TOURIST VISA TO NORWAY/COMPLETE GUIDE
Vložit
- čas přidán 19. 01. 2020
- Are you planning to catch the northern lights? Hello mga kapitbahay, eto na yung video na matagal ko pinag isipan kung paano gagawin. Sana ay medyo malinawan kayo kung sakali na nagplaplano kayo na dumalaw dito sa Norway. SInubukan kong iexplain bawat detalye kung paano kayo makakakuha ng visa dito para makadalaw.
Links:
UDI www.udi.no/en/
VFS visa.vfsglobal.com/phl/en/nor/
Royal Norwegian embassy manila www.norway.no/en/philippines/
Travel medical insurance www.norway.no/contentassets/8...
Connect with me
Instagram: @iammrslie
Facebook: your neighbor stephie
________________________________________________________________
Camera: canon g7x mark ii
Editing app, music and sound effect: imovie on ipad pro
Thumbnail: Canva
Subscribe button: pngtree.com
No copyright intended on the images used in making and presenting this video, the purpose of this video is to be educational and share knowledge on how to apply and secure a tourist visa to Norway.
#norway
#tourist
#visa
#travel
#europe
Thank you sa information.. It's a big help sa amin na mga first timer na nangangapa kung paano mag apply. At least my guide na kami.
very informative at detalyado pa... tnx sis
Thank you so much.
Thanks for sharing
Thanks you Pó.
Mam ako may apply na dyan on going process po ako for 8 mo's.po daw kasi agency apply from dubai
Hi, please do a video also, like some reasons why your visa gets denied..thanks
I will try to gather information on that to share, since I have no personal experience of visa getting denied. Thank you for the suggestion and for watching 😊
Hello po, ask ko lang po, bakit sa ibang video nakita ko pong tutorial is yung booking ticket dapat naka reserved talaga..yun batalaga yun? di na pwedi eh screenshot nalang? may bayad kasi pag reserved ang booking.
Hi possibleng at normal na nagbago at nag uupdate ang rules.
Base sa nakasulat sa list of requirements ay "reservation of a roundtrip flight ticket" kaya baka ito na ang bagong requirement.
Yung ibang videong napanood mo ay maaring base na sa bagong requirements. Kaya suggested na basahin ng maigi ang nasa udi at vfs website para kumpleto ang makuhang info.😊
Hi mam mag ask lang ako medyo naguluhan kasi ko sa application portal... Nakalagay kasi dun tourism and visit family or friend...ano po sa dalawa ung pipiliin ko if invite ako NG boyfriend ko? Wala po kasi sa application portal ung visit boyfriend/girlfriend...
Piliin mo yung "visit family or friends" tapos may lalabas sa ibaba na additional info pwede mo ityoe doon na to visit bf at kaya mo pinili yung "family or friend" ay dahil di mo kamo nakita sa pamimilian.
Hello sis,ask kulang yung sponsor ko hirap hanapin yung cover letter san po ba pwede makuha yun pero may UDI sya binigay sakin then hinanapan ako ng consulate ng cover letter pls help naman po,at yung medical insurance na binili nya sa norway pwede na po ipakita yun sa consulate o need ko parin po bumili?Thank you😊
Yung cover letter pwedeng mareceive mo sa email pagkatapos mafill up, pay at pili sched sa udi portal. Another way na makuha siya ay sa portal pag inopen mo yung application, makikita siya sa bandang ibaba kasunod yata nung resibo. Yung sa health/medical insurance kailangan talaga bilhin yun na nasa name mo at valid sa schengen area. Sana makatulong yung sagot ko at thank you sa panonood.
Hi po maam need pa ba kumuha ng GUARANTEE AND AFFIDAVIT OF SUPPORT Form ni boyfriend galing sa Philippines embassy sa Norway ? Or okay na po ba na ipapakita ko sa Immigration yung Guarantee form na may kasamang Residence Permit na galing UDI at Invitation Letter Nya .... ?
Tska po yung GUARANTEE form wala ng Stamp ng police kaya signature nya nalang at yung Residence Permit na nirequest nya.
yes po, yung guarantee form kailangan kung si bf niyo magshoulder ng expenses. Sa experience ko po ay same na po ang guarantee form sa affidavit of support.
sa immigration magandang dala ang copy bg: permit, invitation, passport, guarantee form para kita nila ang important info
Due to covid wala pong required na politi stamp sa ngayon.😊
Tinanong po ba kayo na what do you want to go in norway? Ano po sinabi nyo?
Sa pagfill up ng application ilalagay po doon yung dahilan ng pagpunta sa Norway. Usually wala naman ng interview sa VFS pag pasa ng papers, pero pwede rin sila magtanong para i verify. At dapat tugma ang sagot niyo sa inilagay niyo sa online application. Thank you sa panonood.
hello, tanong ko lang po may chatmate/friend po ako sa norway for more than a year na. and gusto sana namin na mag visit ako dun. possible po ba yun na di pa kami nag meet. mas strict po ba sila ngayong may pandemic? and makaka affect po ba sa future application ko if ma deny yung unang application ko? thank you very much.
note: wala po ako work online selling lang. and single. walang property na named after me. naka tira parin sa house ng mother ko.
Hi may possibility parin naman na ma-approve ang visa, dahil madami din ang nasa same situation mo na nag apply before. Lahat ay pwede maapprove or deny kahit complete pa ang application depende sa case worker na matatapat. Yes mahigpit ngayong pandemic at limited pa ang makakapasok dito, pwede mo ito icheck sa VFS norway philippines or sa UDI na website, at expect na matagal ang processing time. Kung madedeny man ay pwedeng mag appeal or mag apply ulit, may mga kilala ako na nadeny pero nung nag apply ulit ay naapprove naman hangga't ang dahilan ng denial ay hindi illegal/masama na reason. Thank you sa panonood.❤️
Kailangan pong isend ung invitation and guarantee form by mail.. dapat po original at hindi email send lang?
Hi nasubukan ko na once na magsend ng scanned copy dahil mali yung date na nailagay ko sa napadala ko. naging ok naman pero nag email ako noon sa embassy na nagsend ako ng scanned copy with corrected date. Hindi ko masasabing lagi/sure na pwede pero may mga nakapagtry na din na email ng scanned copy sa ininvite nila.
sya rin po ang sponsor ko.
thank you po sa sagot
Mam I'm seriously to go there in Norway to visit him
next time sana how to change single name to married name😊
Are we able to convert tourist visa to residence visa inside Norway po ba if may employer na?
Hi it depends po, pwede niyo i try sa udi website application guide, select what is applicable sa inyo at lalabas po doon sa huli if you can hand in your application here and wait here in norway or sasabihin kung yung you have to apply from home country.
hello po .. my tanong Lang po aq .. mgaapply po kasi aq ng visit visa sponsor q asawa q .. about lng lng sa travel insurance.. kukunin q po kasi 90days so date na alis at balik q sakto lng din po sa date sa insurance q or ok lng kahit my extension xia ng 10days or ilang days ..
Yung sa insurance ok lang siya na lagpas ng araw, ang importante ay pasok sa number of days mo na nasa schengen/norway yung validity nung travel insurance mo.
What if po c bf ang sponsor but not yet meet in person but our relationship almost two years na po
Hi po base sa nasa checklist ng requirements, kasali na ipapasa yung "documentation of spent time together". Makikita mo ito sa checklist
www.norway.no/contentassets/8734d090cf154328961860654a57e054/visa-checklist-all-categories-and-countries-bangkok-hub-020222.docx
which means ineexpect siguro nila nakapagmeet na kayo in person
Hello what if brother in law ko ang sponsor sa lahat ng expenses, then ang kaya ko lang na ma provide for proof of ties is yung close family member since kakatapos ko lang mag aral, wala pa akong savings or asset. Okay lang po ba yun?
Hindi wala akong info kung brother in law ang sponsor pwede mukhang possible naman. Baka yung proof ng ties sa homeland ang medyo maging challenge. Pero like I said may iba naman na naapprove kahit walang work or walang anak or walang school na aattendan pag uwi sa pinas
Hello, nagsubmit kami ng application form pero wala kaming nareceive na cover letter. Anong itsura non? Ung natanggap namin is parang application form.
Hi, usually pagkabahad sa udi selfservice portal ay sinesend yun sa email. Mahahanap din siya sa pag log in sa udi selfservice portal at puntahan yung existing/ongoing paid application nasa bandang baba nung page.
May parte yun na pipirmahan ka.
Hi po Good day!! ask ko lang po need pa po ba ng pdos ang tourist visa? thanks sana po masagot!
Hi, maraming nagsasabi na hindi pero pwedeng may random check. Nung nag tourist visa ako to visit my boyfriend(husband of 8 years now) ay hinanapan ako sa airport kahit hindi required.
Kailangan pa ba obligation affidavit pOH ma'am or no need sa visa Norway, and then Yung invitation letter dapat ba naka address sa pinas sa embassy. Plss ma'am need your assistance
Hi eto po ang update from udi based on what is currently published on their page:
www.udi.no/en/word-definitions/sponsor-for-visitors/#link-701
Nag apply ako ng shingen visa direkt ako walang interview Dahil married ako sa Norwegian
i like this video, im planning to travel po next year sa norway, ask ko lang po how much po dapat ang laman ng bank? This is my first time po kumuha ng visa.
Hi, as mentioned ko po sa video na according sa UDI website kailangan po ay may 500 norwegian kroner budget ka per day ng planned stay. Depend sa tagal ng plan mo na visit at exchange rate dun maeestimate ang expected na laman dapat ng bank. Salamat sa panonood.
Very Much appreciated Thank you and God bless.❤️
Isang application lang ba ang buong family? Like husband wife and daughter of 3yo? Thanks
Pwede po kasi sa application portal po may option to apply as a group.
ang conversion po ng norwegian kroner to peso ay between 1 nok= between 5-6 php
Hello mam. Ask lang po ako sabi kasi ng kakilala ko kailangan daw mag gawa ako ng affidavit of support po? Kailangan paba ?
Hi, sa ngayon eto ang updated info sa udi at vfs website para sa application ng tourist visa
www.udi.no/en/word-definitions/sponsor-for-visitors/
visa.vfsglobal.com/phl/en/nor/apply-visa
Need pa po ba mam ng birth certifecate sa pag aaply po ng norway kahit po may passport na po ako mam ask ko lng po salamat
hi po depende sa type ng visa na aapplyan: example ay kung family member like anak or parents ay kailangan ng birth cert. Karaniwan ay nakalista siya sa checklist kaya sundin yung nakalista sa requirements
www.udi.no/en/want-to-apply/visit-and-holiday/visitors-visa-to-norway/?c=phl
Hello tanung ko lang, Kahit may sponsor kana pa punta dun kailangan padin ba merong Insurance na kunin? ,Thank you sa sagot.
yes po required talaga ang travel medical insurance kahit may sponsor. Gusto kasi nila isure na kung may mangyari sayo ay walang magiging problema sa mga cost sa hospital nila dito.
Ask kolang po wala pa po akong bank acct student palang po ako pero nag iinvite naman po bf ko na pumunta sa norway, yung invitation letter po ba ibibigay ko or sasamahan kopa yung mga chat namin? Tsaka pano kopo sya ma cocontact pag nandon napo ako? Di nagana globe sim don first time kopo mag punta abroad mag isa 20 palang po ako baka maligaw ako
guarantee form ang magcocover para hindi mo kailangan ng proof of finance mo. Kung ano lang nasa listahan ng requirement ang ipapasa mo.
Usually may mga internet na free sa mga airport, kaya makakapagcontact kayo kung via email or messenger or kung anong app gamit niyo para mag usap 😊
Hello! Your vlog is very helpful. May I ask Kung Ano status ngayon for tourist SA Norway with invitation? Thank you
Hi eto po ang update from udi based on what is currently published on their page:
www.udi.no/en/word-definitions/sponsor-for-visitors/#link-701
@@YourNeighborStephie Thanks, already in 🇳🇴❤️
@@menelynabadilla9493 glad you are here na❤️super sorry sa super late reply 🫣 nabusy sa baby and work
Paano po kung pag visit sa love ones/bf ganon po? Mahihirapan po ba sa visa yon?
Halos same lang din po ng process, kailangan lang na makita nila na genuine yung relationship halimbawa: nakapagmeet na dapat at kung tama ang tanda ko ay minimum 6 months na dapat ang relationship. Mahigpit sa ngayon dahil sa pandemic. Kailang niyo din icheck ang udi.no para sa announcements kung aling tourist visas na ang pinapapasok sa norway. Salamat sa panonood ❤️
Good evening from Phil asked ko Lang po if anong requirement Ang dapat I provide ng sponsor if he is under disability pension at may interview po paba or medical ?. thanks and more power
Walang interview or medical sa pag aapply. Regarding sa requirement about pag nakadisability pension, i-gather ko lang yung info at ilalagay ko dito within the day para kumpleto mo makuha ang sagot.😊
Sa sponsor na may disability pension, kailangan niya magrequest sa NAV ng proof kung magkano yung natatanggap niya. Sa udi may example sila ng ganitong situation pag family reunification, pero pwede niyo rin gamiting reference para tourist. Eto yung link na nakalagay yung required na minimum at kung ano kailangan. Tsaka siya punta sa politi/police to get stamp para sa guarantee form mo pg natanggap niya na yung proof ng amount ng pension na nakukuha niya.
www.udi.no/en/word-definitions/income-requirement-in-family-immigration-cases-?e9=p#link-11706
ask ko lang po kung kasya ang 100k 1-3days tourist sa norway? including na po dun yun ticket. salamat po :)
Tingin ko kasya naman, dedepende po siya syempre sa price ng hotel na pag stayan niyo (kung wala kayong kakilala na tutuluyan), sa season na pupunta kayo kasi affected niya ang price ng plane ticket at depende sa living standard niyo like: choice of restaurant, shopping preference, and mode of transportation to move around.😊
salamat po sa panonood❤️
What if wala po akong work ? Balak po kc ako papuntahin ng boyfriend ko sa norway. Pero never pa po kme nagmemeet, siya po Ang guarantee ko. Pahelp naman po please!
Hi, kung ang concern mo ay para sa financial proof: ok lang na wala kang work kasi may guarantee form na manggagaling sa bf mo.
Kung naman proof of strong tie sa home country: kung wala kang work ay meron ka dapat ibang proof na uuwi ka pa, example ay kung may anak ka, or studying ka, or enrolled ka sa course na reason na uuwi ka talaga after ng tour mo dito
Kung hindi pa kayo nagmemeet pwedeng makaaffect yun sa application, pero dahil ngayon ay hand in nalang sa vfs ang application/documents at wala ng interview ay hindi naman impossible na maapprove at tandaan na lahat ng visa application ay sugal kung mapprove or hindi. 😊 Thank you sa panonood❤️
Hello po, I just want to ask po, paano po mag apply ng tourist visa sa Norway kahit walang sponsor or invitation. Purpose is to visit the country lang. Thank you po & God bless! ☺️
Hi, sinabi ko po sa video sa part na 17:27 po. Kung wala kayong sponsor at tourism talaga ang purpose ay kailangan niyo lang ipakita na financially capable kayo to cover the expenses for the whole trip. Ang kaibahan po kasi kapag walang sponsor ay di kasama sa requirements ang invitation at guarantee form kaya magpapasa kayo ng bank certificates,proof of income, accomodation, detail ng trip niyo kung ano mga gagawin or papasyalan niyo at other supporting documents na may enough funds for the tour.
hai mi anu pong mga question sa visa interview with sponsor po??
Hello tanong po ako bf di pa kame nagkita kasi my health condition .May fibromyalgia ..pwede kaya siya mka sponsor sa akin ng punta sa Norway pra magkita kme. Thanks
Pwede naman siyang magsponsor, based lang sa observation ko sa mga naguide ko sa visa application ay mas mataas ang chances na maapprove ng mga nag meet na. Maganda kung makakapag attach kayo ng medical certificate ng bf mo na magsasabi na hindi siya pwede magtravel at kung bakit. Tapos samahan niyo ng konting explanation sa invitation na yun ang reason kaya ikaw ang pupunta. Lahat ng application may chance na maapprove or mareject, kaya ok lang na magtry kasi risky talaga siya either way.😊
ana ano po ang proceso sa visit visa to an elderly friend.?
Hi po, same lang din po halos ang process. Sundan niyo po yung instruction sa links na pinakita ko na nasa description box din at makikita niyo po yung requirement para sa "visit a friend".
Ask ko lang ano mga need Gawin Meron bang police clearance papunta dyan at san
Hi po susundan lang kung ano ang mga ipapasang dokumento at mga gagawin, wala naman pong police clearance base sa naexperience ko.
Hi mam thanks sa reply,nag apply kasi ako sa immigration consultants 6-8 mos. processing nya factory worker,cleaner.. depende sa accept na employer sa job status ko.. waiting po ako ng updates
Hello po.. may tanong po ako, kasi plano po ng fiancee ko seaman magvisit sa akin this spring po.. kasi po on vacation sya. Pwede po ba di na ako mag garantor ng udi form ano nlng po ung bahay nlng akin kasi mg provide po siya ng sarili niya bank statement.?
Kung sagot niya naman lahat ng expenses niya, hindi kailangan ng guarantor form basta magprovide siya ng proof ng financial capability niya.(bank statement, payslip, cert of employment, at other supporting documents na mapapakita na kaya niya ishoulder yung expenses niya) Yung invitation mo nalang kailangan niya. Ilagay mo sa invitation na sayo siya magstay para hindi siya hanapan ng hotel accomodation.
Thanks po, yong invitation letter po pwede scan lang po? Nakalimutan ko e state sa letter sa akin sya ngstay pero nagbigay naku ng house contract ko po..
Oo pwedeng scan lang basta may pirma mo. Tapos idagdag mo na sayo siya magstay para hindi siya hanapan ng proof of accomodation.
Never pa kami nag meet sa boyfriend ko puede ba ako mag tourist sa kanya
hi, base sa nasa website ng udi ay makakapapekto sa application kung hindi pa kayo nagmemeet. Medyo malaki ang chance na mareject, nakalagay sa listahan nila sa possibility of getting a visa:
-you have been together for a long time and have met several times
Nandito sa website nakalista
www.udi.no/en/want-to-apply/visit-and-holiday/visitors-visa-to-norway/?c=bdi#link-760
Pero possible din naman na may iba na naapprove ng di pa nagkikita lalo kung dahilan ay health kaya hindi makabisita
hello po mam pwede po pa help. Under process pa annulment ko and since oandemic, nakabinbin talaga siya. Di pa rin nasimulan. We want to try kumuha ng visa bf/gf po alone. Di kami mag aaply through travel agency. Nakapunta na din dito bf ko. Mahina po signal ko so dito na muna ilalagay ko mga questions ko:
- need ba na annulled na ako or okay lang na may proof about the annulment case para makaprocess?
- hm po ang travel insurance?
- hm po yung embassy fee pag magsusubmit na ng documents? at may bayad ba ang magpa sched sa visa application center?
- in total po except sa ticket, hm kaya gagastusin namin?
Hi thank you sa panonood at sa question. Based on what I have learned sa kakabasa sa immigration website at sa mga natulungan ko sa visa application eto yung masasagot ko:
1. i think hindi safe/ideal yung pag aapply ng tourist to visit as a gf while hindi ka pa annulled, depende ito sa case worker na maghahandle sa visa applitcation mo at pag paalis ka na remember na may irregular strictness ang immigration natin sa airport sa pinas. But I am not saying na hindi possible, may higher risk lang talaga siya for rejection or maharang sa immigration
2. ang prices ng travel insurance ay depende sa pagbibilhan mo, kung may package sila at kung ilang days: example Malayan insurance for 90 days ay nasa 6300 pesos
3. Based sa VFS( center kung saan natin ipapasa ang documents sa pinas) may babayaran sa kanila na around 1500 pesos processing fee, hiwalay pa dito yung babayaran sa UDI portal (dito maglalaunch ng application) ay 80 euro (around 4600 pesos) pacheck nalang sa latest currency exchange.
Siguro baka between 12-13k ang magagastos sa pagprocess ng visa, di kasali dito yung kung papadeliver mo yung visa sa bahay dahil may additional fee para sa shipping. Sana makatulong itong reply. ❤️
@@YourNeighborStephie thank you so much po. Yun nga ang worry namin yung case ko eh. Itry nlng po naman kung ano best way. Thank you po! Very helpful ❤️
btw sa application portal ay may part dun na info about civil status at ipapalagay din ang name ng spouse at children, kaya lalabas talaga siya sa record.
@@YourNeighborStephie yes po mam. tapos for proof nlng din yung case number ko daw ng annulment magdala nlng ako copy na on process na siya 😊
Hi po ate, ask ko lng po we are planning na magpakasal jan sa norway. At dadalhin ko jan yung 4 years old kung anak. Anu po bang visa dapat applyan para sa aming dalawa ng anak ko? 😊
usually pag may residence visa ka na ay makukuha mo na ang anak mo, iaapply mo siya ng family immigration sayo at yung partner/asawa mo ang sponsor para sa financial proof. Yung iba isinasabay yung anak nila dito as tourist tapos dapat bago mag expire ang visa ay mag apply ng residence visa yung mag ina/mag ama. Machecheck niyo ito sa udi.no at pwede mo rin patawagin ang future husband mo sa kanila kapag may explanation kayo na kailangan 😊 Wala akong personal experience dito dahil wala akong anak nung nagpunta dito kaya itong info lang ang mayroon ako.
Need po ba ng psa birth certificate kahit po my passport na po
depende po sa purpose of visit kung kailangan ng birth cert. Usually nakalista siya sa checklist na susundan niyo, halimbawa po ay anak or parents ang dadalawin ay kailangan ang birth cert para proof ng relationship sa parents or anak.
Paano pag for reschedule? Can u help me?
Pwde pong paki-elaborate yung question niyo about for reschedule? 😊
Hellow po Sana ma notice,Pano po Kung mangagaling other countries? Pano po ba un?
Hi, pag from other countries sa www.udi.no/en/#
parin magsisimula yung pagcheck mo ng guide at requirements. Doon kasi may mga iseselect kayo na choices na maglelead sa cusomized window para sa inyo, example: I click doon kung saan citizen then kung from which country mag aapply. Sa dulo noon lalabas ang mga link at checklist na tugma sa situation mo, libre siya to check at guide siya bago ka maglaunch ng actual application sa portal. Salamat sa panonood at sa tanong 🥰❤️
Thank you po sa pag notice ☺️🥰🥰
Pag married sa Norwegian wala ng interview
Hi Ms. Stephanie pwedi po magpa tulong anong visa dapat kukunin nang Mama ko. Kasi ako po my norwegian passport dahil sa dad ko na norwegian. Si mama di sila kasal. Sa pilipinas ako pinanganak norwegian born abroad ako
Hi, kung dadalaw lang siya sa Norway ay tourist visa parin. Kung ang ibig sabihin mo naman ay kukunin mo siya para tumira dito sa Norway ay pwede mo ito icheck sa udi.no under sa family immigration with Norwegian citizen.
Hi sis. Pwde ba mgapply ng visa if kaibigan lng ung kakilala sa norway?
yes pwede po. Same sa process magsesend din yung kaibigan ng invitation at kung sa kanya ka manunuluyan ay guarantee form na nakalagay na sa kanya ka tutuloy 😊
May mga gumagawa naman niyan dahil sa same situation mo. Kaya ang answer ay "yes pwede"
NOTE: Pero kailangan ko lang sabihin dahil baka isipin ng iba ay nagsusuggest ako na gawin ito. 😊
I don't suggest/recommend it personally kasi kung friend mo ang mag iinvite ibig sabihin sa mga documents siya ang may responsibility sayo at lalo sa guarantee form ilalagay mo na sa kanya tutuloy pero hindi pala kaya pagsisinungaling siya sa purpose ng travel.
Last question n lng po sis. If c bf magsponsor pwde ba un khit d pa kmi ngkikita? Xnxa n ah. At slmat s pgreply
May mga approve naman na ganyan na case. Meron din iba na nagproprovide ng additional paper/explanation sa invitation or medical certificate kung bakit di makatravel yung bf/fiance nila.
Hi sis reject yung visa ko pero naguguluhan ako pano gawin ang appeal letter😢at pano po malalaman kung anong documents ang dapat namen idagdag pls help naman po thanks a lot😔
Kapag rejected ang visa nakalagay sa rejection ang dahilan kung bakit at malalaman niyo kung may grounds kayo para mag appeal. Kung hindi naman nakasulat iinquire niyo sa udi para malaman. Hindi sila magrereject ng application ng walang dahilan.
Thank youuu po
Hi po. What if 5 months pa lang po kami ng norwegian boyfriend ko pero nagmeet na po kami maraming beses dahil naging kami po nung nagwowork ako sa Norway. Pwede po kaya siya ang mag invite saakin? 😊
Hi pwede naman siya mag invite at mag sponsor sayo. Regarding sa chance na maapprove base sa tagal niyo ay udi case worker lang din talaga ang makakasagot. As of today eto ang nasa website ng udi:
If you plan to visit your girlfriend or boyfriend, you can be granted a visa if you are in an established relationship. This means that if you have been together for a long time and have met several times, you have a better chance of being granted a visa.
@@YourNeighborStephie thank you very much po ☺️
Gud eve po ask q lng my bf po aq taga jan xa my possible po ba n makuha po nya aq papunta jan kaso kasal po kasi ako sana po mapansin mo po comment q tnx po god bless po
Kung to visit bf ang tourist visa ay baka maka-affect sa result. Kung as tourist pwede basta mameet mo ang mga requirements na nasa list ng udi/vfs at maconvince sila na may proof/reason ka to go back to the Philippines kapag tapos na ang tourist visa mo.
Hi te step. My question po ako ba. Importante. About sa tourist visa
Edelyn Pacala Hi, ano yung tanong mo? Sasagutin ko sa abot ng aking makakaya 😊
Hi ate steph. Salamat sa respones ☺️ ate na taka ako ba im applying tourist visa sponsored by my host family. Natangan kona lahat papers.need pa talaga pagwin nang hand writen invitation letter ang sponsor ko or ok na khit gurantee form nalang.maybe be we can connect po sa fb if its ok to you po for former question's po. Kc dami mo na bigay idea sa akin. But this part nakakalito. Ty po
Kung tourist visa to visit your sponsor, kailangan mo ng invitation letter. Pwede yan itype lang sa computer tapos pirmahan nila, then i-scan at email sayo. Ang pagkakaiba kasi ay yung UDI guarantee form kasi ipapakita na sagot nila ang gastos mo at afford nila, while yung invitation letter naman ang magpapakita kung bakit ka nila iniinvite.
You can like our page na Your neighbor stephie sa fb at makakapagsend ka ng private message dun kung sakali may tanong ka na ayaw mo ipost in public dito. 😊
Salamat po i add kita dami mo natolong sakin po. Godbless you po. At sa channel mo with your hubby. Pm you there ☺️
Ask Lang po ako kong magkano po ang maga gastos lahat patungo jn SA nowway?
Norway
Yung mismong visa po ay 80 euro at may budget na 500 norwegian kroner per day ng stay, yung price ng plane ticket ay depende din po sa matatapatan niyo na presyo. Kaya yung total na gastos po ay maeestimate niyo based sa mga ito 😊
@@YourNeighborStephie pag my mg request po sa akin dito sa pinas na pa puntahin po ako doon,mg kano nalang po? My matuloyan na po ako sa Norway 🇳🇴 .thanks😊
Kung may matutuluyan possible na mas mababa ang hahanapin nilang budget niyo per day or kung makakapagprovide yung tutuluyan niyo ng guarantee form ay hindi niyo na kailangan magsubmit ng bank statement. Yung kabuuang halaga ay hindi ko maibibigay dahil depende yun sa matatapatan niyo na plane ticket at palitan ng euro, ang sigurado lang na price ay yung 80 euro na nakasulat sa website ng norwegian immigration. Pwede niyo bisitahin ang udi.no at vfs norway-philippines para makita ang mga updated price/fees. 😊
Di ko ma gets,, iniinvite po kasi ako ng bf ko Jan kaso panu ko po maayos papers ko,, thanks from Taiwan
Halos same din po siya puntahan niyo yung website ng immigration : www.udi.no
sundan lang ang instruction at piliin sa choices yung applicable sa situation niyo, lalabas sa huli doon yung process kung from taiwan ang application 😊
Hello madam patulong naman po ako sa visa ko nagchat po ako sa messenger nyo salamat
hello madam pwde ko ba kayo macontact may itatanung po ako para sa processing ng working visa ko sa norway thank you
nagreply na po ako sa fb page 😊 salamat sa panonood
@@YourNeighborStephie salamat madam
Hello mam now ko po kau napanood mam help u po ako first time ko mag abroad jn sa Norway I have bf he want I visit there please asap
Sundan niyo lang po yung mga link na nilagay ko sa description box at inexplain ko po sa video kung paano. Nasa website po lalabas ang mga requirements na kailangan niyong ihanda 😊
H po maam pwede po bah ma extend ang tourist visa dto sa norway? Salamat po
Hi as far as I know walang extension ng tourist visa sa norway, unless special or emergency situation ex. accidents or death of immediate family (unsure) or sudden health issue na kailangan ma ospital. Kaya pag kailangan ng extension kailangan talaga udi ang icontact and strong grounds bakit kailangan. Thank sa question at sa panonood 😊
@@YourNeighborStephie salamat po sa sagot.,may tanong pa po ako maam may paraan po bah para hindi ako makauwe kasal po ako dto sa norway at may anak po kame?ano po bah ang magandang paraan para mag stay?thank you po
@@ryangarsula4150 Kung skilled worker or degree holder or vocational degree holder with long years of experience possible na makapag-apply ng family reunification ng hindi umuuwi. Kailangan mo isama sa requirements na nakalista sa udi yung diploma,tor, at minsan certificate ng experience.
@@YourNeighborStephie thank you ma'am
Mam kailangan ba talaga mag sign up sa udi pag visitors
sa udi at vfs website pag makikita ang listahan ng requirements hindi po kailangan mag sign up.
Pero pag mag launch na ng application ay kailangan na mag sign up sa self service portal for application for udi at sa vfs naman para makakuha ng schedule sa pinas to hand in ang documents.
@@YourNeighborStephie thank you po
Hello mam good evening, sino po pala ang pwd mag fill up sa application portal para SA payment na 80 euro .. ang visa applicant po ba mam? O pwd LNG ang sponsor o kaaanak lng lalo na matanda n Yung sponsor po. Salaamat.
Sino po pala pwd mag bayad mam SA application portal na 80 euro. Okay lng po ba ang visa applicant SA pilipinas? Pero bakit d p proceed Yong payment po mam kahit Naman master card gamit
Ma'am what if boyfriend
same steps po, may ilang requirements lang na nababago sa listahan. Basta po susundin yung list of requirements para sa application ng visit visa for bf/gf sa udi.no
Ma'am kina ilangan ba ma register Yung business permit ko sa DTI or Hindi nah kc sari sari store lang Ang business ko
my visa interview po ba ?
Hi normally wala , meron lang special cases na nakakatanggap ng invitation for interview😊
Trabaho as domestic cleaner
Hi po, sorry sa late reply. Sa pagkakaalam ko po ay hindi common dito na nag outsource sila ng workers as cleaners. Usually yung mga nakatira na dito (meaning may visa na) ang mga nag aapply sa field of work na ito.
Hello po ma'am.. Pwede po patulong mag aply så Shingen Visa.. Bf ko po mag sponsor nang lahat.. 🙏🙏
Hi, nasa website ng UDI ang requirements at process:
www.udi.no/en/want-to-apply/
Lagi kong advice sa mga mag aapply ay basahin niyo pareho ng partner niyo ang nasa website para malaman ang steps at proseso.
@@YourNeighborStephie Salamat po
hi help girl sorry