STA ANA FIESTA 2024

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 10. 09. 2024
  • JULY 26, 2024
    SANTA ANA at SAN JOAQUIN, BANAK FESTIVAL
    ANG PUEBLO O BAYAN NG TAYTAY ay naitatag noong 1579. Si Padre Juan de Plasencia, isang Franciscano, ang founder.
    Natagpuan ang pamayanan ng bagong tatag na TAYTAY sa mataong lugar sa baybayin ng Laguna de Bay. Matubig at madalas itong lubog sa baha lalo na tuwing tag-ulan. Ang lugar na iyon ang pinagsimulan ng alam nating Lupang Arenda na ang kalakihang bahagi ay nasa gawi ng Baryo SANTA ANA.
    Ang katagian ng kalikasan ang pinaghugutan ng maalamat na isdang BANAK--kaya nga't nagkaroon ng SANTA ANA BANAK Festival sa kapanahunan natin ngayon; una sa Taguig at kalaunan ay sa katabing bayan na rin ng Taytay.
    Ang simulang kinasasakupan ng komunidad ng Taytay ay ang malawak na distrito ng VISITA SANTA ANA DE SAPA na unang itinatag ng Misyong Franciscano, 1578. Ang Taytay at Taguig ay parehong sakop nito.
    Ang unang komunidad na natipon noon sa Taytay ay tinawag na “Mabolo”, isa sa mga prutas na dinala rito ng Kastila para sa agrikultura. Ito ang naging barangay o baryo ng SANTA ANA-isinunod sa pangalan ng pinagpipitaganang pinuno ng komunidad na si FRANCISCO SANTA ANA. Ang pangalan niya sa kabinyagan ay hinalaw mula kina SAN FRANCISCO DE ASIS (Assisi) at LOLA SANTA ANA na kapwa paboritong pintakasi ng Ordeng Franciscano na unang nagmisyon sa Taytay mula 1579 hanggang 1591.
    Ang kasalukuyang sentrong SANTA ANA (ika-6 na Distrito ng Siyudad ng Maynila), Barangay SANTA ANA at buong siyudad ng Taguig, at Barangay SANTA ANA sa Taytay ay nagdiriwang din ng Kapistahan ni LOLA SANTA ANA, samantalang ang Barangay San Joaquin ng Pasig naman ay nagpipiyesta kay LOLO SAN JOAQUIN (ang butihing esposo ni LOLA ANA).
    Ang TAGUIG, PASIG, at TAYTAY ay pawang nabibilang sa sinaunang VISITA SANTA ANA DE SAPA. Samantala, ang buong TAGUIG, at Barangay SANTA ANA ng TAYTAY ay pagrehong nagdiriwang ng Kapistahan at festival ng SANTA ANA BANAK.
    Happy fiesta po ni LOLA ANA at LOLO JOAQUIN! Larga, Banak Festival!

Komentáře •