GFAB - Direksyon (ft. Jpee, Majestic)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 15. 04. 2018
  • Written & Performed by: GFAB x Jpee x Majestic
    Produced | Mixed & Mastered | Cover Art by: GFAB
    Stream on Spotify: open.spotify.com/track/5X4Vxh...
    (Lyrics)
    GFAB Hook:
    Ikaw lang at ikaw lang ang siyang tanging direksyon
    Ang nakakuha't nakabihag saking atensyon
    'to ay totoo, di to imahinasyon
    Ngayon palang ay alam ko na, na ikaw nga ang direksyon
    GFAB Verse:
    (This is for real)
    Kala ko nung simula wala lang, ba't naging ganto (Kala ko wala)
    Oh yeah oh yeah
    Na tila para bang, bigla nalang nakaabang
    Sa mga tawag at menhase mo, ang isip ko'y litong-lito
    Ano bang ginawa mo sakin, ba't lumalambot damdamin
    Ngayon napagtanto ko na, naloko na
    Ikaw ang siyang nag dala, puso'y puno ng kaba (Yeah)
    Landas na to'y hindi ko sigurado (Oh-oh)
    Hindi eksakto kung saan patungo (Kahit saang direksyon pa)
    Isa lang ang siyang maipapangako
    Na, aking sasabihin na, di ko na kailangan 'tong ulitin pa
    Saan mo pa ba gusto na pumunta, tiyak na ako'y sasama
    Kahit na ganon, san pa man paroroon
    Ako'y masaya, kumpleto na't ikaw ang kasama
    GFAB Hook:
    Ikaw lang at ikaw lang ang siyang tanging direksyon
    Ang nakakuha't nakabihag saking atensyon
    'to ay totoo, di to imahinasyon
    Ngayon palang ay alam ko na, na ikaw nga ang direksyon
    Jpee Verse:
    Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
    At sa tuwing kasama ka ngiti ko'y walang mapaglagyan
    Kaya kung pwede lang ba sana, ikay wag ng mawawala pa dito sa piling ko
    Ikaw lang ang nag iisa
    Halik at yakap , saradong talukap handa kang samahan ,kahit sa ulap
    Pag mamahal ko sayo walang kasukat, sa linya ng kanta ko gusto isulat
    Ayokong magulat sa mga balita , panaginip masakit ayaw makita
    Gisingin at kalampagin mo ang diwa, wag lang madama ang hapdi ng hiwa
    Pero handang kalimutan hangang sa marating natin
    Ang lugar na para satin, direksyon ating tatahakin
    Na magka hawak ng kamay, walang pake sa mga sablay
    Ang mahalaga kasama kita sa masayang pag lalakbay
    GFAB Hook:
    Ikaw lang at ikaw lang ang siyang tanging direksyon
    Ang nakakuha't nakabihag saking atensyon
    'to ay totoo, di to imahinasyon
    Ngayon palang ay alam ko na, na ikaw nga ang direksyon
    Majestic Verse:
    Isang pagkakataon na akoy umibig sa isang katulad mo't hinintay ko ang tamang panahon na Hangang sa maglaon ay aking mahahawakan ang iyong mga kamay
    Matatamis ang titig na tinaglay tumitibok ang pusong tila bumigay habang dahan dahan ko na Sasabihin na mahal kita ang puso ko syo handa kong ibigay
    Alam ko mahal ko na gasgas na to subalit handa ko paring ibato
    Ang mga salitang baka sakali na palarin at hangarin na damdamin ay aking matamo
    Ako ay bigla ng natutuliro dahil sayo nais ko ng tumino
    Sapgkat sayo lamang natutunan na sa buhay ay makulay pag ang sungay ay aking niliko
    Hindi ko na kayang pigilan lisanin ang aking tunay na nararamdaman
    Handa kong tahakin ano mang balakid ay pilit ko yan na malalampasan
    Kahit na pasan pasan ko ang bawat pangako na dati ay d nakamtan
    Handa kong bitawan ang bawat bigat sa damdamin hangang sa itoy gumaan
    Laging tandaan
    Hindi ko man kayang tularaan saya ng yong nakaraan
    Handa kong punan ang mga sandali na kung dati ay di nya syo nalaan
    Ano mang mangyare lahat ay dibale itoy akin ng paninindigan
    Direksyon na tanging dalangin na sana palagi kitang mapagsisilbihan
    GFAB Hook:
    Ikaw lang at ikaw lang ang siyang tanging direksyon
    Ang nakakuha't nakabihag saking atensyon
    'to ay totoo, di to imahinasyon
    Ngayon palang ay alam ko na, na ikaw nga ang direksyon
    --
    © 2018 Good Boy Music
  • Hudba

Komentáře • 40