Ngayong Banal na Panahon {Titik: Rev. Fr. Reinier Dumaop, Musika: Elliot Jerome Eustacio}

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 10. 02. 2024
  • Ngayong Banal na Panahon
    Titik: Rev. Fr. Reinier Dumaop
    Musika: Elliot Jerome Eustacio
    Pambungad na Awit sa Panahon ng Kwaresma
    Antipona: MIYERKOLES NG ABO
    Minamahal Mo ang tanan
    Walang kinapopootan
    Sa sinumang umiiral
    Pinatatawad Mong tunay
    Ang sala nami't pagsuway.
    Antipona: UNANG LINGGO NG KWARESMA
    Kapag ako'y tinawagan,
    Kaagad kong pakikinggan
    Upang aking matulungan
    Magkamit ng kaligtasan
    Danagal at mahabang buhay
    Antipona: IKALAWANG LINGGO NG KWARESMA
    Ako ay Iyong tinawag
    Upang mukha Mo'y mamalas
    Ang mukha Mo ay marilag
    Nag-aakin ng liwanag
    Ipakita Mo't Ihayag.
    Antipona: IKA-TATLONG LINGGO NG KWARESMA
    Tangi kong inaasahan
    Ang Diyos ng kaligtasan
    Paa ko'y pinakawalan
    Sa bitag na naka-umang
    'Pagkat ako'y kanyang mahal.
    Antipona: IKA-APAT NA LINGGO NG KWARESMA
    Lungsod ng kapayapaan
    Magalak tayo't magdiwang
    Noo'y mga nalulumbay
    Ngayo'y may kasaganaan
    Sa tuwa at kasiyahan.
    Antipon: IKA-LIMANG LINGGO NG KWARESMA
    Ako ay Iyong hukuman
    Pabulaanan ang sakdal
    Ng may masamang paratang
    D'yos ko tanging Ikaw lamang
    Ang lakas ko at tanggulan.
  • Hudba

Komentáře •