Video není dostupné.
Omlouváme se.

'Isang Dekada, Isang Kariton,' dokumentaryo ni Kara David | I-Witness

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 29. 07. 2023
  • Kahit na matagal nang hinahanapan ng solusyon ang isyu ng pabahay sa Pilipinas, bakit hanggang ngayo’y maraming Pilipino pa rin ang walang sarili o permanenteng tirahan?
    Samahan si Kara David at kilalanin ang ilang mga taong patuloy na dumidiskarte sa buhay lansangan sa kanyang pinakabagong dokumentaryo.
    #IsangDekadaIsangKariton
    #IWitness
    ‘I-Witness’ is GMA Network's longest-running and most awarded documentary program. It is hosted by the country’s top documentarists --- Howie Severino, Kara David, Sandra Aguinaldo, Mav Gonzales, John Consulta, and Atom Araullo. ‘I-Witness’ airs every Saturday, 10:15 PM on GMA Network.
    Subscribe to / gmapublicaffairs for our full episodes.
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Komentáře • 2,1K

  • @MarkDanielSalvador_SirMD
    @MarkDanielSalvador_SirMD Před rokem +1603

    "...Ang tunay na tahanan, hindi nasusukat sa taas ng pader o sa lawak ng bakuran, kundi sa lalim ng kalinga at malasakit sa kapwa." ❤️

  • @Mobirin
    @Mobirin Před rokem +515

    Kara David is one of the best talaga in documentaries. Hindi maarte at nag iimerse talaga sa story. Even the way she narates, napakahusay. Kudos! 😊

  • @jcee8385
    @jcee8385 Před rokem +314

    Grabe. Naiyak ako. “Kailangan pa raw siya ng kalye. Marami pang bata ang dapat alagaan. Hindi pa tapos ang misyon ng kanyang munting kariton.”

    • @pearldelolmo4979
      @pearldelolmo4979 Před 8 měsíci +1

      😢😢😢 ako din super iyak huhu

    • @suzettegrino2121
      @suzettegrino2121 Před 6 měsíci +1

      Kaya nga po, ngayon ko lang napanuod ang episode nato ni Ms. Kara grabe ang luha ko 🥺🤍 Saludo po kay Nanay Maricel at sobrang saya para sa mga batang kinupkop nya dati 🙏🤍

    • @cutiepatootie4310
      @cutiepatootie4310 Před 5 měsíci +2

      😭😭😭

    • @pinayinhawaii5572
      @pinayinhawaii5572 Před 4 měsíci +1

      Same here,
      Napa iyak ako sa sinabi Ni Maricel na kailangan pa ako sa kalye..
      Shes making milyon point sa langit 😭

    • @reben81
      @reben81 Před 4 měsíci +1

      Tagus sa puso ang sakit sa dibdib poh . Gd bless poh maam kara

  • @thinksnct4653
    @thinksnct4653 Před rokem +259

    Maricel embodies the welfare and motherly love. Grabe, saludo ako sa kaniya. She persevere and the fact na lumaking matiwasay ang mga bata, goes to show how they were raised having a strong mindset and desire to achieve something in life. They know how to appreciate whatever they have but they also know what they can still get in life with hardwork.
    I hope they'll be blessed with the kind hearts that they have.

  • @altheaosabel4850
    @altheaosabel4850 Před rokem +346

    "kaylangan pa raw siya ng kalye marami pang bata ang dapat alagaan, hindi pa tapos ang misyon ng kaniyang munting kariton" 😢

    • @janielgracilla
      @janielgracilla Před rokem +22

      this hits me hard, like she ain't that blessed to ve rich but she still did everything she can to raise children and be their mother... may this be an inspiration pra sa mga magagarbo ang buhay to give back

    • @zenycapoquian1190
      @zenycapoquian1190 Před rokem +9

      😢 bakit ganun nlng ang nararadaman ko😢😢

    • @christinemahinay499
      @christinemahinay499 Před rokem +11

      She has a pure heart. It's unconditional love.

    • @altheasikiagonzales8212
      @altheasikiagonzales8212 Před rokem

      iba ung naramdamn qu .. 😢😢😢😢

    • @romella_karmey
      @romella_karmey Před rokem +3

      Daig talaga ng mabuting tao ang mayaman nga o luwag luwag pero nasa bahay kwago at hindi masaya sa buhay kahit maraming pera at ari arian…

  • @archiearceo24
    @archiearceo24 Před rokem +155

    Kung meron mang palabas na hindi dapat mawala sa telebisyon.. I-Witness yun!
    Gantong mga kwento ung nagpapagaan sating loob, yung kapos sila ngunit nakakatulong parin sa kapwa. Bayani! 😎💪🏻❤

    • @hu_yoar-que_mos5001
      @hu_yoar-que_mos5001 Před rokem

      ilang million kaya kinita ng i witness sa documentary nila...after binalikan at ginamit ulit sila😢😢

    • @johnkelvintztc
      @johnkelvintztc Před rokem +2

      @@hu_yoar-que_mos5001Documentaries are not as marketable as entertainment shows. Kung may paaandaran ka, yung gobyerno, hindi sila Kara. Do you not realize how important these shows are? Do you not know Project Malasakit?

    • @ferdinandmarkrivera2305
      @ferdinandmarkrivera2305 Před 10 měsíci

      ​@@johnkelvintztc tumpak ka Kapatid kaya Ang abs at tv5 walang documentaries Kasi Hindi kikita. Ang GMA gusto teleserye at telenovela at telefantasya at kabit serye doon may Pera parang toll road at airport. Walang tv network sa boong Mundo na yumaman sa documentaries usually foundation at government media

    • @gerard1813
      @gerard1813 Před 4 měsíci

      ​@@hu_yoar-que_mos5001the mindset.. bulok na pag iisip.

    • @martinmrazmars113
      @martinmrazmars113 Před 3 měsíci

      ​@@gerard1813typical Filipino mindset. Laging nag eexpect ng tulong sa mga taong akala nila obligado magbigay. Galaw galaw mga batugan.

  • @johnmarvinnailon7067
    @johnmarvinnailon7067 Před rokem +119

    After nang mission ni ate maricel sa mga anak at dalawang kinupkup ay di sya tumigil sa pagbibigay kalinga sa mga bagong kabataan na nangangailangan ngayon. What a hero na kahit kaunti lang ay handa syang magbigay ng anong kaya nya. Love this documentary 😊

  • @jcbirco6989
    @jcbirco6989 Před rokem +57

    “Kapag mabait ka sa kapwa mo, mabait sayo ang mundo” maraming salamat po dito mam Kara!

    • @ronaldogacus2110
      @ronaldogacus2110 Před 11 měsíci +3

      Si maricel nag sabi niyan sa part 1 ng documentary ni kara

  • @mariblancatv7164
    @mariblancatv7164 Před rokem +336

    Ang galing ng mga bata,hindi napariwara ,hindi nagpunta sa masama...godbless sa inyong lahat.

    • @JojoWahin
      @JojoWahin Před rokem +4

      Salamat po

    • @manilynventura6885
      @manilynventura6885 Před rokem +13

      Kasi napalaki sila ni maricel ng my kabutihan sa puso ,,di gaya ng ibang batang lansangan na alam nyo na"

    • @marghieyamat1910
      @marghieyamat1910 Před rokem +6

      Salute ate maricel ang Buti nyu po sa mga bata napanuod q to tumulo luha q Pero sa huli naging happy nadin kc naging mabuti ang mga bata 😊

    • @user-ql2qb3we2n
      @user-ql2qb3we2n Před rokem

      ❤Godbless

    • @pamordonez5752
      @pamordonez5752 Před rokem +1

      Marunong silang dumiskarte, kasi alam nila ang hirap lalo na kung walang makain.

  • @bernardvillarama7090
    @bernardvillarama7090 Před rokem +227

    This is the most inspiring and beautiful story i have ever seen. Nakakamangha si Maricel sa kanyang kabutihang loob. Naging bukal ang puso nya sa pagkupkop sa mga batang walang masisilungan.Naging Ina nang kalsada at naging tahanan ng mga batang napagkaitan ng magandang buhay. Si Maricel ay parang isang anghel na ginawang instrumento nang Panginoon para gumabay sa mga batang pwedeng mapariwara ang kinabukasan.

  • @jplyndegaard4240
    @jplyndegaard4240 Před rokem +228

    Nawa'y makarating sa pamamahala ng INC ang kalagayan ni Ate Maricel. Sa kabila ng kanyang kalagayan hindi pinababayaan ang pagsamba. Pagpalain ka pa Ate Maricel. ♥️

  • @greatvine6324
    @greatvine6324 Před 11 měsíci +23

    Kara gave more than justice to the title "i witness", not only she witnessed but experienced.
    Her lines have a deep impact. She have the best of i witness documentaries. ❤

  • @randyi9808
    @randyi9808 Před rokem +125

    It proves na maganda ang pag aaruga ni ate Maricel sa mga bata dahil sila’y hindi napariwara. Marunong na maghanap buhay at may tahanan ng nasisilungan. Good job ate Maricel, napaka buti ng iyong puso. Napaka positibo ng pananaw mo sa buhay kahit sobra ang pagsubok mo sa buhay. God bless at naway gabayan ka ng panginoon.

  • @2damax0504
    @2damax0504 Před rokem +70

    Ate Maricel deserves all the help she needs. Sana matulungan siya magkaroon ng sariling bahay kahit maliit lang at munting hanap buhay.

  • @ivyjoyceremoral5509
    @ivyjoyceremoral5509 Před rokem +10

    “Kapag mabait ka sa kapwa mo, mabait din ang mundo sayo” ❤

  • @annehoola9336
    @annehoola9336 Před 10 měsíci +12

    Nakakabilib si ate maricel.
    Yung nagawa mo kahit na nasa kariton ka lang nakatira, matindi talaga. Grabe. Nakakainspire.
    Nakakahiya on my part kasi kahit ako may maayos na trabaho, may natitirahan, hindi ko man lang nagawa yung nagawa mo. Grabe. Nakakabilib.

  • @Borgitoh
    @Borgitoh Před rokem +210

    The best Filipino documentary I’ve seen so far. Well structured, well made. Galing mo Kara. I’m glad the kids turned out great.

    • @R3TR0J4N
      @R3TR0J4N Před rokem

      Iwitness 👏

    • @sha1953
      @sha1953 Před 9 měsíci +1

      Try watching all their documentaries it will not fail you

    • @arieljardenil2220
      @arieljardenil2220 Před 6 měsíci +1

      Yes, that’s true ❤ ❤❤

  • @shinoneshinonski6674
    @shinoneshinonski6674 Před rokem +129

    Marumi man ang kalye, ang basura ng ibang tao.. Dalisay naman ang iyong puso Ate Maricel. Sadyang binigyan ka ng Diyos ng kagandahang loob para itulong sa mga bata.. To GMA, I-Witness and to all these correspondents- Ms. Kara David. Maraming salamat sa pagmulat ng aming mga isipan, mga mata at puso. ❤

  • @richmondlatorre2829
    @richmondlatorre2829 Před 4 měsíci +4

    We used to lived there before and masaya akong ok na ang mga bata dating masa kariton lang. Magkakakilala kami sa muka pero hindi totally in person and also nakakalaro din namin si jonas isa sa mga batang nakatira sa kareton. Ang saya lang sa puso na makitang ok na sila ngayon. At gayon din si ate maricel, dati dahil dala na rin sguro na bata pa rin kami eh parang ang tingin namin sakanila kila ate maricel. Pero ngayon sobrang PROUD AKO SAKANYA AT SAKANILa. Happy to see na their winning in life, samahan sana tayo palagi ng Dios. Salamat I witnessed for bringing this show and Ms. Kara David for delivering it in extraordinary way. Anyways we were there pala back then nung 2011 nung shinoshoot nyo sila 🥰

  • @jayjaynacion
    @jayjaynacion Před rokem +7

    Sobrang galing ni Ma'am Kara magbahagi ng mga documentaries. Sana mapanood 'to ng gobyerno at mabigyan ng solusyon. Job well done, Ma'am Kara! 😊😊😊

  • @TitoMacoy
    @TitoMacoy Před rokem +122

    Kapag napanuod mo yung unang episode neto . mapapangiti ka nalang habang napapanuod mo yung mga bata noon na naging maayos na ngayun. grabe ka talaga kara david isa kang tunay na journalist kalibre talaga mga documentary mo kapag ikaw ang gumaganap 👏👏👏

    • @ricoolguera25
      @ricoolguera25 Před rokem +2

      Nakakaiyak kaya lalo na nagpaalam na si Kara sa kanila

    • @mariacristinalabini2574
      @mariacristinalabini2574 Před rokem +4

      Sana Ms Kara balikan nyo din po un pamilyang nagaabaka, yun my episode title pong"minsan sa Isang taon"

    • @ria5134
      @ria5134 Před rokem

      Ano po title dito ng 1st episode?

    • @Mr_Youz
      @Mr_Youz Před rokem

      ​@@ria5134silong

    • @bionicnerd1968
      @bionicnerd1968 Před rokem +1

      @@ria5134 Silong

  • @leanmadelo518
    @leanmadelo518 Před rokem +62

    Salute sayo Ate kasi lumalaban ka ng patas sa buhay. Masayahin ka pa. At hindi ka nakakalimot magsimba.
    Thank you Ate sa pagiging mabuting tao. ❤

  • @jezaniahalmedejar7415
    @jezaniahalmedejar7415 Před rokem +6

    This line hits different "Sa Lord naman lahat to galing hindi na ako, ako lang ang kumilos pero si Lord pa rin yon" -Abi God bless to all of you. Walang impossible! Sama sama nating harapin yung hamon buhay. Thank you for giving us an inspiration. Salamat din at naging channel of blessing ka ng mga batang 'to, Ms. Kara. Forever grateful for your life. ❤

  • @haterbasher8510
    @haterbasher8510 Před rokem +2

    Napaka buti talaga ng Ama..sa kabila Ng kahirapan nila Hnd sila pinabayaan Ng AMA..hnd hadlang Ang kahirapan para wag sumamba..dhil kami mga Iglesia ni Cristo hnd hadlang saamin Ang kahirapan Ang importante makapag samba at makapag pasalamat sa AMA ❤️❤️❤️🇮🇹🇮🇹🇮🇹🇮🇹

    • @pablobleeeee5782
      @pablobleeeee5782 Před rokem

      At umuulan pa yan Kapatid.. Buti tinawag sya ng Ama sa bayang banal mapapawi rn ang laht ng pagtitiis ni ate Maricel at nating lht na mga IGLESIA NI CRISTO 🇮🇹

  • @virgelyncares2.0
    @virgelyncares2.0 Před rokem +204

    Salamat saiyo ate maricel, madami kang pusooo❤ kaya madami kadin anak , Bless you po🙏🙏

    • @josephlinde4932
      @josephlinde4932 Před rokem +3

      Idol I vlog mo sana sila jan

    • @HernandezSel-xh8or
      @HernandezSel-xh8or Před rokem +1

      God bless you din Virgelyncares.🙏❤️

    • @EmJayGalo_
      @EmJayGalo_ Před rokem +1

      Curious lang ako... Saan kaya sila ng partner niya naglalabing-labing?
      That question might be offensive or rude but I didn't meant like that... I'm just curious about how they did it...
      If they manage to do it, why can't they manage to go to any NGO, the NHA or the DHSUD to ask for their own shelter?
      Kulang po sila sa diskarte sa buhay... Iyan po ang thoughts ko...

    • @aldrinUyangorin
      @aldrinUyangorin Před rokem +8

      @@EmJayGalo_​​⁠ do you really think aasa sila sa NGO? di nga sya umasa sa mga anak nya. kulang sa diskarte? do you think na buhay nya yung mga bata kung kulang sila sa diskarte? we all have our own opinion about certain things, however, there are option like yours na di na dapat e labas.
      ​​⁠and emjay, try to think first if may sense ba yung tanong mo about sa sex life nila. sino sa tingin mo makakasagot nyan? hayy nako ses there’s a reason why our brain is on top of our body. gamitin mo dn minsan

    • @tHeGuYnExTdOoR1233
      @tHeGuYnExTdOoR1233 Před rokem

      ​@@EmJayGalo_bakit ganyan ang isip mo? Sa halip na matuwa ka dahil may mga taong nagmamalasakit sa hindi nila kadugo, bakit ganyan pa ang tanong mo? Hayzz.

  • @eduardoalmario1922
    @eduardoalmario1922 Před rokem +51

    Napakabait talaga ni Maricel para alagaan nya palakihin ang mga bata na d nya sariling anak! Totoo ang sinabi ni Maricel na kapag mabait ka sa iba, mabait din sa iyo ang Mundo. Napakagandang documentary video ni Mam Kara David de kalidad talaga na me aral sa buhay! Congratulations

  • @Romachincezz
    @Romachincezz Před rokem +2

    grabee sa kabila ng lahat ng pagsubok na hinaharap araw araw di pa rin nakakalimutan sumamba, sigurado ako na iniiyak mo sa panalangin yung pagod sa pagpapasan ng hirap ng buhay, pakikinggan ka ng Ama!! Keep fighting Kapatid!!!🤍🤍

  • @albertsguppyadventure4293

    Gusto ko talaga pag si kara ang nag documentary. Napaka genuine

  • @fuzzyworld3012
    @fuzzyworld3012 Před rokem +27

    Ang tunay na tahanan, hindi nasusukat sa taas ng pader o sa lawak ng bakuran, kundi sa lalim ng kalinga at malasakit sa kapwa
    Grabe napanuod ko to dati nung bata pa sila ngayon may sari sarili na silang buhay at umaahon na sa buhay kumpara dati . ang bilis ng panahon . sana lahat ng nakapanuod nito wag mawalan ng pag asa sa buhay . keep moving forward tayo guys

  • @elbenpaulmejillano5823
    @elbenpaulmejillano5823 Před rokem +58

    "kapag mabait ka sa iba, mabait din ang mundo sayo " kudos . nanay maricel. lalo na sayo Ms. kara. hinding hindi ako nasasawa sa mga documentary mo. mabuhay kayo team . salute 🫡

  • @ajbarabato9067
    @ajbarabato9067 Před 3 měsíci +1

    Napakabuti ng puso ni maricel. Sana marami pa katulad nya sa mundo para palagi tayo payapa.

  • @ramilambulo8014
    @ramilambulo8014 Před rokem +10

    You never fail to put me in tears in every documentary you bring Miss Kara.

  • @jesusgonzales5
    @jesusgonzales5 Před rokem +46

    Pag napapanood ko to mga ganitong episode, narealize ko na wala lang yung mga pinagdaanan ko kumpara sa kanila. Dito ko nakita na madami ako dapat ipagpasalamat sa Diyos. Kay nanay maricel saludo po ako sa inyo. Naway bigyan kau ng Diyos ng lakas ng pangangatawan sa araw araw.

  • @aikhenching3288
    @aikhenching3288 Před rokem +22

    nakakatuwa yung mga bata.. hindi naligaw ng landas.. nakakatuwa si ate maricel, kahit papano nagabayan ng maayos yung mga bata.. sana palarin din sya sa buhay..

  • @jeonardsanchez9662
    @jeonardsanchez9662 Před rokem +2

    dakila naging batang lansangan din ako wayback 2012 nung namatay si papa madaming kumukupkop sakin nag patira nag patulog kumain pinaligo binihisan ganyan ang totoong logic ng buhay

  • @lariana5256
    @lariana5256 Před rokem +8

    I remember watching those kids in documentary last 2011 It was heartbreaking seeing Abby cried when Ms Kara left , It was so touching to finally see them grow and contented ❤ Thank you Ms. Kara for this docu ❤

  • @euanmigz9468
    @euanmigz9468 Před rokem +25

    Napaka busilak ng puso ni maricel.. Sa salita palang malalaman mo na kung anong klaseng pagkatao meron siya..

  • @mirri97
    @mirri97 Před rokem +13

    I must say…She is a living Saint. She does all these, without telling it to the whole world. Which is quite ironic in a society we live in now. Especially in social media

  • @yannieechan_
    @yannieechan_ Před 21 hodinou

    "Makalipas ang 12 taon, magkakasama pa rin sila ngayon" wow. Good job Nanay, you took care and raised them well 🥺👏🩵

  • @superjowjow4359
    @superjowjow4359 Před rokem +2

    Nakakabilib yung mga bata. Hanggang paglaki nila magkakasama sila . Sana guminhawa din ang buhay nyong lahat .

  • @cubix8668
    @cubix8668 Před rokem +46

    "minsan kung sino pa ang walang wala, sya pa ang may busilak na loob pra tumulong sa kapwa". Maraming salamat sa team ng i-witness, for this eye opener docu sana mapanood ng mga taga goverment yung docu na to.

    • @hu_yoar-que_mos5001
      @hu_yoar-que_mos5001 Před rokem +1

      ung GMA ng na malaki kinita sa documentary nila walang naitulong...binalikan pa ulit at ginamit

  • @MabelleLofamia-ne6pg
    @MabelleLofamia-ne6pg Před rokem +32

    Naiyak ako..atleast naging maayos yong mga bata na inalagaan niya,ate maricel sana bigyan ka pa ng lakas ng katawan at mabuhay ka ng matagal.

  • @gerrycrespo8355
    @gerrycrespo8355 Před rokem +5

    Napaiyak na naman ako sa segment na eto. Buti nalang sila Abe naka tira na sila sa may bubungan. Bakit kaya ayaw ni ate Maricel sumama kila. Salamat Kara David ulit at bina likan mo sila at kinumusta si Ate Maricel at ang mga batang kasama nya noon. More power to you Ms. Kara David Thank you for your service

  • @Dear_Daria
    @Dear_Daria Před 8 měsíci +2

    iniyakan ko ang istorya na ito, mula una hanggang sa itong dekada. napakabait ni Aling Maricel. sana bigyan pa sya ng malakas na katawan at isipan para madami pa syang batang matulungan. saludo po kami sa inyo, Ma'am Maricel.

  • @esmeraldasantos5591
    @esmeraldasantos5591 Před rokem +26

    Hindi talaga masusukat sa pinag aralan masusukat ang busilak na puso.❤

  • @rossjardinel8581
    @rossjardinel8581 Před rokem +80

    It's so nice to see the kids all grown up and making a living for themselves. And it's so nice to see them still all together after all these years. Made me teary-eyed while watching. :') As for ate Maricel, she really has a heart of gold. Truly a one of a kind woman! Kudos to you, ate Maricel. Will pray for you! :)

    • @gemboyibale9021
      @gemboyibale9021 Před rokem +1

      Someday we will be rich enough to support people like ate maricel kase ang mga politiko hindi nila mafocus ang mga mahihirap or wala lang sila talagang pake

    • @bibongcanonoy3416
      @bibongcanonoy3416 Před rokem

      Nakaka bilib kasi di sila nag hiwa hiwalay magkakasama paren sila sa iisang tirahan

  • @jamesrid5238
    @jamesrid5238 Před rokem +7

    Napaluha ako sa kwentong ito. Isang tunay na may malasakit at mapagmahal na ina si Nanay Maricel. Saludo ako sayo Nanay❤

  • @user-xg4dg9oo6b
    @user-xg4dg9oo6b Před rokem +2

    sana mapanood ng nasa gobyerno ang mga dokumentaryo nyo mam kara..matulungan po sana nila lahat ng nasa kalsada lalu na yung mga bata kawawa po sila...sana yung mga mayayaman makatulung din sa knila...Godbless you maricel naway pagkalooban kapa ng magndang klusugan ni Lord..Godbless you mam Kara at ng buong team nyo.

  • @andreabarramedq6832
    @andreabarramedq6832 Před rokem +18

    Nakakatuwa naman at kahit papaano'y nakaahon na yung mga bata na tinulungan ni ate maricel, sana sa susunod si ate maricel naman ang guminhawa para mas maraming bata at tao pa siya matulungan. Calling na rin to sa government natin. Kudos to miss Kara for telling us the story of ate maricel.😊

  • @renov_lyrics
    @renov_lyrics Před rokem +38

    iWitness never fails to fascinate me with their stories. Nakaka bilib talaga. Kudos sa mga researchers, writers and producers ng mga istorya. Sana lang mapanood namin sa main channel ng GMA ang mga istorya nyo sa time slot kung saan marami pa ang gising.

    • @ferdinandmarkrivera2305
      @ferdinandmarkrivera2305 Před 10 měsíci

      Napanood pa sa main channel to kaya lang 10:30 pm sabado. Hindi puwede sa primetime o sa hapon Kasi walang ads.

  • @jessamaeescueta8442
    @jessamaeescueta8442 Před rokem +7

    Nakakaproud ka naman po Ka Maricel. Dati katoliko ka noon, ngayon Iglesia Ni Cristo na 😊 napakalaki na po ng pinagbago niyo. God bless po lagi sa inyo

  • @florenciaescobar6752
    @florenciaescobar6752 Před rokem +6

    Tagal ko hinintay to. Very inspiring, Ngayon marerealized na habang bata ka hanggat may nag papa aral sayo.Mag aral ka para makamit mo mga pangarap mo at umasenso sa buhay.. Thankyou ate Maricel sa motibasyon ❤🙏🙏

  • @rommelguevarra0214
    @rommelguevarra0214 Před rokem +10

    Napakasarap panoorin na ang isang kapatid namin sa pananampalataya ay ibinubuhay ang aral na ibigin mo ang iyong kapwa. Isa kang mabuting huwaran ng taong payak man ang pamumuhay o salat, di ka nag aatubiling tumulong sa abot ng iyong makakaya. Pagpalain ka pa ng Panginoong Dios Ka Maricel. We're proud of you

  • @ProbinsyanaKatherinesVlog

    Palagi ako nag-aabang sa ganitong palabas ng GMA.
    Ang sarap makapanood ng ganitong palabas na meron at meron kang matutunan mula sa mga iba't-ibang tao. ♥️
    Paborito ko 'to si Ms. Kara David. ♥️

  • @cjquintoacosta9780
    @cjquintoacosta9780 Před 10 měsíci +2

    Maraming salamat po ate maricel , nakakaiyak yung part na walang hesitate tumulong ng kapwa kahit hindi mo po kadugo , sa simpleng salita na NAAAWA KA , has a lot of meaning in you, kuddos po . And Godbless you always 💯🙏

  • @JayRon1293
    @JayRon1293 Před rokem +2

    Sobrang saludo ako kay Nanay Maricel, parang hanggat may batang may nangangailangan nandoon sya. Grabe ang galing nyang Nanay para sa mga batang inalagaan nya ❤️❤️

  • @jhefersonzuniega9929
    @jhefersonzuniega9929 Před rokem +15

    napanood ako ang first episode nito nung 2011..kaya sobrang goosebumps ang naramdaman ko nung magkita ulit silang dalawa..Natatandaan ko madaling araw ang mga replays nito sa GMA.

  • @JofBalmonte
    @JofBalmonte Před rokem +18

    Napanood ko yung first episode ng kwento ni ka Maricel noong unang lock down. Ang saya saya ko lang na makita na naging maayos ang buhay ng mga bata na kasama nila noon. Tingin ko, bukod sa pagpupursigi, tibay ng loob, at pagkapit sa pangarap, nakatulong rin kay ka Maricel ang pagtitiwala niya sa magagawang tulong sa kanya ng Ama.
    Nagulat lang ako, kasi kapatid na pala siya.
    Pagpalain pa nawa kayo ng Ama, ka Maricel ❤️

  • @filipinolifestories777
    @filipinolifestories777 Před rokem +1

    Salamat sa channel na ito at sa segment ni Ms.Kara David matagal na pinapanood ko segment mo dahil sa kahusayan mo sa halos lahat ng bagay gaya ng pag motor,bisekleta,dahil ganyan din Ako gustuhin ko man pero Wala Kasi source "..gusto ko maging bahagi ng segment mo tungkol sa KAHIRAPAN dahil noon pa man Wala ng pagbabago Ang bansa PILIPINAS tungkol sa KAHIRAPAN at ito ay tunay na Buhay nga ..dahil na rin sa PATULOY na CORRUPTION at sa haba ng BATAS natin Wala pa rin pagbabago kawawa Tayo mga PILIPINO ..

  • @sei3640
    @sei3640 Před 10 měsíci +2

    Sana magkaroon ng permenenteng bahay.yang ganyan klaseng tao ang dapat tinutulungan ng gobyerno.kahit mahirap nakukuha pang tumulong sa kapwa at mga hayop.napakalaki ng puso.sana talaga may malaking blessings na dumating sa kanya.🙏

  • @akobudoy6230
    @akobudoy6230 Před rokem +6

    Sana maraming tao ulit ang tumulong kay Aling Maricel. Kahit na walang wala sya, handa pa rin syang tumulong sa ibang tao. Napakadalisay na puso.

  • @Music_memories05
    @Music_memories05 Před rokem +1

    Si ate Maricel ay isang instrumento na ginamit ng diyos para makatulong sa ibang tao ❤ at si ate Maricel din ang nagpatunay na ang pag tulong ay walang kaakibat na kapalit. God bless and more blessings po sana ang dumating sa inyo, sana dumami ang katulad nyong tao sa mundo 🙏🏼💖

  • @JaymarEstrera-p3e
    @JaymarEstrera-p3e Před 10 dny

    Nakaka inspired talaga sila nanay at tatay kahit sa hirap Ng Buhay di man lang sila makalimot sumamba..pagpalain ka po Ng pangiboon patuloy lang po sa pananampalataya at kayo po ay gagabayan sa Anong balakid sa buhay❤

  • @shynneabelano1194
    @shynneabelano1194 Před rokem +12

    Wish granted dahil may bagong karugtong ang dokumentaryong ito salamat Maam Kara....ate maricel patuloy po sa pagiging mabuting tao, at Ina.

  • @mlangbuhayko5941
    @mlangbuhayko5941 Před rokem +11

    Ito talaga yung inaabangan ko . Fave ko ang "SILONG" . Ramdam ko ang pagiging mabuting tao ni ate maricel . Pati mga aso super mahal nya 😭Sana lahat ng tao katulad mo. Kudos din sa mga bata na tumayo sa sariling sikap . God bless ❤

  • @user-tb8gv1fu3b
    @user-tb8gv1fu3b Před rokem +1

    Nabadli naman ako kay Ms. Kara David kay pinatangis naman ako.
    Hats off, Ms., for a very well-featured documentary.
    I’m a fan!

  • @aliznapoles3119
    @aliznapoles3119 Před rokem +1

    Grabe ito yata Ang pinakamaganda ko napanood Kay Lodi Mis Kara Ang kwento ni Ate Maricel ung ramdam mo talaga sa kanya ung sinasabing contentment..na Ang happiness pala talaga wala sa Dami ng pera at Ganda ng bahay nasa pananalig sa DIYOS sa kung anong meron ka tanggap mo pero syempre nagcckap ka araw2 at sa kapanatagan na lage ka pinuproteksyonan ni GOD kahit San ka man makarating araw at Gabe..

  • @jizzellejoysablada918
    @jizzellejoysablada918 Před rokem +5

    Sana mga ganitong tao ang mabigay ng chance sa pabahay ni PBBM napaka bait na tao nila at lumalaban ng patas sa buhay kht mahitarap

    • @arthurpacson4381
      @arthurpacson4381 Před 11 měsíci

      Tama pero Taga manila mas matutulungan ni yorme yan

  • @komentoph
    @komentoph Před rokem +6

    Si ate maricel kaht hirap sa buhay palagi lang masaya. Alam mong napakabuti ng puso. Kaht hirap na hirap sa buhay nagagawa pa ding magmalasakit kaht hndi nia kaano ano. Pati mga bata na kinupkop nia noon, hanggang ngayon magkakasama pa din❤

  • @sekhmet009
    @sekhmet009 Před 6 měsíci +2

    Napanood ko na magkasunod 'yung 2011 tsaka recent video. Habang pinapanood ko 'yung 2011, wini-wish ko na sana, okay na silang lahat. Nakakatuwa na nakakaiyak. ;(

  • @kutingtingtv7260
    @kutingtingtv7260 Před rokem +1

    nakakaiyak lang talaga tong mga docu mo madam kara huhuhu
    kahit ganyan ang pamumuhay nila nakakapag simba sila..
    napakaswerte ko dahil may bahay akong nasisilungan.. 🥺🥺🥺

  • @hazelcabigting8975
    @hazelcabigting8975 Před rokem +17

    ❤❤❤ 👏🏻👏🏻👏🏻 kay Ate Maricel at sa mga anak niya. Dapat ito yong nakakakuha ng financial assistance para sa pag-aaral ng mga bata. God bless you more.

  • @acevergelsorreda2804
    @acevergelsorreda2804 Před rokem +6

    Iba talaga pag Kara David Ang nag kwento iba talaga hinahanap hanap ko talaga mga documentary ni miss Kara David kahit mga old do u nya pinapanuod ko padin

  • @bellevalencia8492
    @bellevalencia8492 Před rokem +1

    So humbling. Ate Maricel deserves to have GoFundMe 😢 Sayang walang ganun sa Pilipinas 😞 Ito yung mga tao na deserve ng tulong.

  • @albertdane5644
    @albertdane5644 Před rokem +9

    Napaka sarap po sa kalooban na makita sila after 12 years na mabuti na ang kanilang kalagayan at magkakasama na nag sumikap! Miss Kara David napaka ganda po ng iyong dukumentaryo.

  • @user-vh1cb3uh5u
    @user-vh1cb3uh5u Před rokem +14

    Grabe si ate Maricel, talagang napakabuti nya at mapagmahal sa kapwa.
    Napanuod ko yung Silong last month at nakaka inspire. Sa kabila ng kahirapan, may kinukupkop pa talaga syang bata kagaya dati.

  • @marieleyyy1897
    @marieleyyy1897 Před měsícem

    Kara David's documentaries are top tier! Eto dapat ginagamit ng schools para mamulat ang mga kabataan sa realidad ng buhay

  • @noeloutinoy4829
    @noeloutinoy4829 Před 8 měsíci +1

    proud of you ate maricel dimo man sila kadugo kinukopkop mo parin sila na parang tunay mong anak,sarap naman sa feeling na may taong kagaya mo ate maricel🥰❤️

  • @user-ct9dd6ts1k
    @user-ct9dd6ts1k Před rokem +7

    Ang tunay na pagmamahal wala sa taas ng antas wala sa padamihan ng pera wala sa malagong bahay kundi sa pag mamahal sa kapwa at sa pamilya sa puso at respeto sa kapwa yun ang totoong kayamanan ❤️

  • @user-jv3cl2gb7d
    @user-jv3cl2gb7d Před rokem +6

    Napaiyak ako sa Docu na to as always Kara David... Sana may magbigay ng Bahay kay Ate Maricel para hindi na sya sa Kariton nakatira at para mas marami pa syang batang matulungan ❤

  • @petermatiasong5039
    @petermatiasong5039 Před rokem +1

    Isa ako at ang aming pamilya sa Limang milyon na walang sariling bahay sa Pilipinas. Nagsusumikap sa buhay, pero mailap pa rin ang tadhana. Muli, naluha ako ikalawang kwento ng Silong... Napakabuti ni, Ate Maricel.

  • @kylieespinosa01
    @kylieespinosa01 Před 6 měsíci +3

    Napa wow ako nung nalaman ko na sa Iglesia sila nagsasamba. Pinapanood ko to Ngayon habang naghahanda sa pagtupad bilang Mang aawit 🇮🇪😍🥰

  • @jhulzshomesteading2438
    @jhulzshomesteading2438 Před rokem +4

    Naiyak❤nmn ako dun. We complain so much about almost everything and yet there is this woman who lacks of almost everything but manages to help out. Kaka amaze🙏💪 naway humaba pang healthy buhay nyo, ate maricel🙏🙏

  • @sollyaquino3816
    @sollyaquino3816 Před rokem +7

    Tunay na tagos sa puso ang episodesng bwat i witness ,sana po may iba pang Maricel sa mundo na may mlasakit sa kpwa ,at sa team ng i witness nway magtagal pa ang inyong programa ,para lalo kming mainspire sa buhay ,coz khit mhirap kyang magtagumpay sa buhay kung gugustuhin mo. Godbless po sa inyong lhat.🙏🙏👍🏻👍🏻👏👏

  • @zacmlyrics2397
    @zacmlyrics2397 Před rokem +1

    The best ka talaga Mrs, Kara David walang arte napakagaling magdocument❤❤❤

  • @veronicalappay3402
    @veronicalappay3402 Před rokem +1

    Napakabuti nya. Sana pagpalain cya ng Maykapal. Hanga ako sayo Ate maricel. Sana marami pang tao ang maging kagaya mo na matulungin sa kapwa. ❤❤❤❤

  • @lheojuco4676
    @lheojuco4676 Před rokem +10

    Godbless ate maricel. Such an eye opener. Thankyou maam kara. Sana mabigyang pansin ng gobyerno ang mga mamamayan nito na nangangailangan ng tulong.

  • @user-uw4dy9cx7y
    @user-uw4dy9cx7y Před rokem +13

    Salute to you Ms. Kara David! The best lahat ng mga documentaries mo at ang galing mong itawid lahat ng mga linyahan mo! May puso at malasakit sa lahat ng taong nakakausap mo! God bless you more and more and the whole team of I-Witness The best! ❤
    “Ang tunay na tahanan hindi nasusukat sa taas ng pader o lawak ng bakuran kundi sa lalim ng kalinga at malasakit sa kapwa.” ❤

  • @jonrhemaxlhernandez312
    @jonrhemaxlhernandez312 Před rokem +2

    Sobrang nakaka inspired na kwento nakaka proud mga anak ni nanay at lalong lalo na si nanay sobrang napakabait at nakaya Niya palakihin Ang mga anak Niya ng mabuti Ang tunay na "Tanging Ina " na matatawag natin

  • @johnaldrinysmaelmana-ay4377
    @johnaldrinysmaelmana-ay4377 Před 2 měsíci

    "Kapag mabait ka sa iba, mabait din sayo ang mundo." Very inspiring si Nanay Maricel.
    Edukasyon at kabuhayan, tama si Maam Kara - ito ang solusyon.

  • @lorenzrillon
    @lorenzrillon Před rokem +15

    I just watched the prior episode a few months ago that’s why the story is still fresh to my mind. It’s nice that there is this full circle moment after a decade where you see that her legacy continues and there has been hope for those children. I have this scary picture in my head of the streets of Manila, its nice to see that this side is possible from that narrative.

  • @lemonbars3780
    @lemonbars3780 Před rokem +12

    Aling Maricel’s Silong story stuck with me and I always wondered what happened to them. I’m glad the kids turned out fine.
    She looks sincerely happy and contended. I’ve seen privileged people who look miserable. Good for Aling Maricel she found her purpose in life and seems genuinely happy doing it for as long as she can. God bless you, Aling Maricel.

  • @thAz_04
    @thAz_04 Před rokem +1

    Ito yung maganda panoorin, mga documentary ng GMA, sana ibalik yung mga dating documentary nila, para mapanood ng mga kabataan ngayon

  • @rinamiranda8657
    @rinamiranda8657 Před měsícem

    galing...saludo ako sa kwento nato.kahit mga laking kalye sila pero napaganda talaga lahat ng buhay nila..hats-off ms.kara david and ate maricel

  • @khevzikawlamang2171
    @khevzikawlamang2171 Před rokem +5

    Ang bait ni nanay ..lumaki Ang mga Bata NG maayos at di naligw NG landas ..God bless you po ..more blessings ..BIG CLAP TO MAM Kara David❤️❤️

  • @jessamiesantiago5085
    @jessamiesantiago5085 Před rokem +5

    Kudos to Kara david sa napaka gandang dokumentaryo. 👏👏👏 Salute kay ate maricel, deserve mo ang maginhawang buhay! Laban lang ate maricel. Papabor din sayo ang panahon.🙏

  • @webcatcher360
    @webcatcher360 Před 24 dny

    masarap magtrabaho sa mga ganitong documentaries nakakawala ng pagod. salamat Ma'am Kara

  • @CloudAhjumma
    @CloudAhjumma Před rokem +1

    Nakakabilib si Abby at Kuya nya, kahit naiwan sila sa kalye lumaban pa din sa buhay sa murang edad. Di gumawa ng masama kahit gano kahirap ang buhay, nag aral at nagsikap. At nakakatuwa na nagdamayan silang magkapatid. Samantalang ibang kabataan ngayon pinapaaral at may magulang na nag aaruga nagpapasaway pa at sakit ng ulo ng pamilya. Yung iyak ni Abby nung umalis si Kara na 4 days nya lng nakasama, imagine nlng kung gano iniyak nya dahil wala yung tunay nilang magulang para umaruga sa kanila. Nakakadurog na puso na may mga bata na dumanas ng ganung hirap.

  • @JerYManaul
    @JerYManaul Před rokem +3

    Dbest ka talaga ms.Kara David.Damang dama bawat istoryang hatid mo sa aming mga manonood.❤❤❤

  • @almondsalas8754
    @almondsalas8754 Před rokem +9

    Ganda ng paggamit sa wastong tugma na nagbibigay ng napakahulugang pagsasalaysay ❤❤