Valid ba ang kasunduan ng mag-asawa sa Barangay na pwede na silang magpakasal sa iba?

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Kasunduan ng paghihiwalay sa Barangay; Kasunduan at kasulatan ng mag-asawa sa Barangay na pwedeng magpakasal sa iba; Article 2035 of the Civil Code . No compromise upon the following questions shall be valid:
    (1) The civil status of persons; (2) The validity of a marriage or a legal separation; hindi pwedeng i-compromise ang civil status ng isang tao; hindi pwdeng magkasundo ang mag-asawa na ang kanilang kasal ay hindi valid at magpirmahan na kanya-kanya na sila at pwede na silang humanap at magpakasal sa iba; No compromise upon the validity of a marriage or a legal separation; Walang kompromiso sa bisa ng isang kasal o isang ligal na paghihiwalay; Kung gusto ng mag-asawa na magkaroon ng legal separation o wakasan na ang kanilang kasal, kailangan na dumaan ito sa legal na proseso. Kailangan na maghain ng petition sa korte para sa annulment o nullity of marriage o kaya'y legal separation; Art. 2028. A compromise is a contract whereby the parties, by making reciprocal concessions, avoid a litigation or put an end to one already commenced; Ang isang kompromiso ay isang kontrata kung saan ang mga partido, ay gagawa at magpalitan at magsang-ayon sa isa't isa sa isang o mga bagay na hindi mapagkasunduan, para maiwasan ang isang paglilitis o wakasan ang isa na nagsimula na.

Komentáře • 349

  • @ztivgdy8970
    @ztivgdy8970 Před 2 lety

    Maraming Salamat po ATTY.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Maraming salamat din for watching

    • @MylenOngcay
      @MylenOngcay Před 6 měsíci

      Ma'am morning pwd ba Ako magpakasal sa iba Kasi Wala kaming anak sa Asawa ko kaya need ko ng Anak sa iba please answer salamat

  • @jelliemaesorenio7945
    @jelliemaesorenio7945 Před 9 měsíci +1

    Tama po attorney.tama po kahit may kasund.an pa sa barangay may pirmahay pa Indi po valid

  • @EmyjaneFabia
    @EmyjaneFabia Před 5 dny

    Thank u

  • @edlynfa4492
    @edlynfa4492 Před 2 lety

    Thank you for sharing bosing

  • @jmnuyadvlogs2908
    @jmnuyadvlogs2908 Před 2 lety +1

    Nice

  • @enriqueumayam1516
    @enriqueumayam1516 Před 2 lety

    GOD BLESS PO

  • @GemmaDomagas-yg9wz
    @GemmaDomagas-yg9wz Před 8 měsíci +2

    Grabi sa pinas...di makatarungan ang desisyon ng korte...ako ang agrabyado pero hindi na grant ang anulment ko ..ano pa bang gusto nilang ibendesya yong nabugbog ka .. hintayin pa nila yon...?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 8 měsíci

      Maaring ang ground na ginamit mo para ipawalang bisa ang iyong kasal ay hindi isa sa mga grounds na nakatakda sa batas.

    • @RodelynLibradilla
      @RodelynLibradilla Před 4 měsíci +1

      Garve talaga ang pinas paano nman po idadaan sa legal e wla Naman po tayo dito sa pinas NG aunlment.kailagan pa pumunta sa iBang bansa pra magpaaunl?paano Naman Yong mahihirap na babae

    • @user-ve5gt6il7m
      @user-ve5gt6il7m Před 3 měsíci

      Gud evening's atty. Ask ko lng po kong meron n po akong sa asawa ko. Kc may asawa n ciang iba. Pd n mpo ba in maging grounds Para mapawalang visa ang kasal nmin. Slamat po

    • @talelonofa
      @talelonofa Před 3 měsíci

      Tama po kau ang hirap sa pinas .8 years na nakipaghiwalay ako at mismong magulang niya tumulong na hiwalayan ko anak niya dahil nanakit pisikal at nagdrugs natutulog kami na may baril syang katabi .ako ang bumubuhay sa family irresponsible syang pagka asawa tinaguyod ko ngaun ang dalawa kung anak sobrang hirap kaya naisip ko maghanqp nng katuwang sa buhay kahit may sakit ako pinippilit kung mqgtrabaho para may panggastos sa anak ko.wala po akong record na kinasl dahil kumuha po ako nng NSO single parin at sa mga papers ko single parin gamit ko ofw po ako

    • @whyemondomocmat504
      @whyemondomocmat504 Před 2 měsíci

      Pambili mo nlang Ng shotgun lods Yung pambayad mo Ng attorney at pag di ka tantanan pasasabugin mo na Yung ulo nya

  • @MirasolBautista-t9r
    @MirasolBautista-t9r Před 3 dny

    Gud day po attorney nais ko po malaman kung valid po b kasal. Ganito po ang ngyari ngkakilala kmi ng asawa ko ang sabi niya s aking binata cya d po ngtagal ngsama kmi ng mabuntis ako lumabas n may asawa cya at may dalawa anak n po sampo taon ang agadwat ang edad nmin 23 at 43 n cya. May work po ako at siya latero contracta po cya. Sabi niya kasal cya s asawa niya. Nung d ngtagal need s work ko ang merried certificate. Naiisip ko n bk pwde ako gwa niya ako ng peki merried contract. Tpos po dumating siya s work ko may dala n cya merried paper pina pirma niya s aking.. D po ngtagal ang pagsasama nmin ngkahiwalay n din po kmi kasi sinasaktang n po ako. Nung ng verify po ako ng status ko bkt po pumasok s PSA N kasal ako mabisa po yun n kasal ako n wlang naganap n kasalan. Paano po b mawala bisa kasal . At nlaman ko p n wla record ang kasal niya s una. Sa Ngayon po may kinakasama n ko gusto ko pakasalan. Pwde n po b ako mga p kasal anu po b pwde gwin. Maraming. Po salamat po s payo ninyo. Mirasol

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 dny

      Pwede kang magpakasal pero ipawalang bisa mo muna ang iyong kasal. Dahil ang sabi mo may pinapirma lang sa iyo a wala namang marriage ceremony ay hindi ka naman humafap personally sa solemnizing officer para ibigay ang iyong consent sa kasal, maaring ipavoid ang iyong kasal sa pamamagitan ng pagsampa ng petition sa korte.

  • @DaniloArmadaRandy15
    @DaniloArmadaRandy15 Před 28 dny

    Good evening poh atty mahigit 2,yr, in 7, months
    Na poh kmi hiwalay nang asawa ko at kanino poh ba ang dapat na mas malaki ang pag bigay nang sustinto ako poh ba oh siya. Kase po palagi n'ya sa akn sinabi na hati kmi sa mga bata sana poh makita n'yo ito god bless you 🙏🏻 po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 27 dny

      Nakasaad sa Family Code na kapag ang obligasyon na magbigay ng suporta ay nakasalalay sa dalawa o higit pang mga tao, ang pagbabayad ay dapat hatiin sa pagitan nila ayon sa mga mapagkukunan ng bawat isa o ayon sa kanilang kakayahan.

  • @rogerlaodenio1468
    @rogerlaodenio1468 Před 28 dny

    dear Attorney, ask lang po ako po ay
    kasal sa mayor sa pampanga legal po ba ang walang signeture nang asawa sa merrage certificate?
    maramng salaamt po god bless.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 27 dny

      Valid ang iyong kasal kahit na walang signature ang iyong asawa sa marriage certificate basta lahat ng mga essential at formal requisite ng kasal ay natupad. Ang signature ay hindi essential o formal requisite ng kasal para maging valid ito.

  • @Ml-dd7dd
    @Ml-dd7dd Před 2 lety +1

    gd day atty.mahiget 10yrs. na kami hiwalay parihas na kami my kanya2 pamilya kasal kami sa mayor.

  • @emmaadventure4803
    @emmaadventure4803 Před 2 lety +1

    good afternoon atorney,,ask ko lng po,,myroon po kming kasunduhan ng ex ko n wala n kming pkialmn bawat isa, pero d niya po ako TINANTANTANAN at di niya po tinupad ang mga npagkasunduhn nmin,ng mtgl n panahon..hal.magsampa po ako ng kso s knya kpag nagkaroon ng ibbhy na babae pwede pa rin b siyang kasuhan din?

  • @bernadettemariano2231
    @bernadettemariano2231 Před měsícem

    Atty. Gud morning po. May tanong po ako.. Kasal po ang nanay ko sa tatay ko. Pero nag hiwalay po cla. At namatay na rin po ang tatay ko. Ngayon po may kinakasama ang nanay ko. Gusto sana nila magpa kasal ang problema po hindi daw po inanounce sa munisipyo ang pakamatay ng tatay ko. Un po ang problema ngaun kung bakit hindi pwede maikasal ang nanay ko sa kinasama nya ngaun. May paraan pa po ba para maikasal cla ng kinakasama ng nanay ko.?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před měsícem

      Anong ibig mong sabihin, hindi ipinarehistro ang pagkamatay ng iyong tatay? Paano nailibing kung wang patunay na siya ay patay na?

  • @mavicdimapilis6330
    @mavicdimapilis6330 Před 2 lety +1

    Atty., oanu nmn po ung mga ngpopost na kaya nilang ipa,annuled ang kasal kahit hindi humarap sa korte, need lang po magbayad ng 150 to 200 thousand pesos at clear n po un, mgbibigay daw po cla ng certification patunay dito... Sa palagay nyo po ba e legit ito... Salamat po ulit... Paxenxa n po sa aking mga katanungan... Curious lng po aq sa mga nababasa at naririnig q...

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Lahat ng mga petition for annulment ng kasal ay dadaan sa ating korte. Kung hindi ito dadaan sa korte, malamang ito ay peke. Ito ay isang scam. Maari itong i-verify sa local civil registar kung saan ginanap ang kasal at sa PSA.

  • @AngelitoGerona-k6t
    @AngelitoGerona-k6t Před 10 dny

    Atty sa mag kano po ba magagastos kapag ipa walang bisa ang kasal sa una salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 10 dny

      Depende sa abogado at kung ang iyong case ay komplikado. Maaring gagastos ka ng mula 200K hanggang 650K. Subokan mong lumapit sa PAO dahil meron silang free legal service.

  • @leonidagamet4560
    @leonidagamet4560 Před 3 měsíci

    Attorney gusto ko sana magpa advice nakipaghiwalay ako sa asawa ko dahil sa pambabae nito.after a month post xa ng post sila ng picture cla ng babae nia pwede ko ba silang kasuhan kahit naghiwalay kmi wala pa kmi kasunduan kahit na barangay

  • @GinaDvista
    @GinaDvista Před 2 měsíci

    Good morning atty ask kolang 23years na kaming hewalay at napag alaman ko na Ang aming kasal ay hende naka register Ang tanong kpo ay puede pba Ako maka pag pakasal sa isang Islam at sa iBang Bansa kmi mag papakasal

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 měsíci

      Ang sabi mo napag-alaman mo na hindi nakaregister ang iyong kasal, ikaw ba ay kumuha na ng CENOMAR sa PSA? Ikaws ba ay kasalukuyang nasa ibang bansa? Kung walang record sa PSA ang iyong kasal, maaring makakakuha ka ng certificate of legal capacity to contract marriage sa embahada ng Pilipinas para makapagpakasal sa ibang bansa. Pero kung mapapatunayan na ikaw ay kasal na sa Pilipinas kahit na hindi nakarehistro ang iyong marriage, hindi kikilalanin ang iyong kasal sa ibang bansa na valid dito.

  • @MarygraceendaoGrace
    @MarygraceendaoGrace Před 3 měsíci

    hi po.. pede na ba ako magpa file ng legal separation kc 5 yer na kmi naghiwalay . .at hindi ren cya nagsoporta ng mga anak namin . .

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 3 měsíci

      Kung ikaw ay inabandona ng iyong asawa ng mahigit nang issang taon, maari mo itong gamitin para mag-file ng legal separation.

  • @erlindadumamay5815
    @erlindadumamay5815 Před 2 lety +1

    Gud day po atty.ask ko lng po,yung kinakasama ko po ngyon 5years na po kming nagsasama at may 3 kids na po kmi,gusto na po Sana naming magpakasal para po legal na po kmi magsama,eto po tanung ko atty.kasal po yung kinakasama ko sa una nyang asawa 7years na po silang hiwalay,Wala nman po silang anak ,una pong nagloko si babae kaya hiniwalayan sya.paano po kya yun atty.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Kung legal pa rin ang kanyang kasal sa una niyang asawa, kailangan na mapawang bisa muna ito bago kayo pwedeng magpakasal. Kaya lang, ang paghihiwalay ng mag-asawa kahit magtagal na silang hiwalay ay hindi isang dahilan para ma-annul ang kanilang marriage. Panoorin ang aking mga video para magkaroon ng idea kung ano ang mga grounds para mapawalang bisa ang kasal. I-search lang ang aking pangalan sa youtube

  • @RobertVillantes
    @RobertVillantes Před 3 měsíci

    Hi otorny god uptenon pd ba sampahan Ng KASO ung Asawa ko nsa abroad namay kalaguyo dto sa pinas ask lng din po kng saan ko mag umpisa

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 3 měsíci

      Pwede mo silang sampahan ng adultery kung siya ay magbakasyon dito sa Pilipinas at may patunay kang sila ay nagkaroon ng seksual rna relasyon habang nandito siya sa Pilipinas

  • @lhencastillo5854
    @lhencastillo5854 Před 2 lety

    good afternoon po atty
    tnung kulang po kpg puba naghain ako ng legal seperation at naapurbahan po ito pwedi npuba ako magpakasal sa iba
    sna po ay matulungan nio ako at sna po ay mapansin nio ako
    maghihinty po ako ng sgot thnk you po
    sainyo atty,god bless po sna po ay mrami papu keong mtulungan,

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Kung legal separation ang iyong i-file, hindi ka pa rin pwedeng mag-aswawa sa iba dahil kasal ka pa rin sa iyong asawa. Kung gusto mong mag-asawa uli, maari kang mag-file ng nullity o annulment of marriage kung meron kang ground para ipawalang bisa ang iyong kasal.

    • @lhencastillo5854
      @lhencastillo5854 Před 2 lety

      @@batasmobataskowithatty.ronnie thnk u po atty,😘spagsagot sa aking ktanungan sna po ay mrami pa keong mtulungan na ktulad ko😘

  • @christinelambatan3592

    Hello po atty , sana po mapansin🙏 gusto ko na po makipaghiwalay sa asawa ko (babaepoako) kasi po hindi po kami magkasundo kahit anong gawin po ,kunting babagay napapalaki po namin kami po dalawa may problema ,nagsasakitan na din po kami at may 2 kids po kami , ano po kelangan ko gawin ? Wala po ako budget mag file ng annulment 😢 sana po mapansin🙏

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 3 dny +1

      Hindi mo pwedeng ipa-annul ang iyong kasal dahil kayo ay nagkakasakitan sa isat-isa. Hindi ba ninyo pwedeng ayosin ang inyong problema alang-alang sa inyong mga anak?

    • @christinelambatan3592
      @christinelambatan3592 Před 3 dny

      @@batasmobataskowithatty.ronnie Gusto ko po magpa marriage counseling pero ayaw pumayag ng asawa ko atty , kung kami lng po kasi ang mag uusap dalawa nauuwi sa away po 💔😭

  • @daliacui1409
    @daliacui1409 Před 2 lety +11

    sana magkaroon ng batas na pwede ka ikasal ng dalawang beses

  • @gryffindorhogwarts4015

    Good morning atty ask ko lang Po Anu Po dapat ko Gawin Ang Asawa ko naka buntis Siya TAs Ako may boyfriend Ngayon hinahabol niya anak Namin na Hindi Naman Siya nag bibigay 8buwan na ,, kasal Po kmi

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung kasal kayo, nasa inyong dalawa ang parental authority. Hindi mo pwedeng ipagkait sa kanya ito. Pero dahil hindi siya nagbibigay ng suporta, maari mo siyang ireklamo sa inyong barangay at magpatulong sa DSWD

  • @richako3959
    @richako3959 Před rokem

    Hello po Atty.
    Ask ko lang po kung legal yung mga affidavit/agreement regarding sa mga not yet legally separated couples pero nagkasundo sila na walang pakialaman sa mga nabiling kanya-kanyang properties in the past and future dahil emotionally at physically separated na sila. Thank you po.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem +1

      Nakasaad sa ating Family Code na ang paghihiwalay ng ari-arian ay maaaring gawin nang boluntaryo o para sa sapat na dahilan, ngunit kailangan ng judicial approval.

    • @yourdailyfoods
      @yourdailyfoods Před 10 měsíci

      Pwede po ba ipakasal Ang dalwang PWD? O special kasi parehas silang isip bata. Pwede po ba o hindi maraming salamat po sana mapansin..

  • @ApingPeng
    @ApingPeng Před 19 dny

    Tanong ko lang po,lahat ba ng meron ng lalaki mapunta sa babae kasal pero ngluko ang babae at nabuntis?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 19 dny

      Meron mga provision ng batas kung paano hahatiin ang property ng mag-asawa sa sandaling mawawakasan ang kanilang property relations.

  • @Rochelle2024-c1i
    @Rochelle2024-c1i Před 12 dny

    Ok lng nmn yan mag boyfriend or girlfriend bsta walang habolan, dependi yan sa usapan

  • @junramos4627
    @junramos4627 Před rokem

    Ser pwedi Po mag tanung Kasi Po nag agawa di Ang asawa ko Ng kasulatan namin sa barangga na wla kaming paki alaman sa isat isa kaya lang Po hinakot nya lahat Ng mga Ari Arian sa loon g bahay kinuha lahat at wlang tinira sakin at kinandadohan nya Yung bahay namin di Po ako maka pasok at sya Naman Malaya syang naka Tira dun sa Isang bahay namin tenx Po slamat sir

  • @reydadiamante9086
    @reydadiamante9086 Před 2 lety +1

    Hello attorney, kasal kami ng asawa ko..ngtiis ako sa kanya.. Para nkng sana sa anak ko.. Hindi kami ng kaintindi Han palagi.. At Lagi kami ng away.. Kahit jn ung anak ko..bago ako ng abroad.. Nghiwalay nlng ako sa kanya.. Pero wla pa kami kasunduan sa barangay.. Ngayon gusto ko nlng na gumawa kami ng kasunduan.. Na kasulatan.. Para nlng sa katahimikan namin..OFW ako sa riyadh saudi arabia ngayon.. My nabili ako na bahay..pero kailangan iyong perma nya.. Ayaw nya pumirma attorney..anu ba ang dapat kung gawin? Pwd ba un na ung kasulatan sa barangay ibigay ko doon sa special power of attorney para sa bahay ko.. Gd bless.. Sana masagot mo attorney.. Salamat.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +2

      Sa ating batas, ang ari-arian na nabili at naipundar habang kasal ang mag-asawa, ang presumption ay conjugal ang mga ito unless meron legal separation o kaya'y pre-nuptial arrangement. Sabi mo, hiwalay na kayo, bakit hindi ka na lang mag-file ng legal separation para kayo ay magkaroon ng separation of property? Ang isa ring option ay tanggalan mo ng mana, kung meron kang valid ground . Panoorin ang aking video tungkol dito na may pamagat "Mga grounds para matangalan ng mana ang asawa.

    • @joselitolistones854
      @joselitolistones854 Před 8 měsíci

      May karapatan parin sya sa binili po nyo,dapat NASA anak mo o parents ang name ng binili mo at hnd sayo,ako din hiwalay,kaya dapat yung mga pinaghirapan mo ay hnd panagalan mo para wala kayang hati

  • @maryjoybalmes3778
    @maryjoybalmes3778 Před 2 lety

    Magandang umaga po attorney tanong q lang po mg 10yrs na kmi nagsasama ng partner q hiwalay npo aq s aswa q at meron ndn xa kinakasama at my anak na sila.gusto n po kc namin magpakasal ng partner q ano po ba maganda proseso peke naman dw po ang kasal namin nun una q aswa kc dinaya ang age nya salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Kailangan na ipawalang bisa muna ninyo ang inyong unang kasal bago kayo magpakasal uli sa iba. Malamang na sa CENOMAR malalaman na ikaw ay married na kaya hindi ka mabibigyan ng marriage license

  • @user-vb8kn8nq2y
    @user-vb8kn8nq2y Před rokem

    Hello po atty. Balak po sana namin ng bf ko na magpakasal kaya lang po pagka kuha ko ng cenomar lumabas kasal pa ko sa una kong asaw.. Ang concern ko po atty. Bakit po yung ex husband ko nakapag pakasal sya sa iba.. Pero we both okay naman po i mean okay na po kame ng ex husband ko ang ng kinakasama nya ngayon Sana po mabigyan nyo po ako ng advice salamat po🙏

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kahit na nakapagpakasal sa iba ang iyong unang asawa, walang bisa ang kanyang kasal. Hindi ka rin pwedeng magpakasal sa iba dahil ikaw ay kasal pa rin sa una mong asawa. Kailangan na ipawalang bisa mo muna ang iyong kasal bago ka magpakasal.

  • @teddynarvaez9760
    @teddynarvaez9760 Před 8 měsíci

    Atty kung kayo ang kukunin naming abogado for annualment nsa magkano po magagastos salamat po sa kasagutan. Godbless

  • @sophiawagas274
    @sophiawagas274 Před 11 měsíci

    Good day atorni,paano po kung divorce annulmen sa una hasband din gusto mgpakasal sa iba sa Muslim pwd po ba or hindi parin pwd?😢

  • @aprilcallar5435
    @aprilcallar5435 Před 8 měsíci

    Hi.po,.,.tanong ko lng kng kasal sajudge po ba tpos may anak na 5yrs old at 2yrs old pwede po ba ito mapawalang bisa,kc may kalive in ung dati nya na asawa,.,.salamt po sa sagot atty..

  • @jeyangarcia1293
    @jeyangarcia1293 Před rokem

    Attorney may tanong Ako,nagkasundo kami Ng Asawa ko na maghiwalay, nagkapeahan kami sa brgy at pnp,at Hanggang sa prosiciotor office na kami nagkapermahan Ng Wala Ng pakialaman ..piro iniwan nya sa akin mga anak Namin at nag sasama na Sila Ng lalake nya pwedi Kona siyang kasuhan?

  • @GAMERZTV54
    @GAMERZTV54 Před 11 měsíci

    Atty ask kulang anu po ba dapat kung gawin yung kinakasama kopo ngayun Kasal po sila nang Kanyang asawa pero hiwalay napo sila mag 2 years napo may paraan Papo Ba para mapawalang bisa yung kasal nilang mag asawa kailangan Poba nyang pumirma yung asawa nya dati na lalake balak kopo mag pakasal po kami kaya lang po sabi nila Hindi raw po pwedeng mag pakasal dahil sa kasal daw po sya sa una nyang asawa anu po ba ang dapat na paraan para mapawalang bisa po yung papel nila na kasal

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 11 měsíci +1

      Hindi kayo pwedeng pakasal dahil siya ay kasal pa sa kanyang asawa. Maari kayong kasuhan ng b igamy kapag kayo ay nagpakasasl na hindi pa napapawsalang bisa ang kanyang kasal. Meron mga grounds o batayan kung bakit ang kasal ay walang bisa. Meron ak0ng mga video tungkol dito. Panoorin para magkaroon ng idea.

  • @janellasanchez1655
    @janellasanchez1655 Před 2 lety

    Gud eve po attorny..kinikilala po ba sa catholic church ang kasal sa aglipay?or me bisa po ba eto?hwalay npo kptd ko sa aswa nya,,gusto po nya mgasawa ulit..pwd po ba yun i annulled?thanks po attorny

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Ang kasal sa Aglipay ay valid kung lahat ng mga essential at formaol requistes ng kasal ay nangyari o natupad. Panoorin ang aking video na may pamagat "Walang bisa mula sa simula o void ang kasal kung kulang ang essential at forma requisites"

  • @ofwkambal3549
    @ofwkambal3549 Před 11 měsíci

    Hello po sir anu po Yung gawin ko, aswa ko ngaun, may asawa sya dati at cuvel cla. Nag kahiwalay cla at nag asawa ng Iba. Ako ngaun pangalawang asawa nya at nag pag civel kami,. AT NGAUN GUSTO KO MAG hiwalay kami. Tanung ko lng atty legal ba ang kasal namin

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 11 měsíci +1

      Kung hindi pa napawalang bisa ang kasal ng asawa mo sas kanyangunang kasal, void o walang bisa ang inyong kasal. Maari mong ipawalang bisa ito sa pamamagitan ng pagsampa ng petition sa korte.

    • @ofwkambal3549
      @ofwkambal3549 Před 11 měsíci

      May NSO po kame legal na po ba yun.. AT hndi alam ng mayor na may asawa sya dati at kasal den. Saan ako mag punta Para mapawalng Vesa ang kasal namin

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 11 měsíci

      Kailangan mo ng serbisyo ng isang abogado o maari ka ring lumapit sa PAO@@ofwkambal3549

  • @ryanangelobermudezaquino6768

    Attorney..mapag palang araw po.panu po kung kasal un lalaki sa unang asawa..at pinakasalan din po nia un pangalawang asawa na walang alam un pangalawang asawa na kasal pla cia sa una.ngaun po ito ay narehistro sa PSA..na dalawang kasal..panu po mapawawalang bisa ang pangalawang kasal..buhay pa po un unang asawa..maraming salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Maaring mag-file ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage dahil ang pangalawang kasal ay walang bisa mula sa simula. Pwede rin magreklamo ang pangalawang asawsa ng bigamy laban sa kanyang asawa.

  • @ChiquiPerillo
    @ChiquiPerillo Před 5 měsíci

    Pwde po bang magtanong..,paano po kung kasal ka sa abroad sa unang asawa pero hiwalay na,ngayon nsa pinas syagusto magpakasal ulit sa bago nya karelasyon pwde po kya magpakasl ulit pero dto nman sa pinas?thank you sa makaksagot😊

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 5 měsíci

      Ang kasal sa abroad ay kinikilalang valid dito sa Pilipinas kung ito ay valid sa bansa kung saan niya nagpakasal. Kung magpakasal siya uli dito sa Pilipinas na hindi pa napapawalang bisa ang kanyang kasal sa abroad, maari siyang makasuhan ng bigamy.

  • @joanibarrientos8737
    @joanibarrientos8737 Před 2 lety

    Hello po attorney aprob po ba Ang pirma ng bawat Isa at papa apedabit or ipapanotaryo pra makasal Ang bawat Isa na ikasal ulit matagal Ng hiwalay

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Kung panoorin mo ang buong video, malalaman mo na hindi valid ang kasunduan ng mag-asawa na pwede na silang magpakasal sa iba kahit ito pa ay notaryado.

    • @jaimecantila7989
      @jaimecantila7989 Před 2 lety

      Atorny Meron akong nobyo sa ibang bansa kasal Ako Dito sa pinas pwede ba Ako mag pakasal sa pinas

  • @ronnalynlistor9407
    @ronnalynlistor9407 Před 2 lety

    Attorney Tanong ko lang po. Kinasal po kme s kasalang bayan Nung feb 15,2022. Pano po mag ayos Ng psa marriage contract po?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Pwede kayong pumunta sa opisina ng local civil registrar at tanungin kung ipinasa na nila ang record ng iyong kasal. Sila ang may responsibilidad na ipasa ang record ng iyong kasal. Kung hindi pa nila ipinasa, pwede ninyong i-request na kayo na ang magpasa. Kayo ay bibigyan ng nakasarang envelope.

  • @user-sk3vh5sb9n
    @user-sk3vh5sb9n Před rokem

    Atty ask ko lang po kung hiwalay na ba ang magasawa pero sa barangay palang sila nagkasundo pwede ba ang babae magkalib in sa bago niyang kalaguyo? sana po masagot atty salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Ang concubinage at adultery ay dapat lamang na isampa ng asawa. Pero kung may pagpapatawad, malamang na hindi mapaparusahan ang nagkasalang asawa.

  • @analizadelossantos9870

    Kasal po ako sa mayor..17 years na po kmeng hiwalay..may kasulatan po kme sa brgy..kc po may pamilya na Siya..ako Po ai may boyfriend na .at gusto Po niya akong pakasalan..dna mana po kme nag rerenew ng kasal nmin sa mayor..Sana po ai masagot nio Ang Aking mga tanong pwede na po ba akong mag pakasal ulit?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Ang kasal ay hindi na inire-renew. Ito ay walang expiration maliban kung ang isa ay pumanaw na o kaya ay may deklarasyon ng korte na ito ay walang bisa. Maari ka lamang magpakasal kung yumano na ang iyong asawa o may deklarasyo ng korte na walang bisa ang inyong kasal.

  • @rosaliemontero3680
    @rosaliemontero3680 Před 2 lety

    Attorney ,about po ito sa mga auntie ko meron sila claim na lupa mana nila ito sa papa nila namatay sila po ba ang may karapatan na iclaim po, kase meron nakabili pero ang nakalagay sa kasulatan po ay 30sqm lang ang binenta ni lolo po,kaya claim po nila ang excess na lupa pero hindi pawag ang member ng simbahan.sana masagut nyo po and god bless po.

  • @iveyabadies6000
    @iveyabadies6000 Před rokem

    Hi hom' tanong ko lang poh hiwalay na poh ako sa asawa ko 6 year na poh edad ko poh kinasal 16 palang ako noon dinaya lang edad ko ng 19 para makasal po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung ikaw ay nagpakasal after Aug 02, 1988, walang bisa ang iyong kasal kung wala ka pang 18 nang ikinasal ka. Maari kang magsampa ng petition para ipawalang bisa ang iyong kasal.

  • @sicsim8870
    @sicsim8870 Před 2 měsíci

    gd am sr maam pwede ba maka hiwalay kinasuhan ka ng rafe ng asawa mo pinakulong ka para maka pirma ka ng hiwalay valid ba yon pwede rin ba ako mag kaso sa kanila ano ikaso ko sa kanila maam sr sana masagot mo tanong ko

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 měsíci

      Ikaw ba ay nahatulan ng rape? Isang ground o batayan para sa petition ng legal separation ay kapay may final judgment na ikaw ay nahatulan na makulong ng higit sa anim na taon.

  • @mylenedelacruz5859
    @mylenedelacruz5859 Před 2 lety

    itatanung kpo kung pwedi po ba mg pakasl sa Isa lalaki kung Hindi cea ksal Pera c babae kasal sa una po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Kung ikinasal na sa iba ang babae, hindi siya pwedeng pakasalan ng lalaki dahil silang dalawa ay pwedeng makasuhan ng bigamy.

  • @gerliebacud7590
    @gerliebacud7590 Před rokem

    Hi'' attorney sana mapansin ang coment ko, matagal na kaming di nag sasama ng asawa ko' at wala na ren paki alamanan sa amen pati mga anak namen dina ren masyado nag bibigay ng susntento saka lang nag bibigay kong maka alala sa mga anak nila isa akong ofw dito sa Dubai kinasal kami noong bwan ng September 2022 pero ang pinag tataka ko ni hindi kami nag apply ng senumar sa municipyo at wala ren akong birthday certificate or
    Babtismal nagulat nalamang po ako at bigla nalang kami pina pirma ng merrage certificate ng tita ng ex husband ko dahil sya ay nag tatarabaho sa municipyo pati mga magulang ko ni hindi nila alam mga edad ko nun ay 18 years old months pag ka raan ng ilang bwan binigay na sa amen ang merrage certificate namen di mag ka tugma ang spelling ng birthday certificate ko at a'g merrage contract namen tanong ko lang po attorney Kong pwede ba akong mag pa kasal s iba at walang bisa ang unang merrage contract namen sa ex husband ko salamat. Po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung hindi kayo humarap sa solemnizing officer na nagkasal sa inyo, ang inyong marriage ay walang bisa. Pero kahit na walang bisa ito, kailangan mo pa rin na ipa-void ito sa pamamagitan ng magsampa ng petition sa korte. Kung meron ng deklarasyon mg korte na ito ay walang bisa, maari ka nang magpakasal sa iba.

  • @romacobangbang4250
    @romacobangbang4250 Před 2 měsíci

    Paano po pag hiwalay na ng almost 30yrs tapos yung babae may anak na sa ibang lalake...

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před měsícem

      Ang kasal ay isang special contract na walang expiration at hindi pwedeng ito ay isailalim ng kasunduan na wala nang bisa.

  • @juja5786
    @juja5786 Před 2 lety

    Good evening po Atty. Ung bf ko po ay matagal ng hiwalay sa asawa nya, kasal sila pero peneke ang edad nung babae dahil 16 yrd old p lang ito noon. Mayor po ang nagkasal saknila,may pinirmahan n din sila na nagpapatunay na hiwalay n sila..ngaun po gusto namin magpakasal pwde po b na ikasal kami? Thank you.

  • @gracemalapitan437
    @gracemalapitan437 Před rokem

    20.yers na kmi hiwalay at my asawa na cya na iba tatlo bises pa cya nag asawa pwd naba ako mag pakasal sa iba

  • @joviertw1407
    @joviertw1407 Před 2 lety +1

    Hello po atty. ask ko lang po kapag po ba hindi na nagsasama ang mag asawa tapos nagkasundo ang both partido na maghiwalay legally.. pwede po ba yun na reason sa anullment???
    Thank you po in advance..

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +2

      Ang pagkakasundo ng mag-asawa na maghiwalay na ay hindi ground paramapa-annul ang kasal. Panoorinang aking mga videonamay pamagat: "Alamin ang mga kasal na walang bisa o marriages that are void fromthe beginning"; "Grounds for annulment of marriagein the Philippines"; "Mgakasalna bawal o voiddahil sa public policy o patakarang pampubliko"

  • @user-xg1ch3dp5y
    @user-xg1ch3dp5y Před 16 dny

    ❤❤❤

  • @elizabethespinar7555
    @elizabethespinar7555 Před 2 lety

    Good afternoon po
    Ask q lng po Atorney
    Maituturing po bang legal ang kasal kahit ito'y piniki lang ang edad para lng makasal.at pwede naba magpakasal sa iba kasi 20 years na po kami hiwalay ng ex q po

  • @jamgallano6201
    @jamgallano6201 Před 2 lety

    Hello po,attorney..mgkano po kaya mgpagawa ng affidavit of separation?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Depende ang singil ng abogado. Pero dapat mong malaman na ang legal separation ay hindi maaaring itakda batay sa kasunduan ng mga partido. Ngunit ang paghihiwalay ng ari-arian ay maaring isakatuparan sa pamamagitan ng kasunduan ng mga partido, pero kailangan ito ng approval ng korte.

  • @agnessantiago9906
    @agnessantiago9906 Před rokem

    hello po attorney pwede poba akong mag pakasal kahit 15 yrs napo kming hiwalay nang dati kong asawa kasal bayan po sa barangay ang kasal namin noon pwede poba ulit maraming salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Hindin pwedeng magpakasal sa iba kahit na matagal na kayong hiwalay ng iyong asawa. Kailangan mo munang ipa-annul o ipawalang bisa ang iyong kasal bago ka magkapasal uli sa iba.

  • @dhaleyn
    @dhaleyn Před rokem

    Attorney paano po pag nagkaroon ng kasunduan sa baranggay na wala ng pakialaman sa isat isa ang mag asawa..tpos nagkaroon n ng kanya kanyang karelasyon kaso po ung sa lalaki ay naghiwalay din sila ng nakarelasyon niang bago ang tanong ko po ay pede po ba nia maipakulong ang dating asawa nia na may bago ng karelasyon ngaun..dahil ung lalaki ay wala na ulit karelasyon?

  • @gilbeysgarcia1877
    @gilbeysgarcia1877 Před rokem

    gud morning attorny pwd ba mg pkasal khit kasal sa una ang jowa ko mtsgal na sla hwalay peo wla pa sla permahan sa barangay peo ng usap na kme ni legal wife na tngap na kme at ok nman kme ni legal wife

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem +1

      Kung magpakasal kayo na hindi pa napapawalang bisa ang unang kasal, wala ring bisa ang inyong kasal kahit payag pa ang dating asawa na magpakasal kayo. Isa pa, hindi rin siya makakakuha ng CENOMAR dahil lalabas ang kanyang kasal. Dahil dito, hindi siya bibigyan ng marriage license ng opisina ng local civil registrar.

    • @gilbeysgarcia1877
      @gilbeysgarcia1877 Před rokem

      thankyou po attorny

  • @riemaannincho2177
    @riemaannincho2177 Před 9 měsíci

    Pero atrny pwd mka bf/gf bsta di lang mag isa ng tanahan kahit wala oang anullment sa mga ex husband or wife?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 9 měsíci

      Mung magka-bofriend ang isang may-asaswang babae, maari siyang kasuhan ng adultery kung magkaroon siya ng sexual relationship sa ibang lalaki na hindi niya asawa. Ang may-asawang lalaki naman ay maaring aksuhan ng paglabag ng Anti-Vio0lence Against Women and their Children.

  • @kuyacaretheartventurer1435

    Good day attorney. nais ko pong itanong sa inyo if posible po ba kaming magsama ng isang babae na hiwalay sa kanyang asawa na nagkasundong magkanya kanya na ng buhay. tinanong nya kasi kung pwede ba sya maghanap ng makakasama sa buhay at sinagot na bahala na daw sya sa buhay nya wala daw sya pakialam. makakasohan kaya kami kung magsama kami sa iisang bubong kahit wala ng kasal..maraming salamat po.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung may pagpayag o nagpapatawad ang kanyang asawa at inilagay ito sa isang kasulatan, hindi kayo makakasuhan ng adultery. Ang kanyang asawa lamang ang pwedeng magreklamo ng adultery dahil ito ay isang private crime.

    • @kuyacaretheartventurer1435
      @kuyacaretheartventurer1435 Před rokem

      @@batasmobataskowithatty.ronnie If at one point po atty. biglang nagbago isip ng husband nya at nagsampa na sya ng kaso kahit may una ng napagkasunduan, ano po possible na mangyari ?

  • @imotwom3788
    @imotwom3788 Před rokem

    Paano po yan di nman n anul ksl po kso ng asawa ang lalaki at kinasal dw po..may kaso po b yan sila ..

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Maari siyang kasuhan at ng kanyang pangalawang asawa ng bigamy kung nagpakasal siya na hindi pa napapawalang bisa ang una niyang kasal.

  • @theartofcookinglane521

    Atty .ask ko lang po Kong my karapatan ba Ang ex wife Ng kinakasama ko na dadalaw Dito sa bahay nmin or bahay Ng kinakasama ko ...my mga anak sila pero Hindi sila kasal at 3 yrs na sila hiwalay

  • @bethminoza487
    @bethminoza487 Před 2 lety

    magandang araw atty...may problima ako sa birth cert. ng anak ko late register na po sya pero ganun ba talaga apelyedo pa ng nother kahit na late registered po ang anak ko

  • @jenelinlegal7095
    @jenelinlegal7095 Před rokem

    good day po atty. ask ko lang po pwd ko po bang kasuhan ang asawa kong pulis na may kalaguyo at buntis na po ngayon kahit mag 3 years na kaming hiwalay?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung ibinabahay ng iyong asawa ang kanyang kalaguyo, maari mo siyang ireklamo ng concubinage. Maari mo rin siyang ireklamo ng paglabag sa Anti-Violence Againsgt Women and their children.

  • @derlynbokingkito4755
    @derlynbokingkito4755 Před 2 lety

    gud evng atty

  • @cristycastro9840
    @cristycastro9840 Před rokem

    Hello po attorney kasal po yung pinsan ko kaya lang po huli na po nya nalaman na may tatlong anak yung babae sa ibang lalaki,at ngayon po gusto ng pinsan ko makipag hiwalay sa babae, anu po yung dapat niyang gawin?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung nalaman ng pinsan mo tungkol sa mga anak ng kanyang napangasawa pero sila pa rin ay tuloyang nagsama bilang mag-asawa, hndi na niya pwedeng idahilan ito para wakasan ang kanilang kasal

  • @riemaannincho2177
    @riemaannincho2177 Před 9 měsíci

    Kung ganun ano po attrny ba ang say2 sa pag sittlement sa brgy?

  • @AngeloIsaac-yf4mw
    @AngeloIsaac-yf4mw Před rokem

    Atty. Pwede po ba i dememanda ang dati kong asawa ng adultery pag may karelasyon n syang iba pero tomboy po yung karelasyon niya. . .pero yung ex ko po ay nasa ibang bansa na ngayon at yung karelasyon niya ay andito sa pinas. . . Mapapa deport po ba yung ex ko. . .

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Isa sa mga elemento ng adultery ay pakikipagtalik sa isang lalaki na hindi niya asawa, kaya hindi maaring kasuhan ng adultery.

  • @southjasvlog
    @southjasvlog Před 2 lety

    Tulongan mo poo ako..may tanong aku..kasal kami ng asawa ko, tapus umalis siya iniwan niya aku..yong anak namin na sang taong gulang palang iniwan niya sa biyanan ko. Hangan ngayon po gusto ko pong kunin ang anak ko..ayaw po ibigay nang biyanan ko .

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Ikaw ang may karapatan, hindi ang iyong biyenan, sa iyong anak hanggat walang order ng korte na inaalisan ka ng karapatan. Lumapit ka sa inyong barangay o DSWD para humingi ng tulong.

  • @rowenadeleon4351
    @rowenadeleon4351 Před rokem

    Atty pano kung nagkakalamigan n sa isa't isa pero magkasama sa iisang bubong because of their children 5 months ng wala silang sex pwede bang gamitin n basehan para mapawalang bisa ang kasal.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Ang nagkakalamigan sa isa't isa ay hindi ground para mapawalang bisa ang kasal. Kung isinama ito sa batas, malamang na marami nang mga kasal na napawalang bisa.

  • @maribelartuz5023
    @maribelartuz5023 Před 2 lety

    Gudmormg atty ask klng kng mg divorce ako dto sa singapore kasal ako sa pilipinas pwde ba akong mgpksal dto sa singapore? My habol paba sa akin yong x husband ko sa pinas?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Meron akong video tungkol dito. Please panoorin ang nasabing video na may pamagat: Pwede bang kasuhan ng bigamy ang nagpakasal sa abroad pero kasal siya sa Pilipinas.

  • @JeanyTumbaga-sv5ox
    @JeanyTumbaga-sv5ox Před rokem

    Good morning po atty.. may itatanong lang po sana ako,,kinasal po kami ng april 2018 pero yong marriage certificate po hindi po naipasa sa civil registar po hanggang ngayon po 5 grs na po nakalipas bago natapos po yong kasal namin. Ano po ang pwede ko pong gawin atty para makita ko po kung valid po ba ang kasal namin o hindi po kasi balak ko po sana kumuha ng passport ee need po kasi ng marriage certificate po .salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem +1

      Magrequest ng CENOMAR at dalhin ito, kasama ang kopya ninyo ng marriage certificate, sa opisina ng local civil registry. Hilingin na ipasa ang kanilang kopya sa PSA

    • @JeanyTumbaga-sv5ox
      @JeanyTumbaga-sv5ox Před rokem

      @@batasmobataskowithatty.ronnie atty pwede po ba ako mag apply ng passport po pero ang gagamitin ko pong status ee single kasi po may conflict po yong marriage certification ko po balak ko po kasi sanang mag abroad ?. Salamat po sa iyong tugon.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      @@JeanyTumbaga-sv5ox Bakit mo sinabing may conflict ang iyong marriage certificate? Pero nagpakasal ka?

  • @buhayofwkasambahay8727

    Atorni married certificate lang ang merun ako. At walang red rebon invalid po ba iyon.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Ginagamitan ang red ribbon kung gusto mong kilalanin ang marriage certificate sa ibang bansa. Pero wala ng red ribbon ngayon, apostille na ngayon ang pumalit sa red ribbon. Pero kung hindi mo naman gagamitin ito para kilalanin sa ibang bansa, hindi mokailangan na ipa-apostille.

  • @iveyabadies6000
    @iveyabadies6000 Před rokem

    Valid ba kasal ko po dahil 16 palang ako noon dinaya lang po ng 19 tas hiwalay n kmi ngayon 6 year n valid ba yong kasal nmin sana matolongan ninyo ako poh tnx u poh

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung ikaw ay nagpakasal after Aug 02, 1988, walang bisa ang iyong kasal kung wala ka pang 18 nang ikinasal ka. Maari kang magsampa ng petition para ipawalang bisa ang iyong kasal.

  • @sheilagabuco1412
    @sheilagabuco1412 Před 2 lety

    Good evening po attorney..tanong kulang po may asawa po ako kasal po kami sa mayor ngayun po hiwalay na kami tatlo taon na po..yung asawa ko po my kinakasama nadin tas ako my boyfriend nadin po,may Kaso po ba yun?? At my anak kaming isa yung father po ng bata ay my supporta din po.pero sinabi ng ex husband ko na wala na kami pakialaman.sana po mapansin

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Ang pwedeng magsampa ng adultery at concubinage ay ang legal na asawa lamang. Kaya kung hindi siya magsasampa ng adultery sa iyo, at kung hindi ka naman magsampa ng concubinage laban sa kanya, walang kaso. Isa pa, ang mga partido na humihing ng hustisya sa korte na hindi malinis ang mga kamay ay hindi maaaring payagang kumita o mag-benefit mula sa kanilang sariling maling gawain.

  • @jedalynsevilla7278
    @jedalynsevilla7278 Před 2 lety

    good day po Atty❤️. about po sa sister ko, 2010 kinasal sya 19yrs old sya non . Dahil wala po yung pastor na Authorized mag kasal ,ang nag kasal po sa kanila ay isang pastor na hindi authorized mag kasal. Pero papa pirmahan nalang daw po ang papel, sa talagang authorized mag kasal. .tapos po inabot daw po ng expiration ung marriage lisence nila dahil hindi agad na iforward yung mga papeles sa munisipyo.. Valid po ba yung ganong kasal ? may record po kaya sila sa civil registral.? salamat po ,god bless u po atty.❤️

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Kung ang isao ang dalawang ikinasal ay naniniwala na may otoridad ang nagkasal sa kanila, valid ang kasal. Kung nag-expire na ang marriage license, wala itong problema kung nang ikinasal sila,hindi pa rin ito expired. Tungkol naman sa record, maari kayong mag-verify sa opisina ng local civil registrar.

    • @ernestoavorque2664
      @ernestoavorque2664 Před 2 lety

      Good day po atty. marami pong salamat sa inyong mga magaganda at legal na payo... Sa akin pong katanungan paano po ang dapat kong gawin hiwalay na po kami ng asawa ko 2004 siya po ay nagloko... Sa ngayon meron na siyang sariling asawa at may anak na sa ibang lalaki...paano ko po maipapawalang bisa ang aming kasal sa kasalang bayan na no show ang nangyari....marami pong salamat God bless po...

    • @Diana-py2mx
      @Diana-py2mx Před 10 měsíci

      Hi atty. Good day po!
      May gusto po sana ako I ask na advice.
      Ang husband ko po kasi iniwan kami tas may warrant of arrest na siya for abondonment.. Mga 11 years na kami hiwalay sa ngayon. Kung mag ka partner po ba ako pwede niya ako kasohan kahit siya ang nang abandona?

  • @jobellflores3634
    @jobellflores3634 Před rokem

    Atty. Pwede po ba magpgawa ng kasulatan sa brgy na wala na kmi pakialamanan? 3yrs na po kmi hiwalay. Salamat

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Depende kung ano ang magiging kasunduan ninyo.Kung ang kasunduan ninyo ay pwede na kayong mag-asawa uli sa iba, ito ay walang bisa, hindi valid.

  • @kaidenthaddeusbismonte7329

    hello po atty. ask ko lng po may kaibigan po kasi ako may bf siya nasa abroad pero may asawa po yung lalake gusto po nung lalaki i secret marriage yung kaibigan ko pwede po ba un?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Labag sa ating batas ang magpapaksal kapag may asawa na unless ang kasal ay na-annul, namatay na ang asawa, nawawala ang asawa at meron judicial declaration of presumptive death o kaya'y may divorce at may judicial recognition ng nasabing divorce ng ating korte. Kapag nagpakasal ang iyong kaibigan despite na alam niyang may asawa na ang kanyang mapapangasawa, maari silang kasuhan ng bigamy. Technically, walang secret marriage. Tinawag lang na secret marriage dahil ayaw ipaalam sa iba.

  • @jovinelodevice
    @jovinelodevice Před 11 měsíci

    Hi po attorney ask ko lang po pwede po ba makasal sa iba kubg nag annulment na po

  • @trendingpilipinas8887

    Hi atty, pagkasal po s foreigner abroad pero not legally separated Taz ngpakasal c girl s pinas.. bigamy padin b un or void lng ang kasal s pinas?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Maari siyang kasuhan ng bigamy kung nagpakadsal siya uli sa iba dito sa Pilipinas. Ang kasal sa ibang bansa ay kinikilala na valid dito kung ang nasabing kasal ay valid din sa bansa kung saan ito ginawa maliban kung ang nasabing kasal ay void dito sa Pilipinas gaya ng kasal ng dalawang lalaki o kasal ng magkapatid. Dahil ito ay isang bigamous marriage, void din ang nasabing kasal.

  • @markjohninay31
    @markjohninay31 Před rokem

    Hello poh atty.kapag hu ba nagpasya kmi ng asawa ko maghiwalay na at walang legal separation,pwde hu bang ilagay sa mga documents ko like passport o ID's na single

  • @jhrptld7270
    @jhrptld7270 Před 2 lety

    Paano po kung ang kasunduan sa brgy nang dating mag asawa eh hnd na magkakaso kahit magpakasal sa iba.?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Kahit may kasunduan sa barangay, ang nasabing kasunduan ay void o walang bisa dahil labag ito sa batas. Kung magpakasal ka sa iba, walang bisa b isa ang kasal kung hindi pa na-annul o napawalang b isa ang kasal.

  • @manelynnamoc6537
    @manelynnamoc6537 Před rokem

    Gud day po atty. Nkakuha na po ako ng temporary national Id gamit apelyedo ng asawa ko ngunit gus2 ko po plitan ng apelyedo ko sa pgkadalaga dhil hiwalay na po kami. Pwede po ba?

  • @josievilaflor1172
    @josievilaflor1172 Před rokem

    Attorney ask ko lng po kong pwedi pong ma annulled ung Kasal ng kinakasama ko , kasi naging lesbian naman po ung x nya

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Maaring mag-file ng petition for annulment dahil isa sa mga ground ay ang gagtatago ng pagkalulong sa droga, nakasanayang alkoholismo o homoseksuwalidad o tomboy na umiiral sa panahon ng kasal. Pero kung malaya silang nagsama bilang mag-asawa pagkatapos niyang malaman na lesbian ang kanyang asawa, hindi na ito maaring gamitin na ground.

    • @josievilaflor1172
      @josievilaflor1172 Před rokem

      @@batasmobataskowithatty.ronnie attorney syaka lng po nalaman ng kinakasama ko nong nakapag abroad na po ung x nya, pinag palit na sya sa babae sa ibang bansa at nag anyong lalaki na rin po sa pananamit sa buhok binago na po ng x nya

  • @jul-minlee3312
    @jul-minlee3312 Před 2 lety

    Hello po attorney tanong ko lang po kong pwde ko ba kasuhan yung asawa ko hndi po kami kasal pero may anak po kami isa, 13years napo kami pero Yung asawa ko biglang nagloko at nagpakasal sa iba, may karapatan poba ako kasuhan sya kahit hndi kami kasal please po sana masagot po itong tanung ko 🙏

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Pwede mo siyang sampahan ng reklamo sa paglabag ng RA 9262: the Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004

  • @marialotus143
    @marialotus143 Před 2 lety

    Atty, pde po b mag file ng petition ng annulment ang husband ko khit di ako pumapayag?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Pwede siyang mag-file ng petiition para annulment kung meron siyang ground para ipa-annul ang inyong kasal. Hindi papayag ng korte na magsabwatan ang mag-asawa para ipa-annul ang kanilang kasal.

  • @josevictorio3449
    @josevictorio3449 Před 2 lety

    sir may habol po ako sa anak ko na dalawa tapos ang asawa ko na nakipag relasyun na sa iba my laban po kaya ko sa anak ko kahit di kami kasal?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Sa ilalim ng Family Code, ang mga batang wala pang 7 taong gulang ay nasa ilalim ng parental authority ng kanilang mga ina. Ang panuntunang ito ay sumasaklaw din sa mga illlegitimate na bata. Ang ina, gayunpaman, ay maaaring mawalan ng kanyang mga karapatan sa pangangalaga at awtoridad ng magulang kung siya ay itinuturing ng estado na hindi karapat-dapat na palakihin ang kanyang anak.

  • @davecamu5363
    @davecamu5363 Před 2 lety

    ganda umaga attorney pwede po ba magpawalang bisa ang mayor na nagkasal sa amin ng exwife koh?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Anong ibig mong sabihin, ang mayor mismo ang magsasabing walang bisa ang iyong kasal? Siya ang magfile ng petition sa korte para mapawalang bisa ang kasal?

  • @angelahabla8296
    @angelahabla8296 Před rokem

    Mam pwedi ba akong mag file ng online anualment ofw po ako.mag tatlong taon ko na p inwan an asaa ko kc palagi nya akong tinatakot na patayin at sobrang lasengero po hanngang ngayon hindi ko parin makalimutan ang masamang pang yayaring yon at ako lang palagi ang laging nag trabaho at nag suporta sa anak ko

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem +1

      Kailangan mo ng serbisyo ng isang abogado para maprepara at gumawa ng iyong petition. Maari kang mag-search sa online ng mga abogado na pwedeng hahawak ng iyong petition.

    • @angelahabla8296
      @angelahabla8296 Před rokem

      @@batasmobataskowithatty.ronnie thanks po

  • @almasantos6479
    @almasantos6479 Před 2 lety

    Good morning po Atty.tanong ko lang po sir ..yung apo ko po na 7years old ay dinerekta pong pagbintangan na kumuha ng cellphone..ngayon po ang apo ko ay na to trauma. Wala pong witness ang apo ko ..pero hindi po nya makalimutan kung ano ang sinabi sa kanya.ano po kaya ang pwede kong isampang kaso sa taong nag akusa sa bata?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Maari mong ireklamo sa paglabag ng Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Isa sa provision ng batas na ito ay nagbabawal sa anumang kilos sa pamamagitan ng mga gawa o salitang nagpapababa, nagiinsulto o naghahamak sa dignidad ng isang bata bilang isang tao.

    • @almasantos6479
      @almasantos6479 Před 2 lety

      @@batasmobataskowithatty.ronnie ipina tawag ko po sya sa barangay namin at ng nagharap po kami dinuro duro pa po kaming mag lola at wala po daw ibang kukuha kondi ang apo ko po..ang problema ko po atty kulang kulang po ang minutes na gawa ng secretary kasi po kakilala nya ang respondent..makaka apekto po ba yang minutes ng barangay sa isasampa ko pong kaso?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      @@almasantos6479 Humingi ka ng legal assistance ng PAO, baka ikaw ay qualified sa kanilang serbisyo.

    • @almasantos6479
      @almasantos6479 Před 2 lety

      @@batasmobataskowithatty.ronnie salamat po atty.god bless po!

    • @almasantos6479
      @almasantos6479 Před 2 lety

      Magandang hapon po atty. May tanong po sana ako sir...
      Tungkol po sa derektahang pambibintang sa apo ko po na 7years old Na kumuha ng cellphone..nung una po kasi syang pinagbintangan wala pong witness ang bata...pero nung nagkaharap po kami sa barangay inulit po ang pagbibintang nakisali pa ang asawang babae at dinuro duro pa nila kaming mag lola..ang tanong ko po sir kailangan pa po ba naming mag lola ng witness sa ginawa nilang mag asawa sa aming mag lola? Yan po kasi ang sabi ng pulis sa woman's desk. Maraming salamat po atty.

  • @lilyjackson9840
    @lilyjackson9840 Před 2 lety

    Gud day po attorney...ask ko lang po almost 4 years ng hiwalay ung asawa ko sa dati nyang asawa...may anak na nga ung babae sa ibang lalaki at naghiwalay din sila...ask ko lang po pwede ba na mag file ng case ung babae sa amin kahit me anak na sia sa ibang lalaki?? Sana po mapansin.

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety +1

      Kasal ba ang asawa mo sa dati niyang asawa?

    • @lilyjackson9840
      @lilyjackson9840 Před 2 lety

      @@batasmobataskowithatty.ronnie opo attorney kasal sila pero yong dati nyang asawa me anak na sa ibang lalaki.. 2 yrs old na nga...

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      @@lilyjackson9840 Ikaw din ba ay kasal sa yong partner ngayon?

    • @lilyjackson9840
      @lilyjackson9840 Před 2 lety

      @@batasmobataskowithatty.ronnie hindi po... kasi kasal sila ng dati nyang asawA... gusto ko lang malaman pwedw ba masampa ng kaso ung ex wife nya ng concubinage.. kahit may anak sia sa ibang lalaki.. sia po una nagloko... 2yrs old na nga yong bby nya sa ibang lalaki..samantalang ako ng partner ko 1 year palang kami..

  • @iveyabadies6000
    @iveyabadies6000 Před rokem

    Hi poh atty❤ good pm po ask ko lng poh kong valid ba ang kasal nmin 16 pa ako noon ginawa lang ng 19 edad ko par😊 makasal

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kung ikaw ay nagpakasal after Aug 02, 1988, walang bisa ang iyong kasal kung wala ka pang 18 nang ikinasal ka. Maari kang magsampa ng petition para ipawalang bisa ang iyong kasal.

  • @josefaibanez7665
    @josefaibanez7665 Před rokem

    Hello po sir my tanung lng po ako..my karapatan po ba ako mapakulong ung asawa ko kc nagpakasal na po sya, ay kasal pa po kami at ndi po anal

  • @eliaquimgange8955
    @eliaquimgange8955 Před rokem

    good day Po ask ko lang Po legal Po ba Yung legal separation pinagawa Ng dati Kong Asawa na may Perma Namin pareho kinuha lang nya Yung ID ko at magpagawa sya sa attorney na alam nya Ng legal separation?salamat po

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Ang proseso ng legal separation ay dapat dadaan sa korte. Kung hindi kayo dumaan sa korte, hindi ito legal separation.

    • @eliaquimgange8955
      @eliaquimgange8955 Před rokem

      nako po😱

    • @eliaquimgange8955
      @eliaquimgange8955 Před rokem

      paano Po kaya kung hnd legal Ang separation Namin may anak Po sa ibang lalake at SI lalake Naman ay may gf na pwd magkakaproblema ba SI babae?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      @@eliaquimgange8955 kung parehas kayong nagpapatawad ng bawat isa, parehas kayong may depensa sa kasong adultery at concubinage. Isa pa, ang asawa lamang ang maaring magsampa ng kasong adultery at concubinage.

  • @cristinacasas4255
    @cristinacasas4255 Před rokem

    Atty.ayaw nya po mag sustento sa anak nmin dahil wala dw sya income pero may iba na sya kinakasama..dami nya po dahilan Ayaw nya magbigay dahil dw kulang yung kinikita nya...yung anak nmin po nawalan na ng Gana mag aral dahil sa kulang kulang ang gamit at sa project din Hindi nmn binibilhan?atty ano po dapat kung gawin Sana matulungan nyo ako

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem +1

      Pweded kang magsampa ng reklamo laban sas kanya sa paglabag ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children.

    • @cristinacasas4255
      @cristinacasas4255 Před rokem

      Atty wala po akong kakayahan para kumuha ng abogado saan ba ako pwede lumapit...Kasi lumapit na ako sa DSWD pero wala parin nasunod...

    • @cristinacasas4255
      @cristinacasas4255 Před rokem

      Ang sabi lang po ng DSWD sakin wala dw ako magawa kung Ayaw magsustento Kasi Hindi ko daw pwede pilitin Kasi wala din nmn daw sya income

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      @@cristinacasas4255 Ang pagsuporta ay nakadepende sa kakayahan ng nagsusuporta at depende rin sa kailangan ng susuportahan. Anyway, maari mo siyang kasuhan ng paglabag sa RA 9262

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem +1

      @@cristinacasas4255 Humingi ka ng legal assistance sa PAO dahil meron silang libreng legal na serbisyo sa qualified individuals.

  • @bethminoza487
    @bethminoza487 Před 2 lety

    bakit kailangan ko pa aayosin ang birth xert.na naregitro ko nmn sya pero late registered nmn sya

  • @nytreyes1833
    @nytreyes1833 Před 2 lety

    tanong kulang po
    may kasunduan kami sa barangay para sa mga bata 4days sa knya 3days sakin kaso di na po sya tumupad sa usapan pwede kupo ba syang kasuhan?

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před 2 lety

      Pumunta ka sa inyong barangay at humiling ng writ of execution. Ang amicable settlement o arbitration award ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng lupon sa loob ng anim (6) na buwan mula sa petsa ng settlement

  • @minyoongiiiii9139
    @minyoongiiiii9139 Před 2 lety

    Hello atty.😇

  • @PrincessGabawa-qf2lb
    @PrincessGabawa-qf2lb Před rokem

    Atty ,pede mag ask ? Paano poba mapawalang visa ang kasal

    • @batasmobataskowithatty.ronnie
      @batasmobataskowithatty.ronnie  Před rokem

      Kailangan mo ng serbisyo ng abogado o kaya ay humingi ng tulong sa PAO dahil meron silang libreng legal service sa mga qualaified individual.