EP. 7 STREET PHOTOGRAPHY IN MANILA + PHILIPPINES RECAP

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 21. 11. 2023
  • BOOK GIVE AWAY! To join, just put a comment on this video on its first day. and subscribe to this channel.
    Shirt online order: www.thetwelfthhouse.com/colle...
    Tote Bag: tinyurl.com/GELOYxMNBT-ITPSIC...
    tinyurl.com/GELOYxMNBT-BDAT-sh
    Special thanks to Sunny16 lab for taking care of my film rolls.

Komentáře • 263

  • @janefilms
    @janefilms Před 7 měsíci +22

    Ang gaan ng pagpapakahulugan ni sir Geloy sa pagkuha ng litrato. Sa totoo lang pag napapanood ko yung ibang photographer, na-iintimidate ako. Nabibigatan ako, ang dami nilang qualifications. Skills and machines. Kahit gustong gusto ko yung pagkuha ng litrato, pakiramdam ko hindi ‘to para sa kin at para lamang sa magagaling, may pera, at may malalim na pag-unawa sa photography. Pero simula talaga nang makita ko mga gawa mo sir Geloy at kung paano mo rin hikayatin yung mga small and aspiring photographers tulad namin, sobrang na-encouraged ako na magpatuloy. Salamat. Isa kang inspirasyon! ♥️

  • @chanelorange6187
    @chanelorange6187 Před 7 měsíci +33

    It made me believe that having just the will to take photos is something to be grateful. I never thought that just an Instagram post from you Sir Geloy will light the smallest spark of me being a photographer in my own little ways. I gave up years ago but I'm starting to take pictures again. Forever grateful for the aspirations.

  • @shaynetraquena
    @shaynetraquena Před 7 měsíci +3

    YOU HELPED ME REALIZE THAT I CAN ALWAYS GO BACK TO PHOTOGRAPHY EVEN IF I LOST THE PASSION TO TAKE PICTURES. ONE SHOT AT A TIME. THANK YOU, GELOY! ❤️

  • @k____o1
    @k____o1 Před 7 měsíci +1

    bilang isang parte ng kabataan na nahihilig sa sining, napakagandang malaman kung paano nga ba 'yung thought process ng isang artist. iba-iba, may complex, may simple, pero anuman ang proseso, siguradong napakaganda ng kakalabasan.
    napakaganda rin ng insight sa dulong parte ng video, saktong nagkita pa kayo ni Mang Terry, mas napadiin nito yung mensahe na kahit papaano, napagdudugtong tayo ng sining, regardless of age, gender, or nationality.
    solid!

  • @sheelamaemasigla
    @sheelamaemasigla Před 7 měsíci

    Maraming salamat, Sir. Geloy. See you next year - Sheela 💖

  • @MariaSilva-wq7mu
    @MariaSilva-wq7mu Před 7 měsíci +1

    Photos are saviors each time I am lost for words. And, words also do the same the other way around. Thank you fo reminding us that we live in a collective struggle, that a stranger in the bus is not so different from where I'm coming from, and in each word we say, there are a thousand more to keep.
    Cheers, Sir Geloy! 🫰💖

  • @indigonikol
    @indigonikol Před 7 měsíci

    Maraming Salamat, Sir Geloy! Idol kita 🤘

  • @jeng.l
    @jeng.l Před 7 měsíci

    Salamat, Sir Geloy. Salamat.

  • @morgtv1023
    @morgtv1023 Před 7 měsíci

    First montage of photos was one of a kind. Such eye! I remember going to Carriedo with my point and shoot and thought there was nothing to take pictures of 😅

  • @cutiepatuty4685
    @cutiepatuty4685 Před 7 měsíci +1

    Mula nung nadiscover ko yung vids nyo dito sa youtube. lagi ko na kayo pinapanood habang nagtatrabaho ako. nakakatuwa kase di lang pala ako ang nakakaranas o naranasan kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon lalo na as a creative. Tulad nung nasabi nyo sa isa nyong vid, di ko rin maiwasan ipagkumpara yung mga gawa ko sa gawa ng ibang tao, lalo na sa kung ano man ang estado na meron ako ngayon. Sa ilang linggong panonood ko sa mga video mo at sa pagsusubaybay ko sa kung paano kayo nagsimula, napagtanto ko na natural lang ang mga pinagdadaanan kong ito at balang araw ay maiisip ko rin na dito rin pala ako nagsimula. Solo flight din ako sa kung ano man ang ginagrind ko ngayon, di pa man ako sigurado pero ang alam ko lang magpapatuloy pa rin ako hanggang sa susunod ako naman ang magiinspire sa mga katulad kong nahihirapan. Sana makacollab din kita sa susunod kung mapagbibigyan ng pagkakataon, di ko man alam kung paano pero iaattract ko nalang ang mga pagkakataon.

  • @arteezzykool
    @arteezzykool Před 7 měsíci

    Boss Geloy, napanood ko din interview m from CNN Philippines, galing

  • @Simon15
    @Simon15 Před 7 měsíci

    "Pilipino pala yung nagtake ng mapapanakit na mga pictures kong nakikita dati."
    Yan yung naaalala kong reaksyon noong kafafollow ko palang sa inyo sir Gelo. Gumagalaw, minsan, naaamoy at naririnig yung mga litratong kinunan mo kaya ako una namangha sayo. Pilas mula sa tunay na buhay, kasama yung dungis at pait. Mahusay ka sa sining na ito Sir Gelo pero mas namangha pako lalo noong nakita kong tumitindig ka rin para sa ibang tao. Matindi magpadama yung mga litrato mo kasi totoong may pakiramdam ka sa mga kinukunan mo. Isa ka sa mga nagudyok sakin magmartsa bukas hahaha. 🍉
    Mabuhay ka Sir Gelo.

  • @crismarsales6670
    @crismarsales6670 Před 7 měsíci

    Hello Sir Geloy, street photographer din po ako from Iloilo. Medyo same po tayo ng pinagda-anan. 5 years ago araw2 po ako naglalakad sa street ng Iloilo City to capture street scene bago pumasok sa trabaho then nung nagkaanak na po ako umiwi po kami ng misis ko sa probinsya at dito na kami tumira. Natigil din po ako sa pag shoot ng street at focus sa pamilya at trabaho. Ngayon po na inspire po ako sa story nyo at gusto ko po bumalik sa street photography pero probinsya naman po yung lugar na magiging concept ng proyekto ko. Medyo ibang story naman po ito ngayon kasi tahimik, walang gaanong tao sa kalye at simple yung pamumuhay. Sana po madami ka pang ma inspire na katulad ko na matagal nang gusto bumalik sa kung ano talaga yung gusto nilang gawin. More power po sayo at sa family mo. God Bless po lagi. :)

  • @inangsuy9266
    @inangsuy9266 Před 17 dny

    thank you for sharing the art of presence sir Geloy 🙏🏼

  • @mikaelafaithtolentino5427
    @mikaelafaithtolentino5427 Před 5 měsíci

    nakaka-inspire ka po sir Geloy!! Gusto ko rin po gawin ang street photography pero naramdaman ko na parang may "standards" na dapat maalam ka or professional ka sa larangan ng photography. Pero nung napanood ko ito, natutunan kong enjoyin at mahalin ang photography kasi ito talaga yung gusto ko.

  • @karlogatus4852
    @karlogatus4852 Před 7 měsíci

    Kuya Gels .. mag iingat ka palagi . Sana maka bonding kana namin ulit ni Denver . Dagat sana soon bonfire ulit

  • @mayezxcv
    @mayezxcv Před 7 měsíci

    nakakatuwa kung paano ka makakabuo ng kwento at kung paano magkwento ang isang litrato. Salamat sa pagkwento, kuya Geloy!

  • @kmcasaje
    @kmcasaje Před 7 měsíci

    Wala sa lente kundi sa mata. Congrats sir 🙏

  • @PauloBatistiana
    @PauloBatistiana Před 7 měsíci

    Silent follower here sir, ingat po lagi

  • @arkyle
    @arkyle Před 7 měsíci

    Isa kang inspirasyon sa akin at sa aking kaibigan, kuya Geloy! Salamat. ✨

  • @rrzzbgrn_
    @rrzzbgrn_ Před 7 měsíci

    YUN OH! BAGONG VIDEO!

  • @zerepyvoj
    @zerepyvoj Před 7 měsíci

    Yoohhohooyy!! Sa wakas. Isa sa mga pinakahihintay ko ang bago mong vlog, na alam kong tungkol sa pagbalik mo sa Pinas. Kwentuhan mo ko dali!!

  • @amielbarrios4121
    @amielbarrios4121 Před 7 měsíci

    Nung nasa beato pa ko dati, akala ko lahat ng picture kailangan may concept. lagi kong isip, "di ganon kaganda camera ko" "walang concept" "'eh pangit ng angle". Nung napanood kita may mga bagay na hindi mo na pala kailangan pagisipan ng sobra sobra. pag naramdaman mong gusto mo kuhaan. kuhaan mo. Salamat dahil pinarealize mo dito sa vid na di pala kailangan pressured ka to create. Salute sayo sir!

  • @MsAYMS
    @MsAYMS Před 7 měsíci

    Salamat sa patuloy mong pagtupad ng iyong pangarap, sa hindi pagsuko, sa paggamit ng iyong kakayahan at talento para matulungan at mabigyan ng boses din ang ibang tao. Mabuhay ka Geloy. Inspirasyon ka sa maraming tao

  • @denisevillanueva3267
    @denisevillanueva3267 Před 7 měsíci

    Salamat po sa pagsama samin sa journey niyo. Sa dalas kong dumaan sa Manila, masaya mawitness at maappreciate yung mga maliliit na detalyeng hindi natin napapansin pero napakameaningful. Nakakainspire din po as an artist and aspiring photographer. Mabuhay po kayo, Sir Geloy!

  • @cj_mauricio
    @cj_mauricio Před 7 měsíci +2

    I started taking photos in 2018. I thank you for your efforts because they inspired me especially your amazing shots. Your work has greatly encouraged me to continue with photography. you're one of my favorite photographers, reading about your project it was a good feeling knowing what they wanted to say. I had intended to come to your book signing, but it wasn't good timing I have to go back home to Mindoro I hope to meet in the future! Thank you Sir Geloy

  • @27dar_
    @27dar_ Před 7 měsíci

    Salamat Kuya Geloy sa inspirasyon at sa proyekto mong "things you wanted to say but never did" na lagi akong nakasubaybay. Sana maka punta na ako sa susunod na uuwi ka ng Pinas hehehe. Takits kuya!

  • @robertosolitario2211
    @robertosolitario2211 Před 7 měsíci

    Nakatutuwa kung papaanong ang mga kuhang larawan mo ay buhay at bumubuhay para sa iba na yakapin at mahalin din ang sining tulad ng pagpitik at pagyakap na rin sa kapayakan ng buhay. Mabuhay ka, Sir Geloy! Hindi ka sana mapagod na kumuha ng larawan at mabigay ng kulay sa iyong may bahay! 💛

  • @jen_nie.f
    @jen_nie.f Před 7 měsíci

    astig tlga nung ending sir geloy! nakakatuwa n nakapg bonding po kayo kay Sir Terry , nakaktuwa lang na you got the chance po na makita sya during ur stay here in phil., (sayang hindi ako nakapg comment nung first day 😅).

  • @suhayan6882
    @suhayan6882 Před 7 měsíci

    maraming salamat sa inspirasyon, geloy!

  • @ericagdr
    @ericagdr Před 7 měsíci

    Sir Geloy, thank you for this vlog. Narealize ko ang halaga ng bawat litratong kinukuha natin kasi bawat litrato ay may kwento.
    Pitong buwan na ang nakalipas nung pumanaw ang Papa ko. 12 years kaming hindi nagkita kasi isa siyang OFW sa Bahrain. Dalawang taon siya nakipagsapalaran sa Chronic Kidney Disease and hindi kami nabigyan ng pagkakataon magkita bago siya kunin.
    Noong nabubuhay pa siya, sobrang hilig niya kuhanan ng litrato ang sarili niya. Palaging nakangiti, kumakain, naglalakad sa dagat sa gitna ng disyerto, pati pamamalengke niya hilig din niya kuhanan. Lahat ng updates na pwede niya ipadala sa amin thru Messenger ginagawa niya. Bawat video call, mahalaga para sa akin. Kasi dito ko nararamdaman na malapit siya kahit ilang milya ang layo namin sa isa’t isa.
    Noong pumanaw siya, lahat ng videos, selfies at litrato niya, itinago ko. Ito nalang kasi ang tanging alaala na na pwede kong maalala sa kanya. Yung mga ngiti niya at tawa niya ang nagpapaalala sa akin kung gaano siya naging malaking parte kung sino ako ngayon. Kung nasaan man si Papa ko ngayon, sana masaya at no pain na siya. Hindi ako magsasawang ikwento ang magandang buhay na dinala niya nung nabubuhay pa siya. Habang buhay ko dadalhin ang pagmamahal at pagsuporta niya sa akin. Bawat selfie niya ay nagpapaalala sa akin na ang grief na ito ay sumasalamin sa pagmamahal ko sa kanya.
    Salamat sir Geloy sa vlog na to. Bawat litrato ay may kwento. More power and more vlogs to come with Ms. Bea and Narra cute. 💕

  • @RJBarayuga
    @RJBarayuga Před 7 měsíci

    Nawa'y patuloy kang makapag-upload ng maraming videos, Sir Geloy! Tunay na nakakarelax ang iyong mga content. Saludo sa'yo! Mabuhay ka!

  • @meirai_desu
    @meirai_desu Před 7 měsíci

    mas lalo niyo pong pinaalala sa akin kung gaano kahalaga kumuha ng litrato kahit sa mga tipikal na nangyayari sa buhay natin. dahil hindi naman talaga permanente ang memorya natin para palaging makaalala, kaya ang mga litrato na kinukuhanan natin ang magsisilbing tagapag-paalala na "oo nga pala, may gantong nangyari noon" sabay mapapangiti na lang haha. hindi ako fan ng camera noon, hindi ko hilig na kuhanan ang sarili ko at ang mga taong nakapaligid sa akin. pero simula nung nabasa ko ang quote sa inyo na "i take pictures so I can remember", ayon biglang nagising ako sa katotohanan na hindi habang buhay ay kaya nating makaalala. kaya salamat kuya geloy! mas lalo kong napapahalagahan ang pagkuha ng litrato sa tulong mo, at patuloy kong pahahalagahan hangga't nabubuhay ako.

  • @samadul2892
    @samadul2892 Před 7 měsíci

    Napaka-husay sir Geloy, gustong gusto ko yung parang basta ka lang kumukuha ng litrato pero makikita mo na ang lalim nung bawat kwento.

  • @DmitryKoupriyanov
    @DmitryKoupriyanov Před 7 měsíci

    I always find myself over thinking, that's why it take me months to finish a roll.

  • @Siopauline
    @Siopauline Před 7 měsíci

    Salamat sa dedikasyon at inspirasyon Sir Geloy! Wag kang tumigil sa pag kuha ng litrato at pag likha, mabuhay ka 🫶🏼

  • @andreitubice
    @andreitubice Před 7 měsíci

    Hinding hindi ko makakalimutan tong video na to otits. Ngayon eksaktong araw na to nag decide akong ibenta yung Nikon F2 sobrang mahal ko. kase dalawang buwan na akong di nakakabayad ng sasakyan. sobrang sakit, kase pinag ipunan at pinag hirapan ko makuha yung pangarap kong camera na yun. pero sabi nga, masasabi mong mahal mo lang yung tao pag handa kang mag sakripisyo. eh sobrang mahal ko kase yung anak ko, tatlong buwan palang siya kaya ayoko sanang mainitan sa pag commute dito. kaya sacrifice ko muna siguro yung gusto ko para sakanya. pero salamat tito geloy. sobrang napagaan mo pakiramdam ko. sobra, kase ikaw nga willing ka i-let go yung m6 mo kase alam mong may dadating rin na bago. Sobrang salamat sa video na to! hinding hindi ko makakalimutan tong insipirasyon na pinaramdam mo sakin hehe. birthday ko nga pala sa nov 30. sana kahit nawala yung camera ko, makuha ko man lang yung libro mo. =') Ingat parati jan sa amerika at pamilya mo otits!

  • @Ohhhhhhcarol
    @Ohhhhhhcarol Před 7 měsíci

    Salamat Sir Geloy! Your art is a masterpiece, you capture not just moments but emotions and stories untold. Salamat sa ambag at pag-pinta mo ng mundo gamit ang iyong natatanging pananaw. Mabuhay ka sir, sana dumami pa ang maging katulad mo! 🫡🙌🏼

  • @cathlynbotor4793
    @cathlynbotor4793 Před 7 měsíci

    Keep inspiring people to do art!! Your kindness comes back to you tenfold. I'm a huge fan 💚

  • @ilovepotatoes9016
    @ilovepotatoes9016 Před 7 měsíci +1

    Hi gelo, isa ako sa sumusubaybay sa mga uploads mo sa social media. Everytime nakikita ko mga masterpiece mo na amaze ako sa picture at detalye. Salamat rin sa masterpiece mo marami kaming na inspired.

  • @montanoortiz4877
    @montanoortiz4877 Před 7 měsíci

    Nakakamiss ka Pilipinas. Nakakamiss mag lakad dyan nakakamiss mag abang ng dyip .
    Typical na buhay ng mga taong isang kahig isang tuka.

  • @princess-sp3xk
    @princess-sp3xk Před 7 měsíci

    I've been inspired since then sa mga works mo, mas lalo ko lang minahal yung photography at mas na inspired pa lalo dahil sayo. Salamat Sir Geloy!!

  • @filmbyph
    @filmbyph Před 7 měsíci

    Nakakatuwa po kayo kasi kitang kita yung passion niyo sa ginagawa niyo. Salamat dahil nagsilbi kang inspirasyon sa mga tulad kong mahilig kumuha ng litrato. Thank you for sharing your talent sir Geloy! ❤

  • @shelives.infilm
    @shelives.infilm Před 7 měsíci

    sir geloy, it is so inspiring to see another filipino film photographer. i have been shooting film photos since i was a young teenager and as an adoptee from the philippines i never saw many film photographers that looked like me on social media growing up. it’s so amazing to see you not only shooting street photos in the Philippines but also to follow your writing project. from a fellow filipino creative, salamat and please continue to do what you do best.

  • @Loverhez
    @Loverhez Před 7 měsíci

    Gusto ko lang pong magpasalamat noong nakabasa po ako ng isang shared post sa insta. tapos ayon po sa sobrang pagbabasa ng mga things you wanted to say but never did I discover your channel po kaya pinanood ko kaagad lahat galing sa ep. 1 sobrang tindi lang po ng pagmamahal ko na kumuha ng litrato dahil rin po sa impluwensiya nnyo🤗 Sobrang grateful po na kumuha ng litrato sa mga bagay na alam ko nalilimutan man pero matitirang alaala na sa isang click at pagkuha ay napaka saya pong malaman na andito ako. present. Mas lalo ko pa pong pinahahalagahan lahat ng bagay. Salamat po nang marami sa inyo. Kudos po.🙌

  • @jeromeandaya7421
    @jeromeandaya7421 Před 7 měsíci

    "Hip-hop man nagsisimba din"
    😁😁😁

  • @kbl833
    @kbl833 Před 7 měsíci

    Natutuwa lang ako sa ginagawa mo. Yun lang. tagal ko narin dito
    Salamat bumalik kapa ✌️

  • @fotorista
    @fotorista Před 7 měsíci

    👏 👏 👏 galing! Sana mag-host ka ng photo walk! If in case maligaw ka sa Austin Tx for street photography, shoot tayo!

  • @franzespineli
    @franzespineli Před 7 měsíci

    Ayun, wala naman ako masyadong sasabihin. Natutuwa lang akong nakikita kung pano mo ginagamit ang iyong talent sa pag connect sa iba't ibang klaseng tao. Nakakatuwa ding isipin na kahit malayo na ang narating mo ay hindi mo padin nakakalimutan ang pilipinas, lalo na ang pandacan. Isa ka sa perfect example ng Mata sa langit, Paa sa lupa. Forever akong magiging proud na sa lifetime ko eh may nakilala at nakasalamuha akong isang Geloy Concepcion.

  • @garciaalvinjohna.4450
    @garciaalvinjohna.4450 Před 7 měsíci

    Your words became my comfort, your art became my safe space! Thank you for existing, Sir Geloy☁️☀️

  • @kurtlyorilarde3403
    @kurtlyorilarde3403 Před 7 měsíci

    Akalain mo sa simpleng pagkuha mo ng video at pagkuha ng litrato biglang namiss ko ang buhay sa maynila. Salamat sir geloy one day makikita kita at ako naman ang kukuha ng litrato sayo :)

  • @aureluuu_dnltbj
    @aureluuu_dnltbj Před 7 měsíci

    Salamat, Sir Geloy! Isa ka sa mga dahilan kung bakit gusto ko pa ring gumawa ng sining kahit iba na ang tinatahak ko ngayon. Mabuhay ka po! ✊🏽🥹

  • @tort9627
    @tort9627 Před 7 měsíci

    yay! thanks for posting!!

  • @bryantaustria1706
    @bryantaustria1706 Před 7 měsíci

    Pihit, Porma, Pitik!
    sa pamamagitan ng kamera, napatunayan mo na hindi man lahat ng bagay na nangyayari sa paligid ay maisisilid sa mga litrato, bawat sandaling kinurap ng lente mo ay may nakasaad na kwento! patuloy ka sanang magsilbing ehemplo ng sining at inspirasyon sa aming mga indibidwal. Salamat! Mabuhay ka!

  • @eihjnle
    @eihjnle Před 7 měsíci

    salamat sir Geloy! dahil sayo naiinspire ako na ituloy ko ang photography.

  • @johndanielmayercaesar402
    @johndanielmayercaesar402 Před 7 měsíci

    love you sir geloy sarap manood habang kumakain

  • @fros5728
    @fros5728 Před 7 měsíci

    thank you kuya geloy for inspiring me to write !! sobrang laki ng emotional learning ko simula nung nadiscover ko yung project mo. isa roon e narealize ko na mahirap pala mabuhay ng hindi nagsasalita o dumadaing. kaya sobrang salamat dahil natuto ako iembrace yung pain, suffering, joy, triumph, and grievances ko thank u kuya geloy

  • @andreimacaraeg69
    @andreimacaraeg69 Před 7 měsíci

    Sana madami pa sa susunod na ganito, sarap malaman ng thought process ng iba’t ibang artist

  • @Cheesetrainrhythm272
    @Cheesetrainrhythm272 Před 6 měsíci

    Sobrang solid na vlog

  • @aydapadistudio
    @aydapadistudio Před 7 měsíci

    Ang ganda ng ganitong walk-through sa thoughts mo as a street photographer/artist habang kumukuha ng litrato. Salamat, sir. Nakaka-inspire.

  • @aprilsd.evangelista5956
    @aprilsd.evangelista5956 Před 7 měsíci +1

    "So ayun kapag nag shoshoot ka, kung ano lang yung maisip mo. Hindi kailangan laging magarbo
    yung konsepto." --- Geloy Concepcion, 2023
    Salamat sa pagbibigay inspirasyon sa akin na maging isang litratista at palaging maging mapagpakumbaba. Ang tatas niyo po mag tagalog, nakaka proud pakingan HAHAHA...Patuloy lang sa iyong sining and God Bless po! 🙌🇵🇭

  • @iseejay13
    @iseejay13 Před 7 měsíci

    it's been 3 years since i started photography. starting to loose my fire inside but then nakakuha ako ng inspiration sa art mo sir. keep up and Goodluck sa journey sir!!

  • @churros5025
    @churros5025 Před 7 měsíci

    Sir Geloy, bihira lang yung mga litratong tuwing makikita mo eh may mararamdaman ka. Sabi nga ng guro ko dati eh ito yung mga sining na 'nagpapalaya'. Salamat sa sining nyo at kahit sa mundo nating halos araw-araw tayong sinasakal eh pa minsan-minsang nakakahinga.

  • @aeshanti6583
    @aeshanti6583 Před 7 měsíci

    Thank you sa bagong video kuya geloy, nakakakalma yung boses at pagkukwento mo. ingat palagi❤️

  • @aykatsing
    @aykatsing Před 7 měsíci

    Fully enjoyed from beginning to end. Nakakapanggana mag street shoot. Nakakatuwa si auntie at si sir Terry sa huli.

  • @cheeniecornelio
    @cheeniecornelio Před 7 měsíci

    Salamat sa palaging pagpapaalala na tumuloy lang kami sa mga bagay na gusto naming gawin. Maraming salamat Sir Geloy!

  • @eugenelimse1960
    @eugenelimse1960 Před 7 měsíci

    November 20, 2023 nung nakilala kita sir Geloy, sa pamamagitan ng podcast nyo ni sir doug. 3 days ago palang yon pero parang babaguhin mo pananaw ko sa buhay. oa man pakinggan pero wala e hahahha, yun talaga ang nakikita ko ngayon. nakailang play na tuloy ako ng videos mo kase konti palang upload mo. salamat sayo sir. patuloy ka sanang maging role model naming mga kabataan at iba pang nasubaybay sayo.

  • @yourlocalrugdealer7765
    @yourlocalrugdealer7765 Před 7 měsíci

    yown bagong new!

  • @user-cn6bv3je2m
    @user-cn6bv3je2m Před 7 měsíci

    Hangang hanga ako sa abilidad mo kuya Geloy! Marami salamat sa mga litrato na ibinabahagi mo sa amin. Laking tulong nito! God bless po! Padayon!💗💗

  • @dailogslogggs8838
    @dailogslogggs8838 Před 7 měsíci

    Mas naiintindihan ko na ngayon ang street photography, thank you geloy simple pero iba yung impact nya.

  • @zigmirasol840
    @zigmirasol840 Před 7 měsíci

    Solid talaga mga videos mo, Pre. Ikaw na ata pinaka-unpretentious na photographer na gumagawa ng content sa CZcams. Mahilig din ako mag-picture kaya nakaka-motivate maging creative after mapanood mga videos mo. Salamat. Sana pala ako manalo nung libro mo. Sabi ng asawa ko swerte ako sa mga raffle. Ma-try nga dito. 😅

  • @flintosricgorospe4439
    @flintosricgorospe4439 Před 7 měsíci

    Kuys Geloy, maraming salamat sa mga sulat at retratong nagpapaalalang hindi ako nag-iisang lumalaban sa masalimuot na pasakit ng mundo. Malaking bagay ang iyong mga likha sa pagpapatuloy ko sa buhay. Padayon kuys! Sana patuloy kang makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng sining.

  • @are.they9
    @are.they9 Před 7 měsíci

    Gandang gabi kuys geloy! kakatapos ko lang manood ng vlog mo, galing kami ng ermats ko sa bahay ng lolo't lola ko, kaarawan kasi ng bunso nilang anak (tito ko :D) konting salo-salo lang at kulitan sa mga pinsan ko, naging produktibo din araw ko ngayon hehe
    Maulan ngayon dito sa davao, tas bidyo mo unang bumungad sa youtube homepage ko, kaya pinindot ko na agad-agad at umupo, medyo nabitin nga ako sa trenta minutos na bidyo mo ngayon e hahaha.
    SALAMAT SA PAGIGING INSPIRASYON, MABUHAY KA, KUYA GELOY! AMPING MO KANUNAY NI ATE BEA UG NARRA!

  • @joanbarasona2549
    @joanbarasona2549 Před 7 měsíci

    Salamaton po, Sir Geloy sa pagbabahagi ng iyong talento at pagbibigay inspirasyon sa mga mahilig din sa photography at gayundin sa pagsusulat.💖

  • @TheAraLim
    @TheAraLim Před 7 měsíci

    Love how this is not even a step by step tutorial video on street photography pero dami kong natututunan. Salamat sir, sana ma-meet kita soon.

  • @josecarlo7833
    @josecarlo7833 Před 7 měsíci

    Salamat sa inspirasyon! Mula sa paghawak ng lata dahil kay "Pisi" hanggang sa paghawak ng camera dahil kay "Geloy" at ngayon naman sa pagiging mabuting tatay. Padayon!

  • @charlottelot
    @charlottelot Před 7 měsíci

    naiinspire talaga ako sayo sir!!! more vids pa po about photography at sa kwento mo sir❤❤

  • @rymirox
    @rymirox Před 7 měsíci

    Hello po, Sir Geloy!
    Habang pinapanood ko po 'yung video, one thing that notices me is kung papaano po kayo kumuha ng pictures pagdating sa street photography na kung saan mas nangingibabaw 'yung interest niyo sa mga scenario o pangyayari sa photos instead sa behind concept ng mga photos which gives me a lesson to not overthink things and just take pictures that you liked or loved.
    I am not an aspiring photographer po but witnessing po your photography po is gives me lesson po about the street photog and being appreciative sa lugar and things around us.
    Salamat po, mabuhay po kayo sir!

  • @rbproduction7294
    @rbproduction7294 Před 7 měsíci

    Gawa ka sir Geloy ng photo walk sa mga lugar na nagsshoot ka solid yun

  • @akosidoggingzz3614
    @akosidoggingzz3614 Před 7 měsíci

    sarap talaga mag photo walk. Nahihiya lang ako

  • @MarkUmali97
    @MarkUmali97 Před 7 měsíci

    Sa mga oras na wala akong tiwala sa sarili ko, mga litrato mo ang nagiging inspirasyon ko.

  • @arvicnunag7867
    @arvicnunag7867 Před 7 měsíci

    astig! more street photography sir!

  • @gxnx15
    @gxnx15 Před 7 měsíci

    Salamat sa mga litrato mo at sa mga kuwento mo, sir Geloy! Binubuhay mo ang pagkatao ko.

  • @alingjoy
    @alingjoy Před 7 měsíci

    Solid yung ginugupitan sa kalye! Ganda ng kulay pati ilaw dun. Pati dun sa framing nung lalagyan ng Sto. Nino kay kuya sa dulong part

  • @yzeahramos8841
    @yzeahramos8841 Před 7 měsíci

    Ang ganda ❤

  • @dapxs
    @dapxs Před 7 měsíci

    Sa lahat ng mabagal magsalita at narrate, ito lang yung hindi ko finast forward. Maraming salamat po sa napaka gandang video.

  • @Jewnel777
    @Jewnel777 Před 7 měsíci

    Geloy! Salamat sa mga videos mo. Tuwing natatapos akong magtrabaho at habang naglalaba, laging mga videos mo pinapanood ko. Nakaka relate ako lalo na dun sa experience mo na nag dishwasher ka. Parehas tayong nangangarap habang nag huhugas ng pinggan. 😂 OFW ako ngayon dito sa austria at kasalukuyang nag street photography dito. Wala kasing pilipino sa lugar na to kaya medyo malungkot. Nililibang ko nalang yung sarili ko sa pag street photography. So ayun mahaba na. Tuloy tuloy lang sa pag upload geloy! Maraming salamat sa inspirasyon! Cheers!

  • @la_ladypitaya
    @la_ladypitaya Před 7 měsíci

    galing mo sir geloy! na-inspire akong balikan ang photography. sana maka-inspire ka pa ng marami at mabuhay ka ng matagal. lagi't lagi para sa sining

  • @clarkyy2066
    @clarkyy2066 Před 7 měsíci

    Thank you sa uploads Kuya Geloy, sobrang nakaka-inspire ng proseso mo ng pagkuha at syempre good vibes lang lahat. Buong video ata ako nakangiti hahaha. Refreshing perspective rin saming mga nagsisimula na di naman kailangan kumplikado at teknikal basta pitikan mo lang at simulan mo. Tuwang tuwa rin ako na inaantay mo pa may mangyari bago ka umalis hahaha may storya talaga kada litrato. Ganda nung shot sa "Street Barbershop" grabe. Isa kang malaking inspirasyon kuya. Alam kong lahat ng achievement "wala ka naman pake" or "on to the next na agad" ganon pero deserve na deserve mo lahat ng bagay at achievements mo ngayon, at sana sa susunod pang mga taon. Ikaw na siguro yung pinakatotoo at genuine na content creator sa social media na kilala ko. Keep it up, Kuya! Matik nakaantabay lang kami para i-share o i-like o ano pa man para maka-suporta sa next projects mo. Next na uwi mo pupunta talaga ako!
    Isa ako sa mga "young artist that was born without a silver spoon", at aaminin ko na parents ko di suportado sa pangarap kong maging isang artist. Working student ako na nasa maling course (ComSci), alam ko sa sarili ko na hindi ako para sa course na yun kaya nag-LOA ako dala narin ng burnout. Dapat nasa MMA ako or FIlm. Syempre andaming doubts kung dapat ba mag-shift na ba ko or mag-stay, pero na-realize ko na dapat sumugal ako para sa sarili ko kasi lahat ng ginagawa ko para sa sarili ko rin namang sanity. Salamat sa post mo sa Facebook tungkol dun. Nabigyan ako ng comfort kahit papano na meron pala akong kapareho halos ng sitwasyon; aspiring artist na limitado yung mga option. Itulak ko na lang 'to ng itulak hanggang maging successful. :)

  • @lenscanastillo2873
    @lenscanastillo2873 Před 7 měsíci

    Salamat, Sir Geloy at dahil sa inyo mas na-appreciate ko pa ang pagkuha ng mga litrato. Siguro kung di ko po nakita yung mga posts niyo noon sa Instagram, hindi ko nasimulan kunan ang bawat mahahalagang tao sa buhay ko ng litrato. I will surely remember because I’ve spent my lifetime taking photos. People do change, but memories and moments remain.

  • @izzok5684
    @izzok5684 Před 7 měsíci

    Hi geloy! Salamat sa mga pinaparamdam mo gamit ang mga kuha mong litrato. Malaki ang naging papel neto sa aking paghilom lalo na’t nung pandemya. Kung hindi dahil dun sa palagay ko mag-isa lang ako at siguro wala na sa mundo. Eto, humihinga parin at nagsimula ko nang idiin sa film photography ang aking mga karamdaman… isa ka sa rason pano ko natuklasan sarili ko. Salamat sayo. Mabuhay ka!

  • @omennercuit
    @omennercuit Před 7 měsíci

    Ang gaganda ng mga na kuha mong litrato Sir Geloy isang kang inspirasyon! Dito ko masasabi na ang sarap bumalik sa passion ng street photography. Salamat Sir! 🙌🏼

  • @moer1995
    @moer1995 Před 7 měsíci

    Sa Escolta at Quiapo rin ang favorite spot ko mag picture, sobrang nostalgic at classic lang sa mata!

  • @imgianalcafaras3245
    @imgianalcafaras3245 Před 7 měsíci

    Maagan na hapon! 😌✨ Salamat dito kuya Geloy! ❤️‍🔥🙌🏼

  • @sijessiejim6966
    @sijessiejim6966 Před 7 měsíci

    ingat lagi lodi. bahala na. hehehe

  • @tohereknowswhen779
    @tohereknowswhen779 Před 7 měsíci

    I LOVE THIS GUY

  • @daxcea4333
    @daxcea4333 Před 7 měsíci

    Hi Sir Geloy! I've been a silent follower from your IG since 2021, and dun nagstart na maging tagahanga mo. Di po ako photographer but I do appreciate all your work! Nakakarelieve ng stress. I like how raw and true lahat ng photos/ videos mo. Lumalabas kung gaano ka kagenuine as a person. Looking forward to meet you next year! And more uploads pa Sir Geloy please!🙏 Hehe All the best!!!

  • @adriannovenario284
    @adriannovenario284 Před 7 měsíci

    Kuya Geloy! I hope you’ll read this, you really inspire me to push my photographer career. Nakilala lang kita sa friend ko and now dalawa na kaming humahanga sa’yo. Sayang hindi ako nakapunta noong narito ka sa Pinas. Sana ma meet kita soon!

  • @jrenzbarrios7341
    @jrenzbarrios7341 Před 7 měsíci

    Thank you for being such an inspiration, geloy! Always looking forward to your new uploads, Salamat sa mga kwento!📸💗

  • @denzelchannel2067
    @denzelchannel2067 Před 7 měsíci

    sayo ko natutunan sir geloy kung paano lagyan ng kwento at buhay ang mga litrato. salamat sa inspirasyon! 🫡