AKLAT NG MANGANGARAL

Sdílet
Vložit
  • čas přidán 9. 03. 2021
  • #AklatNgMangangaral
    AKLAT NG MANGANGARAL
    MANGANGARAL 1
    Walang Kabuluhan ang Lahat
    Ito ang sinabi ng mangangaral na anak ni David na hari ng Jerusalem:
    Walang kabuluhan! Walang kabuluhan ang lahat! Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito? 4Lumilipas ang isang henerasyon at napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago. 5Sumisikat ang araw at pagkatapos ay lumulubog; pabalik-balik lang sa kanyang pinanggalingan.
    MANGANGARAL 2
    Ang Kasayahan ay Walang Kabuluhan
    Sinubukan kong magpakasaya sa mga layaw ng buhay. Pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Kamangmangan ang sobrang pagtawa at ang pagpapakasaya ay wala ring kabuluhan.
    MANGANGARAL 3
    May Kanya-kanyang Oras ang Lahat
    1May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:
    2May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan;
    may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.
    3May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling;
    may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo.
    4May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa;
    may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.
    5May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito;
    may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay.
    6May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap;
    may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon.
    7May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi;
    may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita.
    8May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit;
    may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.
    9 Kung ang mga oras na ito ay itinakda na ng Dios, ano ngayon ang kabuluhan ng pagsisikap ng tao? 10Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao. 11At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
    MANGANGARAL 4
    Nakita ko ulit ang mga pang-aapi rito sa mundo. Umiiyak ang mga inaapi, pero walang tumutulong sa kanila dahil makapangyarihan ang mga umaapi sa kanila.
    MANGANGARAL 5
    Huwag Pabigla-bigla sa Pangako
    Mag-ingat ka sa ikikilos mo kung pupunta ka sa templo ng Dios. Mas mabuting pumunta ka roon na handang sumunod sa Dios, kaysa sa maghandog na gaya ng paghahandog ng isang mangmang na hindi alam kung ano ang mabuti at masama.
    MANGANGARAL 6
    May nakita pa akong isang hindi magandang pangyayari rito sa mundo na nagpapahirap sa mga tao.
    MANGANGARAL 7
    Ang mga Paalala sa Buhay
    Ang malinis na pangalan ay mas mabuti kaysa sa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay mas mabuti kaysa sa araw ng kapanganakan.
    MANGANGARAL 8
    Walang katulad ang taong marunong na kayang magpaliwanag ng mga bagay. Ang karunungan ng taoʼy nakapagpapasaya ng mukha, at ang simangot ay nawawala.
    Sundin ang Hari
    Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Dios na gagawin mo ito. Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasama sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya, dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya. Makapangyarihan ang utos ng hari at walang makakatutol dito. Ang sinumang sumusunod sa kanyang utos ay hindi mapapahamak.
    MANGANGARAL 9
    Inisip kong mabuti ang lahat ng bagay at nalaman kong nasa patnubay ng Dios ang matutuwid at marurunong, pati na ang kanilang mga ginagawa. Pero hindi nila alam kung ang kasasapitan ba nila ay pag-ibig o poot.
    MANGANGARAL 10
    Kung paanong napapabaho ng isang patay na langaw ang isang boteng pabango, ganoon din ang kaunting kamangmangan, nakakasira ng karunungan at karangalan.
    MANGANGARAL 11
    Ang Gawain ng Taong Marunong
    Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka. Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo, dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo.
    MANGANGARAL 12
    Alalahanin mo ang lumikha sa iyo habang bata ka pa at bago dumating ang panahon ng kahirapan at masabi mong, “Hindi ako masaya sa buhay ko.”

Komentáře • 40

  • @agnerdelantar1588
    @agnerdelantar1588 Před 2 lety +8

    nakakalungkot man isipin na wala talagang kabuluhan lahat ng ginawa natin kailangan tanggapin at tiisin dahil ganito talaga ang buhay natin, kaya ang importante sundin natin ang mga utos ng diyos para sa panahun ng kanyang paghatol sa lahat tayo ay makabilang sa kanyang kaharian wagtayong magpakasasa! sa kasiyahan dahil mapaparusaan tayo, samantala yung kanyang mga lingkod ay naghihirap at dumaranas ng kapighatian ngunit nagtitiis sila! tapus tayo magpapakasasa lang sa kasiyahan, kaya dapat lang na makibahagi tayo sa paghihirap noon ni cristo tulad ng kanyang mga hinirang at mga lingkod ngayun habang nabubuhay tayo, magtiis tayo ng kapighatian dahil doon natutuwa ang diyos dahil naglilingkod tayo sa kanya kaya papasukin tayo segurado sa kanyang kaharian tulad nga ng sinabi ng kanyang anak na si Jesus cristo, kahabag habag kayong mga nagsisitawa ngayun sapagkat kayoy magsisitangis, at mapalad kayong mga nagsisitangis ngayun dahil kayoy magsisilundag sa saya sa aking kaharian, kaya magtiis tayo sa lungkot sa lahat ng panahun 🙂

  • @Johnkick45
    @Johnkick45 Před rokem +3

    Praise God 🙏

  • @Zerothegreathusky
    @Zerothegreathusky Před rokem +2

    Lagi ko po itong pinakikinggan

  • @deanpastrana8454
    @deanpastrana8454 Před 2 lety +3

    Word of Jesus Christ girf for all of Us Amen..

  • @rebeccanoble1126
    @rebeccanoble1126 Před 3 lety +2

    Thank you po sa channel nato.. hallelujah

  • @user-ch1sb4dm1l
    @user-ch1sb4dm1l Před rokem

    Hindi lahat ng mabibilis ay nananalo sa takbohan,salamat po and God bless to all!

  • @lovelylotto8757
    @lovelylotto8757 Před 3 lety +6

    Sa uplouder lagi po akong nakikinig sa bible reading nyo, big help po ito sa akin, maraming maraming salamat po sa iyo, God Bless you po.

  • @Ajaytarfer
    @Ajaytarfer Před 2 lety +3

    Galing talaga pag salita ng dios

  • @joyrabor6316
    @joyrabor6316 Před 2 lety +3

    thank u po sa pag upload God is really enligthen us through his word

  • @cecillepeleno8007
    @cecillepeleno8007 Před rokem +1

    Ang Aklat ng:
    Mangangaral ay:
    Puno ng Karunungan At katanungan,,
    Na puro nigatibo ang KASAGUTAN,, na nagpapakita na nasa DIYOS ang:!!
    MASAYANG KASAGUTAN,!!
    Tayo ay Nabuhay SA UNANG DAIGDIG na Ginunaw SA BAHA,,
    Tayo ay binigyan ng:
    Pagkakataon,!!
    SA Pangalawang DAIGDIG,,
    Upang maka balik SA DIYOS na lumikha SA Atin,!!
    TANDAAN,!!
    Walo katao Lang ang na ligtas,,!!
    Ang tanong???
    Nasaan ang ibang taong nilikha niya,,??
    Brother,,
    Bigyan mo ng KASAGUTAN ang katanungan iyan,!!
    GOD BLESS,!!

  • @jacobrosal9444
    @jacobrosal9444 Před rokem +1

    Amen

  • @user-zy4ro9ov1h
    @user-zy4ro9ov1h Před 4 měsíci

    Amen ❤❤❤

  • @joycecajuigandelima3521
    @joycecajuigandelima3521 Před měsícem

    ❤❤❤

  • @FelixBuenaflor
    @FelixBuenaflor Před 5 měsíci

    Amen🙏🙏🙏

  • @romeocastro8913
    @romeocastro8913 Před 5 měsíci

    God bless po

  • @rizablearv2936
    @rizablearv2936 Před 2 lety +3

    Salamat sa Diyos,🙏

  • @rodolfooccida1088
    @rodolfooccida1088 Před 3 lety +1

    Salamat po!

  • @angelanchores1791
    @angelanchores1791 Před rokem +1

    Wla pnkmgnda kngdi Yung nkktpad Ng tungkulin hndi mtutumbasan ang ksyahan .

  • @orlandolacap157
    @orlandolacap157 Před 2 lety +1

    Amen...praise the lord...

  • @madelinedirecto101
    @madelinedirecto101 Před rokem +1

    salamat po and God bless to all!

  • @macmendoza8266
    @macmendoza8266 Před 3 měsíci

    Dahil makulit den se faith ayaw umowe sa piling ko at niloko lang ako...

  • @joylakandula7412
    @joylakandula7412 Před 3 lety +2

    thank you po

  • @boyakzksa7379
    @boyakzksa7379 Před 2 lety +2

    Thanks

  • @melodycomahuang6496
    @melodycomahuang6496 Před 2 lety +2

    Praise the Lord Hallelujah Amen 🙏

  • @reynaldotuazon3571
    @reynaldotuazon3571 Před 3 lety +2

    Nice po ang salita ng diyos

  • @bonifaciosimacas9260
    @bonifaciosimacas9260 Před 2 lety +1

    Salamat sa Panginoon na napaoakinggan

  • @franciscobitong1069
    @franciscobitong1069 Před 3 lety +2

    Godess po sa channel nyo, Praise the Lord. Hossana in the Highest Amen.

  • @spike2174
    @spike2174 Před 3 lety +3

    Praise the Lord.

  • @zacariasbela-ongjr.9401

    Kapatid na R S,Alin Po ba Ang kinalulugoran nang Dios, yaung Nagmamayaman,na mtapubri. o, yaung mahirap lang Ang Pamumuhay,na parihas kung lumaban sa Buhay?

  • @yojyojkasiyahan5346
    @yojyojkasiyahan5346 Před 2 lety +1

    Thank u lord

  • @Merrytoni
    @Merrytoni Před 7 měsíci +1

    Sobra namng commercialized

  • @user-ou8ie4rk8y
    @user-ou8ie4rk8y Před 8 měsíci

    putan 8nan ads yan

    • @Caymanvavoom
      @Caymanvavoom Před 11 dny

      😂😂😂😂😂 magpremium ka kasi para walang ads!!!!

  • @goodday29994
    @goodday29994 Před měsícem

    Yeshua not Lord. Mx

    • @ReadScripture
      @ReadScripture  Před měsícem

      Pareho nating sampalatayan
      Desame po iyan.
      Acts 4:12 name Jesus - yeshua - Hesus
      Psalmo 110 Lord
      NLV Psalms 110:1:
      "The Lord says to my Lord, "Sit at My right side, for those who hate You will be a place to rest Your feet.""
      OJB Acts 4:12:
      ""And there is no Yeshu’at Eloheinu in any other, for there is no other Shem under Shomayim that has been given among Bnei Adam, by which it is necessary for you to be spared.""
      Huwag po kayo maniwala sa ibang nangangaral
      Mag basa po tayo ng kasulatan.

  • @saudiman2131
    @saudiman2131 Před rokem +1

    ☝️🙏💙🇵🇭🇸🇦🇵🇭💙🙏☝️Pilipinas GOD First ☝️🙏💙🇵🇭🇸🇦🇵🇭💙🙏☝️

  • @macmendoza8266
    @macmendoza8266 Před 3 měsíci

    Dahil makulit den se faith ayaw umowe sa piling ko at niloko lang ako...

  • @rubenacabado7912
    @rubenacabado7912 Před rokem +2

    Amen💓🙌