Layang Kasaysayan:"Sana sa Bayan na ang Kalayaan"(Unang Yugto) - Akda ni Prince Mhel Makata-SWP

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 27. 06. 2024
  • Layang Kasaysayan: "Sana sa Bayan na ang Kalayaan" ( Unang Yugto)
    Akda ni Prince Mhel Makata
    Nilalanghap ni isa man sa dugong dumaloy sa lupang sagana,
    Hindi Lang sa pagsulat ng Letra naging pangunahin ang Bansa.
    Maging sa Digmaang hangad ng supremo ang Kalayaan,
    Subalit sa mga payasong may pansariling interes sa Bayan.
    Sila ang tunay na Manlulupig ng Pag-ibig,
    Dahil naupos na ang Apoy at nawalan ng saysay ang agos ng tubig.
    Sana sa Bayan na ang Kalayaan,
    At hindi sa mga gunggong na ang hangad ay kasaganahan.
    Kasaysayan Ng lahing pinagmulan,
    At ipinaglaban ni Rizal;
    Sana hindi na maulit ang sakit na inukit ng Digmaan.
    At hindi na mawala ang hangad ni Bonifacio na pagmamahal.
    Pag-ibig sa tinubuang lupa at Layang walang Kastila,
    Sana sa Bayan na ang Kalayaan.
    Huwag Sana nating kalimutan ang sakripisyo nila,
    Sa kulay asul, dilaw puti at Pula, buksan yaring Mata;
    Pilipinas hanggang sa matakpan na ang Kunwaring Kalayaan,
    Matapos na Sana Padayon at Salamat Layang Kasaysayan.
    _________________________________________
    Maaari n'yo din po akong subaybayan sa aking CZcams Channel na Prince Mhel Makata
    - / @princemhelmakata
    At sa aking TikTok account na Jomel F. Salcedo
    Salamat at Padayon 🫶 🇵🇭

Komentáře •