Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 16 Jul 2024 7a.m.

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 25. 08. 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
    Martes ng Ika-15 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. July 16, 2024
    Paggunita sa Mahal na Birhen ng Carmel
    UNANG PAGBASA
    Isaias 7, 1-9
    Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
    Nang kapanahunan ni Acaz, na anak ni Jotam at apo naman ni Uzias na hari ng Juda, ang Jerusalem ay sinalakay ni Rezin, hari ng Siria, at ni Peka, anak ni Remalias, hari ng Israel. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Nakaabot sa sambahayan ni David ang balitang nagkasundo na ang Siria at ang Israel. Kaya’t ang hari, gayun din ang buong bayan, ay nanginig sa takot na animo’y mga punongkahoy na inuugoy ng hangin.
    Sinabi ng Panginoon kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Jasub at salubungin ninyo si Acaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa Tipunan ng Tubig sa Itaas, sa daang patungo sa Bilaran ng Damit. Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag masisira ang loob mo dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ng anak ni Remalias; ang dalawang iyan ay parang dalawang kahoy na umuusok ngunit di nagdidingas.’ Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi:
    ‘Lusubin natin ang Juda,
    pasukuin natin at sakupin,
    papaghariin natin doon ang anak ni Tabeel.’
    Akong Panginoon ang nagsasabing hindi na ito mauulit.
    Pagkat ang Siria’y mahina pa sa Damasco na punong-lungsod niya
    at ang Damasco’y mas mahina kay Haring Rezin.
    Ang Israel naman, mawawasak sa loob ng animnapu’t limang araw.
    Malakas pa sa Israel ang Samaria na kanyang punong-lungsod,
    at ang Samaria ay hindi lalakas kaysa kay Haring Peka.
    Ikaw ay mapapahamak pag hindi nanatili ang iyong pananalig sa Diyos.”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 5-6. 7-8
    Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
    sa kanyang banal na lungsod.
    Dakila ang Poon, dapat papurihan,
    sa lungsod ng Diyos, bundok niyang banal.
    Ang Bundok ng Sion, tahanan ng Diyos
    ay dakong mataas na nakalulugod.
    Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
    sa kanyang banal na lungsod.
    Bundok sa hilaga na galak ang dulot,
    sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
    Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman,
    sa loob ng muog ng banal na bayan.
    Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
    sa kanyang banal na lungsod.
    Itong mga hari ay nagtipun-tipon,
    upang sumalakay sa Bundok ng Sion;
    sila ay nagulat nang ito’y mamasdan,
    pawang nagsitakas at nahintakutan.
    Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
    sa kanyang banal na lungsod.
    Ang nakakatulad ng pangamba nila
    ay ang pagluluwal ng butihing ina.
    Sa hanging amiha’y kanyang winawasak
    ang naglalakihang barkong naglalayag.
    Ang D’yos ang s’yang nagtatanod
    sa kanyang banal na lungsod.
    ALELUYA
    Salmo 94, 8ab
    Aleluya! Aleluya!
    Dinggin ninyong lahat ngayon
    ang tinig ng Panginoon
    sa loob na mahinahon.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Mateo 11, 20-24
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
    Noong panahong iyon, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang ginawan niya ng maraming kababalaghan sapagkat hindi sila nagsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan. “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, malaon na sanang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo ang mga tagaroon upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Ngunit sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang sasapitin ninyo kaysa sasapitin ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, sana’y nanatili pa ito hanggang ngayon. Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang ipaparusa sa inyo kaysa dinanas ng Sodoma.”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Komentáře • 61

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 Před měsícem +4

    Good morning PANGINOON JESUS CHRIST. THANK you for ALL MY blessings LORD Mula pa NOONG isinilang Ako at Naging ULILA And now BALO HINDI mo Ako iniwan LORD. I need you so much LORD. I'm so stressed I'm totally alone. I don't know where to go. HAVE mercy on me LORD. Forgive me LORD for all MY SIN up to now patuloy nagkasala sa iyo panginoon patawad. Amen

  • @mjbulan2909
    @mjbulan2909 Před měsícem +1

    Lord thank you for everything st Pio pls heal us emotional physical financial amen 🙏🙏🙏💕💕❤️

  • @teresavillegas4219
    @teresavillegas4219 Před měsícem

    Padre pio tulungan ninyo po ako makatulog parati ng maayos at huwag mong pabayaan ang aking mga mahsl sa buhay at palakasin ninyo ang aking nanay at tulungan ninyo po ang aking anak sa kanysng laundry shop st pabalingin ninyo po ang akingsa sakit sa tulog AAhen

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 Před měsícem +1

    MY LORD My God hear my prayers.
    MY LORD My God patawad panginoon.
    Amen AMEN

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 Před měsícem +1

    San Padre pio pagpalain MO kami sa Lahat ng oras lalong Lalo na po ang aming mga pamilya maraming salamat po lord Jesus christ. Amen po 🙏💖🙏

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 Před měsícem +2

    Good morning PADRE PIO. Pray for me PADRE PIO. . I'm so stressed I'm totally alone. PADRE PIO PIO PRAY FOR ME. Amen

  • @danadelosreyes9558
    @danadelosreyes9558 Před měsícem

    Bigyan mo po ako ng pusong mapagkumbaba Dios ama gabayan nyo lahat ng mga ofw sa buong mundo na ligtas sa lahat ng oras at lalong pagtibayin ang pananampalataya sayo in Jesus name. Amen

  • @YollyDejesus
    @YollyDejesus Před měsícem

    Mahal na Santo Padre Pio ilapit nyupo ako sa panginoong hesus na paghimalaan nyapo ako para gumaling napo ako nasanapo maging maganda po ang aking resulta ng huling baiopsy ng tinanggal pong suso saakin mahal na santo padre pio pagalingin nyupo ako parapo makasama kopapo ang aking mga mahal ko sabuhay at makapaghanapbuhay papo ako Amen

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 Před měsícem +1

    PANGINOON JESUS CHRIST tinataas KO po sa iyo panginoon Ang aking BUHAY at BAHAy
    Paghaharian NYO po panginoon ANG PUSO ko magpatawad at mapakumbabang PUSO amen AMEN

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 Před měsícem +2

    Praise God, glory to you Lord Jesus Christ i trust in You! Amen❤🙏✋️🧡💛💚😊

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

  • @hakuro.7436
    @hakuro.7436 Před měsícem

    Saint padre pio pls pray for us..thank you lord for everyday blessings and protections amen 🙏❤️

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 Před měsícem

    Maraming salamat po Panginoon Hesus Cristo pinupuri ka po namin Panginoon Diyos holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛

  • @minnierosali4551
    @minnierosali4551 Před měsícem

    Inaalay ko po ang misang ito para po sa aking pumanaw na mga mahal na magulang na sina Juanito at Luningning Rosali, Ricardo Rosali, Juliet del Mundo at Fering Rosali at sa lahat ng mga pumanaw amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Happy Feast Day Of Our Lady Of Mount Carmel Pray For Us, And Please Help Heal Us Amen 🙏 Be With Us Always Amen 🙏

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 Před měsícem

    God is Good grabe sobra-sobra!
    All the time God is Good!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 Před měsícem +1

    PANGINOON JESUS CHRIST tinataas KO po sa iyo panginoon Ang family Ng BUGTONG Kong ANAK nawa LORD mapatawad nila ako sa mga kásalanan ko sa kanila. PANGINOON JESUS CHRIST maalala NAWA NILA ako. Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

  • @Belen-uo8rc
    @Belen-uo8rc Před měsícem

    Saint Padre Pio , please pray for me, my family, friends and the whole world. Have mercy on us and hear our prayers. Please touch and heal us of whatever sickness we have now so with my friends. I lift up to you Lord, our daughter's application abroad. May you grant her all the desires of her heart. We believe, trust and surrender everything to you! Amen 🙏🙏🙏🙏

  • @lenniesilva2564
    @lenniesilva2564 Před měsícem

    Mahal n Padre Pio pray for us Hear our Prayers Please protect always my family Nanay Dennis and my children Carlo and Danica Amen Thank you Lord Amen 🙏 🙏🙏🙏🙏

  • @SUMNICEPPERSONIG
    @SUMNICEPPERSONIG Před měsícem

    SAINT PADRE PIO PRAY FOR US AND THE WHOLE WORLD THANKS FOR THE GIFT OF THIS HOLY MASS .Glory and praise to you lord Jesus Christ now and forever Thanksgiving prayer for the blessings you given me and to my family and for my successful surgery and speedy recovery. Praying for healing protection guidance and help us in all our needs and my grandchildren in their studies. May the joy love and peace of the lord be with us all. Offering this mass for the souls of our faithful departed loved ones and all the souls in purgatory Happy Feast Day of Our Blessed Virgin Mary of Mount Carmel have mercy on us and save us .Good morning everyone and have a blessed day ❤❤❤❤❤ Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

  • @mariagladesdelossantos7054
    @mariagladesdelossantos7054 Před měsícem +1

    Lord Thank you po sa lahat ng blessings,please protect are family,Especially po si Daddy sa ship,Sorry po sa mga mistakes namin lord,Sana Mawawala na po yung ubo namin lord,At Lord sana po Wala magkasakit sa Aming Pamilya,Amen🙏🙏❤️❤️

  • @AmeliaTan-eu9zi
    @AmeliaTan-eu9zi Před měsícem

    Mahal n Panginoon Hesukristo thank you for blessing a

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏

  • @imeldamediavillo8634
    @imeldamediavillo8634 Před měsícem

    Thank you our loving lord st pio for all the love care and blessings in our life. Begging please heal my son of his ailments and please bless me with clear eyesight, amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Ang Diyos Ang Siyang Nagtatanod Sa Kanyang Banal Na Lunsod Amen 🙏

  • @estrellarombano4230
    @estrellarombano4230 Před měsícem +1

    Good morning MAMA MARY INA NG AWA MOTHER OF THE WAY MOTHER OF THE CHURCH. PRAY FOR ME MAMA MARY. LEAD ME MAMA MARY to your Loving Son. Amen AMEN

  • @minnierosali4551
    @minnierosali4551 Před měsícem

    Mahal na poong Padre Pio tulungan at kaawaan po ang pamilya ni Romy bigyan mo rin po ng kaluwagan sa buhay matanggap po si Macmac sa trabaho pagalingin mo po si Marivic sa kanyang sakit kaawaanpo

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM Před měsícem

    Lord, help me to find strength in Your promises and to trust in Your unfailing love.

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg Před měsícem

    Thank you 🙏 Lord for all the blessings and graces we’re receiving everyday amen pls forgive all our sins .

  • @minnierosali4551
    @minnierosali4551 Před měsícem

    Mahal na poong Padre Pio tulungan at kaawaan mo po kami bigyan mo po kami ng kaluwagan sa buhay ilayo sa anumang kapahamakan palaging gabayan lalung lalo na sina Bryan Jeff gabayan mo po sila

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Salamat po poong padre pio amen🙏🙏🙏

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Panginoong hesus padre pio salamat pp🙏🙏🙏

  • @amyg882
    @amyg882 Před měsícem

    Thank you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 Před měsícem

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏

  • @benggalang9833
    @benggalang9833 Před měsícem

    Thank you Lord for your healing. Amen❤

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 Před měsícem

    Mary & Joseph pray for us!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 Před měsícem

    Salamat sa Diyos!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @HerminiaAmper-fw7yq
    @HerminiaAmper-fw7yq Před měsícem

    MAPALAD TAYONG LAHAT MAY MGA PARI NA LAGING NAGMIMISA SA ATING LAHAT BIGYAN MO PO SILA NG GOOD HEALTH WEALTH AND PROTECTION ME TOO SORRY GOD THE FATHER SA MGA KASALANAN KO TODAY YESTERDAY AND TOMORROW FOR ALL MY LIFE GOD IS GOOD ALL THE TIME ALL THE TIME GOD IS GOOD IN JESUS NAME AMEN ❤❤❤

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 Před měsícem

    Jesus Nazarene the son of God have mercy on us, forgive us our sins, heal and protect my whole family!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 Před měsícem

    To God be all the Glory!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @belenmangiliman1031
    @belenmangiliman1031 Před měsícem

    Salamat sa Dios

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y Před měsícem

    Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Peace be with you Amen🙏🙏🙏

  • @luzvimindaluzbinas
    @luzvimindaluzbinas Před měsícem

    Salamat sa Diyos🙏

  • @Belen-uo8rc
    @Belen-uo8rc Před měsícem

    Prayers for the eternal repose of the souls of Dionesio Sr, Lucila, Diego, Encarnacion, Adolfo, Gil and all souls in purgatory! Please watch and guide us all! Amen 🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Amen po 🙏🙏🙏

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y Před měsícem

    Special intention for my healing Corazon Rivera

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Amen🙏🙏🙏❤️❤️❤️

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Pinupuri ka namin pangioong hesu kresto

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Amen🙏🙏🙏

  • @litta2043
    @litta2043 Před měsícem

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal na padre pio at lahat ng mga santo at santa narito poakong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at ngayon po ay muli kaming nagpapasalamat at kami muli ninyong ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat namin at kami muling nagising sa arawaraw at muli po kaming humihinging gabay at patnubay sa inyong lahat na kamiay gabayan para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay haplusin ninyo ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon poay mapalis ang lahat ng sakit sa aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat ay mawala ang lahat ng sakit sa akig buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal o sa buhay at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay para dito sa aking dalawang anak na sila ay gabayan sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po sila ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay muli korin inihihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na siya ay gabayan ninyo na siya ay mailayo ninyo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot ito ay hiling at dalangin sa inyo ng isang ina na nagsusumamo at nagmamakaawa sa inyo na ako ay matulungan ninyo dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mapalayo na dito sa bisyong ito na ipinagbabawal na gamot kaya po mahal na ama saiyo nalang ako nagmamakaawa at naninikluhod na sana ay maipagkaloob mo itong aking hiling at dalangin saiyo alam ko po naman na walang impossebli saiyo pag ikaw ang maygawa kaya po mahal na ama sana y dinggin mo itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat maraming marami pong salamat sa lahat ng tulong na inyong ipinagkakaloob sa amin at wala parin po akong sawang humihingi sa inyong lahat ng biyayang ipagkakaloob sa amin ang biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya

  • @belenmangiliman1031
    @belenmangiliman1031 Před měsícem

    Amen

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y Před měsícem

    Special intention for my Family Corazon Rivera

  • @solanojocelyn8038
    @solanojocelyn8038 Před měsícem

    Praying pain of my throat 🙏🙏🙏🙏

  • @gemmapunongbayan9669
    @gemmapunongbayan9669 Před měsícem

    🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Amen❤️❤️❤️🙏🙏🙏

  • @soledadabila7607
    @soledadabila7607 Před měsícem

    Amen

  • @alexanderosabelsr.8761
    @alexanderosabelsr.8761 Před měsícem

    Amen🙏🙏🙏❤️❤️