Dairy Farming New Zealand: VLOG#16| PUTIK AT BATO

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 12. 09. 2024
  • "PUTIK AT BATO"
    So, sa video ko ngayon ay gusto ko lang ishare sa inyo kung ano ba ang nagiging epekto ng napakaliit na bato at putik sa paa ng baka. Ang dalawang bagay na ito, ay meron malaking epekto samin mga dairy farmers sapagkat naapektuhan nito ang daily production namin ng gatas. Dahil kung hirap at di makalakad ang baka ay hindi ito makakakuha ng sapat na pagkain at tubig para makagawa ng "gatas" sa loob ng isang araw at alam naman natin na importante ang bawat patak o litro ng gatas samin dahil dito nakabase ang kinikita ng aming dairy farm at sa dami din ng gatas nagdidikta ang laki o liit ng aming kinikita.
    Gusto ko lang ulit magpasalamat sa lahat ng nanunuod at manunuod ng mga videos ko, sobrang thankful ako sa inyo talaga at alam ko hindi pa kayo ganun kadami pero kahit ung ilang minuto lang na panunuod niyo ay mas lalo nakakagana gumawa pa ng mas madaming videos.
    Kung interesado ka at madalas ka din sa facebook meron din ako page:
    / hanz-vlogs-1. .
    WATCH NEXT:
    ○Sweldo sa Dairy Farm- www.youtube.co....
    ○ Monthly Budget sa NZ for food - www.youtube.co....
    ○ Trabaho sa Farm during Winter - www.youtube.co....
    ○ A day in a Life of a Dairy Farmer in New Zealand - www.youtube.co....
    Mga ginagamit ko sa pag gawa ng vids:
    ○ All around camera: GO PRO HERO7 BLACK
    ○ Time Lapses and Motion Lapse: DJI Osmo Pocket
    ○ Cinematic Footage: Canon M50 Mark II

Komentáře • 26

  • @Matthew-si7hz
    @Matthew-si7hz Před 3 lety

    Keep it up and be safe always tol.

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 3 lety

      Thank you. 😁 ingat din kayo lagi jan satin! 😇

  • @rebuildhitsph.4577
    @rebuildhitsph.4577 Před 2 lety +1

    Bs in Agriculture ka bro? Ako kasi Bs in Agri din aspiring to get Animal Husbandry’ and planning to be on NZ din!😃

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety +1

      Hi bro, nako hindi ako agriculture bro. 😁💪🏽 pero maganda yang plano mo na yan lalo na kung mag dairy ka pero mas maganda kung maidederetso mg vet para cgurado talaga. 🤣

    • @rebuildhitsph.4577
      @rebuildhitsph.4577 Před 2 lety +1

      Actually bro Bs in agri talaga yung course ko now bro sayang lang kase walang Vet med dito sa ilocos norte but hopefully meron daw next year yun kaso sayang lang kase nasimulan ko na itong course ko na bro haha

    • @rebuildhitsph.4577
      @rebuildhitsph.4577 Před 2 lety +1

      Pero magkano naman sweldo ng vet med bro? Or what position ang possible pag Vet jan sa farm bro?

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety +1

      @@rebuildhitsph.4577 wala naman problema dun bro, pero since magaaral ka pa lang naman din pala, eto maipapayo ko sayo. Kung wala ka pa training ng dairy farming mag check ka kung saan may malapit sayo, then after nun or after mo makagradute pwede ka mag try sa Almarai or sa Japan magtitiis ka lang ng 2-3 years pero after nun apply ka dito bago hindi ka na mahirapan nun eventually pero dapat ngayon pa lang plano na talaga

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety +1

      @@rebuildhitsph.4577 hindi ko alam bigayan bro ng mga vet. 🤣 pero kung mag farm ka naman din pwede kahit ung Course mo lang ngayon. Kasi kahit may experience ka sa ibang bansa o kahit ano course mo, magsisimula ka pa din sa una.

  • @myjapanstory
    @myjapanstory Před rokem

    Sir idol.. may chance pa kaya yun 39yrs old..? Meron nmn na ako nc2 tesda cert. Yun age ko lng kasi mejo late na ata. Baka di makapasa sa student visa😁

  • @igegatanela4261
    @igegatanela4261 Před 3 lety

    Sir lahat ba yan, diyan mo na sa farm natutunan or napagaralan mo nung nagtraining ka? Saan po located ang farm nyo?

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 3 lety +1

      Hi po! 👋🏼 mostly natutunan ko po dito na sa farm din lalo na sa unang farm ko po. Sa Waikato po ang farm ko sa Pukeatua po. North Island

  • @biyahenicaloy9370
    @biyahenicaloy9370 Před rokem +1

    Sir Tanong lng po Meron din po ba kayo Pinoy na kasama diyan Sa farm?

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před rokem +1

      Meron din maman sir.

    • @biyahenicaloy9370
      @biyahenicaloy9370 Před rokem +1

      @@Charles_Hans thank you sir. Ingat po mag aral po ako next Year sa BATCI at sana po makapunta ako diyan. Ung Kamaganak po namin anjan na. Dairy Farmer din po.

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před rokem +1

      @@biyahenicaloy9370 ayos sir. Salamat din at good luck sayo! Galingan sa BATCI

  • @socialkiter8067
    @socialkiter8067 Před 2 lety +1

    Sinasaulo nyo po ba dyan ang number ng baka?

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety

      Hi sir, naku hindi naman namin sa ulo ang number ng baka kasi may mga 🏷 tag naman sila at may sensor naman para basahin ang mga number nila.

    • @socialkiter8067
      @socialkiter8067 Před 2 lety +1

      @@Charles_Hans ah ganun po ba. Nice to know un sir kasi sa amin sa batangas pinapa saulo sa amin ng boss namin ung mga number ng baka eh hehe. Salamat sir sana maka sunod ako dyan

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety

      @@socialkiter8067 hindi naman kailangan dito sir kasi libo ang baka din namin kasi, pero dasal dasal lang at makakapunta din yan sir. 🤙🏽

  • @jr.9303
    @jr.9303 Před 2 lety

    Anu po course nyu kuya?

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety

      Social science and environmental science din. 😁

    • @jr.9303
      @jr.9303 Před 2 lety +1

      @@Charles_Hans kuya, pwede po ba tumaas yung position mo like from skill5 to skill 3 or 1 kahit hindi ka nakapag tapos ng farming related course pero naka 5years experience kna as dairy farmer? Salamat po

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety

      @@jr.9303 Hi, ung skill kasi naman nakadepende din sa quality ng outcome most of the time, meaning. Hindi porket alam mo na ung isang bagay e pwede ka na tumaas ang position. Kadalasan ang tinitignan kasi ay ung bigat ng responsibility at ung napoproduce mo na outcome at kung may benefit ba ang farm dito. Kayagaya nung sa video, hindi lahat ng farmers kaya o alam mag treat ng lame na baka. So, it's a plus in my side kasi habang nagagamot ko ng maayos ang mga baka less ang expenses namin sa mga anti-biotic and bandage and all. Basta ganun, tatass ka lang naman kung nakita ni boss na may ambag ka sa farm. In terms of dairy farming naman, 5years na pala experience mo sa farm? Maganda yan saan ba yan, Japan or Saudi? Ung iba kasi may experience sa Pinas naman at kung meron man nahire based sa experience na un slim lang siguro ang population nila. Pero kung outside pinas ung exp mo, malaking bagay yan and un nga sana maghire pa sila ng galing sa pinas this coming 2022 after ng bagong changes.

    • @jr.9303
      @jr.9303 Před 2 lety

      @@Charles_Hans wla pa po akong experience kuya! Nagtatanong tanong lng mo ako para mag karuon ng options tnxs po kuya!

    • @Charles_Hans
      @Charles_Hans  Před 2 lety +1

      @@jr.9303 basta, pag andito na gawin lang ang trabaho ng mas mabuti pa sa alam mo and kusa naman na makikita ni bossing un at ibibigay sayo ang dapat pero kung laging may mali. Di ba, hindi ka din good shot kay bossing