Kanlungan - Noel Cabangon (Lyrics) 🎵 | Pana-panahon ang pagkakataon

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 29. 08. 2024
  • 🎧 Kanlungan - Noel Cabangon
    __________
    ►Follow Noel Cabangon:
    Facebook: / noelcabangon...​
    Twitter: / ​
    Instagram: / noelcabangon
    __________
    🎤 Lyrics:
    Pana-panahon ang pagkakataon
    Maibabalik ba ang kahapon?
    Natatandaan mo pa ba
    Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
    Panahon ng kamusmusan
    Sa piling ng mga bulaklak at halaman
    Doon tayong nagsimulang
    Mangarap at tumula
    Natatandaan mo pa ba
    Inukit kong puso sa punong mangga?
    At ang inalay kong gumamela
    Magkahawak-kamay sa dalampasigan
    Malayang tulad ng mga ibon
    Ang gunita ng ating kahapon
    Ang mga puno't halaman
    Ay kabiyak ng ating gunita
    Sa paglipas ng panahon
    Bakit kailangan ding lumisan?
    Pana-panahon ang pagkakataon
    Maibabalik ba ang kahapon?
    Ngayong ikaw ay nagbalik
    At tulad ko rin ang iyong pananabik
    Makita ang dating kanlungan
    Tahanan ng ating tula at pangarap
    Ngayon ay naglaho na
    Saan hahanapin pa?
    Lumilipas ang panahon
    Kabiyak ng ating gunita
    Ang mga puno't halaman
    Bakit kailangang lumisan?
    Pana-panahon ang pagkakataon
    Maibabalik ba ang kahapon?
    Lumilipas ang panahon
    Kabiyak ng ating gunita
    Ang mga puno't halaman
    Bakit kailangang lumisan?
    Pana-panahon ang pagkakataon
    Maibabalik ba ang kahapon?
    __________
    📷 Picture: ​www.pinterest.com​​​
    __________
    👉Demo/Music Submissions:
    📧Contact: cheepeechips@gmail.com
    __________
    Disclaimer: I do not own anything, the audio/track used in this video.
    No copyright infrigement intended. Please support the original artist
    __________
    Feel free to SHARE this video but DO NOT REUPLOAD. Thank you!
    __________
    #Kanlungan #NoelCabangon #OneDotSound

Komentáře • 600

  • @vonallencapulso6553
    @vonallencapulso6553 Před 2 lety +831

    My son favorite song noong nabubuhay pa sya. Ito yong lagi naming kinakanta. He left last March 8, 2022 due to brain aneurysm at the age of 24. He's a smart and lovingly son. He's graduated in college last year. In a few years he wants to be a doctor and a good educator. Napaka sakit sa isang ina na mawalan ng isang anak na super bait. Kaya ito lagi kong sound dito sa bahay to remember and love him always. NOEL CABANGON thank you for this favorite song of my son

    • @elsabeljourney
      @elsabeljourney Před 2 lety +16

      Sorry for the loss of your beloved son. Praying for you 🙏

    • @nolymarjose
      @nolymarjose Před 2 lety +10

      Im sure he is happy now.

    • @user-wk2xe5cm8d
      @user-wk2xe5cm8d Před 2 lety +7

      Condolences po.. nakakalungkot naman..

    • @deilsonteixeira9331
      @deilsonteixeira9331 Před 2 lety +5

      Que o ESPÍRITO SANTO de DEUS conforte seu coração pela perda do seu filho, sei o quanto é difícil perder um filho.

    • @markcabrera6981
      @markcabrera6981 Před 2 lety +3

      love and allways renember

  • @cirilovariasiv2783
    @cirilovariasiv2783 Před 2 lety +210

    Once I hear this song, napapaisip ako, sana pwedeng kausapin yung younger you no, like, kwento mo sa kanya yung mga naging struggles mo, yung mga laban na kinaya mo, yung mga naabot mo, mga naging achievements mo, yung mga bagay na sinasabi mo sa sarili mo nung ganun pa yung edad mo, yung mga bagay na sinasabi na "Balang araw magkakaron din ako ng ganito, ganyan". How I wish I could talk to my younger me and tell him all what I am right now, sasabihin mo sa kanya na, self kinaya ko lahat, nalampasan ko lahat, natupad ko yung promise ko sayo na balang araw magiging proud ka din sakin. I wish I can do all of these.

    • @kenrandelllagmay3050
      @kenrandelllagmay3050 Před rokem +4

      Hindi ka nag iisa❤️

    • @cirilovariasiv2783
      @cirilovariasiv2783 Před rokem +15

      @@kenrandelllagmay3050 unfortunately sir ken, nabigo ako, I stop schooling when my uncle diagnosed that he has a lung cancer, and we need to prioritize his finance, sa ngayon plano nalang ni God ang pinaghahawakan ko. Who knows what tomorrow holds diba? Focus ako ngayon sa pag hahanap ng work.

    • @ednaaspa8283
      @ednaaspa8283 Před rokem +3

      @@cirilovariasiv2783 matutupad din po yun laban lang sa buhay. Nakaya mo before mas kakayanin mo ngayon.

    • @cirilovariasiv2783
      @cirilovariasiv2783 Před rokem +2

      @@ednaaspa8283 salamat po dito Ms Edna

    • @goldwingotgotao3135
      @goldwingotgotao3135 Před rokem +1

      9

  • @jaypeejavier415
    @jaypeejavier415 Před rokem +86

    Ito talaga yung kanta na kapag narinig mo mapapakanta ka nalang sabay tulo ng luha dahil sa ala-ala ng nakaraan. Ang sarap maging batang 90's.

  • @jeckalbaran5694
    @jeckalbaran5694 Před 2 lety +201

    Legit emotional damage. Sarap maging bata ulit ung part na walang iniisip na problema at responsibility ❤️❤️

    • @hermiedelaisla6473
      @hermiedelaisla6473 Před rokem +4

      sulitin nyo yung minuto oras at araw na dumadaan, maalala mo lang yan kapag huli na, very nice song.

    • @jesrillabad625
      @jesrillabad625 Před rokem +2

      Sad but true lahat tayo dadaanan yan .
      Ngayon wala ka ng ibang ggawin
      Ggising ng maaga para pumasok
      Uuwe ng bahay para mag pahinga at kinabukasan laban ulit sa hamon ng buhay

  • @user-nd8zg5hb9s
    @user-nd8zg5hb9s Před rokem +22

    I heard this song when I was 5yr old. Sarap maging bata. Walang iniisip na problema , lamon , laro lang ang iniisip.❤️😩

  • @denkaisieratih6180
    @denkaisieratih6180 Před 2 lety +196

    Tamang emotional throwback lang habang nalulungkot na maalala ang mga dating masasayang ala ala ng kabataan

  • @lilydedios5500
    @lilydedios5500 Před rokem +56

    Nakakamiss maging bata 🥰
    Sa mga kabataan ngayon, wag kayo magmadali tumanda. Dahil dadating yung araw na tatanda kayo, at gugustuhin nyo ulit maging bata.

    • @dannahlyncamantigue5396
      @dannahlyncamantigue5396 Před rokem +1

      Same

    • @mentallyill169
      @mentallyill169 Před rokem +1

      Dati Gustong Gusto ko ng tumanda para maka sabay sa mga tito ko at gumala.... ngayon parang gusto ko ibalik yung panahon na completo kame kasama Tatay nanay ko at mga kapatid ko ngayon may kanya kanya ng pamilya minsan lang din kame mag kita kita Panay GC nalang usapan.. tapos wala na tatay ko hayyss nakikita ko nanay ko nalulungkot dahil wala na si papa tapos yung Sala namin na lagi kame nag bobonding ayoko ng tignan dahil naiiyak ako dahil dati lagi kame mag kakasama sa sala nanonood ngayon ako lang at ang anak ko kakaiyak talag kung pwede lang ibalik ang panahon hayyys

  • @nheng6723
    @nheng6723 Před 3 měsíci +6

    Kapag naririnig ko ito 2024 naiiyak tlga ako lakas maka flashback as in 😢 sarap maging bata grabe masasaktan kalang kapag pinalo ka ng nanay mo or nasugatan kalang sa paglalaro. Kakain kalang at maglalaro in short walang stress sa buhay 😅 80's ako at ngayon anak ko na ang kakwentuhan ko nung memories ko nung bata pa ako . Ngayon 36 na ako nirarayuma at may acid 😮😢

  • @johnmatthewdumelod8236
    @johnmatthewdumelod8236 Před 2 lety +50

    Naluluha ako sa kantang to, Kahit 14 yrs.old lang ako pero marami na rin akong alaala. Tandaan natin, Ang ating buhay ay ang nag iisang kayamanan natin, At ang ating magagandang alaala ay mananatili sa mga mahal natin sa buhay.

  • @MARS-ok4tf
    @MARS-ok4tf Před 2 lety +18

    Kung puwedi lang ibalik Ang kahapon Yung mga panahon na Wala kapang iniisip na mga problema namimiss ko lahat 😭 pero kailangan nating harapin Yung realidad Hindi pang habambuhay na Bata 🥺🥺

  • @darlenecao9085
    @darlenecao9085 Před 2 lety +13

    Nakakalungkot lang at kinain na tayo ng sistema ng gudget Sana talaga may time machine at dun nalang ako sa panahon na walang problema kundi takasan si nanay para makapaglaro at di matulog ng tanghali 😥😥😥

  • @rosepage7259
    @rosepage7259 Před rokem +13

    pag naririnig ko ang kantang ito, gusto ko ng magresign sa trabaho at ienjoy every moments with my loved ones

  • @gedayscooking7840
    @gedayscooking7840 Před 2 lety +26

    Yung panahon na puro saya lamang ang nasa isip. solid 90's

  • @jaysondelfin2705
    @jaysondelfin2705 Před rokem +10

    Being childhood is the best part of my life...sobrang hirap ng buhay punong puno ng stress and responsibilities..Anyway wether we like it or not life must go on🥺🥺

  • @JhonRoyDaculan
    @JhonRoyDaculan Před 6 dny +1

    Naging paborito ko tong kanta dahil kada papakinggan kopo to lagi kong naaalala lahat ng magndang memories naming pamilya na di na mauulit

  • @justsaying7481
    @justsaying7481 Před rokem +8

    90's da best era.. ung wala ka pang iniisip na problema ung di pa uso ang toxic people ung kalma lang ang lahat... Haist sarap balikan ng nakaraan.. 90's baby 🍼🍼🍼

  • @ryumijin08
    @ryumijin08 Před rokem +1

    Nun lumabas ang kanta na to sa commercial ng mcdo. Crew pa kami ng kaibigan ko non sa Mcdo kaya grabe rin impact ng kantang to sakin. Bawat salita lahat talagang angkop satin. Maski yun mga puno at habang nahangin.. Ngayon bibihira na lang makasimoy ng hangin puro trabaho na lang. Nkkamiss sobra. Nkkamiss ang pilipinas. Nkkamiss ang kabataan ko. Ang pamilya ko. 😔 Ibang ibang iba maski yun mga tunog ng yapak ng mga bata sa labas ng bahay pag hapon. Oras ng tulugan sa hapon. Naiinis pa tayo kasi pinipilit tayo patulogin ng nanay natin pero pag nagtatakbohan na mga bata sa labas gigising ka na rin bibili na merienda. Ang simoy ng hangin sa hapon.... hindi pa ganon kainit noon hindi kagaya ngayon na nkakapaso talaga kahit saglit ang araw. Ngayon hinahangad na natin na sana maka idlip man lang 😅. Fighting sa atin lalo sa mga ofw.

  • @talledochristinemae9853
    @talledochristinemae9853 Před rokem +4

    Favorite song to ni mama 10 yrs pa ako ito,ito ang palagi nyang kantahin..😭😭 hanggang sa iniwan nya kami 12 yrs pa ako 😭😭😭 hanggang sa nabalitaan nlang nmn na namatay sya..18 na ako noon at may asawa nah...sa tuwing nag iisa ako ito lng nag papaalala sa akin..ang hirap walang mama..😭😭 walang mapagsabihan sa mga problema..

  • @elizerzaicdugay8409
    @elizerzaicdugay8409 Před 2 lety +38

    Nakakamis Ang mga childhood memories ♥️♥️♥️😇

  • @delacruzdave112
    @delacruzdave112 Před 2 lety +57

    Kung Maranasan ng MO ang buhay walang gadget at Pura laro at kasiyahan mag ulam ng milo bumili ng bangus Na tag pipiso sa tindahan mang inasal Na tag 1 pesos lahat Yan ay Mas masaya at maganda kaysa sa Kung ano ang meron tyo ngayon magulo at puno ng sakin teknolohiyang bumura sa totoong buhay ng isang Bata Na ang hawak ngayon ay CP loptop At tablet wala sinabi Kung pano kame naging Bata noon sa Kung ano ang mga Bata ngayon.

    • @efrentolentino4746
      @efrentolentino4746 Před 2 lety

      Tama k toy

    • @peregrinefalcon54
      @peregrinefalcon54 Před 2 lety

      Oo nga ehh nakakamis talaga noon takbuhan sa gubat at kabundukan tapos hapon na uuwi ng Bahay

    • @gladyscastellote7847
      @gladyscastellote7847 Před 2 lety +1

      Ang saya saya noon kesa ngaun ❤️❤️❤️

    • @jaymeer2467
      @jaymeer2467 Před 2 lety

      Nuon sempleng buhay pero Masaya na kuntento na Kung ano merong huhay

  • @dainiergacula6494
    @dainiergacula6494 Před 2 lety +16

    etong kantang tong nag sa sabi na maikli lang talaga ang buhay,sad but true :((

  • @homelbondad8776
    @homelbondad8776 Před 2 lety +28

    Flashing back my childhood memories.
    Kung pwede lang maka balik sa panahon ng aking pag kabata at kamus musan.

  • @janinedelavina5194
    @janinedelavina5194 Před rokem +6

    Isa ito talaga sa mga paboritong kanta ng mama at papa ko. 💓 Pag naririnig ko to feeling ko katabi ko sila nakikinig. 😪
    Miss ko na kayo mama at papa. Magmahalan lang kayo palagi jan sa heaven.🙏
    Love: nag iisa nyong neng 😪😘

  • @jamilhugo762
    @jamilhugo762 Před 2 lety +61

    when i was 7 years old.. i used to memorize and liked this song.. and now that i am at my twenties I now reminisce my childhood ☺️

    • @lesterbenito5462
      @lesterbenito5462 Před 2 lety

      Nkkkkmkmslakakakakaammakamamammsmsmsmskskskskskskskaksjsjsds. ẞ s kssksksmemes. S

    • @daealiliran6658
      @daealiliran6658 Před 10 měsíci +1

      😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢

  • @tonimendoza8196
    @tonimendoza8196 Před rokem +4

    Hindi man maibabalik un kahapon isang magandang memories ang nakatatak na sa isip natin.Sarap balikan at isipin ang nakaraan.Thanks for the memories.

  • @robbiegarnz7732
    @robbiegarnz7732 Před 2 lety +36

    Such a beautiful song. Can our memories on the winds of yesterday bring yesterday back? More relevant today than ever before!

  • @rasmiahmaute5997
    @rasmiahmaute5997 Před 2 lety +4

    ..Wala ng panahon na kaya pang magbalik 😭!!Kaya gawin lahat para s pamilya ✅...dito lang TAYO magkakapamilya sa mundo.

  • @genjihatori4097
    @genjihatori4097 Před 2 lety +16

    Eto yung nag papaalala ng mga childhood memories ko😊
    Nakakaproud lang

  • @milespasante1753
    @milespasante1753 Před rokem +14

    my friends sang my fav songs last night and this song was literally hits me different. the moment i heard this song as a soundtrack one of the tv commercials when i was still young it actually reminds me of our family house, everything was green, refreshing and unproblematic. this song was made for those people who could claim that this was their childhood song ❤️ still dreaming being a kid. free and memorable.

  • @jhanpaultarobal6513
    @jhanpaultarobal6513 Před měsícem

    Kamiss Po Ang dati pero papunta na Tau sa future habang Meron pang present Masaya ako at naabutan kupa Ang panahon n hnd p uso mga social media Tv at radio lng sapat na batang 2000❤

  • @brotherbro403
    @brotherbro403 Před 5 měsíci +1

    Sana puede ibalik ang nakaraan 😅 Ang bilis ng panahon 😁 pero Ganyan talaga 😢Thank you Lord

  • @johnpaule.2042
    @johnpaule.2042 Před 2 lety +8

    In my 40 now. Surprising that time is fast😇. I surely miss my childhood🥺. It's my time to make good memories for my kids now. It's their time now. Soon they will remember good times too🥺🥰.

  • @josephinelontayao4791
    @josephinelontayao4791 Před rokem +2

    Nakakamiss maging bata Yung Wala ka pang mga broblema laru sa Isang Araw Malaya Kapa sarap balikan🥺

  • @marjosiecaceres8255
    @marjosiecaceres8255 Před 2 lety +5

    Sarap nalang talaga maging bata🥰

  • @geraldhuit8886
    @geraldhuit8886 Před 2 lety +3

    Tamang emote muna 2022 nakakamiss yung panahon na puro kang laro wala pang problema! Kmusta na kaya mga childhood ko noon ? 😥💔

  • @sabrex9628
    @sabrex9628 Před rokem +1

    Kanta na lng tlga ang pinakamalapit sa time machine 😥, miss ko noon araw na wala pang problema,bata ang kaisipan,inosente at ignorante,pure heart kumbaga 🥰

  • @vernareginnec.saplaco5963

    The memories we used to cherish ✨ Ang sarap mag time travel, sana ganun lang kadali ulit mabuhay.

  • @na-eunteez
    @na-eunteez Před 2 lety +41

    Me life in pandemic 2021 listening this song: i remember the day when me and my friends playing outside in our house and fighting and laughing i wish i can stop the time and go back in my past without covid-19😭

  • @gemzrohancanagahan7477
    @gemzrohancanagahan7477 Před rokem +2

    Naiiyak ako nung maalala ko yung kabataan .mga batang 90s ang saya saya nung kabataan .sana maibalik ang kahapon😭😭😭

  • @Steve-Tv7
    @Steve-Tv7 Před 2 lety +1

    Naalala ko grade 3 pa ako nitong kantang to.piru ngayun 32 yrs na ako..subra tagal na nito..sarap ulitin at balikan ang kahapon.na walang mga prublema masaya kahit herap ang buhay piru walang kinatatakotan.at laro lqng nang laro di gaya ngayun.laki nang kaibahan noon at ngayun😔 i miss my life before when i was a child..

  • @donggalo1810
    @donggalo1810 Před 2 lety +4

    Sarap bumalik SA pagkabata kahit Walang pera ,Ang saya parin

  • @hannahjanecantano6828
    @hannahjanecantano6828 Před 3 lety +15

    Naalala ko toloy Ang aking mga kaibigan🙂

  • @rosefairbanks3373
    @rosefairbanks3373 Před 7 měsíci +2

    Fav Ng mister ko kantahin Yan kaya once na naririnig ko sya naiiyak ako, he passed away Dec. 31, 2023. I missed him so much.

  • @allanmacaranas8413
    @allanmacaranas8413 Před 2 lety +5

    I love memories naalala ko tlga yung Bata ako❤️☺️

  • @MELCIS02TV
    @MELCIS02TV Před 2 lety +1

    Sarap bumalik sa pagka bata wala kang ibang iniisip n problema kundi laro lang gngwa mo mag hapon halos manonood k nlang ng mga cartoons sarap pag pinapakinggan ko tong kantang to bumabalik ung mga nakaraan nung akoy bata pa.

  • @jonalynontog1831
    @jonalynontog1831 Před 2 lety +4

    Sounds good 😍 balik ala ala noong mga bata pa kami lalo na ngayon at umuulan pa ❤ nakakamiss sobra😔

  • @euryjohnielpascua6895

    Nakaka Miss Talaga Maging Bata, kaya Hangat Bata Pa Sulitin Na Natin, Dahil Pag Tayo Ay Tumanda Hindi Na Natin Ito Maibabalik Pa, Nakaka Miss Talaga Nakaka Iyak Pag Naaalala Mo Yuny Childhood Days Mo, Yung Tipong Wala Kang Iniisip Na Problema Ang Iniisip Mo Lang Yung responibility, Kaya Now na Naging Binata na ako, Naalala Ko Lahat Ng Childhood Days Ko Kapag Pinapakingan Ko Tong Song Na🥺 (Kanlungan), Thank you For Compose For This Wonderful song,❣️

  • @richUkenji
    @richUkenji Před 2 lety +1

    Sarap bumalik sa pagkabata susulitin ko ung panahon na Kasama ko ang mama ko at kinakanta nmin ang kantang to.😭

  • @marklean4288
    @marklean4288 Před 2 lety +3

    Ang sarap balikan yung mga ala ala mong naging alala na lang, n miss ko Lola ko s kantang ito.

  • @clarkjohn4614
    @clarkjohn4614 Před 2 lety +2

    napaka.Layo nnatin sa dati. kahit mismong sariLi mo. nakka.Lungkot Lang kasi bukod sa LumiLipas ang panahon ang dami narin nawaLang tao lalo na mga friends and relatives.

  • @jamalodinmamao8837
    @jamalodinmamao8837 Před 2 lety +1

    Nakakamis yung mga time na wala kapang pinoproblema sa buhay puro laro lang .huhu. proud 90's .

  • @rosepage7259
    @rosepage7259 Před rokem +2

    sobrang ganda talaga ng kantang ito, dadalhin ka sa nakaraan ❤

  • @arhadaharib4208
    @arhadaharib4208 Před rokem +1

    Hinanap ko talaga ang kantang ito, kanlungan pala ang title, Naaalala ko kc lagi ang mama ko🥺 she past away March 15, 2023. At this moment, nkikinig ako sa kantang ito while typing this at the same time maluha na ako kc sobra as in sobra ko nang miss ang aking inah 🥺😢 every now and then I remember her 💔💔🥺 She past away because of stroke and other complications, kc diabetic din siya. Wala ng mas sasakit sa sakit na mawalan ng inah💔😢🥺 we had lots of bonds and yun memories nalang nya ang tangi meron nalang siya ngayon sa akin 🥺 kaya ikw while anjan pa mama mo bgyan mo siya ng oras palagi at pahalagahan❤

  • @misskalunay
    @misskalunay Před 2 lety +1

    I miss the old days haiissst ung karanasan simula nagkaisip aq.,masaya't malungkot ksi nawala mga magulang ko ng maaga ,nranasan nming tumayo sa sarili nming paa ng murang edad😢

  • @marinaldbildan4645
    @marinaldbildan4645 Před rokem

    kapag naririnig ko ang awting ito naaalala ko ung kabataan ko pakiramdam ko bumabalik ung panahon na ako nakikipag tumbang preso shatong at taguan😂sarap alalahanin ung mga panahon na un sobrang saya😁😁..lalo kpag nsa bukid manghuli ng talangka salagubang umakyat sa punong bayabas😁😁kaway sa nakaranas nito mga kaibigan

  • @sarahmejares2238
    @sarahmejares2238 Před 9 měsíci

    Everytime na marinig ko to naalala ko Ang panahon noon Kaysa ngayon.. pag kabilogan ng buwan nasa Gita kami ng kalsada ng lalaro ng patinero mag pipinsan pag walang ilaw mag sisiga kami sa gilid ng kalsada para maliwanag.. daming magagandang memories ng kabataan na Dina peding balikan 😢.. miss does days

  • @marcozipagan7497
    @marcozipagan7497 Před 2 lety +25

    Tula ng Pag-ibig
    Sa bayang malaya,
    Tayo ay maging masaya,
    Ang kanlungan ay maligaya,
    Ang bawat isa ay mapayapa!
    Ang bulaklak ng Waling-waling,
    Tila magiging magiting,
    Mabango ang hinihiling,
    Sa lambing ng pag-ibig!
    Tulad ng Manggang hinog,
    Kay tamis ng pag-inog,
    Masigla ang magandang tanawin,
    Masarap tumikim ng Sampalok!
    Kapag ako ay makisig,
    Ang binibini ay marilag,
    Napakatanging pag-ibig,
    Habambuhay ay walanghanggan!
    Kapag ako ay nasa duyan,
    Masaya ang naglalambingan,
    Sa ngiti ay nagagandahan,
    Upang maging masisilayan!
    Ang puso natin ay nagmahal,
    Walang humpay & kamatayan,
    Pana-panahon ay magalang,
    Magandang isip ay binabalikan!
    Tayo ay umibig ng malambing,
    Ang tugtuging-kasangkapan ko ay Ilik,
    Si Binibining Saya-saya ay marikit,
    Kahit umiibig sa akin!
    Tumugtog ako sa Palak,
    Ang Uliw ay naghahalakhak,
    Ito naman ay Pangkat-kawayan,
    Ang Tiglaw & Alugtog naman ay nasiyahan!
    Ang pag-ibig ay nagdiriwang,
    Sa bawat ngiti ay nagagalak,
    Walang maralita ang lahat,
    Magaling mapayapa ang buhay!

  • @aljohncobarubias1090
    @aljohncobarubias1090 Před 2 lety

    Salamat sa kanta mo sir Noel cabangon.. sobrang sarap pakingan.. tuwing nririnig ko to laging bumabalik Yung masasayang panahon na naging Bata kami.. nandun narin Yung lungkot dahil di na mababalikan pa Ang masasayang panahon na Yun.. pero ganun talaga Ang buhay lahat Ng bagay lumilipas.. salamat po.

  • @vienesninatrana9850
    @vienesninatrana9850 Před 9 měsíci +1

    Ang ganda nang songs nakakaiyak habang nakikinig dahil begla lang akong naiisip nong bata pa ako..ang ganda talagang balikan yung nakaraan 😢❤ I like it this songs❤😢😢

  • @user-jq2wl2yq3s
    @user-jq2wl2yq3s Před 4 měsíci

    kapag ito ang naririnig ko bumabalik sakin yung panahong bata pa ko 😊 walang problema walang stress. batang 90's is waving 👋

  • @sigridpablo5424
    @sigridpablo5424 Před 4 měsíci

    This is my favorite song , sa tuwing naririnig ko to hindi ko maiwasang umiyak i have this inner child of me na i really miss, bilis ng panahon daming nangyayare , parang kailan lang ang pagiging bata, ngaun ang laki na ng responsibilidad na kailangang matapos at matupad 😢 haaaaay buhaaaaay...

  • @skjbeealberca781
    @skjbeealberca781 Před 2 lety +1

    masgusto kopang ibalig sadating nakaraan kesa ngayon puno ng pag hihirap oo noon ang hirap ng buhay noon pero lahat ng bilihin mura lang kahit tumanda man ako hinding hindi koto makakalimutang kantang ito

  • @euphoria4966
    @euphoria4966 Před rokem

    Nakaka miss lalo yung lugar namin pag naririnig ko ‘to. 30+ years kaming nanirahan dun pero nawala na lang sa isang iglap. Yung bahay na pinagpaguran ng buong pamilya at yung lupang may mga tanim na sana..mga bungang kahoy na hitik sa bunga. Inanod lang lahat ng baha.. nakakapanglumo!😭 Kung pwede lang sana ibalik ang kahapon.

  • @johnconstantino9567
    @johnconstantino9567 Před 2 lety +1

    Ang sarap maging bata naalala ko ung tipong maglalaro lng ang iisipin ko at kasama mo pa buong fam mo nakakamis talsga wala pang problema nuon

  • @denomoulaytiglao2116
    @denomoulaytiglao2116 Před 2 lety +7

    This song strikes me much... with heart ache but at some point the pain is like you want to bring the memories back in the past particularly when I was young... and trying to stay there... but cannot 😔

  • @MarvinStaana-mq9ss
    @MarvinStaana-mq9ss Před rokem

    eto tlga ung kantang hinding hindi luluma everytime time na pinapatugtog ko ito lagi na alng ako naiiyak kasi itong kantang to kasabay nung bata pa ako hanggang ngayun 30 years old na ako salamat sa maganda musika kahit hanggang alala na lang pero nagiging sariwa lahat ng child memories ko dahil sayo i salute this song thank you

  • @MichaeljohnBalusa
    @MichaeljohnBalusa Před měsícem

    I love this song yong bang parang bumalik ka lg sa kabataan mo na yong promblema mo lg makapag laro lg bumabalik lahat Ng mga memories 😊

  • @terojohnreyj.573
    @terojohnreyj.573 Před rokem +9

    I like this song...Its good to remembering the past...Great Memory

  • @angellargo7969
    @angellargo7969 Před rokem

    Lagi akong emotional sa kantang ito 😢😢 namiss ko yung kabataan Yung mLiligo ka lang sa sapa na napalinaw at linis kasama mo mga child hood mo, iyung simpleng buhay pero napakasaya at kontento kana. Hindi gaya ngayon napaka toxic 😢😢😢😢

  • @BellaQuizana
    @BellaQuizana Před 2 měsíci

    Pinaka dabest song na mapapaluha Ka nlng tlga kpaq nariniq mo ito dahil fav .song ito Ng papa ko at ito nlnq tanqinq naqapaalala sakin. Dahil 5years old pa lnq Ako lumisan n papa ko😢😢

  • @trisean2823
    @trisean2823 Před 2 lety +1

    Nakakamiss balikan ung mga panahong wlang masyadong iniisip na problema. Ung simple lng lahat at hndi kumplikado

  • @kwonfused857
    @kwonfused857 Před 2 lety +27

    I miss being a child. This brings back a lot of memories

  • @bossjack1281
    @bossjack1281 Před 2 lety +1

    Ang ganda pakingan ng mga ganitong musika lalo nat my pinagdadanan ka at walang makausap.

  • @ronobli1834
    @ronobli1834 Před 2 lety +6

    Batang 90's lng talaga ang makakarelate nito,

  • @anadineeeee
    @anadineeeee Před 2 lety +6

    I really miss my Papa, Lolo and Lola 😢❤️

  • @raymondcera4074
    @raymondcera4074 Před 7 měsíci

    Mis you nanay mag 2 yrs n din nawla ka kakamis sobra dming sayang d manlng ntin ngwa mga pangarap ntin gwin nung mga panahon wlang wla pa tayo..nay slmat ng marami ksi kmi yng pamilyang pinili mo makasma sa buhay n punong puno ng paghihirap sayang lng kng kilan maluwag n lht tska nmn wla kna..pero gnun pa man alam k msya kna s piling n god..i love u nay i mis u so much..

  • @princesslyn6476
    @princesslyn6476 Před 7 měsíci

    To my little me,
    Look at you now. You've been through a lot. I'm so proud of you. You grown up strong, brave, and kind. Thank you for the good memories. Hanggang sa susunod na pagsubok. Mahal na mahal kita

  • @felicianolalimos3062
    @felicianolalimos3062 Před 2 lety +7

    Graduation song namin sa elementay. Way back 2003

  • @angelogarcia5767
    @angelogarcia5767 Před rokem

    ang emotional ko, ngayon ko nararamdaman yung hirap ng buhay, pero nung bata pako puro saya lang nagagawa mo mga gusto mo, ngayong tumanda nako iniisip ko nalang bilang nalang yung oras ko sa mundo at ng mga magulang ko dikona makuhang magenjoy dahil sa sobrang busy ko, wala akong makausap para maglabas ng sama ng loob, ni hindi ko manlang makuha yung mga ngiti na meron ako dati nung bata pako. time flies so fast.

  • @benakdelacruz1336
    @benakdelacruz1336 Před rokem

    Sobrang nkaka miss ang maging bata ulit yung wlang problema yung tipong mag lalaro ka lng mag hapon wla kang iniintindi wla kang responsibilidad pero ngayon punong puno ng problema at ang dami ng responsibilidad pag naririnig ko tong kanta na to naiiyak na lng ako eh

  • @migs6758
    @migs6758 Před 2 lety +1

    sarap balikan Ng nakaraang kabataan nasaan na kaya Ang mga kababata ko kumusta na kaya Sila

  • @seanmacv222.10
    @seanmacv222.10 Před 3 měsíci

    When I listened this song. I remember my childhood days nong lagi ako ginala sa Sm at lagi akong honor students non sobrnag mahal na mahal ako non 😢

  • @anncabale6115
    @anncabale6115 Před rokem +5

    This reminds me of my parents which is very nostalgic times when I was still with my father when he was alive now he is gone

  • @shendirimarashidalonto630
    @shendirimarashidalonto630 Před 2 měsíci

    Gusto ko itong kanta dahil bumabalik sa akin ang mga panahon na kasama ko ang mga mahal ko sa buhay, ang mga taong nagbigay ,nag turo at naging inspiration ko... ang mga taong nagbigay sa akin at nag tulak para bumangon at harapin ang buhay na mayroon ako ngayon... sila Yong mga taong, mag panggap kaman na masaya ay nakikita at nararamdan Nila kung ano ang nasa loob ng puso mo... dahil ang tutuong pag mamahal ay nakikita at nararamdaman kung anong mayron ka... Yan ang tutuong pag mamahal

  • @charenjoydlopez7844
    @charenjoydlopez7844 Před 8 měsíci

    This song never grows old..kung pwede lang sana ibalik ang nkaraan😢

  • @kataguyschannel
    @kataguyschannel Před rokem

    Gold old days.. Pakibalik po sa mga panahon nagtatampisaw kami sa oras na umulan, walang pasok sa umaga dahil sa gawa ng bagyo, mga panahon bahay bahayan lng ang isa sa pinakamagandang laro, wlang gadget.. Walang problema kungdi pano makakauwi dahil gabi na mxado... Maxadong madami para mkapagpaliwanag.. Time.... Bring us back again⌚😁 kung pwede lang sana.. Kahit di baguhin atlist maabalik ulit at masariwa ang magandang nakaraan😍😍😍

  • @gandaganduh9634
    @gandaganduh9634 Před 3 měsíci +1

    Everytime i hear this song it feels nostalgic and so emotional, i didn’t feel i was crying😭

  • @judelynsalinas4380
    @judelynsalinas4380 Před 2 lety

    Nkakaiyak ang kantang to how i miss my childhood life!!! Qng pwede lang hndi na tau tumanda manatili nlang tau sa pagiging bata how i wish!!! 😥😥😥😥😥😥

  • @rapsaludo8950
    @rapsaludo8950 Před rokem +1

    Itong kantang ito ang nagpapaalala sa ama kong lumisan na, isa sa paboritong kanta niya na sinsabayan ko noong bata pa ko, salamat po sir noel Cabangon

  • @mikkiantonetteseriosa1597

    Nakakamiss ung time na kasama mo papa mo dzai pero kaht subrang tagal na masakit paren saken🥲
    Marie-

  • @leonardamatosa1958
    @leonardamatosa1958 Před 2 lety +2

    sobrang heartbreaking ang kanta na kanlungan lalo na sa memories na hinde na maibabalik pa sobrang saket ng kanta na ito😭😭

  • @rolandorivera1946
    @rolandorivera1946 Před rokem

    Napakagandang kanta parang gusto Kong bumalik sa pagkabata KC nature lover AK noon panahon Ng Bata pa AK maraming iba't ibang klase Ng mga ibon D2 sa bulacan at napakalinis Ng mga ilog pwede Kang uminom maraming mga prutas ngayon nawala LAHAT KC dumami na Ang tao nawala LAHAT pati ilog marumi na puro basura

  • @ShamanKing03
    @ShamanKing03 Před rokem

    Misses my loveones who use to be with us. .misses my younger self yung walang iniisip kundi mkpiglaro sa kapit bahay. At sa hapon patutulugin kme huhuhu sarap maging bata ulit. I miss my lolo and lola who became my parents as well..

  • @bingoonline9691
    @bingoonline9691 Před rokem

    eto ung kapag naririnig mo, bigalng gusto mo nalang bumalik sa pgkabata, para maiwasan lahat ng ngyayari ngayon,
    mga panahong lahat simple alng, kuntento ka lang, masaya ka lang.. at higit sa lahat, kumpleto pang lahat.🥺💔

  • @forestlink6673
    @forestlink6673 Před 2 lety +1

    Naalala ko tuloy kabataan ko at akoy biglang nalungkot

  • @iamsupermon3028
    @iamsupermon3028 Před 8 měsíci

    One of my personal favorite song... Kinakanta ko din to palagi sa videoke...
    Really touches my heart and soul

  • @garth_mix2479
    @garth_mix2479 Před 5 měsíci

    Sarap bumalik sa pagkabata mga panahong wala pa tayong problema ❤🥺

  • @glennrobles9231
    @glennrobles9231 Před 2 lety +4

    time machine pls..sinong sasama

  • @user-rc7mi4kj4m
    @user-rc7mi4kj4m Před rokem

    Iiyak ka nalang talaga pag na alala ang kabataan mo noon walang problema walang ini isip huhuhu 😢😢😢

  • @herminiodepaz6962
    @herminiodepaz6962 Před rokem

    Napakagandang kanta Sir Noel cabangon,,lagi Kong naaalala ang aking kabataan