Pagkakamaling Muntik nang Pinagsisihan habangbuhay ni Jon Bon Jovi | AKLAT PH

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 11. 09. 2024
  • Pagkakamaling Muntik nang Pinagsisihan habangbuhay ni Jon Bon Jovi | AKLAT PH
    Hindi ako santo, ito ang nabanggit ni Jon Bon Jovi sa isa nyang interview sa British Newspaper na The Independent nito lang April 2024.. Matatandaang sinabi din nito noong 2007 sa Best Life Magazine na hindi rin sya ganung kabuti na asawa at ama sa mga anak lalo na nga at sobrang dami ng mahahalagang okasyon sa kanilang buhay na wala sya sa tabi ng mga ito…
    Si Jon Bon Jovi mga idol ay isa o baka nga nag iisang rock star na kilala ng marami na kakaiba sa ibang sikat na rakista ng kanyang era… Hindi ito kailanman nagkaroon ng isyu sa droga o masasamang bisyo at nakakahangang sa dami ng babaeng gus2 syang matikman-este sa dami ng babaeng patay na patay sa kanya e dun pa rin sya nagpakasal sa girlfriend nya mula pa noong sya ay nasa Highschool pa lamang, na magkasama pa nga rin sila hanggang sa ngayon…. Kilalang kilala din ito sa pagtulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga charities nito..
    Pero pag usapan natin mga idol yung sinabi nya na hindi sya santo… Alam nyo ba mga idol na kahit nakilala ng marami sa atin si Jon Bon Jovi bilang rakistang sobrang loyal sa kanyang asawa mula simula, e nagkaroon din talaga ng pagkakataon na iniwan sya ni Jon Bon Jovi…
    Halika at halungkayin natin ang kuwentong nabaon na sa limot o baka nga hindi pa alam ng iba, yung panahong muntik nang malunod si Jon Bon Jovi sa kumunoy ng noon ay babago pa lang nyang natitikman na kasikatan, panahong iniwan nya ang noon ay kasintahan nya pa lang na si Dorothea dahil ipinagpalit nya ito sa isang sikat na artista..
    Ano nga ba ang nangyari? Bakit nagawa yun ni Jon Bon Jovi at paanong sila pa rin ang nagkatuluyan?

Komentáře • 96