ANG BAWAT PAGSUBOK AY MAY DINADAANANG PROSESO - Homily by Fr. Danichi Hui on July 28, 2024

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 7. 09. 2024
  • ANG BAWAT PAGSUBOK AY MAY DINADAANANG PROSESO - Homily by Fr. Danichi Hui
    Seventeenth Sunday in Ordinary Time (B)
    July 28, 2024 | Sunday
    Readings:
    Second Kings 4:42-44; | Psalms 145:10-11, 15-16, 17-18; | Ephesians 4:1-6; | John 6:1-15;
    Story: Minsan may isang tatay ang nais pangaralan ang kanyang anak. Napansin niya na sa tuwing hindi nito nakukuha ang kanyang gusto nagdadabog ito at nagagalit. May pagkakataon na hindi sila kinakausap ng 1 Linggo nang dahil lang hindi naibili ng gustong gadget. Kaya naman tinwag niya ang kanyang anak habang ito ay nasa kanilang hardin. Itinuro niya ang isang “cocoon” na may uwang na maliit kung saan may pumipilit na lumabas. Tinanong niya ang anak kung ano ang kanilang puwedeng gawin para matulungan ang lumalabas na insekto mula sa “cocoon”. Sinabi ng anak; “madali lang yan Tay, gupitin natin ang maliit na butas pata lumaki nang makalabas ng mabilis ang insekto.” Hindi na kinagulat ng tatay ang sagot ng anak dahil alam niyang gusto ng kanyang anak kung ano ang madali at mabilis. Pero sinabi ng ama, “anak sadyang sa buhay kailangan pagdaanan ang hirap para marating ang tamang destinasyon. Dahil hindi lahat kailangan madaliin at makuha ng mabilisan. Gaya nitong insekto, kung mamadaliin mo hindi ito magiging paru-paru. Kailangan unti-unti at dahan-dahan dahil ito ang proseso.”
    Ganito din sa buhay, may mga pagsubok na dumarating pero hindi kailangan madaliin. Dahil may prosesong dapat pagdaanan at pagkatiwalaan.
    Biblical: Mga kapatid, ito rin ang aral na nais ituro sa atin ng mag Pagbasa ngayon. Narinig natin ang kuwento ng Pagpaparami ni Hesus ng Tinapay at Isda o “Multiplication of Loaves and Fish”. Sinabi sa kuwento tinanong ni Hesus si Felipe kung saan makakabili ng tinapay upang makakain ang napakaraming tao? Pero, tinanong ito ni Hesus para subukin si Felipe. (ibig sabihin pagsubok ito at alam ni Hesus ang sagot)
    Pero sa pagsubok na ito, reklamo agad ang naisagot ni Felipe. “Kahit dalawangdaang denaryong tinapay ang bilhin ay di sasapat para makakain ng tigkakaunti ang mga tao.”
    Contemporary: Ilan sa atin ang kaulad ni Felipe na kapag may pagsubok reklamo agad ang lumalabas sa bibig?
    Biblical: Mabuti na lang si Andres na kapatid ni Simon Pedro may nakitang bata na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Naisip niyang ituro ito bilang sagot pero napatanong pa din siya kay Hesus sabay abot ng isda at tinapay; “ngunit gaano ito sa ganyang karaming tao?”
    Contemporary: Ilan sa atin ang katulad ni Andres na kapag may pagsubok hahanap ng paraan at kapag nagawa na ang lahat ipagkakatiwala na lang ang iba sa Diyos?
    Biblical: Ganito din ang nangyari sa Unang Pagbasa, inutusan ni Eliseo ang kanyang katulong na ipamahagi sa mga tao ang dalang aning trigo at 20 tinapay ng isang lalaking taga Baal-salisa. Pero sa halip na sumunod ang katulong agad itong nagreklamo; “hindi kakasya sa 100 tao ang mga ito.” Pinilit pa din ito ni Eliseo dahil pinaalala niya ang sinabi ng Panginoon; “mabubusog sila at may matitira pa.” At ganun nga ang nangyari nang ipamahagi ang tinapay. Nabusog ang lahat at may natira pa.
    Contemporary: Lahat tayo kapag humarap sa pagsubok gusto agad ng sagot. Kaya’t hangga’t maaari gusto natin mabilis at agarang sagot, dahil ayaw nating maghirap ng matagal. Siyempre gusto natin yung tamang sagot.
    Pero sadyang may mga bagay na hindi nakukuha ng madalian dahil kailangan ng prosesong pagdaanan. Dahil sa proseso natututo tayo at sa proseso napatatatag tayo. Kaya’t hindi kailangan madaliin. Parte ng proseso hindi lang ang gawa ng tao kundi ang gawa ng Diyos. Intayin mo namang kumilos din ang Diyos. Hindi mo lang ito trabaho kundi higit sa lahat trabaho ito ng Diyos, dahil ito ay pagsubok siya pa rin ang nakaka-alam ng sagot.
    Mga kapatid, sa lahat ng pagsubok kailangan lang talaga natin pagdaanan ang proseso at sa huli kapag nagawa na natin ang lahat; hayaan na natin ang Diyos ang gumawa ng paraan.

Komentáře • 35

  • @aimeesalonga5723
    @aimeesalonga5723 Před měsícem +1

    Amen!

  • @remynarte8888
    @remynarte8888 Před měsícem +1

    Amen🙏 Praise the Lord now & forever..Blessed sunday father Danichi.

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 Před měsícem +2

    Thank you po lord Jesus christ. Amen po 🙏💖🙏

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 Před měsícem +1

    PINUPURI KA NAMIN Panginoong Jesu Kristol tv Jesu Kristol

  • @mariatheresamartinez6556
    @mariatheresamartinez6556 Před měsícem +3

    Thank you lord sa mga pagsubok dahil dito Lalo Po akong kumakapit sainyo..thank you din Po father danichi💚💚💚

  • @josephinebauzon3335
    @josephinebauzon3335 Před měsícem +1

    "Ang bawat Pagsubok ay may dinadaanang proseso"
    A blessed Sunday and thank you po Fr. Danichi.

  • @jaimereyes7299
    @jaimereyes7299 Před měsícem

    Amen

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 Před měsícem

    AMEN

  • @user-ig7ok5rh2k
    @user-ig7ok5rh2k Před měsícem +1

    Have blessed Sunday . Thank you Fr. Danichi for your able speak the truth life with good explanation of the homilies . God bless you and take care always

  • @lolitamatibag5740
    @lolitamatibag5740 Před měsícem

    Amen 🙌🙏

  • @marilyndean7344
    @marilyndean7344 Před měsícem

    Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

  • @jhenjhen-ks6qi
    @jhenjhen-ks6qi Před měsícem

    amen🙏🙏🙏

  • @dextertumulak1821
    @dextertumulak1821 Před měsícem

    Amen.Thank you Lord jesus christ.
    MAMA MARY.🙏❤

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 Před měsícem

    Papuri syo Panginoon 🙏

  • @erlindamedina8582
    @erlindamedina8582 Před měsícem

    Amen! Feeding the multitude. Miracle happened because Jesus is with us. God provides our needs, he is our great provider.Sharing is a gift let’s practice it in our daily lives. Share either big or small what is important to God is what is in our hearts, a heart full of love, kindness, compassion, mercy. As the saying goes” do your best and the Lord will do the rest “ Thank you and take care Fr. Hui.

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 Před měsícem

    PAPURI SAIYO Panginoon,

  • @josephineorobia4659
    @josephineorobia4659 Před měsícem

    Salamat po Lord Jesus Christ❤

  • @julietahamoaynazif5203
    @julietahamoaynazif5203 Před měsícem

    Thank you Lord for the gift of life! Amen 🙏

  • @kaselineevangelista890
    @kaselineevangelista890 Před měsícem

    Only God knows what we need,, and He will give us at the right time,,Amen,,,,,❤❤❤

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 Před měsícem

    Trust God's process 🙏

  • @ZenyVicAbad
    @ZenyVicAbad Před měsícem

    To God be all the glory. Salamat Father Danichi at napaintindi mo lalo ang ibig sabihin ng salitang pagsubok. Hindi man eto madaling proseso ng buhay pero malaki ang epekto sa buhay. Magandang araw sa lahat.❤

  • @loozmabutas5257
    @loozmabutas5257 Před měsícem

    🙏🙏🙏

  • @remsky13
    @remsky13 Před měsícem

    ❤️🙏❤️🙏❤️🙏❤️

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 Před měsícem

    Good morning po Father,

  • @alicem.8868
    @alicem.8868 Před měsícem

    “AVE MARIA PURISIMA SIN PECADO CONCEBIDA.” Amen!
    MARAMING SALAMAT PO FR. DANICHI . GOD BE WITH YOU.🙏🏼🙏🏼🙏🏼😘😘😘

  • @dextertumulak1821
    @dextertumulak1821 Před měsícem

    LORD sorry po Sa lahat😢

  • @arlyneandalecio8403
    @arlyneandalecio8403 Před měsícem

    Amen

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 Před měsícem

    AMEN

  • @jocelynvillanueva4786
    @jocelynvillanueva4786 Před měsícem

    Amen 🙏

  • @leonitaurbano2265
    @leonitaurbano2265 Před měsícem

    Amen🙏❤️

  • @RommelSalazar-rc7tc
    @RommelSalazar-rc7tc Před měsícem

    Papuri sa iyo Panginoon...

  • @arlynmata9725
    @arlynmata9725 Před měsícem

    AMEN

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 Před měsícem

    AMEN,

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 Před měsícem

    Amen 🙏🙏🙏

  • @spunkysprano2708
    @spunkysprano2708 Před měsícem

    Amen!