O AKING BAYAN (Popule Meus/Improperia) - Awit Sa Pagpaparangal sa Krus na Banal sa Biyernes Santo

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 18. 04. 2020
  • O AKING BAYAN
    (Awit sa Pagpaparangal sa Krus na Banal sa Biyernes Santo)
    Hango sa "Popule Meus"/ Improperia
    Ang Hinanakit at Pagtangis ng Ating Panginoon (Divine Reproaches)
    Musika ni Jeffrey Ray C. Miguel
    ANT. O aking bayan, ano bang nagawa ko sa inyo?
    Paanong nasaktan ko kayo? Sagutin niyo nga ako!
    1. Pinalaya ko kayo sa pagkaalipin sa Egipto
    ngunit sa Krus niyo ako dinala,
    akong inyong Tagapagligtas
    TRISAGION:
    SA: Hagios o Theos.
    TB: Sanctus Deus. (Banal na Diyos)
    SA: Hagios ischyros.
    TB: Sanctus Fortis. (Banal na puspos ng kapangyarihan)
    SA: Hagios Athanaths, eleison hymas.
    TB: Sanctus Immortalis, miserere nobis. (Banal na walang hanggan, maawa ka sa amin.)
    2. Ginabayan ko kayo sa apatnapung taon sa disyerto
    Pinakain ng Mannang buhat sa langit
    Dinala ko kayo sa lupain na masagana
    ngunit sa Krus niyo ako dinala, akong inyong Tagapagligtas. (Triasgion)
    3. Ano pa ba ang dapat na magawa ko para sa inyo?
    Tinanim ko kayo tulad ng mabungang ubasan
    Ngunit ang bigay niyo sa aki'y kapaitan.
    Sa aking pagkauhaw, pinainom niyo ako ng suka
    Tagiliran ko ay inyong sinibat, akong inyong Tagapagligtas. (Trisagion)
    4. Alang-alang sa inyo hinagupit ko ang mga panganay na anak ng mga Egipcio ngunit ako naman ay inyong hinagupit. (Antipona)
    5. Pinalaya ko kayo't inilabas sa Egipto
    Nilunod ko ang mga kawal ni Paraon sa dagat
    Ngunit nilabas niyo't ako'y dinala sa inyong mga punong pari. (Antipona)
    6. Sa inyong harapan binuksan ko ang dagat.
    Ngunit ang aking tagiliran inyo namang binuksan at sinibat. (Antipona)
    7. Ginabayan ko kayo sa inyong paglalakbay
    sa pamamagitan ng haliging ulap
    Ngunit ako naman ay inyong dinala
    sa hukuman ni Pilato. (Antipona)
    8. Binigyan ko kayo ng Manna sa ilang
    ngunit binigyan niyo naman ako ng mga sampal at hampas. (Antipona)
    9. Pinainom ko kayo ng masarap na tubig na galing sa bato
    ngunit pinainom niyo naman sa akin ang sukang may kahalong apdo. (Antipona)
    10. Hinagupit ko para sa inyo ang mga haring Cananeo
    Ngunit hinagupit niyo ako't hinampas ng tambo sa aking ulo. (Antipona)
    11. Kayo ay aking binigyan ng setro ng karangalan
    ngunit ako naman ay iyong pinutungan, binigyan ng koronang tinik.(Antipona)
    12. Tinampok ko kayo sa mataas na karangalan
    Ngunit ako naman ay inyong tinampok, itinaas sa kahoy ng Krus. (Antipona)
    #PagpaparangalSaKrus #BiyernesSanto #PopuleMeus #Improperia #FilipinoLiturgicalMusic #Tagalog #Filipino
  • Hudba

Komentáře • 3

  • @firedragonenator1
    @firedragonenator1 Před 5 měsíci +1

    Good day! Can I ask for a copy of the score? Thanks!

    • @JeffreyRayMiguel
      @JeffreyRayMiguel  Před 5 měsíci

      Sure thing. Please message me at facebook.com/jeffreyraymiguelmusic or send me your email.

  • @rodgemacalino2458
    @rodgemacalino2458 Před 2 lety

    Good day! Saan po available ang piyesa nito?