Lipad
Vložit
- čas přidán 5. 09. 2011
- Students' Rights
Know Your Role. Know Your Rights.
STudents' Rights Awareness and Welfare Season
I
Hinahanap ang tanglaw na siyang mag gagabay
Sa bawat puso at diwang mayroong tinataglay
Na karunungan at lakas na babago sa ating buhay
At sa tuwina sa atin ay aalalay
II
Ang nais nating matamasang kalayaan
Kaakibat ay karapatan at kaalaman
Sa ngalan ng Diyos at bayan ay ating makakamtan
Hindi lalabis at lalo di magkukulang
Koro
Lumipad ka at iyong damhin ang araw
Sa liwanag lahat iyong natatanaw
Gintong tinig ng Tomasino
Ay laging mangingibabaw
At karapatan buong isisigaw
Coda
Hindi na kaya pang pigilin
At hinding hindi na kayang usigin
Hanggang langit ay kayang liparin
Pagkat bisig ay kayang pag kaisahin
Koro
Very nice song. I'm feeling the spirit as a thomasian. :D