Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 16 May 2024 7a.m.

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 14. 05. 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
    HUWEBES sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay May 16, 2024
    UNANG PAGBASA
    Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11
    Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
    Noong mga araw na iyon, ibig matiyak ng pinuno kung ano nga ang sakdal ng mga Judio laban kay Pablo, kaya’t pinagpulong niya kinabukasan ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin, saka kinalagan si Pablo, ipinanaog at iniharap sa kanila.
    Alam ni Pablo na doo’y may mga Saduseo at Pariseo, kaya’t sinabi niya nang malakas, “Mga kapatid, ako’y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay ako’y nililitis ngayon.” Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan. Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo nama’y naniniwala sa lahat ng ito. At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol. “Wala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?”
    At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kaya’t pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.
    Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11
    D’yos ko, ang aking dalangi’y
    ako’y iyong tangkilikin.
    o kaya: Aleluya!
    O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
    ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
    “Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
    “Kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
    Ikaw lamang, O Poon ko, ang lahat sa aking buhay,
    ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.
    D’yos ko, ang aking dalangi’y
    ako’y iyong tangkilikin.
    Pinupuri ko ang Poon na sa akin ay patnubay.
    Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
    Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
    Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.
    D’yos ko, ang aking dalangi’y
    ako’y iyong tangkilikin.
    Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak.
    Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
    Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
    sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.
    D’yos ko, ang aking dalangi’y
    ako’y iyong tangkilikin.
    Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
    sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
    Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
    D’yos ko, ang aking dalangi’y
    ako’y iyong tangkilikin.
    ALELUYA
    Juan 17, 21
    Aleluya! Aleluya!
    Lahat nawa’y magkaisa
    kay Kristo at sa D’yos Ama
    nang tana’y sumampalataya.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Juan 17, 20-26
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
    Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”
    “Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #holymass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Komentáře • 43

  • @lenniesilva2564
    @lenniesilva2564 Před 27 dny +1

    Mahal n Padre Pio pray for us Hear our Prayers Please protect always my family Nanay Dennis and my children Carlo and Danica Amen Thank you Lord Amen 🙏 🙏🙏🙏🙏

  • @JosaDeTorres-kn3wi
    @JosaDeTorres-kn3wi Před 27 dny +1

    Mahal na Poong Padre pio, Pagpalain mo po kami sa lahat po ng aming pangangaiangan, Thank You Lord, Amen Amen,

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Saint Padre Pio Please Help My Son To Find A Good Job Amen, Please Always Guide Him, Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen, Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen, Padre Pio Please Bless All Of Us Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen, Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen, Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen, Thank You For The Gift Of Our Life Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen, Please Help My Son In Law To His Sickness, Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen.

  • @louieokrafo-smart9758
    @louieokrafo-smart9758 Před 27 dny

    St padre pio please heal us. Thank u for all the blessings.

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 Před 27 dny +3

    San Padre pio pagpalain MO kami sa Lahat ng oras lalong Lalo na po ang aming mga pamilya maraming salamat po lord Jesus christ. Amen po, 🙏💖🙏

  • @SUMNICEPPERSONIG
    @SUMNICEPPERSONIG Před 26 dny

    SAINT PADRE PIO PRAY FOR US AND THE WHOLE WORLD.,Thanks for the gift of this Holy mass. PRAISE AND GLORY TO YOU LORD now and forever. Thanksgiving prayer for blessings you given me and to my family and for my successful surgery and speedy recovery. Healing prayer for our sickness and illness and restore us in good health and well-being and strengthen our immune system to fight back harmful cells. PROTECT guide and help us in all our needs and my grandchildren in their studies 🙏 ❤ May the joy love and peace of the lord be with us all. Offering this mass for the souls of our faithful departed loved ones and all the souls in purgatory. GOOD MORNING AND HAVE A GREAT DAY ❤AMEN

  • @lizajoosten5165
    @lizajoosten5165 Před 27 dny

    Salamat father pio sa life nako ogsa family nako agaka kami imong mga anak ngadto kay jesus amen.amen

  • @berniesevidal7450
    @berniesevidal7450 Před 27 dny

    SAINT PDRE PIO HAVE MERCY ON US AMEN.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Diyos Ko, Ang Aking Dalangiy Akoy Iyong Tangkilikin.Amen

  • @cielomanuel3390
    @cielomanuel3390 Před 27 dny

    Lord Jesus Christ through St Padre Pio alisin nio po ang lungkot sa aking puso at gabayan nio po kami sa lahat ng oras AMEN

  • @user-mi7bo1ly5g
    @user-mi7bo1ly5g Před 27 dny

    San Padre Pio ipanalangin mo po kmi Amen🙏🙏🙏

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg Před 26 dny

    Dear padre Pio pls pray for the fast recovery of my sister Ananias Binay & Dixie Cayabyab in Jesus name Amen 🙏 Thank Lord for all the blessings & graces we’re receiving everyday forgive our sins I love you Lord .

  • @user-xk4on5dm8m
    @user-xk4on5dm8m Před 26 dny

    Pray 4 my health o padre pio in jesus name amen amen

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 Před 27 dny

    Glory to You, O' Lord Jesus i trust in you! Amen😊✋🙏🏽❤

  • @violetaoren3029
    @violetaoren3029 Před 27 dny

    Good morning lord padre pio maraming salamat lahat blessings buong pamilya amen 🙏🙏🙏❤️❤️❤️

  • @amyg882
    @amyg882 Před 27 dny

    Thank you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @ghinaghacosta2505
    @ghinaghacosta2505 Před 27 dny

    Mahal na Padre Pio ingatan mo po ang aming kalusugan at kabuhayan maraming salamat po ❤🙏😇

  • @marlynmolina5958
    @marlynmolina5958 Před 25 dny +1

    Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před 26 dny

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen.

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 Před 26 dny

    Salamat Po Padre Pio.Amen

  • @celyfernando
    @celyfernando Před 26 dny

    🎉gabayan po ninyo kaming buong pamilya salamat po

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 Před 27 dny

    Maraming salamat po Panginoon mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin at sinasamba holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami ilayu mo po kami sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen Aleluya! Aleluya! Aleluya! 🙏 ❤️ 💛 💛

  • @OfeliaHernandez-vo1qg
    @OfeliaHernandez-vo1qg Před 27 dny

    San Padre Pio hiling q po na pagalingin mo po aq sa lahat kong karamdaman 29:34 lalo na ang cancer at peripheral arterial disease pati ang bong familiar . Thank you SanPadre Pio.

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 Před 26 dny

    Salamat Po Panginoon.Amen

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y Před 27 dny

    Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏💓

  • @rosanaromasoc1411
    @rosanaromasoc1411 Před 27 dny

    Mahal naming St Padre Pio muli maraming salamat po sa bagong araw na eto sa muli, Dearest and Loving St Padre Pio please pray for my ate beth for her complete healing and recovery, Merciful Padre Pio, heal ate beth through your intercession to Our Lord Jesus Christ Our Divine Healer and Physician and Please pray for all the normal results of her CT Scan and Bone Scan salamat po Mahal naming St Padre Pio salamat po In Jesus name we pray amen and amen 🙏🏾💖🙏🏾

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM Před 27 dny

    God of wisdom, grant me the foresight and prudence to anticipate the challenges ahead.

  • @litanavarro9353
    @litanavarro9353 Před 27 dny

    Mahal na padre pio pagalingin mo ng lobusan ang aking anak si zaldy na inatake pls padre pio at patnubayan mo kaming mag papamilya na kami akşamı mag mahal an at mag akışa salamat po padre pio salamat in Jesus name amen

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y Před 27 dny

    Special intention for my healing Corazon Rivera

  • @vgee3939
    @vgee3939 Před 27 dny

    Pray for me miraculously got better heart stroke migraine sleepwell cholesterol pray for me right side got jesus pray for me healthy daughter husband myself granddaughters son son in law fr Maurice William away for the cancer away for the bad spirits Jesus pray for all the families healthy Jesus healthy padre pio great better sleepwell coughing get jesus amen

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y Před 27 dny

    Special intention for my Family Corazon Rivera

  • @litta2043
    @litta2043 Před 27 dny

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal napadre pio at lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at ngayon po ay muli kaming nagpapasalamat at kami ay muli ninyong ginising sa umagang ito iyon poay napakalaking pasasalamat namin sa inyong lahat at kamiay muling nagising sa arawaraw at ngayon poay muli akong nahingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat para sa aming maganak lalo po ako namarami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay haplusin ninyo ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit sa aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at ngayon po ay inihihingi ko ng gabay at patnubay itong dalawa kong anak na sila ay gabayan ninyong lahat sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon sila ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay inihihingi korin ng gabay na siya ay mailayo ninyo sa kanyang masamang bisyo ito po ay hiling at dalangin ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa sa inyong lahat na siya ay mapalayona sa bisyong ito sa tulong po ninyong lahat at mailayo rin sa mga taong siyang naglululong sa kanya sana po itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat ay maipagkaloob po ninyo sa akin marami pong salamat sa inyong lahat alam ko po na hindi ninyo kami pinababayaan at lagi kayong nasa aming tabi kaya walang hanggang pasasalamat sa arawaraw

  • @Purihin.Si.Hesus.
    @Purihin.Si.Hesus. Před 27 dny

    "Come, follow me, and I will make you fishers of men." 🎣

  • @soledadabila7607
    @soledadabila7607 Před 27 dny

    Graft and corruption ang aking ikinakasama ng kalooban. If the Universe condemmed me because of this i have nothing to do.

  • @fedepositario7810
    @fedepositario7810 Před 27 dny +3

    Thank you God, St Padre Pio, Mama Mary, Blessed Sacrament for giving us all good health pls heal all my illness praise the lord Jesus christ

  • @efrenrojo3192
    @efrenrojo3192 Před 27 dny +1

    Praying for the healing and good health of my grandson Jacob Miguel at ang asawa ko sa kanilang mga sakit

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 Před 27 dny +1

    ❤😊✋💞🙏🏽salamat panginoon s lahat ng biyaya, s gabay at patnubay mo samin ng mga anak at apo ko..keep them safe from harm in Jesus name i Pray❤✋😊Amen

  • @fedepositario7810
    @fedepositario7810 Před 27 dny

    Thank you God, St Padre Pio, Mama Mary, Blessed Sacrament that my daughter Cecil succeed in her new job help Jp in his new job succeed praise the lord Jesus christ