ESTADO (Sabayang Pagbigkas)

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 10. 09. 2024
  • "ESTADO"
    (PANGKALAHATAN)
    (1) Estudyante(3x), karaniwan na salitang naririnig, subalit ang hirap ay hindi maipahiwatig
    (2) Sakripisyo, kwento di mabilang tila’y nakakaantig, mga karangalang nais makamit, NGUNIT kapalit ay luha't hinagpis.
    (3) Pinagdaraanang salungat sa katayuan, hamok nito'y kung saan ang patutunguhan.
    (4) Huhupa ba itong pigapit sa gitna ng pagtikahan? kanilang bukas ba’y may kahihinatnan o pawang imahinasyon lamang?
    (MAHIHIRAP)
    (5) Mata’y nakapikit sa daang tatahakin, hindi sigurado basta't susubukin
    (6) Kahirapan ang balakid? Ngunit mali, ito’y laban sa pagitan ng sarili at kapaligiran
    (7) Naghi-hi-kahos ipasan ang lubak na hikapin
    (8) Walang armas, dugo't pawis lamang ang tatagas para sa magandang bukas
    (MAYAMAN)
    (9) Walang pag-aalala ang nakaukit sa mga mata, at tila ang kwarta'y 'di alintana
    (10) Bilang tagapangasiwa ng ari-arian, kailangang sundin ang habilin ng angkan
    (11) Tanging ina, inaasam ay tagumpay, upang hindi madungisan ang dalang ngalan
    (12) Pagpursigi ng kagustuhan, hindi inuuna ang sariling kalayawan.
    (SAGUTAN)
    (13) Perpektong buhay ay ipinagkait, marangyang pamumuhay ay sinasapit. (mahihirap)
    Marangyang pamumuhay ay sinasapit. (mayayaman)
    Marahil sa kahirapan! O sa karangyaan!
    Ang minimithi 'di makamtan. (ALL)
    (14) Sabi nila na sipag at tiyaga ang sagot?
    (15) Sambit nila may kalayaang pumili?
    (16) Ngayo'y nasa estadong ito, palihis na tatahakin ang salawahang liko
    (KATAPUSAN)
    (17) Binanga ang nakaharang na bundok, taas noong hinarap ang pagsubok
    (18) Sarili’y nilabanan, tiniklop itong takot na naramdaman
    (19) Sa lahat ng dugo at pawis na inalay,
    (20) Taas kamay na sasambitin “ako ay nagtagumpay!
    ---------
    #sabayangpagbigkas #FILDIS #groupperformance #malayangpilipino #malayangtaludturan #speechchoir #mahirap #mayaman #mahirap
    #estado #drama #performance #champion #groupwork #tagumpay

Komentáře •