HAGONOY (sung by: Rading and Rina Jumaquio)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • Taong 1977 nung gawin ni Celerina Dionisio Jumaquio ang Musika ng “Hagonoy” at nilapatan ng Titik ni Cezar Villanueva, ito ay sa panahon ng Liping Baste. Ang LIPING BASTE ay itinatag para pagkaisahin at organisahin ang mga kabataan sa San Sebastian. Marami kasing sitio at purok dito, hindi na magkakakilala ang mga kabataan. Senakulo, choral group at stage plays ang naisip na pamamaraan para hikayating sumapi ang mga kabataang babae at lalaki. Sa sports kasi, dominado lang ng mga lalaki, ang mga babae audience lang. Dapat magkasanib ang mga talent ng kabataang lalaki at babae bilang pangunahing pwersa ng isang community. Naging successful naman to a certain extent. Taong 1988, ang HAGONOY ay nilapatan ng angkop na areglo ni Rading Jumaquio at muling isinaayos ngayong panahon ng pandemic at si Rading at Rina Jumaquio din ang umawit nito. Inaalala din namin ang mga pumanaw na mga kasama sa grupong ito na nakapagbahagi ng kanilang talento para sa bayang Hagonoy. Inihahandog ng LIPING BASTE ang awiting ito para sa ating Inang Bayang HAGONOY na tunay na pinagpala ng ating PANGINOON! Sa DIYOS ang lahat ng papuri!

Komentáře • 53