niyo po I really love this nakaka relate ako thanks ate I love you 💜💜💜

  • @diari.732
    @diari.732 Před 4 lety +3

    U are my inspiration why i started writing poems :))

  • @jelliemariebonos4845
    @jelliemariebonos4845 Před 4 lety

    Grabeeee ate bevs😢. Sobrang feel na feel ko yung linyang binibitawan mo. Keep on writing poems ate bevs. Nakakainspire talaga 💕 We love you😘

  • @mvkapee
    @mvkapee Před 4 lety +1

    This video just popped in my recommended, We just came from a cool off, and recently just talked and gotten back together again and this poem is like us.

  • @shelosaeminems9026
    @shelosaeminems9026 Před 4 lety

    Saktong sakto sa sitwasyon namin ngayon
    Thank you ate 💝

  • @jenniferilagan8312
    @jenniferilagan8312 Před 4 lety +4

    I feel every words you say💔 and I can relate to everything you said😭

  • @Adriel0102
    @Adriel0102 Před 4 lety

    Omgg Thank youuu ateee relate na relate poo.... supeerr Thank youu sana marami ka papong masulat na tulaaa support lang po akoo thank you God bless

  • @teachjoseph0835
    @teachjoseph0835 Před 4 lety

    Galing mo po talaga👏👏👏

  • @rheamacaraeg3359
    @rheamacaraeg3359 Před 4 lety

    Gaalinggggg 🤗

  • @edmonddiamante7577
    @edmonddiamante7577 Před 4 lety

    nice po

  • @kryptoxx1003
    @kryptoxx1003 Před 4 lety

    Tangina. Di ako palamura pero tangina. Ito yung mga uri ng manunulat na maiinspire ka pero mawawalan ka rin ng bilib sa sarili mo dahil sa kagalingan nila. U earned my sub ate!! Keep writing, keep motivating!

  • @villarojeffrey9347
    @villarojeffrey9347 Před 4 lety

    Tagos sa puso ang tulang ito ate bevs... 😥

  • @josolb1476
    @josolb1476 Před 4 lety +3

    1st! I love ü ate!💖 tysm 4 inspiring us! U da bezzt!💛

  • @girlypain4152
    @girlypain4152 Před 4 lety

    Naiyak ako kasi napaka sakit 😔
    ILoveyou ate ,im very Inspired sa Spoken natu 😥

  • @voneimerendecastro8128

    It's always a matter of choice. Always find a reason to stay.

  • @sethgregorio22
    @sethgregorio22 Před 4 lety +1

    Pwede po gumawa ka din about sa ating Bayan. Kahit anong theme po basta para sa Pilipinas :) please kung kaya po.

  • @graceyyou7405
    @graceyyou7405 Před 4 lety

    sobrang na appreciate ko...☺

  • @noviegrace6075
    @noviegrace6075 Před 4 lety +1

    Arghh!!! Perfect timing ang piece na 'to ate!❤ naiinspire pa ako lalo na pagbutihin ang paggawa ng spoken word poetry dahil sayo ate!❤ i fell in love with spoken word poetry because of you. Hoping na ma iimprove ko pa skills ko in doing this such thing. Thank you ate!❤ always here supporting you ❤ WAG MAPAPAGOD MAGMAHAL! kasi ang unang nagmamahal sa atin ay kailanma'y di napagod sa atin!❤ praying for your good health po. May God Bless You always ate!❤ i love you. Thank you✨

  • @fionamarie6885
    @fionamarie6885 Před 4 lety

    The best jd ka ateeeee eyyyy

  • @abcdsenpai9774
    @abcdsenpai9774 Před rokem

    Hindiii ako kaylanman napagod mahalin ka, pero bakit kinailangan mong humanap ng iba dahil nakukulangan ka?🥺

  • @dyn_ikigai
    @dyn_ikigai Před 4 lety

    Yung mata talaga e💔Parang kahit hindi ako broken hearted nasaktan ako😩Cheer up ate bevs💕We love you

  • @rhenemaeguarnes3607
    @rhenemaeguarnes3607 Před 4 lety

    Hi po ate Isla, sana po kayo nalang po ni kuya Homer😁🥰

  • @jhoannaquino3144
    @jhoannaquino3144 Před 3 lety

    Ang sakit sakit😔💔💔💔

  • @itsmejovy6195
    @itsmejovy6195 Před 4 lety

    It's okay not be okay Ate Bevs :) kaya yan

  • @karenk.z.d894
    @karenk.z.d894 Před 4 lety

    I want to do this like her 😭 sa apat na dingding na ikaw Lang mag-isa.

  • @aimeegracecondicion7381

    The beeesstt ❤️ bakit ngayon ko pang to narinig huhu. Love you Ate bevs💞 . Mga spoken word poetry mo ang pahinga ko habang nag rereview hehehe

  • @GinoongLagablab
    @GinoongLagablab Před 4 lety

    The emotions of the poem and your teary eyes😭😭

  • @moreentr8052
    @moreentr8052 Před 4 lety

    waaaaa!!!!! nakakainis k te!!! 😰 bakit gnun, ramdam n ramdam ko ang pyesa nto?? haaayy... ilang beses kona din snbi s srli ko n pagod nko., pagod at nssktan sa mga pangyyari pero hanggat ngaun ndto pdin ako, patuloy n umaasa n pgdting ng oras mkkita moko gaya ng kung paano kita tntignan 🥺😫😥
    ansakit lang ng vid nto...
    GALING!!! 👌🏼

  • @desarganda2715
    @desarganda2715 Před 4 lety

    Palaging nasa timing talaga eeehh 😭😭😭

  • @sairajoynanez6406
    @sairajoynanez6406 Před 4 lety

    😢😭 Ang ganda po ng piece nyo na 'to.. This is my favorite❤❤❤

  • @marlynfortuna6806
    @marlynfortuna6806 Před 4 lety

    Im crying! Sobrang Boom. 🙁 Thankyou for this! ❤

  • @mycaangelacapilos4717
    @mycaangelacapilos4717 Před 4 lety

    Super encouraging ate.. thankyouuu ❤️

  • @rubydelacruz7921
    @rubydelacruz7921 Před 4 lety

    Relate

  • @marujasambajon4337
    @marujasambajon4337 Před 3 lety

    UYYYY THANK YOUUU❤

  • @MrTitan1000
    @MrTitan1000 Před 4 lety

    👌

  • @unikornyowp4086
    @unikornyowp4086 Před 4 lety

    My number 1 idol. You're my inspiration po. Sana magpatuloy ka po sa pagiging isang makata

  • @expertsoft2023
    @expertsoft2023 Před 4 lety

    Ang lupit nito. 😭

  • @reynenelagos2767
    @reynenelagos2767 Před 4 lety

    huyy!!! 😭😭😭😭😭😭 ansakit! that's what I am experiencing rn 😭😭

  • @jhamicagabriel4881
    @jhamicagabriel4881 Před 2 lety

    Pinipilit kung maging OK kami,pero ayaw kuna talaga,pagod na pagod na ako,at gusto ko namang mahalin muna ung sarili ko

  • @ChielleBataller
    @ChielleBataller Před 4 lety

    ATE BEVS ANG GANDA NG ROOM MOOOOOO WAAAAAH

  • @mamalen8
    @mamalen8 Před 4 lety