Tunay ang mga Tao ay Nasa, Pagkaligaw (Surah Al Asr) | SH ABDULRAHMAN CADERAO

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 9. 09. 2024
  • Sumumpa ang Allah sa pamamagitan ng panahon,
    (1) Ang panahon na tinutukoy dito ay ang bawa’t oras o saglit ng buhay ng tao. Nararapat bigyan ng kaukulang panahon at pahalagahan ang paggawa ng kabutihan at ang katapatan sa pagsamba sa Dakilang Allah sa lahat ng oras hanggang dumating ang sandali ng kamatayan. Sinabi ni Imam Ash-Shafi’ee tungkol sa Surah na ito na: “Kung ito lamang Surah na ito ang ipinahayag ng Allah sa Kanyang mga alipin [tao], ito ay sapat na para sa kanila.” Ito ang matibay na panunumpa na pinanindigan at ginawa ng Allah at nagbigay paliwanag na yaon lamang na mayroong tamang paniniwala [at pananalig sa Kanya] at gumagawa ng mabubuting gawain ang magkakaroon ng tagumpay. Ito rin ay nagpahiwatig ng mga patunay ng apat na paksang tinalakay sa itaas na ayat: ang Kanyang Salita na “yaon lamang na tunay na naniniwala” ay tumutukoy sa tamang kaalaman at pagkilala tungkol sa Kanya, sa Kanyang Propeta at sa relihiyong Islam. Ang “mabubuting gawain” ay tumutukoy sa pagsasakatuparan, at “nagpapayuhan sa bawa’t isa na t noanggapin ang katotohanan” ay tumutukoy sa pagpapalaganap ng kaalaman. At “nagpapayuhan [na balikatin] nang may pagtitiis ay pagpapakasakit na bunga ng pagpapalaganap at pagpapahayag ng katotohanan.” Si Ibn Kathir ay nagbigay ng magkatulad na puna ni Ash Shafi’ee sa kanyang pagbibigay paliwanag tungkol sa Surah na ito. “Kung ang mga tao ay isaalang-alang ang kahulugan ng Surah na ito, sapat na ito para sa kanila.” Si Ibn Kathir ay nagbigay ng paliwanag tungkol sa sinabi ni Ash Shafi’ee: “Sapagkat ito ay naglalaman ng buod ng katangian ng paksang tinatalakay nito.”

Komentáře •